0.0(0)

Q1 | Filipino


CHAPTER 1: ANG KAHON NI PANDORA (MITOLOHIYA)

Mitolohiya - Kwentong kinatatampukan ng mga diyos at diyosa.

  • Paksa: pag-ibig, pakikipagsapalaran, pakikidigma, at pagpapakita ng iba’t ibang kapangyarihan ng mga nilalang.

  • Nagpapakita rin ng pamumuhay bilang ordinaryong tao na minsa’y nagkakamali at nagagapi ng kahinaang tulad ng mga mortal.

Ang Kahon ni Pandora:


Talasalitaan:

  • Sumanib - Sumapi

  • Handog - Alay o Regalo

  • Nababatid - Naalam o Alam

  • Nakamata - Nagising

  • Paninibugho - Pagseselos o Pagkainggit

Pandiwa — Nagsasaad ng kilos o galaw at nagbibigay-buhay sa lipon ng mga salita. 

  • Ito’y binubuo ng salitang-ugat at ng isa o higit pang panlapi.

  • Ang mga panlaping ginagamit sa pandiwa ay tinatawag na panlaping makadiwa.

  • May dalawang uri ng pandiwa: Palipat at Katawanin.

Palipat — May tuwirang layong tumatanggap sa kilos.

  • Ang layon ay karaniwang kasunod ng pandiwa at panangunahan ng mga katagang ng, ng mga, sa, sa mga, kay, o kina.

  • e.g. “Si Hephaestos ay lumikha (pandiwa) ng babae (tuwirang layon).”

  • e.g. “Siya ay kanilang suotan (pandiwa) ng damit at koronang ginto (tuwirang layon).”

Katawanin — Kapag hindi na ito nangangailangan ng tuwirang layong tumatanggap ng kilos at nakatayo na itong mag-isa.

Salik ng Katawanin:

  1. Pandiwang naglalahad lamang ng kilos, gawain, o pangyayari.

    • Nabuhay si Pandora.

    • Sina Epimetheus at Pandora ay ikinasal.

  2. Mga pandiwang palikas na walang simuno.

    • Umuulan!

    • Lumilindol!

Aspeto ng Pandiwa:

  1. Aspetong Naganap o Perpektibo

  2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo

  3. Aspektong Magaganap o Kotemplatibo

  4. Aspektong Katatapos


Aspetong Naganap — Tapos na o nangyari na ang kilos.

  • e.g. “Ipinadala ni Zeus si Pandora kay Epimetheus.”

Aspetong Katatapos — Bahagi rin ng aspektong naganap sapagkat ang kilos ay katatapos pa lang gawin o mangyari.

  • Sa pagbuo nito’y idinudugtong ang panlaping ka sa inuulit na unang pantig ng salita.

  • e.g. Kasasabi lang ni Epimetheus na huwag bubuksan ni Pandora ang kahon subalit binuksan pa rin niya ito.”

Aspetong Nagaganap — Kasalukuyang nangyayari o kaya’y patuloy na nangyayari. 

  • Araw-araw na nagpapaalala si Epimetheus sa kanyang asawa.

Aspetong Magaganap o Kontemplatibo — Hindi pa isinasagawa o gagawin pa lang.

  • Darating ang pag-asa basta’t maghintay ka lamang.

CHAPTER 2: ISRAEL (PARABULA)

Katangian ng Israel:

  • Bansa sa Kanlurang Asya na nasa Rehiyon ng Mediterranean dahil ito'y matatagpuan sa timog-silangan ng Dagat Mediterranean.

  • Gitnang Silangan na kinikilalang Holy Land o Banal na Lupain para sa mga Kristiyano, Hudyo, Muslim, at mga Baha.

  • Si Hesus ay namuhay at nangaral sa maraming bahagi ng Israel, lalo na sa lungsod ng Herusalem.

  • Ang parabula ni Hesus ay madalas nagmula sa mga sitwasyon sa lugar na ito, at ginamit niya ang pagpapakasal ng binata at dalagang Hudyo upang iparating ang kanyang mga aral.

  • Sa parabulang ito (Ang Sampung Dalaga), ipinapakita ang mga kultura at tradisyon ng kasalang Hudyo, na nagbibigay-diin sa relasyon at pagmamahal ng mga mananampalataya.


Kultura ng mga Hudyo:

  • Sa mga Hudyo noong unang panahon, ang kasalanan ay nangyayari sa gabi. Bago ang kasal, sinunso ng binate ang dalagang pakakasalan at pagkatapos ay babalik sila sa bahay ng binate para ipagdiwang ang maringal na kasal ang umabot ng kung ilang araw. Sa pagpasok ng mga ikakasal ay tanging ang mga taong nag-aabang at may dalang sulo ang pinapapasok upang maiwasang makapasok ang mga hindi imbitado..

  • Dito binigyang-diin ni Hesus ang kahalagahan ng kahandaan ng mga mananampalataya sa kanyang pagbabalik. Kailangang manatiling may langis ang ating mga "ilawan" sapagkat hindi natin alam ang araw o ang oras ng kanyang muling pagparito.


Ang Sampung Dalaga:

Talasalitaan:

  • Ipagkakaloob - Ibibigay

  • Maringal - Magarbong

  • Mahinto - Mahinto

  • Aandap-andap - Pangamba

  • Sapat - Kalungkutan o Kahirapan

  • Kasama - Kagalakan

  • Humahangos - Panlulumo

  • Pagsisihan - Pagsisisi

Uri ng Pang-Ugnay:

  • Pang-angkop

  • Pangukol

  • Pangatnig

Pangukol — Kataga, salita o pariralang nag-uugnay sa isang pangalan sa iba pang salita sa pangungusap.

Mga Salita, Kataga, o Pariralang Ginagamit Bilang Pang-ukol:

  • Alinsunod sa / alinsunod kay

  • Ayon sa / Ayon kay

  • Hinggil sa / Hinggil kay

  • Kay / Kina

  • Laban sa / Laban kay

  • Para sa / Para kay

  • Tungkol sa / Tungkol kay

  • Ukol sa / Ukol kay

Pangatnig — Mga kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay, o payak na pangungusap.

Mga Halimbawa ng Pangatnig:

  • at, anupa, bagaman, bagkus bago

  • dahil sa, datapwat kapag, kaya

  • kundi, kung, habang, maliban 

  • nang, ngunit, o, pagkat, palibhasa

  • pati, akali, samantala

  • samakatuwid, sa madaling salita

  • upang, sanhi, sapagkat, subalit, ni

CHAPTER 3: ESPANYA (SANAYSAY)

Katangian ng Espanya:

  • isang bansang sumakop sa Pilipinas sa loob nang mahigit tatlong daang taon. 

  • Hanggang sa kasalukuyan, napakarami pa rin sa mga impluwensya ng bansang ito ang masasalamin sa ating wika, kultura, tradisyon pananampalataya, at uri ng pamumuhay.

  • Sa kasalukuyan, umaabot sa mahigit 50 000 overseas Filipino Worker o OFW ang naghahanap-buhay at naninirahan sa bansang ito partikular sa malalaking lungsod dito tulad ng Madrid at Barcelona.

  • Maliban sa mga OFW mayroon ding humigit-kumulang 300 000 Pilipino ang may dual citizenship (Pilipino at Espanyol). Sila ang mga tinatawag na mestiso (mestizo) o mga anak ng mga magulang na may lahing Pilipino at lahing Espanyol.

Ang Apat na Buwan Ko sa Espanya:

Sanaysay — Maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.

Talasalitaan:

  • Nakikipagtagisan - Nakikipagpaligsahan

  • Lumalapat - Sumasayad

  • Tanyag - Kilala

Halaga ng Pagbigay ng Sariling Pananaw:

  • Mahalagang bahagi ng ating pang-araw araw na pakikipagtalastasan ay pagpapahayag ng sariling pananaw o opinyon. Kailangang matutunan natin ang mabisang paraan ng pagsasagawa nito.

Pahayag na Ginagamit sa Sariling Pananaw:

  • Ang masasabi ko ay…

  • Ang pagkakaalam ko ay…

  • Ang paniniwala ko ay…

  • Ayon sa nabasa kong datos/impormasyon/balita…

  • Hindi ako sumasang-ayon sa sinasabi mo dahil…

  • Kung ako ang tatanungin…

  • Maaari po bang magbigay ng mungkahi?

  • Maaari po bang magdagdag ng sa sinabi niyo?

  • Mahusay ang sinabi mo at ako naman ay…

  • Para sa akin…

  • Sa aking palagay…

  • Sa tingin ko ay…

  • Tutol ako sa sinabi mo dahil…

CHAPTER 4: ANG MUNTING BARILES (SALAYSAY)

Henri Rene Albert Guy de Maupassant (1850-1893):

  • Tanyag na manunulat na Pranses na itinuturing na Ama ng Modernong Maikling Kwento.

  • Itinuturing din siyang pinakadakilang manunulat na Pranses.

  • Ang mahigit na tatlong daang maikling kwento at anim na nobelang kanyang isinulat ay nagpapakita sa makukulay na detalye ng pang-araw-araw na buhay sa pransya noong ika-19 na siglo.

Ang Munting Bariles:

Talasalitaan:

  • Nakamasid - Nakatingin

  • Naumid - Napipi

  • Paanyaya - Imbitasyon

  • Patibong - Bitag

  • Lumagda - Pumirma

  • Sumusuray - Pagewang -gewang

  • Pagkasuklam - Sobrang galit

Panghalip (Pronoun) — Pananalitang inihahalili o ipinapalit sa pangngalan.

Uri ng Panghalip:

  • Panghalip Panao

  • Panghalip Pamatlig

  • Panghalip Panaklaw

  • Panghalip Pananong

Panghalip Panao — Ipinapalit o inihahalili sa ngalan ng tao.

  • Ang panghalip panao ay may panauhan, kaukulan, at kailanan.

Uri ng Panghalip Panao:

  1. Panauhan ng Panghalip Panao — Taong tinutukoy sa panghalip.

    • Unang Panauhan - taong nagsasalita.

    • Ikalawang Panauhan - taong kinakausap.

    • Ikatlong Panauhan - taong pinag-uusapan.

  2. Kailanan ng Panghalip Panao — Tumutukoy sa dami o bilang ng taong tinutukoy ng panghalip.

    • Isahan

    • Dalawahan

    • Maramihan

  3. Kaukulan ng Panghalip Panao — Tumutukoy sa gamit ng panghalip sa pangungusap.

    • Palagyo - Simuno o paksa ng pangungusap.

      • e.g. “Siya ay nagkakaroon ng matibay na paninindigan.”

    • Palayon - Layon ng pandiwa o pang-ukol.

      • e.g. “Ang lupa ay ipinagbili niya.” (layon ng pandiwa)

      • e.g. “Ang kwento ay tungkol sa kanila.” (layon ng pang-ukol)

    • Paari - Pagmamay-ari sa isang bagay.

      • e.g. “Hindi ipinagbili ni Edith lupa niya.”

Panghalip Pamatlig — Inihahalili sa pangngalang itinuturo o inihihimaton.

  • Ang panghalip pamatlig ay may panauhan at uri din.

Panghalip Panaklaw — Kaisahan, dami, o kalahatan ng tinutukoy.

Halimbawa ng Panghalip Panaklaw:

  • iba, lahat, tanan, madla, pawang

  • anuman, alinman, sinuman, ilanman, kailanman

  • saanman, gaanuman, magkanuman

Panghalip Pananong — Pagtatanong pag-uusisa na pumapalit sa isang pangngalan, pariralang pangngalan, o panghalip.

  • Mahalaga ito upang makilala ang pagkakaiba ng panghalip pananong sa iba pang uri ng mga salitang nagtatanong (pang-uring pananong at pang-abay na pananong).

  • (MNEMONICS: SAKA — Sino, Ano, Kanino, Alin)

TANDAAN!

  • Hindi kasama sa mga panghalip pananong ang mga salitang pananong na saan, nasaan, kailan, bakit, paano, at gaano dahil ang mga ito ay pang-abay na
    pananong
    .

  • Gayundin ang mga salitang pananong na magkano, ilan at pang-ilan ang mga ito naman ay pang-uring pananong.

CHAPTER 5: ANG MUNTING PRINSIPE (NOBELA)

Antoine de Saint-Exupery:

  • Isang pilotong manunulat

  • sumulat ng nobelang "Ang Munting Prinsipe."

  • Isinalin sa 250 wika at 140 M kopya na ang naipagbili.

  • Hango ang inspirasyon mula sa karanasan ng manunulat.

  • Ito ay isang aklat pambatang isinulat para sa matatanda.

Ang Munting Prinsipe:


Talasalitaan:

  • Nakakubli - Nakatago

  • Natatangi - Naiiba

  • Paglisan - Pag-alis

  • Mangangalakal - Negosyante

  • Nakaatang - Nakatalaga

TEST COMPILATIONS

Maikling Pagsusulit 1

  1. “Ang limang dalaga ay tuluyang hindi na nakapasok.” Anong uri ng pandiwa ang pahayag?

SAGOT: katawanin

  1. Ano ang ipinaparating na mensahe ng mitolohiyang “Ang Kahon ni Pandora”?

SAGOT: Maging matatag at huwag mawalan ng pag-asa sa buhay.

  1. “Ako ay araw-araw na naghahanda sa lahat ng bagay upang maiwasan ang pagsisisi.” Anong uri ng pandiwa ang pahayag?

SAGOT: palipat

  1. “Determinasyon ______ pagsisikap ang susi upang patuloy na umunlad sa buhay.” Anong Pang-ugnay ang bubuo sa diwa ng pangungusap.

SAGOT: at

  1. Ano ang hiniling ni Prometheus kay Zeus bilang pamprotekta sa mga tao na tanging mga Diyos lamang ang gumagamit noon?

SAGOT: apoy

  1. Alin sa mga sumusunod ang naglalahad ng mensahe ng parabulang Ang Talinghaga ng Sampung Dalaga?

SAGOT: Marapat na tayo ay maging handa sa pagdating ng Panginoon.

  1. Isang regalong nakakahon at nababalot nang napakaganda ang dumating para sa iyo, dalawang buwan bago ang iyong kaarawan. Subalit, may kalakip na mensaheng "HINDI MO ITO PUWEDENG BUKSAN HANGGANG SA MISMONG PETSA NG IYONG KAARAWAN." Ano ang gagawin mo?

SAGOT: Susundin at maghihintay ng dalawang buwan at bubuksan lang ang kahon sa mismong petsa ng kaarawan.

  1. “KAPAPASOK pa lamang ng matatalinong dalaga nang dumating ang limang hangal na dalaga.” Anong aspekto ng pandiwa ang salitang nakasulat ng madiin sa pangungusap?

SAGOT: perpektibong katatapos

  1. Talinghaga ng Sampung Dalaga: Bakit hindi pumayag ang matatalinong dalaga na bigyan ng langis ang limang hangal na dalaga?

SAGOT: Iniisip nila na baka bago pa man dumating ang hinihintay ay pare pareho silang maubusan ng langis.

  1. Paano mo mailalarawan ang pangunahing tauhan na si Pandora sa mitolohiyang “Ang Kahon ni Pandora”?

SAGOT: Isang likas na mausisa.

  1. Ano ang naging resulta nang buksan ni Pandora ang kahon?

SAGOT: Lumabas ang kalungkutan at kasamaan

  1. Paano inilarawan sa Talinghaga ng Sampung Dalaga ang pagdating ng Panginoong Hesus?

SAGOT: Walang nakaaalam ng oras at araw ng pagdating ng Panginoon.

  1. Talinghaga ng Sampung Dalaga:Bakit makatwiran lamang na tawagin ang huling limang dalaga na mga hangal?

SAGOT: Hindi sila naghanda sa pagganap sa kanilang misyon.

  1. Sino ang magkapatid na Titan na binigyan ni Zeus ng gantimpala dahil sa katapatan nila?

SAGOT: Epimetheus at Prometheus

  1. “Ang Pilipinas ay natanghal sa Israel DAHIL SA isang Pinay caregiver na may natatanging talento sa pag-awit.” Anong uri ng pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap?

SAGOT: Pangatnig

  1. Alin sa mga sumusunod ang ibinigay ni Athena kay Pandora?

SAGOT: Binigyan ng maningning na kasuotang hinabi mula sa pinakamahuhusay na sutla at gintong sinulid.

  1. Anong aral ang mapupulot sa mitolohiyang "Kahon ni Pandora"?

SAGOT: Huwag mawalan ng pag-asa sa gitna ng mga sigalot, problema at pagkalito.

  1. "Hindi siya sumuko KAYA sa huli ay nakamit niya ang tagumpay." Anong uri ng pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap?

SAGOT: Pangatnig

  1. Sa Parabula ng sampung dalaga, anong asal ang ipinakita ng limang matatalinong dalaga?

SAGOT: Pagiging handa sa mga sitwasyon/pangyayari

  1. TUNGKOL SA pag-iibigan nina Epimetheus atPandora ang aming pinag-aralan sa Asignaturang Filipino.Anong uri ng pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap?

SAGOT: Pang-ukol

  1. Anong uri ng akdang pampanitikan ang kapupulutan ng aral at kadalasang ang kuwento ay hango sa bibliya?

SAGOT: Parabula

  1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinaka-angkop na pag-uugnay ng Talinghaga ng Sampung Dalaga sa tunay na buhay?

SAGOT: Nakabubuti sa atin ang paghahanda sa anumang oras at pagkakataon.

  1. Alin sa mga sumusunod ang kaisipang taglay ng mitolohiyang pinamagatang “Kahon ni Pandora”?

SAGOT: Pinarusahan ni Zeus si Prometheus dahil sa pagsuway niya sa kagustuhan nito. , Isang babae ang naisip ipadala ni Zeus kay Epimetheus para magdala ng kanyang parusa sa sangkatauhan.

  1. “DARATING din ang tamang panahon para sa atin.”Anong aspekto ng pandiwa ang salitang nakasulat ng madiin sa pangungusap?

SAGOT: Kontemplatibo

Maikling Pagsusulit 2

  1. “______ang munting prinsipeng nagmula sa Planetang 325.” Ang panghalip ang bubuo sa diwa ng pangungusap?

SAGOT: siya

  1. “Nakadarama siya ng PAGKASUKLAM.” Ano ang kahulugan ng salitang nakasulat nang malaki sa pangungusap?

SAGOT: pagkagalit

  1. Anong bitag o patibong ni Chicot ang hindi naiwasan ng matandang babae?

SAGOT: Ang pag-inom ng alak

  1. “Ang prinsipe ay nagkuwento ng kanyang mga karanasan.” Anong panghalip ang ginamit sa pangungusap?

SAGOT: kanya

  1. “Nagpunta siya sa bahay ni Chicot bilang pagtugon sa isang PAANYAYA.” Ano ang kahulugan ng salitang nakasulat nang malaki sa pangungusap?

SAGOT: imbitasyon

  1. “ Sa tingin ko, ito ay labis na makabubuti sa kanilang kabuhayan at ekonomiya.” Anong pahayag ang nagpapakita ng sariling pananaw sa pangungusap?

SAGOT: sa tingin ko

  1. Ilang taon sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas?

SAGOT: Mahigit tatlong daang taon

  1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naging aral ng “Ang Munting bariles?”

SAGOT: Ipagkatiwala ang lahat ng ari-arian maging sa mga taong minsan lang nakilala.

  1. Bakit nagsimula nang iwasan ni Chicot ang matanda nang matiyak nitong gumon na siya sa pag-inom ng alak?

SAGOT: Upang hindi siya mapagbintangan kung may mangyaring masama sa matanda.

  1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasama sa isinalaysay ni Rebecca sa loob ng apat na taon na pamamalagi niya sa bansang espanya?

SAGOT: Ang mga maipagmamalaking teknolohiya

  1. Sino ang initusan ni Chicot na kuhanin ang pinakamasarap na alak, upang magustuhan ni Nanay Magloire?

SAGOT: Rosalie

  1. Alin sa mga sumusunod na panghalip pananong ang gagamitin kung gusto mong malaman ang guro ng asignaturang Filipino?

SAGOT: sino

  1. Anong uri ng Panghalip ang salitang KAILANMAN?

SAGOT: Panaklaw

  1. Sino ang sumulat ng maikling kwento na pinamagatang “ Ang Munting Bariles.”?

SAGOT: Henri Rene Albert Guy de Maupassant

  1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagbibigay ng sariling pananaw?

SAGOT: Ang pagkakaalam ko ay…

  1. Sino sa mga tauhan ng maikling-kwentong “Ang Munting Bariles” ang nagpakita ng pagkatuso?

SAGOT: Jules Chicot

  1. “Ikaw ay karaniwang batang lalaki lamang.” Anong panauhan ang panghalip sa pangungusap?

SAGOT: Ikalawang panauhan

  1. Ano ang tanyag na tanyag na laro o nilalaro o nilalahukan ng halos lahat ng kabataan sa bansang Espanya?

SAGOT: Soccer o Football

  1. Anong uri ng panghalip panao ang ang ginagamit bilang simuno o paksa sa pangungusap?

SAGOT: Palagyo

  1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng sariling pananaw?

SAGOT: Hindi ako papayag! Walang makapagpapabago sa kaugaliang matagal ko ng pinaniniwalaan.

  1. Alin sa mga sumusunod ang nasa unang panauhan at maramihan?

SAGOT: tayo

  1. "Bigla siyang NAUMID at hindi agad nasabi ang kanyang kondisyon." Ano ang kahulugan ng salitang nakasulat nang malaki sa pangungusap?

SAGOT: napipi

  1. Paano nakapunta si Rebecca sa Espanya?

SAGOT: Isinama siya ng kaniyang mga magulang na nag tatrabaho sa bansang Espanya.

  1. “ Ang buong pamilya____ ay pumunta sa Batangas.” Anong panghalip na unang panauhan ang bubuo sa diwa ng pangungusap?

SAGOT: ko

  1. Bakit mahalagang maging bukas at gumalang sa pagkakaiba-iba ng mga tao sa mundo?

SAGOT: Upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan ng bawat isa.

0.0(0)
robot