pagsulat 2nd ☆

aralin 9 | ADYENDA

→ ano ang adyenda?

: ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin (ayon sa pagkakasunod-sunod) sa isang pormal na pagpupulong (sudprasert, 2014)

: ang nagsisilbing mapa upang mabigyan ng direksyon ang mga kasali sa gagawing pagpupulong

: nakapaloob dito ang mahahalagang bahagi ng pagplano at pagpapatakbo ng pulong

→ mga dahilan upang magsagawa at magtipon para sa isang pagpupulong

• para magplano (planning)

• magbigay impormasyon (information dissemination)

• kumonsulta (ask for advice)

• maglutas ng problema (problem solving)

• magtasa (evaluate)

bahagi ng adyenda

• introduksyon

• pagtala ng bilang ng dumalo

• pagpresenta at pagtalakay sa adyenda

• karagdagang impormasyon

• pangwakas na salita

aralin 10 | KATITIKAN NG PULONG

→ ano ang katitikan ng pulong?

: ‘minutes of the meeting,’ isang mahalagang dokumento sa isang pagpupulong

: isang akademikong sulatin na naglalaman ng tala, record, o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailalahad sa isang pagpulong

: nagsisilbing tala ng isang malaking organisasyon upang maging batayan at sanggunian ng mga bagay na tinatalakay

: isinusulat dito ang…

  1. tinatalakay sa pagpupulong
  2. sino-sino ang dumalo
  3. anong oras nagsimula at nagwakas ang pagpupulong
  4. ang lugar na pinaggaganapan nito

→ nakatala sa katitikan ang mga sumusunod

• paksa

• petsa

• oras

• pook ng pagdarausan ng pulong

• mga taong dumalo at hindi dumalo

• oras ng pagsimula

• oras ng pagtatapos (sa bandang huli)

aralin 11 | REPLEKTIBONG PAGSULAT

→ ano ang replektibong sanaysay?

: isang uri ng sulating pampanitikan (tuluyan o prosa) na nangangailangan ng sariling opinyon o perspektibo tungkol sa isang paksa

: hindi pormal na sulatin kaya maaaring maging masining ang tagasulat sa kaniyang mga pananaw at damdamin

: o repleksyong papel, pasulat na presentasyon ng kritikal na repleksyon o pagmumuni-muni tungkol sa isang tiyak na paksa

• ayon kay martin ceazar m. hermocilla

: isang pagbabalik-tanaw sa mga pangyayari at karanasan na hindi kailangan ng mahabang paliwanagan

: may kalayaan ang pagtalakay sa puntong nilalaman o kaya naman sa mga pangyayari na nasaksihan, maaaring tungkol sa tao o sa lipunan pero madalas tungkol sa karanasan

: tinuturing akademikong pagsulat dahil ito ay pagbuo ng bagong kaalaman (maging masuri at mapanghusga sa katotohanan ng pyesa)

• ayon kay fink (2003)

: nakapokus sa karanasan ng manunulat lamang

• ayon kay gibbs (1998)

: hindi sapat ang karanasan lamang upang matuto. kapag ang isang tao ay hindi marunong magnilay sa mga naging karanasan niya, madali niyang makakalimutan ang aral na napulot niya rito

→ mga teoryang sumusuporta sa repliktibong pagsulat

  1. interaktibong teorya ng pagkatuto (social learning theory)

: ni albert bandura, maaaring makuha sa pagmamasid sa ibang tao ang mga pagkatuto

  1. pagkatutong pangkaranasan (experiential learning)

: ni david kolb, ang mga nasa edad (adults) ay natututo sa pamamagitan ng kanilang pagninilay sa kanilang mga karanasan, pagbuo ng mga konklusyon o insight mula sa mga ito at paglalapat ng mga ito sa angkop na sitwasyon ng buhay

  1. konstruktibismo (constructivism)

: ni david kolb, bumubuo ng kaalaman sa halip na basta-basta kumukuha ng impormasyon, bumubuo ng sariling representasyon at isinasama ang bagong impormasyon sa dati nang kaalaman

→ modelo ni gibbs (1988) na nakabase sa teorya ni kolb (1984)

  1. deskripsyon

- ano ang nangyari? anong karanasan ang nais mong pagnilayan?

  1. emosyon/reaksyon

- ano ang mga emosyon na iyong naramdaman? anu-ano ang iyong mga naging reaksyon?

  1. pagtataya (evaluation)

- ang karanasan mo ba ay mabuti o masama? timbangin ito base sa iyong naranasan

  1. pagsusuri

- ano ang natutunan mo sa karanasang ito? magbigay ng mga realisasyon na iyong naramdaman o napagtanto

  1. kongklusyon (kabuuan)

- sa kabuuan, paano mo ilalarawan ang iyong karanasan?

  1. kongklusyon (tiyak)

- ano ang mga tiyak na aral na tumimo sa iyong puso at isipan?

  1. personal na aksyon/plano

- paano mo gagamitin ang karanasang ito sa iba pang pagkakataon? maaaring sa parehas na sitwasyon sa sa ibang sitwasyon?

→ istruktura o organisasyon ng pagsulat ng replektibong sanaysay

• mga iniisip na reaksyon (paglilista ng emosyon, pagsusuri, inspirasyon, at karanasan)

• buod (malaya ang daloy subalit pormal ang wika at anyo)

• organisasyon (introduksyon, katawan, buod)

aralin 12 | POSISYONG PAPEL

→ ano ang posisyong papel?

: naglalayong maipakita ang katotohanan at katibayan ng isang tiyak na isyu, kadalasang napapanahon at nagdudulot ng magkakaibang pananaw depende sa persipsyon ng tao

• ayon kay grace feming (2020) sa artikulong ‘how to write an argumentative essay’

: ang pagsalig o pagsuporta sa katotohanan ng isang kontrobersiyal na isyu sa pamamagitan ng pagbuo ng isang kaso o usapin para sa pananaw o posisyon

• ayon kay aserold and copper (1987) sa librong ‘st. martin’s guide to writing’

: ang mga manunulat ng posisyong papel ay gumagamit ng pamukaw emosyon na panulat upang mahikayat ang mga mambabasa na maniwala sa kanilang argumento

  • malinaw na kahulugan ng isyu
  • may tiyak na posisyon sa isyu
  • may lohikal at matatag na argumento
  • may mapanghikayat na tono

: dapat may matibay na ebidensya upang panindigan ang posisyon at hindi lamang para malaman ng mambabasa ang posisyon ng manunulat

: dapat bukas sa mga posibleng taliwas na rgumento na maaaring makaapekto sa paglalahad nito

• ayon kay fraser (2016)

: naglalahad ng isang panig na may matibay na argumento tungkol sa isang isyu

: dapat mahikayat ang mga mambabasa na maniwala na ang iyong argumento ay totoo base sa mga ebidensya na iyong nailahad

→ layunin ng posisyong papel

• mahikayat ang madla na ang paniniwalaan ay katanggap-tanggap at katotohanan

  • dapat na maipakita at mapagtibay ang argumentong pinaglalaban gamit ang mga ebidensyang magpapatotoo sa posisyong paniniwalaan at papanigan

→ pangangatwiran (pakikipagtalo o argumentasyon)

• ayon kay jackson, et al. (2015) sa kanilang aklat na ‘pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik’

: isang sining ng paglalahad ng mga dahilan upang makabuo ng isang patunay na tinatanggap ng nakararami

: isang uri ng paglalahad na nagtatakwil sa kamalian upang maipahayag ang katotohanan

: isang paraang ginagamit upang mabigyang-katarungan ang mga opinyon at maipahayag ang mga opinyong ito sa iba

→ mga hakbang sa pagsulat ng posisyon papel (ayon kay fraser)

  1. pagbuo ng thesis statement - mahalagang sangkap na nagbibigay direksyon sa tutunguhin ng isang posisyong papel
  2. pagsulat ng introduksyon - unang pupukaw sa interes at atensyon ng mambabasa
  3. pagsulat sa katawan ng posisyong papel - nailalahad ang dalawang panig ng isyu, ilahad ang mga ebidensya o puntos sa panig na nais panigan
  4. pagsulat ng konklusyon ng posisyong papel - pagbubuod ng mga pangunahing ebidensya o puntos, dapat tiyak, malinaw at maayos
  5. pagbanggit sa mga sanggunian o references - ilista ang mga sangguniang ginamit
  6. proofreading - para masigurado na tama ang mga sinulat at maiwasan ang mga maling pagbaybay at gramatika

aralin 13 | PHOTO ESSAY

→ ano ang photo essay?

: binubuo ng mga larawang maingat na inayos upang maglahad ng mga ideya, magpaliwanag ng isang konsepto, at magpahayag ng saloobin

: binubuo lamang ng dalawang sangkap - ang mga larawan at ang teksto o deskripsyon ng mga ito

: hindi limitado ang paksa bagkus ay maaaying serye ng mga larawan

: nagmula sa terminong ‘photographic essay’ na binuo ng LIFE Magazine noong 1930s

  • ang ‘country doctor’ ni w. eugene smith ang pinakaunang nalathalang photographic essay, isang dokumentaryo ng panggagamot ni dr. ceriani, isang doktor na naglalakbay sa mga lalawigan sa us

• ayon kay ben lauren at rich rice, 2012

: o larawang-sanaysay, maaaring makapagbigay ng isang imahe na kakatawan sa mga ideya na nahihirapan ang mga mag-aaral na isulat o ilapat sa papel

• ayon kay rudolf arnheim, 1969

: ‘ang mga imahe ay maaaring ituring na isang ganap na larawan o maaari rin naman isang simbolo lamang’

• sabi ni sharon pannen, 2017

: ‘ang pagpaplano ng pagsulat ng photo essay o sanaysay-larawan ay simple lang, para ka lang umiisip ng isang paksa na interesado ka o kaya naman gusto mong bigyan ng pagpapakahulugan’

• ayon kay dr. florante garcia, 2020

: kalipunan ng mga larawan na isinaayos nang wasto at may layunin na maglahad ng isang konsepto - magbigay ng kasiyahan o aliw, mahalagang impormasyon at malinang ang pagiging malikhain

• tatlong tagubilin ng pagsulat

(‘recent tendencies in the teaching of english composition,’ gertrude buck, 1901)

  1. hayaang gamitin ng mag-aaral ang kanilang karanasan bilang tema o paksa
  2. isaalang-alang ang mga mambabasa
  3. bigyang halaga ang pagsusuri ng mga mambabasa at mga kritiko

→ dalawang uri ng photo essay

• pampakay (thematic): nakatuon sa isang paksa o tema kung saan iikot ang mga larawan at deskripsyon nito

• naratibo o salaysay (narrative): isinasalaysay ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng larawan

→ mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng photo essay (federico alegria, 2020)

  1. pumili ng paksa
  2. pumili ng tamang pokus/aktor
  3. magdesisyon kung ilan ang bilang ng mga larawan o imahe
  4. gawin ang pagkuha ng larawan
  5. i-edit o ayusin ang mga larawan

→ kalikasan ng photo essay

  1. ang mga larawan ang pangunahing nagkukwento, samantalang ang teksto ay maaaring suporta lamang
  2. ang deskripsyon ng larawan ay hindi dapat lalagpas ng 60 salita
  3. naayos ayon sa kronolohikal na pagkakasunod

→ uri ng photo essay

• mga larawan

• mga larawang may maikling teksto

• kalakhang teksto at sinasamahan ng mga larawan

aralin 14 | LAKBAY-SANAYSAY

• ayon kay thompson

: ang paglalakbay ay isang paglilibot sa iba’t ibang dako ng mundo, ang maglakbay ay pag-suong at pagkilala sa kaibahan at karikitan

→ ano ang lakbay-sanaysay?

: isang uri ng sanaysay na nagbabaliktanaw sa paglalakbay na ginawa ng manunulat (personal at impormal na sanaysay)

: maaaring pumaksa sa tao o mamamayan ng lugar at binibigyang pansin dito ang gawi, katangian, ugali, o tradisyon ng mga mamamayan sa isang partikular na komunidad

: nabibilang ito bilang isang akademikong akda dahil nagsasalaysay at naglalahad ito ng mga karanasan ng may-akda sa pinuntahang lugar, nakasalamuhang tao, natikmang pagkain, at maging ang kaniyang mga naiisip o napagtantong ideya

• ayon kay patti marxsen

: ito ay dapat makapagdulot hindi lamang ng mga impormasyon kundi ng matinding pagnanais na maglakbay

• e.m foster, 1922

: “to wander aimlessly about” o maglibot/maglakbay na walang iniisip na pakay

  • ang pagiging subhektibo ay higit kaysa obhetibo, ang pagiging bukas sa iba’t-ibang pangyayari at kahulugan ng isang bagay at lugar ay higit na makabuluhan kaysa sa pagtukoy lamang sa pakay

→ apat na pangunahing dahilan ng pagsulat ng lakbay-sanaysay

: ayon kay dr. lilia antonio

  1. upang ipakilala ang isang lugar at kumita sa pagsulat
  2. makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay
  3. maaaring itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espiritwalidad, pagpapahilom, o pagtuklas sa sarili
  4. upang maidokumento ang kasaysayan, kultura, at heograpiya ng isang lugar sa malikhaing pamamaraan tulad ng pagsulat

→ tatlong uri ng lakbay-sanaysay

: ayon sa artikulo ni krook (2013) ng traveltester

• travelogues - tumatalakay sa personal na karanasan ng manlalakbay

• travel stories - isang makatotohanang paglalakbay na naidokumentaryo at nailimbag na may malawak na mambabasa at kadalasang nagiging parte ng panitikan bilang isang literature

• travel guides - nagbibigay ng impormasyon, shuestyon, at ideya ng isang lugar. para sa mga taong gustong bumisita sa isang lugar, kadalasan nasa dyaryo, website, o brochure

→ mga katangian ng lakbay-sanaysay

• hindi pormal na sanaysay

• tungkol sa mga natuklasan ng manunulat sa isang paglalakbay

• nagpapahayag ng damdamin ng manunulat

• gumagamit ng unang panauhan

• personal at kalimitang nakakapang-aakit sa mambabasa