Paglalarawan at Pagsasalaysay
Paglalarawan
nagpapakita o nagpapamalas ng isang kabuuan sang-ayon sa kanyang mga katangian at kapintasan, halaga at kawalang-halaga, kagandahan at kapangitan
nakabubuo ng makatotohanan at ganap na paglalarawan sa pamamagitan ng mga PANDAWA: paningin, pandinig, panlasa, pang-amoy, panalat/pansalat
Uri ng Paglalarawan
Karaniwang Paglalarawan
nagbibigay-kabatiran tungkol sa isang bagay na ayon sa ayos o anyo ng bagay na inilalarawan; payak o simple ang pagpapahayag
ginagamit sa mga komposisyong teknikal—ulat panglaboratoryo, ulat-panahon, ulat-pulisya, user guide ng mga makina o kasangkapan, papel-pananaliksik sa agham at pangangasiwa
Masining Paglalarawan
layuning pukawin ang gumi-gumi ng mga mambabasa upang makita ang buhay na buhay na larawan ayon sa damdamin at isipan ng manunulat o naglalarawan
maikling kuwento, nobela
Elemento ng Paglalarawan
wika
organisadong detalye (mahalaga rito ang mga kasangkapang panretorika)
pananaw o punto de bista
tiyak na kakintalan o impresyon
Pagsasalaysay
tinaguriang pinakamatanda ay pinakalaganap na anyo ng pagpapahayag
layunin nitong pag-ugnayan ang mga pangyayaring ikinukuwento upang makipagpalitan o makapagpalinaw ng isang kaisipan, impresyon o damdamin
maaaring pasalita (oral) o pagsulat (written) ang pagsasalaysay
karaniwang sumasaklaw ito sa mga tanong na “ano” at “paano” ang nangyari
Mga Uri ng Pagsasalaysay
Salaysay na Nagpapabatid (Informative Narrative)
sadyang isinulat upang maggiya ng mga kabatiran at mahahalagang mga kaalaman
halimbawa:
pangkasaysayan (historical)
nakaraan (reminiscent)
paglalakbay (travel)
pakikipagsapalaran (adventure)
pantalambuhay (biographical)
anekdota (anecdote)
Masining na Salaysay (Artistic Narrative)
isinulat upang magbigay ng aliw at mapaglilibangan
maikling kuwento, nobela