knowt logo

Jose Rizal (1st Quarter 10th Grade)

Filipino 10

I. Batas Republika Blg. 1425 (Republic Act 1425 - Rizal Law)

  • June 12, 1956 (Proposed) -> August 16, 1956 (Approved)

  • Orihinal na bersyon ay akda ni Claro M. Recto

  • Pinalitan ni Sen. Jose P. Laurel Sr. at ito ang naging Rizal Law

  • Pagpapatupad

Tutol;

  • Nilabag ang kalayaan sa pagpili ng relihiyon

  • Nakalipas na ang Noli at Fili, di na dapat pag-aralan pa

  • May 120 pahayag daw sa Noli laban sa Simbahang Katoliko

Sang-ayon;

  • Pagpapalaganap ng nasyonalismo ang layunin

  • Hindi pa nalulutas ang mga suliraning tinalakay sa nobela

Probisyon

  • Pagsasama sa kurikulum ng lahat ng paaralang (pribado at

  • publiko) tungkol sa buhay at mga sinulat ni Dr. Rizal (Noli & El Fili)

  • Pagpapalimbag at libreng pamamahagi ng mga orihinal at mga salin ng mga akdang ito.

  • Pagpapanatili at pagpapalawak ng koleksyong Rizaliana sa mga aklatan sa bawat paaralan sa bansa

II-A. Talambuhay ni Rizal

  • Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonso Realonda

  • Hunyo 19 (Pinanganak; Calamba, Laguna) & 22 (Binyag; Rufino Collantes)

  • Magulang

  1. Francisco Mercado Rizal (May 11, 1818 - Jan 5, 1898) = 80 yrs old

  2. Teodora Alonzo Realonda (Nov 8, 1826 - Aug 16, 1911) = 85 yrs old

  • Kapatid (7th - Rizal)

Saturnina

Paciano

Narcisa

Olympia

Lucia

Maria

Concepcion

Josefa

Trinidad

Soledad

  • Edukasyon

1870 - Biñan, Laguna (Lumipat at tumira sa mga angkan ng ina)

1871 - Kinulong ina (akusadong naglason kay Teodora Formoso)

1872 - GomBurZa, Colegio De San Juan De Letran, Ateneo De Municipal De Manila

1873 - Dormitoryo sa Intramuros kay Doña Pepay

1874 - Pagbasa ng Konde ng Monte Kristo ni Alexander Dumas, Pagsulat ng Mi Primera Inspiracion, Pinalaya ang ina

1875 - Fr Francisco Sanchez ang paboritong guro sa Ateneo

1877 - Sobresaliente sa Ateneo, Pilosopiya at Letra kinuha sa UST

1878 - Kinuha rin ang Medisina

1879 - Sinulat ang A La Juventud Filipina

1880 - Nilikha ang El Consejo Delos Dioses

1882 - Umalis sa UST; galit sa mga propesor (inhustisya), Umalis sa bansa at pumasok sa Unibersidad Central De Madrid

1884 - Tapos ang Medisina

1885 - Tapos ang Pilosopiya

  • Pagibig

Segunda Katigbak (Sa UST, “Puppy Love”, Kapatid ng Kaibigan)

Margarita Almeda-Gomez

Leonor Rivera (Maria Clara, “True Love”, Magpinsan)

Leonor Valenzuela

Suzanne Jacoby

Gertrude Beckett

Nelly & Adelina Boustead (“Pinangarap”, Tutol sa Relihiyon)

O-Sei-San

Consuelo Ortiga Y Perez

Josephine Bracken (Sa Dapitan, “Asawa - Huling Pag ibig”)

II-B. Buhay Sa Dapitan

Hunyo 26, 1892 - Rizal dumating sa Pilipinas mula Hongkong

  • Hulyo 15, 1892 - Rizal dumating sa Dapitan

  • Hulyo 31, 1896 - Rizal umalis sa Dapitan; maging manggagamot sa cuba

  • Ricardo Carcinero (Bantay Ni Rizal)

  • Sabay kumain, malaya, magpakita ng isang beses bawat linggo

  • Nanalo sa lotto silang magkakaibigan (P20 000)

P6200 hati ni Rizal

2000 - Sa ama

200 - Jose Basa

Natira - Pinangbili ng lupa sa Talisay

  • Lupa Sa Talisay

70 hektarya

Abaka, niyog, punong kahoy, tubo, mais, kape at cocoa.

Modernong mga gamit mula sa Estados Unidos (USA)

  • Mga Proyektong Pangkomunidad

Sistemang pantubig para sa bawat bahay sa Dapitan

Paglilinis ng mga latian upang mawala ang malaria

Paglalagay ng mga pailaw

Mapa ng Mindanao (Landscape Art)

Pagtayo ng paaralan;

(Libre pero kailangan tulungan si Rizal sa kanyang proyekto

Magbasa, magsulat, iba’t ibang wika, heograpiya, kasaysayan, matematika at ang kagandahang-asal at pampalakasan

Wikang Kastila at Ingles ang ginagamit)

Pagtayo ng klinika

(Libre ang mahirap, kailangan magbayad ang mayaman tulad nina; Don Ignacio Tumarong (Ingles) & Don Florencio Azacarraga)

II-C. Ang Pagsasakdal At Pagpatay

  • Mga Kasong Akusado

Sedisyon

Rebelyon

Konspirasyon

  • Mga Petsa

Nobyembre 3, 1896

Ikinulong sa Fort Santiago

Disyembre 28, 1896

Hinatulan ng Kamatayan ni Gob. Hen. Camilo De Polavieja

Disyembre 30, 1896

Binaril sa Bagumbayan (Luneta)

Disyembre 30, 1912

Inilipat ang kanyang labi sa Luneta Park

III. Kasaysayan ng El Filibusterismo

  • Ikalawang (2nd) obra maestra at karugtong ng Noli Me Tangere

  • Galing sa salita na Filibustero; mga taong kritiko, taksil at laban sa mga prayle, Simbahang Katolika at Pamahalaan.

  • Ang Timeline

Marso 1887 - Pagtapos ng Noli

Agosto 1887 - Nakasama ni Rizal muli ang kanyang pamilya

Pebrero 1888 - Payo ni Gob. Hen. Emilio Terrero; Rizal exiled

1890 - Simula ng pagsulat El Fili sa London

Planado na ang kwento mula ng mga huling buwan ng 1884 at unang buwan ng 1885. Habang sinusulat pa niya ang Noli. Ayon ito kay Maria Odulio De Guzman.

Habang Sinusulat - Lumipat sa Brussels, Belgium kasama si Jose Alejandrino

Marso 29, 1891 - Natapos sa Ghent, Belgium

  • Mga Suliranin

Pagkulang ng pondo at panlalapi

Si Leonor Rivera ay pinakasal sa iba

Kita ito sa El Fili sa nagtalusira si Paulita sa katipang si Isagani at nagpakasal kay Juanito.

Ang kanyang pamilya ay inusig sa lupa at mga maling parata

Kita ito sa El Fili sa Kabesang Tales

Ang paglayo ng mga kasamahan ni Rizal sa kanya sa La Solidaridad

Pagkawala ng pagkakaisa ng mga Pilipinong ilustrado sa Espanya

Mga Importanteng Tao kay Rizal

  • Ferdinand Blumentritt (Czech Republic)

Ipinakilala sa mga kilalang intelektwal at iskolar sa Europa.

Tagapayo, tagapagtanggol, at tagasuporta ni Rizal.

  • Jose Alejandro (Belgium)

Isang manggagawa sa editoryal ng La Solidaridad

Ipinadala ang manuskrito ng El Fili sa pagpapa printa

  • Valentin Ventura (Paris)

Gumastos para sa paglilimbag ng nobela - Setyembre 1891

Nakakuha ng isang kopya at ng orihinal na manuskrito

  • Maximo Viola

Tagapondo sa Noli Me Tangere

  • Jose Basa

Pangunahing tagapamahagi (distributor) ng akda ni Rizal

IV. El Filibusterismo Buod & Mga Detalye (Kabanata 1-3)

Tauhan

Padre sibyla - (Bise-rektor ng UST)

Simoun - (Mag−aalahas na kaibigan ng Kapitan Heneral. Iginagalang dahil sa yaman at kapangyarihan)

Ben Zayb - (Manunulat sa pahayagan)

Don custodio - (Tanungan at opisyal na tagapayo ng Kapitan Heneral)

Padre salvi - (Pransiskano na may pagtingin kay Maria Clara)

Aral

Denotasyon - (Diksyunaryo) (literal - pandama)

Konotasyon - (simbolismo, pahiwatig, imahinasyon)

  • Itaas ng kubyerta

Nakasuot pang-Europeo

mga prayle

mga opisyal ng pamahalaan

  • Ibaba ng kubyerta

Indio, Instsik, at Mestiso

kulay kayumanggi at maitim ang buhok

Paglalantad ng katotohanan (Kabanata 1-3)

  • Kab. 1: Sa Kubyerta (Palapag ng barko)

Paghahambing ng Bapor Tabo sa Pamahalaan
  • May 2 lugar ng tao - diskriminasyon

    Hindi pantay-pantay na pagtrato sa mga mamamayan.

  • Ginagamitan ng makina at tikin - walang pag-unlad

    Kahinaan sa pagdedesisyon ng pamahalaan.

  • Bilog na anyo - Walang malinaw na plano ng pamamalakad

    Walang malinaw na plano sapagkat pansariling interes ang pokus.

  • Pakulapol na pinturang puti - Walang katarungang pagpatay at pagpapabilanggo

    Nangingibabaw ang katiwalian at pagpapatahimik sa mga taong magiging sagabal sa kanilang plano.

Matutunghayan natin sa unang kabanata na bawat bahagi ng Bapor Tabo ay binigyan ni Dr. Rizal ng konotasyong paglalarawan na direktang patama sa pamahalaan.

  • Diskriminasyon

Pagkakaroon ng 2 lugar ng mga tao ang itaas at ilalim ng kubyerta

  • Mas binibigyang halaga ang mga kastila, mayayaman at prayle

  • Talakayan

Ang mga sumusunod ay nagpapahiwatig ng mabagal na pagtakbo ng bapor tabo MALIBAN SA ISA

A. Mabagal na pag-unlad ng pamahalaan

B. Kahinaan ng Pamahalaan

C. Mabagal na pag-unlad ng simbahan

  • Mabagal na paglalakbay ng Bapor Tabo

Kahinaan ng pamahalaan

Walang pag−unlad

Hindi nakausad sa loob ng 300 taong pamumuno sa Pilipinas.

  • Bilog na anyo

Walang malinaw na plano ng pamamalakad

Ano ang ibig-sabihin ni Rizal sa kaniyang paglapat ng “Pakulapol na pinturang puti”?

A. Marumi ang paraan ng trabaho ng mga manggagawa

C. Mahina ang pamamahala ng pamahalaan

B. Karumihan at karahasan ng pamahalaan

  • Pakulapol na pinturang puti

Karumihan at karahasan

Ano ang pinagtaluhan nina Don Custodio at Simoun habang nasa Bapor?

A. kung paano magtatrabaho nang walang bayad ang mamamayan

C. Mahina ang pamamahala ng pamahalaan

B. kung paano mapauunlad ang pag-usad ng Bapor Tabo

  • Don Custodio - mag-alaga ng itik

  • Donya Victorina - mananagana o dadami

    (Balot)

El filibusterismo Kabanata 1 - 3

  • Kabanata 1 - Sa Kubyerta

    (Refer to the notes from earlier)

  • Kabanata 2 - Sa ilalim ng kubyerta

Tauhan
  • Basilio

    Kaibigan ni Isagani

    nag-aaral sa Ateneo de Municipal

    mag-aaral sa Medisina

  • Isagani

    mas bata kaysa Basilio

    Makatang nagtapos sa Ateneo

    Mataas at Mataba

  • Kapitan Basilio

    matandang kausap nina

    Basilio

    tatay ni Sinang na

    kaibigan ni Maria Clara

    Hindi maisasakatuparan

  • Kalagayan ni kapitan tiyago

    Ayaw magpagamot

    Padre Irene

    Paghithit ng Apyan

Pinag−usapan

Akademya ng Wikang Kastila
  • Padre Irene- niregaluhan na nila ng

kabayo papunta na siya sa Los Bańos

upang kausapin ang Kap. Heneral na

payagan ang paaralan.

  • Padre Sibyla= makikipagkita rin sa

Kap. Heneral upang tutulan ang

paaralan.

  • Mga dapat pang isipin bago magtayo ng Akademya

salaping gugugulin

nag-ambag ng sikapat-labindalawang sentimo

magtuturo=

kalahati Pilipino at kalahati Kastila

Paaralan

nag-alok si Macaraig ng kanyang mga bahay

Ang katotohanang inilantad sa kabanata 2

Kailan magiging malawak na karagatan ang tubig?

“Kapag pinainit ng apoy; sa sandaling ang mumunting ilog na watak-watak ay magkakasama-sama sa kailalimang hinuhukay ng tao.”

“Ang makina’y hahanapin pa.”

Ipinahihiwatig nito ang paghanga niya sa binata.

matapang at nakikipaglaban para sa karangalan ng kaniyang bayan.

Kabanata 3: Mga Alamat

  • Malapad na Bato= Kapitan ng Barko

    ngunit nang dumating ang mga tulisan/rebelde tuluyang nawala ang kasagraduhan nito

    (noon pa man, may

    ipinagmamalaki na

    tayong pamumuhay,

    kultura, at paniniwala.

    Ito’y minana pa natin sa

    ating mga ninuno.

    ngunit nang dumating

    ang mga tulisan na

    tumutukoy sa mga

    kastila, tuluyang nawala

    ang kasagraduhan ng

    ating kultura at pinalitan

    ito ng kulturang dala-dala

    ng mga mananakop.)

  • Donya Geronima= Padre Florentino

    Itinira sa kweba

    di- pinakasalan

    iniwanan

    namatay na nag-iisa

    kapayapaan

    pakikipagkaibigan

    kasaganahan

    kinalimutan, inalipin, at

    isinantabi na lamang

    tayo, ginamit ang Espada

    (Karahasan) upang tayo’y

    matakot at sumunod sa

    kanila.

  • Alamat ni San Nicolas= Padre Salvi

    Intsik na hindi katoliko

    Ngunit nailigtas mula sa demonyong nag-anyong buwaya

    nagdasal at naging mabuting tao

    (Ang paggamit ng Relihiyon upang kontrolin ang mga Pilipino.)

    (Pananakop, pananakot, at pagkontrol ang

    umiral noong panahon ng mga kastila.)

Kabanata 4-8 ng El Filibusterismo

  • Mga Tauhaan (Per Kabanata)

  1. Si Kabesang Tales

    Ama ni Juli

    Anak ni

    Tandang

    Selo

    kinamkam

    ang lupain

    Ginipit ang

    Pamilya

  2. Basilio

    kasintahan

    ni Juli

    Mag-aaral

    ng

    Medisina

    may mapait

    na

    nakaraan

  3. Sinong

    Isang

    kutsero

    Pinarusahan

    ng gwardya

    sibil

  4. Simoun

    Dating si

    Ibarra

    bumalik

    upang

    maghiganti

  5. Juli/Huli

    kasintahan

    ni Basilio

    Anak ni

    Kabesang

    Tales

    nagpaalila

    kay

    Hermana

    Penchang

  6. Ano ang kapansin-pansin

    sa mga tauhang ito?

    Lahat sila ay maliliit na

    bahagi ng lipunan. Pawang

    mga biktima at apektado ng

    maling pamamahala ng mga

    namumunong kastila

Kabanata 4: Kabesang Tales

Si Tandang Selo na siyang umampon kay Basilion noong ito ay bata pa ay matanda na. Dahil pumuti na ang kanyang buhok, hindi na siya nangangahoy. Ngayon ay gumagawa na lamang siya ng walis bilang aliwan. Si Kabesang Tales, anak ni Tandang Selo ay isa nang kabesa de barangay. Yumaman siya dahil sa sipag at tiyaga. Siya ang nangongolekta ng buwis sa kanilang baranagay at kung hindi makabayad ang ilan ay kanyang inaabonohan. Inisip niyang pag-aralinn na sa kolehiyo si Huli upang mapantay kay Basilio na kasintahan nito. Dahil ang bukid ay umunlad ito ay inangkin ng mga prayle. Pinabuwis si Kabesang Tales at tinataasan buwis. Di na nakaya ni Tales kung kaya’y lumaban siya bitbit ang pananalig na may katarungan subalit mailap ito sa kanya. Nang umabot na sa dalawang daana ng buwis sa lupa ay hindi na nakuntento sa pagbubuntung-hininga at pagkamot ng ulo si Tales. Tumutol at nagreklamo. Sa galit dahil sa pagbabanta ng mga prayle na nagpipilit ng kanilang kapangyarihan sa anumang paraan dahil sa naroroon ang iba pang magsasaka,si Kabesang Tales ay naghimagsik. Tumanggi siyan g magbayad ng kahit na isang pera. At matigas na nagsabing ipagkaloob niya lamang ang kanyang lupain sa unang lalaking didilig ng dugo nito.

Ipinapakita ng mga prayle ang kanilang titulo sa lupa. Hindi ibinayad ng kapalit ang anak. Ito ay binungkay at tinamnan ang lupa, namatay at nalibing ang asawa’t anak na si Lucia sa mismong lupa . Kung kaya’y hindi niya mabibigay ang lupa. Tinanuran ni Kabesang tales ang kanyang bukid. Lagi siyang may dalang baril, gulok, at palakol. Sa huli ay na huli si Kabesang Tales sa mga kamay ng mga tulisan at ipinatubos.Isinanla ni Huli ang kanyang mga hiyas liban sa isang agnos na bigay sa kanya ni Basilio. Hindi rin nakasapat ang panuobos. Ipinasyang mangutang kay Hermanang Penchang at maglingkod dito bilang utusan. Noon ay bisperas ng Pasko at kinabikasan, araw ng pasko ay maglilingkod na siyang alila. Masalimuot ang naging panaginip ni Huli nang gabing iyon.

MGA TAUHAN

Pangunahing Tauhan

  • Tandang Selo ay ang ama ni Kabesang Tales. Siya rin ang kumalinga sa batang si Basilio sa gubat noong tumakas siya mula sa mga guwardiya sibil sa Noli Me Tangere.

  • Si Kabesang Tales ay ay ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka sa inaangkin ng mga prayle.

  • Ang mga prayle ang siyang umangkin sa lupaing pinaghirapan ng pamilya ni Kabesang Tales

  • Si Hermana Penchang ay isang masimbahing manang at siya ay naging amo ni Juli.

Si Hermana Bali ay ang nagpayo kay Juli na magpaaalipin nang kapusin sa pananalapi ang amang si Tales.

MGA TALASALITAAN NA MAKIKITA SA KABANATA 4
  • Aluin – pasayahin

  • Dahok – binungkal na kaunting lupa

  • Giting – tapang

  • Magtimpi – magpigil

  • Saplot – suot

  • Bikbi – tahimik

  • Nanunumbat – naninisi

Kabanata 5: Noche Buena ng Isang Kutsero

Lumilibot na ang prusisyong pang-Noche Buena nang dumating si Basilio sa San Diego. Naantala siya nang maraming oras dahil pinigil ng mga gwardya sibil ang kutsero na walang dalang sedula, kinulata pa ito at iniharap sa komandante sa kwartel.

Huminto na naman ang karomata, nag-alis ng sumbrero ang kutsero bilang paggalang, saka nagdasal ng isang Ama Namin sa harap ng dumaraang santo isang napakatandang lalaking may mahabang balbas na ang ngala’ y Matusalem at tinatawag sa Europa na Noel.

“Sa panahon ng mga santo, tiyak na walang gwardya sibil,” bulong ng kutsero. “Hindi mabubuhay nang matagal ang mga ito dahil sa palo ng kulata ng baril.”

Pinuna pa ng kutsero ang dumaraang Tatlong Haring Mago na nangakasakay sa mga kabayo. Wala nga raw sigurong gwardya sibil noon dahil tiyak na ikukulong ng mga ito ang negrong si Melchor na nangahas pumagitan sa dalawang puting sina Gaspar at Baltasar. Ibinalita pa ng kutsero kay Basilio na umano y malapit nang makawala ang kanang paa ng Hari ng mga Indio na si Bernardo Carpio sa pagkakaipit nito sa pagitan ng dalawang bundok ng Montalban.

“Kapag tuluyan na siyang nakalaya, ibibigay ko sa kanya ang aking kabayo, magiging tagasunod niya ako, papatay ako at palalayain tayo sa mga gwardya sibil!” pigil ang hiningang napausal ang kutsero.

Nawili ang kutsero sa panonood ng prusisyon at hindi nito napansing patay ang ilawan ng karomata. Napansin iyon ng isang gwardya sibil kaya inulan ng katakut-takot na mura ang kutsero. Dahil alam ni Basilio na pipigilin na naman ito, mahinahon siyang bumaba ng sasakyan at naglakad na lamang, bitbit ang kanyang maleta.

Malungkot at di-gaanong mailaw ang mga bahay na kangina’y naraanan ng karomata.

Nagpatingkad iyon ng pakiramdam niyang wala na siyang kamag-anak sa bayan ng San Diego. At tila ang bahay na lamang ni Kapitan Basilio ang natatanging masaya. Nakita ni Basilio si Sinang ang sa entreswelo ng bahay, pandak pa rin, ngunit tumaba at bumilog sapul nang mag-asawa.

Namangha rin siya nang makitang kausap ni Kapitan Basilio, ang kura, at ng alperes si Simoun na nakasalaming asul at tila walang inaalala.

Naririnig ni Basilio ang pinag-uusapan ng apat-ang pagpunta ng mga ito sa Tiani upang tingnan ang mga alahas ni Simoun, ang di pagtanggap ng kapitan sa bayad ng alperes para sa bilin nitong kadena ng relo dahil regalo niya na raw iyon sa militar; sa totoo, ayaw na nitong ligaligin pa ng mga gwardya sibil ang kanyang mga manggagawa.

“Isang pares na hikaw ang gusto,” sabi ng kura. “Ang gusto ko’y ‘yung mahusay… at saka na tayo magkwenta.”

Si Kapitan Basilio ang pinagbilinan ng kura; gaano na lang ang halaga ng hikaw gayong sa isang masamang ulat lamang nito’ y maaaring ibayo ang maaaring magasta ng may-ari ng bahay. Puring-puri naman ni Simoun ang mga inilalako nitong alahas.

Naisip ni Basilio na kahanga-hanga si Simoun dahil nakapagnenegosyo ito kahit saan. Binibili nito sa kalahating halaga ang mga alahas at ipinagbibili naman nito bilang panregalo. “Nagkakapera ang lahat sa bayang ito, liban lang sa amin!”

Nagtungo na si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago na tinitirhan ng isang katiwalang malaki ang paggalang sa kanya. Nakita nito ang pag-oopera niya nang mahinahon, parang pagtistis lamang sa isang manok. Ibinalita nitong dalawang manggagawa ng kapitan ang nakabilanggo at ang isa pa’y nakatakdang ipatapon. May namatay pang isang kalabaw.

Ikinainis ni Basilio ang mga lumang balitang iyon. At pilit nag-isip ng kung ano ang bagong sasabihin ng katiwala.

“Namatay ang ating isang kasamá na nag-aalaga ng gubat at ayaw itong ipalibing ng kura bilang isang mahirap dahil mayaman naman daw ang amo nito.”

Sa katandan namatay ang bantay gubat at hindi lyon nakasiya kay Basilio. Itinanong niya kung ano ang balita mula sa Sagpang. Isinalaysay ng matanda ang pagkakadukot kay Kabesang Tales. Hindi kumibo si Basilio, lungkot na lungkot.

Kabanata 6: Si Basilio

Inihudyat ng mga kampana ang misa sa hatinggabi nang palihim na nagtungo si Basilio sa gubat ng mga Ibarra na ngayo’y pag-aari na ni Kapitan Tiago. Paliit na ang buwan, ngunit hindi nakahadlang ang dilim upang marating niya ang luma’t sira-sirang moog na may isang malaking balete sa gitna nito. Huminto siya sa tapat ng isang bunton ng mga bato, nag-alis ng sumbrero, at umusal ng dasal. Doon nakalibing ang kanyang ina.

Naupo siya sa isang tipak na bato roon, natigilan at mayamaya pa’y nalunod siya ng gunita, may labintatlong taon na ang nakalilipas nang pumanaw ang kanyang ina sa lugar na iyon. Duguan, papilay-pilay niyang nasundan ito sa libingan ng mga Ibarra, baliw na wari’y tinatakasan siya, ngunit bago nalagutan ng hininga, nakilala’t nayakap siya nito. Masayang araw ng Pasko noon at nagniningning ang buwan nang gabing iyon.

Isang sugatang lalaki ang dumating, pinagtipon siya ng tuyong mga sanga ng kahoy para gawingsiga; nangsiya’ y magbalik, isa pang lalaki ang dinatnan niya, nagpatulong sa pagpapaapoy ng isang siga at sinunog nila roon ang bangkay ng lalaking unang dumating. Saka tinulungan siya nitong ilibing ang kanyang ina. Matangkad ang lalaki, may mga matang mapupula, labing maputla, at matangos na ilong. Binigyan siya nito ng salapi at pinaalis sa lugar na iyon.

Ulilang lubos, ipinasya niyang pumunta sa Maynila at tulad ng iba, nagtrabaho roon at nakapag-aral. Iniwasan niya ang mga gwardya sibil sa kanyang paglalakbay at mga prutas lamang sa gubat ang nagligtas sa kanya sa gutom. Gusgusin na at may sakit nang sapitin niya ang Maynila. Nagbahay-bahay siya para mamasukang alila, malungkot at gutom na nagpalakad-lakad sa mga lansangan, naging desperado at ibig pasagasa sa mga kabayong parang kidlat sa pagtakbo. Swerteng nakita si Kapitan Tiago, kasama ni Tiya Isabel, kaya sinundan ang karwahe at sa ilang pagtatanong, natunton ang bahay nito sa Binondo. Kapapasok lamang noon ni Maria Clara sa kumbento, malungkot ang kapitan, kaya nang magprisinta si Basilio ay tinanggap agad, walang sweldo, ngunit may pahintulot na mag-aral siya sa San Juan de Letran.

Dukha ang pananamit, marumi ang hitsura at nakabakya lamang, nagpatala si Basilio sa unang taon ng Latin. Nilayuan siya ng mga kaklase at napapakunot-noo ang gwapong guro niyang Dominiko sa tuwing makikita siya. Hindi kailanman siya natawag sa klase at ang tanging salitang nabigkas niya sa loob ng walong buwan ay adsum o narito! sa tuwing magtatawag ng pangalan ang guro. Alam niya ang dahilan kung bakit ganoon ang pakikitungo sa kanya. Pait sa bibig, pangingilid ng luha sa mga mata, at ilang pigil na panambitan lamang ang naitutugon niya. At sa tuwing makadadalaw siya sa libingan ng kanyang ina kung isinasama siya ni Kapitan Tiago sa pag-uwi sa San Diego, tumatangis at naghihinagpis siya sa ibabaw ng puntod nito.

Gayunman, isinaulo niya ang kanyang mga leksyon pati na ang mga kuwit, at inalo na lamang ang sarili sa pagkaunawang sa apatnaraang estudyante, apatnapu lamang ang natatawag ng guro-ayon sa ayos, gaslaw, simpatya, at iba pang dahilan. Nasagot niya ang tanging tanong sa taong iyon at nakapasa siya!

Sa ikalawang taon, nabalatuhan si Basilio ng malaking halaga nang manalo sa sabong ang tandang na ipinaalaga sa kanya ni Kapitan Tiago. Nakabili siya ng sapatos at sumbrerong pyeltro at sa tulong ng mga bigay na damit ng kapitan na ipinaayos niya para maging husto sa kanyang sukat, nagbago nang kaunti ang kanyang ayos. Ngunit hindi pa sapat iyon para siya ay mapansin ng guro at ng mga kaklase.

Sa ikatlong taon, pinaglaruan siya ng isang gurong Dominiko: ito’y mabiro, mapagpatawa, bukas ang loob, ngunit may katamaran dahil ipinauubaya sa mga paborito nito ang pagpapaliwanag sa mga leksyon. Laging malinis at plantsado na noon ang kamisa niya at mataas na ang takong ng kanyang sapatos. Napansin ng guro na seryoso siya kahit ito’y nagpapatawa. Naisip nitong gawin siyang katatawanan sa pag-aakalang tanga siya.

Nang tanungin, ganap na nabigkas niya ang leksyon mula puno hanggang dulo at hindi siya nautal sa pagbigkas ng f. Tinawag naman siyang loro nito. Para madagdagan ang tawanan, makailang tinanong pa siya ng guro, ngunit marunong na siya noon ng wikang Espanyol. Nasagot niyang lahat ang tanong. Wala ni isa mang nagtawa. Nagalit sa kanya ang lahat, pati na ang guro. Sino ang mag-aakalang matino ang lalabas sa ulo ng isang Indio? Hindi na siya tinanong sa nalalabi pang mga araw ng taon!

Kahit pinanghihinaan ng kalooban at gusto nang tumigil sa pag-aaral, nakarating pa rin si Basilio sa ikaapat na taon. Nagkataong isa sa dalawang guro noon ay kilala, mahal ng lahat, itinuturing na pantas, dakilang makata, at may abanteng kaisipan. Isang araw na namamasyal kasama ng mga estudyante nito, nakaengkwentro nito ang ilang kadete, nagkaroon ng labu-labo at humantong sa isang hamunan. Nakaisip ang gurong ito ng isang paligsahan at nangakong bibigyan ng mataas na marka ang lahat ng lalahok sa munting labanan sa darating na linggo. Nagpingkian ng mga sable’t baston at napatangi rito ang husay ni Basilio. Pasan-pasang ipinagbunyi siya ng mga kaklase, naging isa siya sa mga paborito ng guro mula noon. Sa taong iyon, nakakuha rin siya ng markang sobresaliente na may kasamang mga medalya.

Hinimok siya ni Kapitan Tiago na lumipat sa Ateneo Municipal. Pagdating niya roon, isang bagong mundo ng pagtuturo ang kanyang natuklasan. Masigasig ang mga guro, kahanga-hanga ang pamamaraang sinusunod, at sa loob lamang ng isang taon, natutuhan niya ang limang taon na gugugulin sa pag-aaral sa mataas na paaralan. Doon niya tinapos ang kanyang batsilyer at ipinagmalaki siya ng kanyang mga guro, pati na ng ipinadalang Dominiko na nagsulit sa kanya.

Pinili ni Basilio ang mag-aral ng Medisina, kahit gusto ni Kapitan Tiago na mag- abogado siya para makalibre sa bayad sa mga kaso nito. Ngunit sa Pilipinas, hindi lamang dapat marunong sa lahat ng batas kundi kailangan ang maraming kaibigan, may kapit sa malalakas, at maging tuso.

Pumayag na rin ang kapitan sa kursong Medisina nang maisip na magbubusbos ang binata ng bangkay at baka makahanap ng lason na maipapahid sa labaha ng kanyang mga tandang. Batid nitong mabisang lason ang dugo ng Tsinong namatay sa sipilis!

Masigasig na hinarap ni Basilio ang pag-aaral ng Medisina hanggang sa makapanggamot na siya noong kanyang ikatlong taon sa kolehiyo. Hindi lamang niya natatanaw ang maganda niyang kinabukasan, kundi nakaiipon na siya at nakapagdadamit nang mainam-inam. Nang dalawang buwan na lamang at magiging doktor na siya, nangarap siyang umuwi sa kanilang bayan at pakasalan si Juli. Hindi lamang licenciatura ang kanyang makakamit kundi isang korona ng kanyang buhay-estudyante. Nahirang pa siyang bumigkas ng talumpati ng pasasalamat sa programa ng pagtatapos at naisip niyang ang estudyanteng hindi pansin at pinagtatawanan ay magiging tampulan ngayon ng tingin ng lahat ng manonood. Ngunit hindi mga walang-kabuluhang bagay ang kanyang sasabihin, kundi yong hindi pa naririnig sa kapaligirang iyon.

Lilimutin din niya ang kanyang sarili at isasaisip ang mga dukhang estudyante sa hinaharap.

Kabanata 7: Si Simoun

Pabalik na sa bayan si Basilio nang marinig niya ang lagitik ng mga sanga’t kaluskos ng mga dahon sa gubat. Palakas nang palakas ang mga yabag na papalapit sa kanyang kinaroroonan. Kumabog ang kanyang dibdib nang magunita ang matandang alamat tungkol sa lugar na iyon, pinatindi pa iyon ng oras at dilim, ng sipol ng hangin, at ng ilang kwentong katatakutan na narinig niya noong kanyang kabataan.

Huminto ang mga yabag sa kabilang balete at sa siwang ng dalawang ugat na naging puno na rin, nakita niya ang isang lalaki, naglabas ng isang ilawang may malakas na lente at nang ilapag iyon sa lupa, natambad ang suot na mga botang pangabayo. May dinukot ito sa bulsa, ikinama sa dulo ng isang mahabang tungkod-talim ng isang asarol. Naghukay ito.

Namukhaan niya ang lalaki nang maliwanagan ng ilawan ang mukha nito. Nangatal si Basilio. Ito ang lalaking naghukay ng libingan ng kanyang ina. Nag-alis na ito ng salaming asul.

Tumanda na, pumuti ang buhok, at nagkaroon na ng bigote at balbas. Matipuno pa rin ang katawan na may pagkatuyo ngayon, kunot-noo pa rin ito na tanda ng mapait na karanasan. Naisip niya ang alaherong si Simoun na kilalang Indio-Ingles, Portugues, Amerikano, mulato, Itim na Kardinal, at tinatawag na “masamang espiritu” ng Kapitan Heneral. Ito pala ang mahiwagang lalaki na ang paglitaw at pagkawala ay kasabay ng pagkamatay ng tagapagmana ng lupaing kinaroroonan niya ngayon. Ngunit sa dalawang lalaking dumating sa libingan, sino si Ibarra?

Napansin ni Basilio na humihingal na ang lalaki sa paghuhukay. Sandali itong nagpahinga. Nakaupo sa pangungubli si Basilio, kaya tumindig siya at nagwika, “May maitutulong ba ako sa inyo, Senyor?”

Napatuwid at napalundag ang nagulat na lalaki, kumapa sa bulsa ng amerikana at malungkot na tumingin kay Basilio.

“Ginawan ninyo ako ng malaking tulong noon nang ilibing natin ang aking ina at ngayon, ibig kong makapaglingkod sa inyo.”

Inilabas ng lalaki ang rebolber sa bulsa, ikinasa na hindi inaalis ang tingin sa binata. “Sino ba ako sa tingin ninyo?”

Naisip niyang dumating na ang kanyang huling oras, ngunit madamdamin pa ring sumagot si Basilio, “Isang tao na para sa aki’ y banal, isang taong inakala ng lahat na patay na at ipinagdadalamhati ko.”

Pagkaraan ng ilang sandali, hinawakan sa balikat si Basilio ng lalaki.

“Basilio, nalaman ninyo ang isang sikreto na magpapahamak sa akin at makasisira sa aking mga plano. Dapat ay tuluyan ko nang takpan ang inyong bibig dahil ano ba sa akin ang halaga ng buhay ng isang tao kung ikukumpara sa mga hangarin ko? Maganda ang pagkakataon upang gawin ko iyan: walang nakaaalam na naparito ako, may rebolber ako samantalang wala kayo ni anumang sandata, at maaaring sa mga tulisan ibintang ang pagkamatay ninyo. Pero hahayaan kong mabuhay kayo at tiwala akong hindi ko pagsisisihan ang aking pasya. Nagsumikap kayo, nakipaglaban . .. at tulad ko, may sisingilin kayo sa lipunang ito-ang pagkamatay ng inyong kapatid, ang pagkabaliw ng inyong ina, at ang hindi nila pag-usig sa mga kriminal ni sa mga berdugo. Kapwa tayo uhaw sa katarungan, magtulungan tayo….”

Isinalaysay ni Simoun ang paglalagalag nito sa buong mundo, ang pagtatrabaho nang gabi t araw para magkamal ng kayamanan at ngayong nakabalik na, sumumpa ito na mamadaliin ang pagwasak sa sistemang bumiktima rito kahit pa dumanak ng dugo at luha. Nakasisindak ang taginting ng mga salita nito, may tindi ng kalungkutang nagpakatal ng laman ni Basilio.

“Nagbalatkayo akong mangangalakal, naglibot sa mga bayan-bayan, at ginamit ang aking yaman upang mapasok ang mga lugar ng kasumpa-sumpang anyo ng kasakiman na kung minsan ay nakabalatkayo o kaya y lantad na lantad o ganid sa pagpapasasa sa nabubulon ito Katawan ng sambayanan. Hindi ko man mabigyan ng lakas ang bayan para makipaglaban ito sa mga nagpapahirap sa kanya, magagawa ko namang sang-ayunan ang kasakiman ng mga makapangyarihan, patindihin ang kawalang-katarungan, at sulsulan ang ligalig at pamamaslang.

Hinahadlangan ko ang malayang pangangalakal para wala nang katakutan ang bayan sakaling ito’y maghirap at lalong maging kahabag-habag. Mabilis ko na sanang mapabubulok pa ang. sistema para mag-alsa na ang bayan, pero dumating kayong nagsipag-aral, sumisigaw ng papuri sa Hispanismo, umaawit ng tiwala sa pamahalaan, iniaalay ang sariling init at buhay, dalisay na kabataan, mayabong na sikdo ng dugo at ng kasiglahang tulad sa isang sariwang pagkain.

“A, kayong kabataang mapangarapin at kulang sa karanasan,” madamdaming patuloy ni

Simoun, “nagsama-sama kayo sa Europa para maging bahagi ng Espanya ang inyong bayan, pero sa halip na makagawa kayo ng kwintas na rosas, ang pinapanday ninyo y kadenang matigas pa sa brilyante! Humihingi kayo ng pantay na mga karapatan, ng pagsasa-Espanyol ng inyong mga kaugalian, pero hindi ninyo nakita na binubura niny ang inyong pagkakakilanlan at ang pagkakaroon ng kabansaan. Nagbibigay-katwiran pa kayo sa mga pagsasamantala sa ating mga kabuhayan. Ano kayo sa kinabukasan? sang bayang walang pagkatao, isang bansang walang kalayaan at hiram ang lahat ng mga katangian, pati na ang kapintasan.”

Inilarawan ni Simoun ang maaaring maging kapalaran ng kapuluan: bayan ng batas militar, ng digmaang sibil, ng mga magnanakaw at matulad sa ilang walang-kasiyahang republika sa timog ng Amerika.

Tinuligsa ni Simoun ang kahilingan ng kabataang maturuan ng Espanyol, na mabilis namang ipinagtanggol ni Basilio. “Kung napagkaisa ng Espanyol ang ating pamahalaan, mapagkakaisa nito ang ating mga pulo!”

“Hindi kailanman magiging wikang panlahat ng bayan ang Espanyol,” giit ni Simoun.

“Walang mga salita ang wikang iyan na maitutumbas sa mga katawagan ng ating pag-iisip at damdamin. May kanya-kanyang sarili ang bawat bayan, tulad ng paraan nito ng pagpapahayag ng damdamin. Ano ang makukuha ninyo sa wikang Espanyol? Patayin ang inyong kakayahan, ipailalim ang sariling kaisipan sa isip ng iba para sa halip na maging malaya, kayo y maging tunay na alipin? Magsalita kayo ng wikang iyan at mapapabayaan ninyo ang inyong wika; ni hindi ninyo maisusulat o maiintindihan ito at marami ang magkukunwari lamang na alam ang mga salitang ito. Malaya ang isang bayan habang may sarili itong wika, gaya rin ng tao na taglay ang sariling opinyon habang nagsasarili. Ang wika ang pag-iisip ng bayan!”

Napayuko si Basilio sa tindi ng pangangatwiran ni Simoun. “Nakita ko ang simula ng kilusang ito, pero ilang gabing naghirap ang kalooban ko. Nag-aalala ako dahil kasama rito ang ilang kabataang nagsasakripisyong kanilang pambihirang talino at katapatan sa inaakala nilang magandang layunin, pero sa totoo’y nakasasama pa yon sa bayan. Makailang tinangka ko na lumapit sa inyo; naisip ko lamang na baka hindi nino maintindihan ang payo ko at maging laban pa sa inisip ko. Makailang tinangka ko na lumapit sa inyong Macaraig, sa inyong Isagani …naisip ko rin na sila’ y patayin, lipulin!”

Nakikinig si Basilio sa sinasabi ni Simoun: nafiba taw siya kaysa karamihan dahil batid niya ang mga kaapihang dinanas ng mag-aalahas at hindi niya ito tinitingnan bilang isang manlolokong ginagamit ang mga maykapangyarihan para bilhan ng alahas ang mga naaapi; bagkus, ito raw ang hukom na magpaparusa sa mga namamahala na ang sandata ay sariling kasamaan ng mga taong iyon.

Humingi ng tulong si Simoun kay Basilio: mang-akit ng kabataang kokontra sa mga may gusto ng Hispanisasyon, asimilasyon, at pantay na mga kaparatan na ang ibubunga lamang ay pagiging mga pekeng Espanyol na may mababang pagkatao! Aasa lamang daw sa wala ang mga tao at tuturuan pang lalong paapi sa mga mapagsamantala.

“Ayaw nila kayong maging Espanyol! Mabuti’t makakikilos kayo nang lalong litaw ang inyong mga katangian! Ilatag ninyo ang pundasyon ng pagkakaroon ng isang bansa. Dahil walang maaasahan sa kanila, ang asahan ninyo’y ang inyong sarili. Magkaroon man kayo ng representasyon sa cortes ng Espanya, malulunod lamang kayo roon sa boses ng maraming Espanyol at mapapabilang pa sa pagpapatibay ng mga batas na lalong magpapatindi sa pang-aapi at pagsasamantala nila sa ating kapuluan!

“Hayaang mabuhay nang halos walang karapatan ang mga Indio,” sabi pa ni Simoun,” para mabilis na alisin nito sa leeg ang pakaw ng pagkaalipin at gantihan ng kasamaan ang kasamaan ng mga Espanyol.”

“Kung ayaw kayong turuan ng Espanyol, ang wika ninyo ang inyong paunlarin at palaganapin para makapag-isip kayo sa sarili. Kahit sa karapatan, kaugalian, at wika, hindi panginoon o bahagi ng kapuluang ito ang mga dayuhang iyan. Hindi magtatagal, magiging malaya’t makapagsasarili na kayo!”

Gumaan ang kalooban ni Basilio pagkasabi ni Simoun ng mga dahilan kung bakit hahayaan na nitong mabhay ang binata. Itinugon niyang hindi naman siya pulitiko at pumirma lamang siya sa petisyon ng kabataan na ipaturo ang Espanyol sa lahat dahil ipinalagay niyang makabubuti

¡yon para sa edukasyon ng mga Pilipino. “Iba ang hangarin ko: ang lunasan ang mga sakit ng mga kababayan ko!”

Sinagot agad ito ni Simoun: “Ano na ang mga sakit ng katawan kung ikukumpara sa mga sakit ng kalooban? Ano na ang kamatayan ng isang tao kung ikukumpara sa kamatayan ng isang lipunan? Hindi ba’t ang mahalaga ay mabigyang-buhay ang anemikong bayang ito? Ano na ang ginawa ninyo sa bayang ito na nagbigay sa inyong karunungan at pagkatao? Ang buhay na hindi inuukol sa isang dakilang layunin ay walang halaga, isang pakalat-kalat na bato sa daan na walang kabuluhan kung hindi magging bahagi ng isang gusali.”

“Hindi po, Senyor!” tutol ni Basilio. “Nangangarap din po kami ng isang sambayanang nagkakaisa. Kaya lamang po, sa harap ng ganitong napakalaking gawaing panlipunan, dapat po’y paghati-hatiin ang mga dapat gawin at napili ko ang gawaing ukol sa siyensya.”

Nagpalitan ng katwiran sina Simoun at Basilio. Iginiit ng alahero na hindi siyensya ang huling layon ng tao. Sinabi ni Basilio na ang tinutungo ng higit na mauunlad na mga bansa ay syensya dahil ito’y panghabambuhay, pandaigdigan, at higit na makatao.

Nagpaliwanag si Basilio: “Sa ilang dantaon pa, kapag natuto na’t natubos ang sangkatauhan, kapag wala na ang mga lahi at mamamayan na ng mundo ang lahat ng tao, kapag malaya na ang lahat ng lupain at wala na ang mga alipin at nang-aalipin, kapag naghahari na ang katarungan; tanging ang pagpapasulong ng siyensya ang matitirang gawain at ang patriotismo y magiging lipunan.” panatisismo na lamang-sila’ y ituturing na may malubhang sakit at banta sa kaayusan ng lipunan.”

Malungkot na napailing si Simoun. “Tama ka, pero upang marating ang kalagayang ganap nang malaya ang lahat ng bayan, makapupunta kahit saan ang tao, at nirerespeto ang mga karapatang pantao ng bawat isa; kailangan ang pagdanak ng dugo, ang mga paglalaban.

Magagapi lamang ang matandang paniniwalang gumagapos sa budhi ng tao kapag marami ang mamamatay sa apoy para pagkatapos manghilakbot, ipahahayag ng lipunang bago, na malaya na ang budhi ng bawat isa. Ang patriotismo y mananatiling mabuting katangian ng isang aping sambayanan dahil sa lahat ng panahon, ang kahulugan nito y pag-ibig sa katarungan, kalayaan at dangal sa sarili.”

Ngunit napatigil si Simoun nang mapansing wari’y di-napukaw na kalooban ni Basilio, saka nanumbat ang alahero. “Para sa yumao ninyong ina at kapatid, sapat na ba ang ginagawa ninyong pagparito taun-taon upang manangis na parang babae sa ibabaw ng isang puntod?”

Galit na sumagot ang binata, “Ano ang gusto ninyong gawin ko? Akong walang kakayahan, akong balewala sa sosyedad na ito, paano ko magagawang parusahan ang mga berdugo ng aking ina? ng aking kapatid?”

“Kung tutulungan ko kayo?”

Umiling si Basilio. “Hindi na mabubuhay uli kahit isang buhok ng aking ina, kahit isang ngiti ng aking kapatid ng anumang paghingi ng katarungan at paghihiganti sa ganitong kahuli nang panahon. Ano ba ang pakinabang ko kung ako y maghihiganti?”

“Maiiwasan ng iba ang inyong mga tiniis,” mabilis na sagot ng alahero. “Hindi laging mabuting katangian ang pagpapaubaya kundi isa pa nga itong krimen: pinatitindi nito ang paniniil! Sabi nga, ‘walang nang-aapi sa bayang walang alipin. At isa pa, binabantayan nila kayo sa araw at gabi, pinagsususpetsahan ang inyong pag-aaral at pagmamahal sa karunungan, pati ang inyong pananahimik ay itinuturing nilang nakakubling matinding hangad na makapaghiganti. Dati y tulad ninyo akong palaisip at alam na ninyo ang sinapit ko. Gayundin ang gagawin nila sa inyo; hindi nila kayo papayagang mapalago ang inyong sarili dahil natatakot at napopoot sila sa inyo.”

Nagtaka si Basilio. Siya pang biktima ng kasamaan ang kinapopootan?

“Natural sa tao ang mapoot sa mga inapi nito,” ani Simoun na napahalakhak. “Gusto ninyong sukatin ang kasamaan o kabutihang ginawa ng isang bayan sa ibang bayan? Tingnan na lamang kung minamahal o kinapopootan ang bayang ginawan ng kabutihan o kasamaan. Ganyan ang kaso ng ating bayan na nililibak at inaalipusta ng matataas na opisyal na dito y nagpayaman sa tungkulin nang magsibalik sa Pensinsula!”

Nangatwiran si Basilio, “Kung maluwang ang mundo, kung hahayaan silang tamasahin ang kapangyarihan, kung hangad ko lamang ang makapagtrabaho at bayaan akong mabuhay,” ngunit hinadlangan agad siya ni Simoun.

“At magpalaki ng mga anak na aalipinin din, na mabubuhay lamang sa kahihiyan at pahirap. Ganyan bang kinabukasan ang inihahanda ninyo para sa kanila? Hangad ninyo ang isang munting tahanang may kaunting ginhawa, isang asawa at isang dakot na bigas-itanghal ang isang ulirang tao sa Pilipinas. Mapalad kayo kapag ipinagkaloob ito sa inyo.”

Sanay si Basilio sa pagsunod at pagtitiis sa mga kapritso’t temperamentong ito ni Kapitan Tiago. Gapi na siya ng katwiran ni Simoun kaya nagpaliwanag na wala siyang kakayahan at hilig sa pulitika, walang opinyon sa mga sinasabi ng alahero bunga ng di-pag-aaral ng mga iyon.

Gayunman, para sa kaliwanagan ng bayan, nakahanda siyang maglingkod sa oras na kailanganin iyon.

“Binata, hindi ko hinihinging itago ninyo ang sikreto ko dahil alam ko namang maingat kayo, pero kahit na gustuhin ninyong ipahamak ako, alalahanin ninyong kaibigan ako ng maykapangyarihan at ng Simbahan na lagi nang paniniwalaan kaysa estudyanteng si Basilio na pinagsususpetsahang filibustero. Pero kahit na iba ang inyong palagay sa mga sinabi ko, sa araw na magbagong-isip kayo, puntahan ninyo ako sa bahay ko sa Escolta.”

Nagtatanong si Simoun sa sarili nang makaalis na si Basilio. Baka may balak na maghiganti ang binata ngunit pinakalilihim lamang kahit na sa kanya? O, tuluyan nang napawing mga taon ang lahat ng damdaming makatao sa estudyante at naging parang hayop na ito na ang hangad na lamang ay mabuhay at magkaanak? Sa kawalang-pag-asa y nasabi nitong muli sa sarili na kailangan na nga ng patayan at pabayaan na lamang masawi ang mahihina’t mabuhay ang higit na malalakas!

Kabanata 8: Maligayang pasko

Nang magising si Juli ay madilim pa at nagtitilaukan ang mga tandang. Naisip niyang ginawa nang Birhen ang himala. Bumangon siya, nag-antanda, umusal ng pang-umagang panalangin, at walang ingay na lumabas ng kanyang silid. Walang nangyaring himala! Ang tangi niyang nakita sa paanan ng Birhen ay ang sulat ng kanyang ama na humihinging limandaang pisong pantubos dito.

Walang magagawa si Juli kundi ang umalis. Natutulog pa ang kanyang ingkong, kaya nagluto siya ng salabat. Kataka-taka! Kalmado siya, hindi tulad ng nagdaang gabi na balisa. Ibig pa nga niyang matawa. Hindi naman malayo ang kanyang pupuntahan, makadadalaw siya sa kanyang ingkong tuwing makalawa at alam niyang matagal-tagal nang batid ni Basilio ang sinapit ng kanyang ama.“Kapag doktor na ako at mag-asawa na tayo, di na kailangan ng iyong ama ang kanyang lupain,” alo sa kanya ni Basilio at kinagalitan niya ang sarili dahil sa kanyang pananangis kagabi.

Nasalat niya ang agnos, hinagkan iyon ngunit agad nangamba na siya ay mahawa dahil ang brilyante’t esmeraldang alahas ay galing sa isang ketongin. Kung magkagayon, naisip niya, hindi na siya makakasal kay Basilio.

Maliwanag na, nakaupo ang kanyang ingkong sa isang sulok, pinagmamasdan ang kanyang paghahanda sa pag-alis. Binuhat niya ang tampiping naglalaman ng kanyang mga damit, saka nakangiting nagmano sa kanyang ingkong. Walang imik na binasbasan siya nito.

“Pagbalik ni ama, sabihin ninyong nakapasok din ako sa kolehiyo. Nagsasalita ng Espanyol ang amo ko at iyon ang pinakamurang kolehiyo na nakita ko, ibig niyang pabirong sabihin sa kanyang ingkong.

Ngunit namuo na ang luha sa mga mata ng matanda, kaya sinunong na niya ang tampipi at mabilis na nanaog. Masaya ang taguktok ng kanyang mga tsinelas sa mga baitang na kahoy, ngunit nang malayo na, lumingon siya sa dakong kinaroroonan ng kanilang bahay na ngayo’ y pinaglahuan ng mga huling pangarap ng kanyang kabataan at ng mga unang minimithi ng kanyang pagdadalaga; mapanglaw, nag-iisa, pinabayaan, may mga bintanang kalahati ang pagkakasara, walang tao, at parang madilim na mga mata ng patay. Narinig niya ang kaluskos ng mga kawayang sa pagyuko sa bugso ng hanging-umaga ay waring nagsasabing “paalam”; napatigil siya, lumuluhang napaupo sa isang buwal na puno sa tabi ng daan, at buong lungkot na nanangis.

Mataas na ang araw at matagal nang nakaalis si Juli. Sa pagkakadungaw sa bintana, natatanaw ni Tandang Selo ang mga taong nakabihis-pamista para makinig ng misa mayor sa bayan. Halos lahat ay may kilik o akay na mga batang lalaki at babae na bihis na bihis din.

Para sa mga bata ang Pasko sa Pilipinas. Ngunit kung tatanungin ang mga ito, mababatid na takot sila rito. Sila’ y maagang ginigising, pinupunasan, binibihisan, at sinusuotan ng lahat ng bago at mahal: maikling botang seda, sumbrerong malapad, baro na seda, lana, o pelus, at sinasabitan ng eskapularyo na may ebanghelyo ni San Juan. Isang oras ang mga ito sa misa mayor, pinagtitiis sa init at singaw ng nagsisiksikang mga tao na kung hindi nagrorosaryo ay kailangang tahimik o tulog. Kung naglilikot at nadudumihan ang mga suot na damit, kukurutin o sasawayin ang mga ito, kaya naman mas masaya at sabik ang mga ito sa mga luma’t pang-araw-araw na damit at tutol sa mga damit na maraming burda.

Pagkatapos ng misa, dumadalaw ang mga ito sa bahay ng mga kamag-anak upang magmano, saka inaasahang magsasayaw, kakanta, at bibigkas ng lahat ng nakatutuwang kayang gawin, sa gusto man nila o hindi; at muli, kukurutin at kagagalitan kapag ang ginawa ay ang mga sariling kagustuhan. Inaabutan ng pera ang mga ito ng mga kamag-anak na kinukuha naman ng mga magulang at hindi na nakikita pa ng mga bata…. Bakas ng mga kurot, pagod, at impatso ang napapala ng mga ito dahil sa kakakain ng matamis at biskotso sa tahanan ng mabubuting kamag-anak.

Kapag pista, ang mga may-edad na nabubuhay nang mag-isa ay dumadala rin sa kanilang mga magulang at tiyuhin, lumuluhod sa isang paa at bumabati ng “Maligayang Pasko.” Ang aginaldo ng mga ito y isang minatamis, isang prutas, isang baso ng tubig, o kahit na anong munting regalo.

Nalungkot si Tandang Selo. Wala siyang regalo mula kanina at hindi man lamang siya binati ng maligayang Pasko ni Juli bago ito umalis. Dumating naman ang mga kamag-anak niya, dala ang mga anak nito. Ngunit nagtaka siya-hindi na siya makabigkas kahit isang salita. Hinawakan niya ang kanyang lalamunan, umiling-iling, saka muling nagtangkang magsalita, ngunit walang nangyari. Tinangka niyang tumawa, ngunit nangatal lamang ang kanyang mga labi. At isang di-makilalang tunog ang napalabas niya sa kanyang bibig. Gulilat na nagkatinginan ang mga babaeng kamag-anak. “Pipi! Pipi!” hilakbot na sigaw ng mga ito.