knowt ap exam guide logo

Mod

Aralin 1: Suliranin sa Paggawa

Mga Pangunahing Dahilan at Epekto dulot ng Globalisasyon

  1. Malayang Kalakalan

> Ito ay ang pagluwag o tuluyang paglansag sa mga restriksyong humahadlang sa malayang pagpasok ng kalakal sa iba’t ibang panig ng daigdig.

> Ito ay dulot ng globalisasyon na maaring makakatulong sa ekonomiya ng bansa lalo na sa paggawa.

  • Liberalisasyon

Ito ang proseso ng malayang pagbubukas ng lokal na ekonomiya sa dayuhang kapital o pamuhunan.

Ang World Trade Organization (WTO) ay isa sa mga pandaigdigang institusyon na nangunguna sa pagsusulong at pagpapalaganap ng liberalisasyon sa larangan ng kalakalan.

  • Labor Movements

Maraming pagbabagong haharapin ang bansa at isa na dito ang kakayahan na makaangkop sa globally standard na paggawa.

Bunsod na tumataas ang demand para sa globally standard na paggawa na nasangkop sa mga kasanayan para sa ika-21 siglo.

  • Exchange of Technology and Ideas

Ayon kay Kavaljit Singh isang skolar mula sa India, sa kanyang aklat na pinamagatang Gabay sa Globalisasyon ng Pananalapi ang kalikasan ng globalisasyon.

> Ayon sa kanya, pagpapalaganap ng teknolohiya at ideya sa pamamagitan ng pangdaigdigang transportasyon at komunikasyon.

  • Cultural Integration

> Isa sa mga hamon ng globalisasyon at paggawa nagaganap sa kasalukuyan ay kung paano mapapanatili at lalo pang maitataguyod ang kani-kanilang kultura sa harap ng mga pagbabagong dala nito.

> Ang globalisasyon ay ang kaparaanan kung paano magiging global o pangbuong mundo ang mga lokal o pampook o kaya pambansang gawi. Sa madaling sabi, konektado ang buong daigdig pati na rin sa lakas paggawa nito.

Sanhi at Bunga ng Pagdami ng mga Overseas Filipino Workers

  • David Ricardo

Ang “labor theory of value”, ang halaga ay nagmumula sa paggawa, ngunit paano nga ba gagawa kung wala rin namang posisyong nakalaan para sa mga manggagawa? Isa sa pangunahing salik nito ay ang “malala” nang kawalan ng trabaho dahil sa krisis pang-ekonomiya na tinatamasa ng bansa.

  • Susan Ople

Dahil sa kawalan ng trabaho sa bansa, natutulak na mangibang-bayan ang mahigit 8.3 milyong pilipinong migranteng manggagawa o mga Overseas Filipino Workers (OFW).

  • Romeo Lagman

Napakalaking kawalan ito sa parte ng Pilipinas dahil karamihan ng mga umaalis ay mga bagong tapos pa lamang sa kolehiyo at napipilitang magtratrabaho sa ibang bansa sa pag-asang doon matatamasa ang seguridad sa trabaho.

Itinuturing namang “brain waste” para sa mga bansang pinupuntahan nila dahil ang mga OFW ay pumaapasok sa mga trabahong mas mababa sa antas ng kanilang kasanayan.

  • Francisco Aguilar Jr.

Dumadami ang pangingibang bansa ng mga Pilipinong manggagawa dahil sa mababang pasahod sa bansa. Naitutulak nito ang mga manggagawa na humanap ng oportunidad sa ibang bansa uppang matugnan at matustusan ang kanya-kanyang pamilya. Pinabababa ang halaga ng gawa dahil sa “cheap labor policy” ng gobyerno.

Aralin 3: Isang Sulyap sa Pandaigdigang Organisasyon sa Paggawa

International Labour Organization (ILO) - ay isang ahensya ng United Nations na nakalaan para magtaguyod ng mga oportunidad ng mga babae at mga lalaki.

  • Ang Pangunahing Layunin nila ay Karapatan sa Trabaho.

    Isulong ang mga pagkakataon para sa marangal na trabaho.

  • Pagbutihin ang proteksyong panlipunan

  • Palakasin ang mga diyalogo sa mga usaping tungkol sa pagtrabaho.

  • Ang ILO ay itinatag noong 1919 bilang bahagi ng Treaty of Versailles na nagtapos sa World War I. Upang bigyang paniniwala na ang pamgmatagalan at unibersal na kapayapaan ay makamit lamang kung mananaig ang katarungang panlipunan.

  • Ang mga tagapagtatag ng ILO ay nakatuon sa pagtataguyod ng makataong kondisyon sa paggawa. Noong 1944, sa isa pang panahin ng internasyonal na krisis, pinagtibay ng mga miyembro ang Deklarasyon ng Philadelphia.

  • Ang organisasyon ay nagtatag ng mga programang teknikal na tulong upang magbahagi ng karunungan at tulong sa mga gobyerno, manggagawa, at mga employer sa buong mundo.

  • Ang ILO ay ang unang espesyal na ahensya na nauugnay sa bagong tatag na United Nations. Sa ika-50 anibersaryo nito noong 1969, ang organisasyon at ginawaran ng Nobel Peace Prize.

DOLE Integrated Livelihood Program (DILP)

  • Mapalakas ang kakayahan ng mga mahihirap at marginalized na manggagawa sa kanilang binabalak na negosyo.

  • Makalikha ng negosyon lokal tungo sa karagdagang self-employment at productivity sa lahat ng rehiyon.

Deklarasyon sa mga Pangunahing Prinsipyo at mga Karapatan sa Trabaho

  • Noong taong 1998, nang pinagtibay ng mga delegado sa International Labor conference and Deklarasyon sa mga Pangunahing Prinsipyo at Mga Karapatan sa Trabaho. Ito ay ang karapatan sa kalayaan sa pagsasamahan, sa nagkakaisang pagtataguyod ng sahod, at ang pagbubukod ng mga bata sa mapanganib na trabaho, sapilitang paggawa at diskriminasyon sa trabaho.

Kalayaan Magkapisanan

  • Ang Komite ng ILO para sa pagsusulong ng Kalayaang Magkapinsanan o Committee on Freedom of Association ay itinatag noong 1951.

  • Ang pagkakaroon ng malayang organisasyon para sa mga manggagawa at nagpatratrabaho ay nagsisilbing pundasyon sa

Aralin 6: Implikasyon sa Suliranin sa Paggawa Epekto ng Kontraktwalisasyon sa mga Manggagawa

Epekto ng Kontraktuwalisasyon sa mga Mangagawa

  • Noong 1992 wala pa ang Department Order No. 10 at 18- 02 ng DOLE, 73% ng pagawaan sa bansa ay gumawa ng iba’t ibang flexible working arrangements

  • Sa pagitan ng 1992 at 1997, sa sektor ng industriya, sa bawat isang manggagawang regular na nakaempleyo, lima ang kontrakwal kaswal.

  • 90% ng mga kompanyang elekroniks noong 1999 ay nag-eempleyo ng temporaryong manggagawa at bumaba ang halaga ng kanilang mga produkto sa pandaigdigang pamilihan.

  • 83% ng kompanya ay nag-eempleyo ng mga kaswal at kontraktuwal upang maiwasan magkaroon ng unyon sa mga manggagawa noon.

  • Patuloy parin umiiral ang ganitong sistema ng kontraktuwalisasyon sa paggawa.

  • Hindi maganda ang kalagayan ng manggagawang kotraktuwal/kaswal.

  • Hindi sila binabayaran ng karampatang sahod at mga benepisyong ayon sa batas.

  • Hindi nila natatamasa ang mga benepisyo ayon sa Collective Barganing Agreement (CBA) dahil hindi sila kasama sa bargaining unit.

  • Hindi sila maaaring magbuo o sumapi sa unyon dahil walang katiyakan ang kanilang security of tenure.

  • Hindi kinikilala ng contracting company ang relasyong employee-employer sa mga manggagawang nasa empleyo ng isang ahensiya.

  • Sa tuwing natatalakay ang usapin ng pagpapakontrata, napipilitan ang mga mahina na magsama-sama at maglunsad ng iisang pagkilos.

Department Order 18-A ng DOLE

ay naghayag ng patakaran ng pamahalaan laban sa pagpapakontrata. Hinigpitan ang probisyon ng pagpapakontrata, pinatingkad ang usapan karapatan, at iba pa.

Pagbangon ng mga Manggagawa at ang Kilusang Manggagawa

  1. Kailangan din ng mga mangagawa ng isang makauring pagkakaisa at determinasyon upang isuling ang kanilang mga karapatan

  2. Kailangan maging  mulat bilang uri at maging alerto ang mga manggagawa para magapi ang patakarang mura at flexible labor.

  3. Pagkakaisa ng hanay ng mga maggagawa tungo sa isang marangal na trabaho para sa lahat.

  4. Regular man o hindi , kasapi ng Unyon o hindi , may trabaho man, o wala dapat isulong ang mga isyung magiging kapaki-pakinabang sa uring manggagawa.

robot