Module 1
Panimula
Sa modernong panahon natin ngayon kung saan maaari nang pakinggan o panoorin ang lahat, nagagawa mo pa rin kayang magbasa? Gaano ba kahalaga ang pagbabasa?
Ang pagbabasa ay kailangan natin sa ating araw__-__araw na pamumuhay. Kahit hindi kahingian sa paaralan o sa trabaho ay kinakailangan nating magbasa. Ang mga kaalaman natin mula sa pagbabasa ay nagagamit natin tulad na lamang sa pagpili ng kurso at paghahanap ng trabaho. Kinasasangkapan na natin ang mga impormasyong ito upang tayo ay mabuhay.
Napakahalaga ng pagbabasa sa isang tao, sapagkat, hinahasa nito ang ating kaisipan para mas maging malawak ang ating kabatiran sa ating pamayanang ginagalawan, gayundin, sa mga nangyayari sa ating paligid at sa bansa. Sa pamamagitan din nito ay madaragdagan ang ating kaalaman at mga talasalitaan na magiging daan para sa pagkakaroon nang mas malalim na pag__-__unawa sa mga ideya, kaisipan, katwiran o argumento mula sa mga tekstong ating nababasa. Dahil dito’y makabubuo tayo ng matalinong pagpapasya at pagpapakahulugan sa nais na ipabatid ng manunulat sa kanyang akda.
Higit sa lahat, mahalaga ang pagbabasa para makatugon tayo sa pagbabago ng mundo. Kung hindi tayo palabasa ay mapag__--__iiwanan tayo ng nagbabagong panahon sanhi ng makabagong teknolohiya. Ngunit, hindi lamang sapat na tayo ay magbasa, bagkus, kailangan nating maging mapanuri sa lahat ng ating binabasa. Tulad na lamang ng mga nagkalat na babasahin sa internet. Kung hindi tayo magiging mapanuri ay mabibiktima tayo ng mga tinatawag na fake news. Samakatuwid, marapat na usisain, suriin at busisiing mabuti ang mga tekstong ating binabasa kung may katotohanan ba ito o wala. Kaya naman, sa araling ito’y tatalakayin ang mga uri ng pagbasa, mga katangian ng matagumpay na pagbasa, pamamaraan sa epektibong pagbasa at kasanayan sa mapanuring pagbasa na siyang magiging gabay upang mapalawak, mapalalim at mahasa ang kasanayan at kakayahan ng bawat indibidwal sa mapanuring pagbabasa.
Paksang Aralin/ Nilalaman
%%Wika ni Gustave Flaubert%% - Huwag kang magbasa, gaya ng mga bata, upang libangin ang sarili, o gaya ng mga matatayog ang pangarap, upang matuto. Magbasa ka upang mabuhay.”
Gustave Flaubert - ==nagpaunlad ng realismong pampanitikan ng Pransya== at sumikat sa kanyang akda na ==Madame Bovary (1857).==
- Sa paglalarawan ni Flaubert, ang pagbabasa ay upang mabuhay. Ibig sabihin, mahalaga ang proseso ng asimilasyon ng anomang binabasa sa buhay ng tao. Ang asimilasyon ay ang pakikipag__-__ugnayan ng mambabasa sa binabasa o kaya’y paglalapat ng natutuhan sa aktuwal na pamumuhay ng nagbabasa. Ngunit mas malalim pa sa paglalapat o aplikasyon ang layunin ng asimilasyon bilang pinakamataas na antas ng pagbasa. Sa pamamagitan nito, nababago ang pagdanas at paghulma natin sa realidad ng buhay.
^^Asimilasyon^^ - ang ==pakikipag-ugnayan ng mambabasa sa binabasa== o kaya’y paglalapat ng natutuhan sa aktuwal na pamumuhay ng nagbabasa. Ngunit mas malalim pa sa paglalapat o aplikasyon ang layunin ng asimilasyon bilang pinakamataas na antas ng pagbasa. Sa pamamagitan nito, nababago ang pagdanas at paghulma natin sa realidad ng buhay.
Intensibo at Ekstensibong Pagbasa
Intensibong Pagbasa - pangkalahatang kategorya ng mapanuring pagbasa na may kinalaman sa ==masinsin at malalim na pagbasa ng isang tiyak na teksto== at itinuturing ito na pinakahuli o dulong bahagi sa proseso
Ekstensibong Pagabsa - pangkalahatang kategorya ng mapanuring pagbasa na may kinalaman sa ==pagbasa ng masaklaw at maramihang materyales==.
- Nagaganap ang ekstensibong pagbabasa kapag ang mambabasa ay nagbabasa ng maramihang babasahin ayon sa kanyang interes, mga babasahing kadalasang hindi kahingian sa loob ng klase o itinatakda sa anomang asignatura. ==Ito ay kadalasang makuha lamang ang “gist” (essence) ng binasa.==
%%Stephen Krashen (1995)%% - Ang malaya at boluntaryong pagbasa ay maaaring maging tulay tungo sa mas mataas na kakayahang komunikatibo at akademiko sa wika.
Iba pang katangian ng dalawang uri ng pagbasa
^^Intesibo^^ - ==pagsusuri sa kaanyuang gramatikal==, panandang diskurso at iba pang detalye sa estruktura upang maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon, at retorikal na ugnayan ng isang akda.
^^Ekstensibo^^ - isinasagawa upang ==makakuha ng pangkalahatang pag__-__unawa sa maramihang bilang ng teksto. ==
10 Katangian ng Matagumpay na pagbasa
- Angkop ang materyales sa kakayahang panglinggwistika (bokabularyo at
gramatika) ng mga mag-aaral.
- Mayroong nagagamit na sari-saring materyales sa iba’t ibang paksa.
- Pinipili ng mag-aaral ang gusto nilang sabihin.
- Nagbabasa ang mag-aaral ng napakaraming teksto hangga’t maaari.
- Ang layunin ng pagbasa ay may kaugnayan sa interes at kasiyahang loob ng
mambabasa, pagkuha ng impormasyon at pangkalahatang pag-unawa.
- Ang nakamit na pagkatuto ang mismong gantimpala sa pagbabasa at hindi
ano pa mang grado o premyo.
- Mabilis ang pagbasa.
- Ang pagbasa ay indibiduwal at tahimik.
- Ipinapaliwanag ng guro sa mga mag-aaral ang kabuuang layunin ng programa.
- Ang guro ay modelo ng mga mag-aaral sa kasikhayan sa pagbasa.
Scanning at Skimming na pagbasa
Scanning - ==mabilisang pagbasa ng isang teksto== na ang ==pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon bago bumasa.== Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na kinakailangang impormasyon. Kung ang kahingian ay alalahanin ang pangalan, petsa, simbolo, larawan, o tiyak na sipi na makatutulong sa iyo, scanning ang angkop na paraan ng pagbasa na dapat gamitin. Ibig sabihin, may paunang pag__-__alam o pagkaunawa na sa hinahanap na impormasyon at ang layunin ay matiyak ang katumpakan nito na makikita sa mga libro o iba pang sanggunian.
Skimming - nauunawaan ng isang mag__-aaral ang kabuluhan ng isang teksto ==kahit hindi iniisa-__isa ang kahulugan ng bawat salita at pahayag dito==.
- Ginagamit din ang skimming bilang bahagi ng metodolohiyang SQRRR (Surveying, Questioning, Reading, Reviewing at Reciting) kung saan mahalaga ang pagbuo ng inisyal na impresyon sa akda.
- ^^Anotasyon^^ - ==maikling deskripsyon sa anyo at nilalaman ng isang akda==. Sa pamamagitan ng mabilisang pagbasa, nagkakaroon ng kabuuang pag__-__unawa ang mananaliksik sa mahahalagang nilalaman at pangkalahatang impormasyon ng akda.
Antas ng Pagbasa
Primarya (elementary) – pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang literasi sa pagbasa. Nauunawaan lamang ang hiwa__-hiwalay na impormasyon sa literal na antas at hindi nakabubuo ng interpretasyon mula sa pagkakaugnay-__ugnay ng mga ito. Sa antas na ito, hindi rin agad nauunawaan ang metapora, imahen at iba pang simbolismong ginamit sa akda.
Mapagsiyasat (inspectional) - nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay na ng hinuha o impresyon tungkol dito. Pinapasadahan rin niya ang nilalaman ng teksto upang maunawaan ang kabuuang estruktura nito. Paimbabaw ang katangian ng pagbasang ito sapagkat halos panlabas na bahagi lamang ng teksto ang tinitingnan. Ang pagtigil sa antas na ito ay angkop lamang at dapat gawin kung hindi na nakikita ang halaga ng materyales na binabasa sa ginagawang pag__-__aaral.
Analitikal (analytical) - sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag__-__iisip upang malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat. Bahagi ng antas na ito ang pagtatasa ng katumpakan, kaangkupan at kung katotohanan o opinyon ang nilalaman ng teksto.
Hakbang sa Analitikal na Pagbasa
- Tukuyin kung saang larangan nakapaloob ang teksto.
- Ibalangkas ang teksto batay sa kabuuang estruktura o kung paano ito inayos ng may__-__akda.
- Tukuyin ang suliranin na tinatangkang bigyang__-linaw ng may-__akda.
- Unawain ang mahahalagang teminong ginamit ng may__-akda tungo sa pag-__ unawa ng kabuuang teksto.
- Sapulin ang mahahalagang proposisyon ng may__-__akda.
- Alamin ang argumento ng may__-__akda.
- Tukuyin sa bandang huli kung nasolusyonan o nasagot ba ng may__-__akda ang suliranin ng teksto.
- Tukuyin kung saang bahagi ng teksto nagkulang, nagkamali, o naging ilohikal ang pagpapaliwanag ng may__-__akda.
- Sintopikal (syntopical) - binuo ni Mortimer Adler mula sa salitang syntopicon na inimbento at ginamit sa aklat na A Syntopicon: An Index to The Great Ideas (1952) na nangangahulugang “==koleksyon ng mga paksa.==” Tumutukoy ito sa uri ng ==pagsusuri na kinapapalooban ng paghahambing sa iba’t ibang teksto== at akda na kadalasang magkakaugnay.
- Pinaghahalo ang mga impormasyon mula sa aklat at ang mga sariling pananaw at kaalaman. Ibig sabihin, ==SA ANTAS NA ITO NG PAGBASA, ITINUTURING MO NA RIN ANG SARILI MO BILANG ISA SA MGA EKSPERTO NG IYONG BINASA.==
Limang hakabang tungo sa sintopikal na pagbasa
^^Pagsisiyasat^^ - Tukuyin agad ang lahat ng mahahalagang akda hinggil sa isang paksang nais mong pag-aralan.
^^Asimilasyon^^ - Tinutukoy mo ang uri ng wika at terminong ginamit ng may-akda upang ipaliwanag ang kanyang kaisipan.
^^Mga Tanong^^ - Tinutukoy mo ang mga katanungang nais mong sagutin na hindi pa nasasagot o malabong naipaliwanag ng may-akda.
^^Mga Isyu^^ - Maaaring iba ang konklusyon mo sa mga nauna nang eksperto. Ito ang nagiging ambag mo sa pagpapaunlad ng paksa.
^^Kumbersasyon^^ - Ang halaga ng pagkatuto ay nagmumula sa mayamang diskurso at diskusyon sa pagitan ng mga eksperto, kabilang na ang sarili. Sa kumbersasyon, nag-aambag ka ng bagong kaalaman na hindi inuulit ang sinabi ng mga naunang eksperto.
Kaibahan ng sintopikal sa analitikal na pagbasa
Mula sa analitikal na pagbasa ng limang aklat ay maaari ka nang maging eksperto sa isang tiyak na paksa batay sa kung ano ang sinabi ng mga manunulat sa mga aklat na iyong binasa. Sa sintopikal na pagbasa, nakabubuo ka ng sariling perspektiba o pananaw sa isang tiyak na larangan mula sa mga paghahambing ng mga akdang inunawa mo.
Kasanayan sa Mapanuring pagbasa
^^Bago magbasa^^
- Sinisimulan ang pagbasa sa pagsisiyasat ng tekstong babasahin.
- Kinapapalooban ito ng previewing o surveying ng isang teksto sa pamamagitan ng mabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat at pangalawang pamagat sa loob ng sulat.
- Nakabubuo ng mga tanong at matatalinong produksyon kung tungkol saan ang isang teksto batay sa isinagawang pagsisiyasat
- Ito ang pagsisimula ng kognitibong proseso
^^Habang Nagbabasa^^
- Nangyayari ang pinakamalaking bahagi ng kognisyon habang nagbabasa.
- Sabay__-__sabay na pinagagawa ng isang mambabasa ang iba’t ibang kasanayan upang lubusang maunawaan ang teksto.
- Sa bahaging ito, lumalawak at umuunlad ang bokabularyo ng mambabasa.
^^Pagkatapos Magbasa^^
- @@Pagtatasa ng komprehensiyon@@ - Sagutin ang iba’t ibang tanong tungkol sa binasa upang matasa ang kabuuang komprehensiyon o pag__-__unawa sa binasa.
- @@Pagbubuod@@ - Sa pamamagitan nito, natutukoy ng manunulat ang pangunahing ideya at detalye sa binasa.
- @@Pagbuo ng Sintesis@@ - Halos kagaya rin ito ng pagbubuod, ngunit, bukod sa pagpapaikli ng teksto, ang pagbuo ng sintesis ay kinapapalooban ng pagbibigay ng perspektiba at pagtingin ng manunulat batay sa kaniyang pag__-__unawa
- @@Ebalwasyon@@ - Pagtataya ng mambabasa sa katumpakan at kaangkupan ng mga impormasyong nabasa sa teksto. Sa bahaging ito, tinutukoy niya rin kung ano ang halaga at ugnayan ng teskto sa layunin ng pagbasa.
Pamaraan sa epektibong Pagbasa
@@Pagtantiya sa bilis ng pagbasa@@ - Binabago-bago ng mambabasa ang bilis o bagal sa pagbabasa batay sa hirap ng teksto at personal na kakayahan sa pagbasa.
@@Biswalisasyon ng binabasa@@ - Gamit ang mga impormasyon mula sa teksto at imbak na kaalaman bumubuo ang mambabasa ng mga imahe sa kaniyang isip habang nagbabasa.
@@Pagbuo ng koneksiyon@@ - Pagpapayaman ng ugnayan sa pagitan ng teksto at imbak na kaalaman upang matiyak ang komprehensiyon.
@@Paghihinuha@@ - Pag-uugnay ng impormasyon mula sa teksto at imbak na kaalaman upang bumuo ng mga pahiwatig at kongklusyon sa kalalabasan ng teksto
@@Pagsubaybay sa komprehensiyon@@ - Pagsangguni sa diksyunaryo kung may isang salitang mahalaga at susi para maunawaan ang teksto.
@@Muling pagbasa@@ - Muling pagbasa ng isang bahagi o kabuuan ng teksto kung kinakailangan kapag hindi ito naunawaan.
@@Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto@@ - Paggamit ng iba’t ibang estratehiya sa pag-alam sa kahulugan ng mga di-pamilyar na salita batay sa iba pang impormasyon sa teksto.
Tatlong paraan sa paglilipat ng impormasyon sa matagalang memorya
- Ang ^^Elaborasyon^^ - ay ang ==pagpapalawak at pagdaragdag ng bagong ideya== sa impormasyong natutuhan mula sa teksto.
- Ang ^^Organisasyon^^ - ay ==pagbuo ng koneksiyon sa pagitan ng iba’t ibang bahagi ng impormasyon== na nakuha sa teksto
- Ang ^^Pagbuo ng Biswal na Imahe^^ - ay ==paglikha ng mga imahe at larawan sa isipan ng mambabasa== habang nagbabasa.
IBA PANG PAMAMARAAN SA PAGPAPAYAMAN NG KARANASAN SA PAGBASA
^^Katotohanan^^ - ay ==mga pahayag na maaaring mapatunayan o di mapasubalian sa pamamagitan ng empirikal== na karanasan, pananaliksik, o pangkalahatang kaalaman o impormasyon.
- e.g. - Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kasalukuyang pangulo ng Republika ng Pilipinas.
^^Opinyon ^^- ay mga ==pahayag na nagpapakita ng preperensiya o ideya== batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao. Maaaring kakitaan ito ng mga panandang diskurso tulad ng “sa opinyon ko,” “para sa akin,’ ‘gusto ko,’ o ‘sa tingin ko.”
- e.g. - Para sa akin, si Pangulong Rodrigo Roa Duterte lamang ang kaisa-isang pangulo na nagsikap na sumugpo sa mga sindikatong may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot sa ating bansa.
PAGTUKOY SA LAYUNIN, PANANAW, AT DAMDAMIN NG TEKSTO
^^LAYUNIN^^ - ay tumutukoy sa nais iparating at motibo ng manunulat sa teksto. Tinutukoy rin dito ang suliranin o pangunahing tanong ng akda na nais solusyonan ng may__-__akda
^^PANANAW^^ - naman ay tumutukoy sa preperensiya ng manunulat ng teksto. Ibig sabihin, natutukoy rito kung ano ang distansiya niya sa tiyak na paksang tinatalakay. Nahihinuha niya rin ang maaaring kahihinatnan ng teksto.
^^DAMDAMIN^^ - ay ang pagpapahiwatig ng pakiramdam ng manunulat sa teksto. Maaaring ito ay nagpapahayag ng kaligayahan, tuwa, galit, tampo o paninindigan sa isang paksa.