knowt logo

KOMPAN NOTES 2ND QUARTER

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA

Pasalindila – Mga panitikang naisalin na sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao.

Isa sa mga makapangyarihang ambag ng mga Negrito sa kasaysayan ng panitikan ang mga pasalindilang anyo tulad ng awitin at pamahiin.

Naipakalat ng mga Indones ang kanilang dala sa tulong ng mga alamat, epiko at mga kuwentong bayan.

Narating ng mga Malay ang Pilipinas bitbit ang kanilang sistema ng pamamahala (balangay bilang sasakyang pandagat), wika at sistema ng pagsulat (Alibata at Baybayin).

Baybayin – Ang sinaunang alpabeto ng mga Filipino ; Katutubong paraan ng pagsusulat na ginamit ng katutubong Pilipino ; Ito ang katutubong alpabetong naglalaman ng 17 simbolo ; Binubuo ng 3 patinig at 14 na katinig.

BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA

Miguel Lopez de Legazpi – Inihudyat ang pormal na pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas.

Ang pagtuklas sa mga pampalasa (spices) na sa mayamang kalikasan ng bansa matatagpuan, ang mithiing maipalaganap ang Kristiyanismo at maipakalat ang kapangyarihan ay naging layon ng pagdaong ng kanilang ekspidisyon sa bansa.

Prayle – Mga unang nagsasagawa ng pag-aaral sa mga katutubong wika ; Produkto nila ang mga unang limbag na diksyunaryo at babasahing panggramatika.

Upang mas maging epiktibo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo, ang mga misyonerong Espanyol mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo. Nabatid nilang sa pagpapalaganap ng kanilang relihiyon, mas magiging kapani-paniwala at mas mabisa kung ang mismong banyaga ang nagsasalita ng wikang katutubo.

Dahil dito, ang mga prayle ay nagsulat ng mga diksiyonaryo at aklat-panggramatika, katekismo, at mga kumpensyonal para mas mapabilis ang pagkatuto nila.

PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO

Tagalog – Nagging wikang opisyal ng Katipunan batay sa ipinahayag ng Saligang-Batas ng Biak-na-Bato ; Naging midyum sa mga pahatid-sulat at dokumento ng kilusan.

Itinuloy ang paggamit ng cq sa halip na k.

K.K.K – Kataas-taasang, kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan.

Ang Kilusang Propaganda ay nagsimula bilang reaksyon sa pagbitay kina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora (Gomburza).

Pinanatili ang romanisadong alpabeto na may limang patinig a, e, i, o, at u.

Pinag-usapan ang paggamit ng labinlimang katinig na b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, at y.

Tinawag ang alpabetong Tagalog mula sa unang apat na letra ng alpabeto, kung kaya ABAKADA ng Baybaying Tagalog.

PANAHON NG AMERIKANO

Thomasite (Sundalong Amerikano) – Mga naging guro sa panahong ito.

Philippine Commission Batas Blg. 74 – Nag-uutos na gamitin ang Ingles bilang wikang panturo sa mga paaralan sa buong kapuluan.

Panukalang Batas Blg. 57 – Nag-utos si Kalihim (Bise Gobernador Heneral Butte) ng Public Instruction na gamitin bilang panturo sa paaralang primarya ang katutubong wika mula taong panuruan 1932-1933.

Naging masigasig si Pangulong Manuel L. Quezon ukol sa pagkakaroon ng wikang Pambansa. Iminugkahi niya na dapat magtatag ng Surian ng Wikang Pambansa upang pag-aralan ang suliranin ng wikang Pambansa.

PANAHON NG MALASARILING PAMAHALAAN

Nabuo ang Pamahalaang Komonwelt na nakasandal sa Saligang Batas 1935.

Batas Komonwelt Blg. 184 – Bumuo ng samahang pangwikang tutupad sa hinihingi ng konstitusyon. Dito isinilang ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP).

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 – Binigyang-pahintulot ang pagpapalimbag ng talatinigang “A Tagalog-English Dictionary” at “Ang Balarilang ng Wikang Pambansa” ni Lope K. Santos (Ama ng Balarilang Tagalog).

Iniutos ni Pangulong Manuel Quezon na ituro ang sa lahat ng paaralan (publiko at pribado) ang pambansang wika base sa Tagalog.

PANAHON NG HAPON

Itinuring Gintong Panahon ng Panitikang Filipino.

Order Militar Blg. 13 – Ginawang opisyal na mga wika ng Pilipinas ang wikang Hapon (Niponggo) at Tagalog.

Malaya ang paggamit ng Tagalog kaya nagging masigla sa mga panahong ito ang mga manunulat ng iba’t ibang genre ng panitikan lalong-lalo na sa maikling kwento na gamitin ang wikang sarili sa kani-kanilang katha.

PANAHON NG BATAS MILITAR

Napasailalim sa Batas Militar ang Pilipinas mula 1972 hanggang 1981 sa ilalim ng pamumuno ni Ferdinand Marcos, sa pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 1081.

Sa hangad ng Pangulong Marcos na malinang ang mga mamamayang Pilipino upang maging Bagong Pilipino, inugali niya ang magsalita at magtalumpati sa Pilipino tuwing hinihingi ng pagkakataon.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 – Pagpapatupad ng Patakarang Bilingguwal na paggamit ng wikang Filipino at Ingles sa magkahiwalay na asignatura.

PANAHONG MATAPOS ANG MAPAYAPANG REBOLUSYON HANGGANG SA KASALUKUYAN

Binanggit sa Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 na ang wikang Pambansa ay Filipino.

Corazon C. Aquino – Niratipika niya ang pagpapalit ng pambansang wika bilang “Filipino

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 – Paglikha ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) bilang pamalit sa dating SWP.

Batas Republika Blg. 7104 – Itinatag ang Komisyon sa Wikang Pambansa (KWF) ; Pamalit sa dating SWP at LWP.

PANIMULA SA PANANALIKSIK

Bakit nga ba nagsasaliksik?

Ayon kay Vizcarra (2003), ang pananaliksik ay isang sistematikong kontrolado, empirical, at kritikal na pahayag tungkol sa inaakalang ugnayan ng mga natural na phenomenon

DALAWANG URI NG PANANALIKSIK

  1. Kwantitatibo
  2. Kwalitatibo

BAHAGI NG PANANALIKSIK

IMRaDC (Panimula, Metodolohiya, Resulta at Pagtatalakay, Kongklusyon)

  1. Panimula
    1. Panimula (Background of the Study)
    2. Suliranin ng Pag-aaral (Statement of the Problem)
    3. Konseptwal na Balangkas (Conceptual Framework). Representasyon ng relasyon ng mga variable sa pananaliksik.
  2. Metodolohiya
    1. Disenyo
    2. Teksto/Lokal na Pag-aaral. Saan gaganapin ang pag-aaral.
    3. Kalahok ng Pag-aaral. Sino-sino ang kalahok/criteria.
    4. Instrumento ng Pag-aaral. Interview guide.
    5. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral. Hanggang saan ang pag-aaral.
  3. Resulta
    1. Tabular
    2. Tekstwal (Textual)

KADAGDAGANG NILALAMAN NG PAPEL

  1. Dahon ng Pamagat (Title Page)
  2. Abstrak (Abstract)
  3. Talaan ng Nilalaman (Table of Contents)
  4. Talaan ng Talahanayan (List of Tables)
  5. Talaan ng Pigura (List of Figures)
  6. Talaan ng Dahong-Dagdag (Apppendices)
  7. Sanggunian (References)
  8. Datos ng Mananaliksik (Researcher Data, Curriculum Vitae)

ISTRUKTURA NG WIKA

TATLONG SALIK NG PAGPAPASALITA

  1. Enerhiya – Pinaggalingan ng Lakas ; Nilikhang presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga (Pressure created when exhaling).
  2. Resonador – Pumapalag na bagay ; Nagmomodipika ng tunog ; Ang bibig at guwang ng ilong ang inuturing na resonador.
  3. Artikulador – Ang patunugan ; Nagpapakatal sa mga babagtingang pantinig.

PONOLOHIYA O PALATUNUGAN AT PONEMA

Nagmula sa salitang Griyego na “Phono” o tunog at “logia” o diskurso

Pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto (juncture), pagtaas-baba ng tinig (pitch), diin (stress), at pagpapahaba ng tunog (lengthening).

Ponema – Isang makabuluhang yunit ng tunog na nakapagpapabago ng kahulugan ng isang salita kapag ang mga tunog ay pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita ; pinakamaliit na yunit ng tunog

Halimbawa: maestro – maestra ; abogado – abogada; tindero – tindera

Letrang /o/ kapag lalaki at letrang /b/ kapag babae

URI NG PONEMA

  1. Ponemang Segmental – Makabuluhang tunoog na may katumbas na letra para mabasa o mabigkas.

Mayroong 21 na ponemang segmental.

15 katinig : /b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y, ?/

/?/ ay pasara/impit na tunog o saglit na pagpigil sa hangin at /ɧ/ ay kumakatawan sa titik na /ng/.

5 patinig : /i, e, a, o, u/

5 uri ng Ponemang Segmental:

Ponemang Katinig – Maiiayos ayon sa tagpuan-bigkasan at paraan ng pagbigkas

Punto ng Artikulasyon – Saang bahagi ng bibig ang ginagamit upang makalusot ang hangin sa pagbigkas ng isang ponema.

Mga Punto ng Artikulasyon:

  1. Panlabi – Ang ibaba ng labi ay dumidikit sa labi ng itaas. /p/ /b/ /m/ /w/
  2. Pangngipin – Ang dulong dila ay dumidiiit sa loob ng mga ngipin sa itaas. /t/ /d/ /n/
  3. Panlabi - Pangngipin – Dumidiit ang ibabang labi sa itaas ng ngipin. /f/ /v/
  4. Panggilagid – Ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa puno ng galagid. /s/ /z/ /l/ /r/
  5. Palatal – Dumidiit sa matigas na bahagi ng ngala-ngala ang ibabaw ng punong dila. /y/
  6. Velar – Dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngala-ngala ang ibabaw ng punong dila. /k/ /g/ /ɧ/
  7. Panlalamunan – Ang likurang bahagi ng dila ay dumidiit sa lalamunan. /j/
  8. Glottal – Nagdidiit o naglalapit at hinaharang o inaabala ang presyon ng papalabas na hininga upang lumikha ng paimpit o pasutsot na tunog. / / /h/

Paraan ng Artikulasyon – Paano pinatutunog ang ponemang katinig sa ating bibig ; Paano gumagana ang ginagamit na mga sangkap sa pagsasalita.

Mga Paraan ng Artikulasyon:

  1. Pasara – Hinaharangan ang daanan ng hangin. /p/ /t/ /k/ / / /b/ /d/ /g/
  2. Pailong – Nahaharang ang hangin na dapat ay sa bibig lumalabas dahil sa pagtikom ng mga labi. /m/ /n/ /ng/
  3. Pasutsot – Sa makipot na pagitan ng dila at ng ngala-ngala. /s/ /n/
  4. Pagilid – Ang dulong dila ay nakadiit sa punong galagid, sa mga gilid ng dila lumalabas ang hangin. /l/
  5. Pakatal – Ang dulo ng nakaarkong dila ay pumapalag, ang hangin sa loob ng bibig ay paiba-iba ng direksyon at ito ay nahaharang. /r/
  6. Malapatinig – Ang galaw ng labi o dila mula sa isang posisyon patungo sa ibang posisyon. /w/ /y/

Ponemang Katinig – Binibigkas sa ating dila na binubuo ng harap, sentral at likod na bahagi. Ang mga bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas ng mga patinig na binibigkas nang mataas, gitna, at mababa.

Halimbawa:

Ayos ng Dila | Bahagi ng Dila

Harap Sentral Likod

Mataas i u

Gitna e o

Mababa o

Ponemang Diptonggo – Ponemang patinig (/a/ /e/ /i/ /o/ /u/) + malapatinig (/w/ /y/)

Mga diptonggo sa Filipino:

/y/ - ay, ey, iy, oy, uy

/w/ - aw, ew, iw, ow, uw

Ponemang Klaster – Binubuo ng dalawang magkasunod na katinig sa isang pantig ; Maaaring makita sa inisyal, midyal at pinal na pantig sa salita.

Unahan | Gitna | Hulinan

drama iskwater rekord

  1. Ponemang Suprasegmental – Ang mga makabuluhang tunog na hindi tinutumbasan ng letra, sa halip ay sinasagisag ng notasyong ponemik upang mabanggit ang paraan ng pagbigkas.

Diin – Pagbibigay ng pansin sa pagbigkas ng isang salita ; Pinapahaba ito kung binibigkas nang maydiin.

// - luto ang tunog o may taglay itong kahulugan

? - glottal stop o pagbigkas ng tunog na maring may pumipigil sa paglabas ng hanging galing sa bibig

h - glottal fricative o pagbigkas ay malayang lalabas ang hangin mula sa bibig

: - banayad o mahabang pagbigkas

. - kagyat na pagbigkas

Halimbawa: buhay /BU:hay/ = life /bu:HAY/ = alive

Intonasyon – Pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring maghudyat sa kahulugan ng isang panayag o salita ; Makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin.

Hinto/Antala – Saglit na pagtigil kung nagsasalita ; Nagkakaroon ng Pagbabago ng kahulugan kung nag-iiba ng hinto.

Halimbawa:

Hindi / si Juan ang may sala // (Si Juan ang may sala.)

Hindi si Juan / ang may sala // (Walay sala si Juan)

MORFEMA NG WIKANG FILIPINO

Morpolohiya (Morphology) – Pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagsasama-sama ng mga ito upang makabuo ng salita.

Morpema – Pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan ; Maaaring salitang ugat o panlapi.

TATLONG ANYO NG MORFEMA

Morfemang Salitang-ugat – Payak na mga salita

Halimbawa: Tao, saya, lakad, bahay, kulay, ganda, aral, laro

Morfemang Panlapi – Ginagamit upang bigyang diin ang ating nais ; Ikinakabit sa salitang-ugat na may kahulugang taglay at matatawag ding di-malayang morfema dahil hindi nakatayong mag-isa.

Halimbawa: Ka-, um-, -um-, -in-, -in, an, at iba pa.

Unlapi – Unahan ng salita

Um- : umakyat, umalis, umiyak, uminom

Ka- : kasama, kalaro, kaklase

Gitlapi – Gitna ng isang salita

-um- : kumuha, lumayo, bumuhos, tumakas

-in- : kinuha, linayo, binuhos, tinakas

Hulapi – Hulihan ng salita

-an : bantayan, balutan, damuhan, pasahan

-in : yakapin, pansinin, balutin, lituhin

Morfemang bumubuo ng isang ponema – Kasarian kapag ikaabit sa hulihan ng salitang ugat

/a/ - pambabae at /o/ - panlalaki

Halimbawa: Doktor – Doktor , Mayor – Mayora , Abogado – Abogada

URI NG PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO

ASIMILASYON

– Pagbabagong nagaganap sa huling posisyon dahil sa impluwensiya ng kasunod na ponema. Kung ang ponemang pang ay ikinakabit sa salitang-ugat na nagsisimula sa b, p ang n ay nagiging m.

– Naasimila ng isang morfema ang tunog ng isa pang morfema.

Pang- at Sing- | a, e, i, o, u, k, g, h, j, k, n, ng, w, y

Pam- b, p

Pan- d, l, r, s, t

Halimbawa:

pang + balabal = pambalabal

pang + panitikan = pampanitikan

pang + kuha = panguha

pang + tabas = pantabas

ASIMILASYONG GANAP

– Nagaganap kapag matapos na maging /m/ at /n/ ng panlapi dahil sa pakikibagay sa kasunod na tunog ay nawawala pa ang sumusunod na unang titik ng salitang-ugat at nanatili na lamang ang tunog na /m/ at /n/.

Halimbawa:

Nang + pista = Nangpista = Nampista = Namista

Pang + tinda = Pangtinda = Pantinda = Paninda

ASIMILASYONG DI-GANAP

– Pagbabagong naganap ay nasa pinal na panlaping -ng

Halimbawa:

Pang + laban = pan + laban = panlaban

Sing + tindi = sin + tindi = sintindi

Pang + pilosopiya = pam + pilosopiya = pampilosopiya

PAGPALIT NG PONEMA

– Ponemang nagbabago o napapalitan sa pagbuo ng mga salita.

/d/ at /r/ – Napapalitan ng /r/ ang /d/ kapag patinig ang tunog na sinusundan ng /d/.

Halimbawa:

dito - rito

ma- + dapat = marapat

ma- + dami = marami

/o/ at /u/ –

Halimbawa:

tao + -an = tauhan damo + -an = damuhan

Pag-ulit ng salitang-ugat

Halimbawa:

tago = tagu-taguan kulo = kulung-kulo

bato = batu-bato linggo-linggo ano-ano

/an/ at /han/ – Kapag may impit o glottal na (h)

Halimbawa:

sara + -han = sarahan

pasa + -han = pasahan

takbo + -han = takbohan

PAGKAKULTAS NG PONEMA

– Kapag nilalapian ang salitang-ugat ay may nawawalang ponema sa loob ng salitang-ugat.

Halimbawa:

kamit + -an = kamitan = kamtan

Pagkaltas ng fonema /i/

tupad + -in = tupadin = tupdin

Pagkaltas ng fonema /a/

PAGLILIPAT NG DIIN

– Nililipat ang diin

Halimbawa:

LUto + han = luTUan sama + -an = samahan

mahal + -in- = minahal

METATESIS

– Pagpapalitan ng fonema sa loob ng isang salita kapag nilalapian at may nagaganap ding pagkakaltas ng fonema

Halimbawa:

tanim + -an = taniman = tamnan

Pagkaltas ng fonema /i/

Nagkapalitan ang /m/ at /n/

atip + -an = atipan = aptan

luto + -in- = linuto = niluto

– Kapag nagsisimula sa /l/ o /y/ ang salitang-ugat nito at nilagyan ng gitlaping /-in-/, nagkapalit ang /i/ at /n/ at nagiging /ni-/

PROCESS

salitang-ugat

unlapi, gitlapi, hulapi

pagpapalit ng fonema / / - / /

pagkakaltas ng fonema / /

paglilipat-diin (1-2) (2-1)