13 Moro Tribes

1. Badjao

- "mga mangingisda" o mga taong namumuhay sa karagatan

-Mga Taong-Dagat: "Sea Gypsies"

-Stilt houses: bahay na nakatayo sa tubig

-lepa o houseboats: tradisyunal na maliliit na bangka

-Sama Dilaut: "Sama ng dagat" o mga taong may malalim na ugnayan sa karagatan


Locations:

-Tawi-Tawi: Sitangkai at Bongao

-Sulu: Maimbung, Talipaw, Parang

-Zamboanga Peninsula: Zamboanga City at Zamboanga del Sur

-Basilan

Pamumuhay at Tirahan

-Bangkang-Bahay (Lepa): Tradisyonal silang naninirahan sa mga bangkang-bahay na gawa sa kahoy kung saan kasama ang buong pamilya

-Pangingisda at Pagsisid: Kilala sila sa husay sa spearfishing (pamamana ng isda) at malalim na pagsisid para kumuha ng mga perlas

-Paghahabi:

Paniniwala at Espiritwalidad

-Umboh: kaluluwa ng kanilang mga ninuno at sa mga espiritu ng kalikasan

-Dukun: Kumukunsulta sila sa isang tradisyonal na manggagamot

-Pagoda o Tulak Bala: pagpapadala ng maliit na bangkang may dalang pagkain upang i-alay sa mga espiritu at ilayo ang malas o sakit

•Tradisyon at Sining

Kasuotang patadyong: Karaniwan nilang suot , isang tela na parang tubo na ibinabalot sa baywang na ginagamit ng parehong lalaki at babae

Musika at Sayaw: Gumagamit sila ng kulintang at nagsasagawa ng sayaw na Pang-igal kasabay ng kanilang mga tradisyonal na awitin sa mga kasalan at pagtitipon

2. Iranun (Ilanun)

-kilala rin bilang Illanun o Iranon, isang katutubong grupong etnolingguwistiko na kabilang sa mga

Muslim o Moro sa timog Pilipinas, lalo na sa Mindanao, at may mga komunidad din sa Sabah, Malaysia Locations:

-timog-kanlurang Mindanao sa Pilipinas, lalo na sa loob ng rehiyon ng Bangsamoro (BARMM) -Maguindanao del Norte: Barira, Buldon, Parang, Matanog, Sultan Mastura, at Sultan Kudarat.

-Lanao del Sur: Balabagan, Kapatagan, Bumbaran, Picong, Malabang, at Amai Manabilang

-Cotabato (Hilagang Cotabato): Alamada, Banisilan, Carmen, Libungan, at Pigcawayan

-Lanao del Norte: Kauswagan, Kolambugan, at Sultan Naga Dimaporo

-Zamboanga del Sur: Pagadian City, San Pablo, Dumalinao, Dimataling, Labangan, at Tukuran. -Bukidnon: Kalilangan Cultural Practices:

•Pananampalataya at Relihiyon

-Islam: Karamihan sa mga Iranun ay sumusunod sa Sunni Islam. Ang kanilang araw-araw na buhay, pag-aasawa, at paglibing ay ginagabayan ng mga turo ng Islam at Sharia

-Katutubong Paniniwala: May mga komunidad pa rin na naghahalo ng tradisyonal na paniniwala sa mga espiritu at panggagamot kasama ang kanilang pananampalataya sa Islam

•Kasaysayan at Kabuhayan

-Pagka-Manlalayag: Kilala ang mga Iranun noon bilang magagaling na mandaragat, tagagawa ng barko, at mangangalakal

-Pagsasaka at Pangingisda: Ang pangunahing kabuhayan nila sa lupa at baybayin ay pagsasaka (palay, mais, at niyog) at pangingisda

-Sining at Industriya: Magaling din sila sa paggawa ng mga kagamitang bakal at ginto (blacksmith at goldsmith), pati na rin sa paghabi ng malong at banig

•Sosyal na Organisasyon at Kasalan

-Sistema ng Lipunan: Mayroon silang tradisyonal na pamumuno ng mga datu at pinuno na tumutulong sa pagresolba ng mga alitan

-Pag-aasawa: Ang pag-aasawa ay isang mahalagang kasunduan sa pagitan ng mga pamilya. Nagbibigay ang pamilya ng lalaki ng dowry (bdar) na binubuo ng pera, alahas na ginto, at mga hayop. Isinasagawa ang pormal na kasalan sa pamamagitan ng Nikkah o batas Islam

•Sining, Sayaw, at Tradisyon

-Sagayan: Isang sikat na digmaang sayaw na ibinabahagi rin nila sa mga Maranao at

Maguindanaon. Ipinapakita rito ang kagitingan ng bayaning si Prinsipe Bantugan

-Kasuotan at Pagkain: Gumagamit ang kanilang lutuin ng mga rekador tulad ng dilaw (turmeric) at mga putahe tulad ng Pinaparan at Palapa Unique Traits:

•Mga Taong-Dagat at "Freedom Fighters" ng Karagatan

-Maritime Experts: Ang kultura ng mga Iranun ay malalim na nakaangkla sa dagat at paglalayag.

Sila ay kilala sa kasaysayan bilang mahuhusay na gumagawa ng mabilis na sasakyang-pandagat, mga navigator, at mangangalakal

-Tagapagtanggol ng Kalayaan: Bagamat tinawag silas ng mga Kanluraning mananakop bilang "Illanun pirates" dahil sa kanilang malalakas na naval raids sa Sulu Sea, itinuturing nila ang kanilang sarili bilang mga mandirigma at tagapagtanggol ng soberanya at teritoryong Muslim laban sa mga Kastila at Amerikano

-Carta Indigena Filipina: Patunay ng kanilang galing sa dagat ang sinaunang katutubong mapa na nagpapakita ng kanilang malawak na kaalaman sa heograpiya at kontrol sa mga baybayin ng Timog-Silangang Asya

•Ang Pinagmulan ng Wikang Danao

-Ayon sa mga tala ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang wikang Iranun ay kabilang sa Danao language family. Malaki ang paniniwala ng mga eksperto at katutubo na ang wikang Iranun ang pinagmulan o mother tongue ng mga wika ng karatig-tribo tulad ng Maranao at Maguindanaon

•Arkitekturang Turogan (Three-Storey House)

-Ang tradisyunal na bahay ng mga Iranun na tinatawag na Turogan ay may natatanging estruktura na may tatlong palapag:

~Kuta (Basement/Tunnel): Ang silong o lagusan na nagsisilbing tagoan ng pamilya kapag may rido (giyera ng mga pamilya/tribo) o pag-atake ng kaaway

~Main Space: Ang gitnang bahagi kung saan naroon ang kusina, tulugan, at sala para sa mga gawaing-bahay

~Gibbon (Bilik/Lamin): Ang pinakataas na bahagi o tore na nagsisilbing pribadong silid para sa prinsesa ng pamilya

•Sistema ng Pagsulat (Kirim)

-Bago pa man ang modernong alpabeto, ang mga Iranun ay may sarili nang sistema ng pagsulat. Ito ay orihinal na naimpluwensyahan ng kultura mula sa India ngunit kinalaunan ay nagbago at ibinatay sa karakter ng mga Arabo na tinatawag nilang Kirim. Ang anyo nito ay malikhain at madalas mistulang porma ng ibon o puno.

•Pagkakakilanlang Transnasyunal

-Dahil sa kanilang kasaysayan ng paglalayag, ang mga Iranun ay hindi lamang matatagpuan sa

Pilipinas. May mga komunidad din sila na naninirahan sa Sabah, Malaysia at ilang bahagi ng Indonesia, kung saan napapanatili pa rin nila ang kanilang wika at tradisyon

3. Jama Mapun

-"mga tao mula sa Mapun" (o "tao ng Mapun")

-Ang salitang "Jama" (o Sama) ay nangangahulugang tao o mamamayan

-Ang "Mapun" ay tumutukoy sa Isla ng Mapun (na dating kilala bilang Cagayan de Sulu o Cagayan

de Tawi-Tawi) sa lalawigan ng Tawi-Tawi, kung saan sila pangunahing nagmula Locations:

-Mapun Island, Tawi-Tawi — pangunahing tahanan ng Jama Mapun; tinatawag nila itong Tanah Mapun (“Land of Mapun”)

-Turtle Island/Taganak — kabilang sa mga lugar na tradisyonal na tinitirhan nil

-Northern Palawan — may mga pamayanang Jama Mapun sa Balabac, Bataraza, at Brooke’s Point

Mayroon din silang mga pamayanan sa iba pang kalapit na isla sa timog-kanlurang Pilipinas Cultural Practices:

•Mga Kulturang Kasanayan

-Pagsasalita ng Jama Mapun/Pullun Mapun – isang wikang kabilang sa Sama-Bajau/Samalan branch ng Austronesian languages

-Islam – karamihan sa Jama Mapun ay Muslim, habang may ilang tradisyong kultural na mas nauna sa Islam

-Pagsasaka – tradisyonal silang nagtatanim ng upland/dry rice, mais, kamoteng-kahoy, at iba pang pananim

-Pangingisda – mahalagang kabuhayan lalo na sa maliliit na isla at baybaying pamayananilang tradisyonal na ekonomiya ang pagtatanim ng niyog at paggawa ng copra

-Pakikipagkalakalan – mayroon silang mahabang tradisyon ng maritime trading at pakikipagpalitan ng produkto sa mga kalapit na lugar

-Lunsay – isang tradisyonal na awit-at-sayaw na karaniwang iniuugnay sa mga pagdiriwang, lalo na sa kasalan. Maaari itong tumagal nang buong gabi

-Pangalay/Igal – isang uri ng sayaw na ibinabahagi rin sa ibang pangkat sa Sulu Archipelago gaya ng Sama/Samal, Badjao, at Tausug

-Tradisyonal na paghahabi at banig – gumagamit ng mga materyales gaya ng kawayan, pandanus, rattan, at iba pang halamang lokal

-Pagmamasid sa mga bituin – ginagamit ang mga konstelasyon bilang gabay sa paglalakbay at bilang kaugnayan sa mga panahon ng pagtatanim, pangingisda, at pangangaso)

-Mga ritwal sa buhay – may dokumentadong tradisyonal na ritwal sa kapanganakan at kasal Unique Traits:

•Natatanging Katangian

-“Jama Mapun” ay nangangahulugang “mga tao ng Mapun” - Jama = tao/mga tao at Mapun = pangalan ng kanilang isla

-Malakas ang ugnayan sa dagat at lupa - hindi lamang sila nakadepende sa pangingisda; mahalaga rin ang pagsasaka, niyog, at kalakalan

-Natatanging kultura ng musika at sayaw - partikular ang lunsay, na pinagsasama ang pag-awit at pagsasayaw at nagsisilbing mahalagang gawaing panlipunan

-Mayamang kaalaman sa kalikasan - makikita ito sa paggamit ng mga bituin bilang gabay sa panahon at mga gawaing pangkabuhayan

-Multilingguwal na pamayanan - maraming Jama Mapun ang nakauunawa o nakapagsasalita rin ng ibang wika bukod sa Jama Mapun

-Malapit na ugnayan ng pamilya at kkomunidad - mahalaga ang pagtutulungan ng magkakamaganak, kabilang na sa panahon ng pagtatanim at pag-aani

4. Kolibogan

-Kolibogan (o Kalibugan) ay nagmula sa wikang Sama at Tausug na ang ibig sabihin sa Tagalog ay "may-halong lahi", "mestiso/mestisa", o "half-breed"

-Ang Pangkat Etniko: Ang Kolibugan ay isang katutubong pangkat ng mga Muslim na naninirahan sa Zamboanga Peninsula sa Mindanao

-Pinagmulan ng Pangalan: Tinawag silang "Kolibugan" dahil sila ay mga katutubong Subanen (isang pangkat ng mga Lumad) na nakipag-asawahan sa mga karatig na tribong Moro gaya ng mga Sama, Tausug, at Maguindanao

-Kultura at Relihiyon: Dahil sa paghahalong ito, ang mga Kolibugan ay niyakap ang relihiyong Islam subalit napanatili pa rin nila ang kanilang orihinal na wikang Subanen at ilang mga katutubong tradisyon Locations:

-Zamboanga Peninsula sa rehiyon ng Mindanao. Sila ay mga katutubong Subanen/Subanon na yumakap sa relihiyong Islam matapos makipag-asawa sa mga liping Sama at Tausug -Zamboanga del Norte: Matatagpuan ang malaking populasyon nila sa mga baybaying munisipalidad ng Siocon, Sibuco, at Sirawai

-Zamboanga del Sur: Naninirahan sila sa ilang bahagi ng lalawigang ito, partikular na sa kapuluan ng Olutanga Island

-Zamboanga Sibugay at Zamboanga City: Sila ay matatagpuan din sa iba't ibang baybaying nayon (coastal villages) sa kanlurang bahagi ng Mindanao Cultural Practices:

•Pananampalataya at Relihiyon (Religion)

-Sunni Islam na may halong Animismo: Bagama't opisyal silang mga Sunni Muslim na sumusunod sa mga turo ng Qur'an at nagdiriwang ng Ramadan at Eid, nananatili pa rin sa kanila ang ilang pre-Islamic o animistikong paniniwala. Kilala sila sa paghiling sa mundo ng mga espiritu para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan

•Pamahalaan at Lipunan (Social Structure)

Patriyarkal at Konseho ng mga Matatanda: Ang kanilang lipunan ay pinamumunuan ng mga kalalakihan (patriarchal). Ang mga desisyon sa komunidad ay pinagkakasunduan ng Council of Elders (Konseho ng mga Matatanda) at pinamumunuan ng isang Datu o Sultan (na tinatawag ding

Timuay sa tradisyong Subanen) na nagsisilbing tagapamayapa at hudikatura

•Tradisyon sa Pag-aasawa (Marriage Customs)

-Unsuran at Kawing: Bago ganapin ang kasal, nagkakaroon muna ng konsultasyon sa mga lider at matatanda upang pag-usapan ang unsuran (dowry o dote) na ibabayad sa pamilya ng babae at ang mga gastusin sa kasal (kawing)

-Kasal sa Harap ng Imam: Ang mismong seremonya ng kasal ay pinangangasiwaan ng isang Imam na nagbabasa ng mga berso mula sa Qur'an. Karaniwan din sa kanilang tradisyon ang arranged marriage o ipinagkakasundo ng mga magulang Sining, Musika, at Sayaw (Arts and Performing Arts) -Mga Tradisyunal na Sayaw:

~Diwatahan: Sayaw ng mga kababaihan bago magtrabaho sa kaingin upang humingi ng masaganang ani sa mga diwata

~Soten: Isang uri ng sayaw sa mga pagtitipon at komunidad

~Pangelitawo: Sayaw ng panliligaw na kadalasang isinasagawa sa panahon ng pag-aani Mga Katutubong Awitin: May mga awit sila para sa iba't ibang okasyon, tulad ng Dionli (awit ng pag-ibig), Buwa (hele o lullaby), Genadong (epiko/ballad), at Geloy (awit sa tuwing may lamay o libing)

~Mga Instrumento: Gumagamit sila ng Agong (brass gong), Kolintang / Kulintang (hilera ng mga maliliit na gong), at Durugan (isang guwang na troso na pinapalo na parang tambol)

•Kabuhayan at Kasuotan (Livelihood & Clothing)

-Pagsasaka at Pangisdaan: Dahil marami sa kanila ang nakatira malapit sa baybayin at kabundukan, pangunahing kabuhayan nila ang swidden agriculture o kaingin (pagtatanim ng upland rice, mais, at mga halamang-ugat) gayundin ang tradisyunal na pangingisda at pakikipagkalakalan

-Kasuotan at Sining-Kamay: Kilala ang mga Kolibugan sa paghahabi ng tela, paggawa ng mga basket, at madedetalyeng beadwork. Ang mga kalalakihan ay tradisyunal na nagsusuot ng Badjuh Lapih at Sarong o maluwag na pantalon, habang ang mga kababaihan naman ay nagsusuot ng Habol

Unique Traits:

•Kahulugan ng Pangalan at Pinagmulan

-Kulturang "Mixed Breed": Ang salitang "Kolibugan" ay nagmula sa wikang Sama/Tausug na ang ibig sabihin ay "mixed breed" o "half-breed". Ito ay naglalarawan sa kanilang pinaghalong dugong Subanen at Moro

-Simbolo ng Binyag sa Islam: Ayon sa lokal na kasaysayan, ang "kolibugan" ay hango rin sa mga salitang kali (maghukay) at lobugan (lubugan ng kalabaw sa mababaw na ilog). Ito ang tinutukoy na lugar kung saan inilulubog ang mga unang katutubo noong sila ay binyagan sa pananampalatayang Islam

-Bagamat opisyal silang mga Sunni Muslim, buhay pa rin sa kanila ang ilang pre-Islamic animistic practices ng mga Subanen. Naniniwala pa rin sila sa mga espiritu ng kalikasan (tulad ng sa ilog at bundok) at nagsasagawa ng mga tradisyunal na ritwal kasabay ng kanilang mga Islamic na tungkulin

•Wika at Pananalita

-Ang kanilang wika ay isang partikular na diyalekto ng Subanen. Ang kaibahan nito sa karaniwang Western Subanen ay ang pagkakabuo ng mga Arabic loanwords o mga salitang hiram mula sa kultura at ritwal ng Islam •Sining, Kasuotan, at Musika

-Pinaghalong Sining: Ang kanilang sining ay kumbinasyon ng kulturang Subanen at Moro. Kilala sila sa paggawa ng mga beadwork (impluwensya ng Tausug) at paghahabi ng mga basket at tela (impluwensya ng Samal)

-Kasuotang Tradisyunal: Ang mga kalalakihan ay nagsusuot ng Badjuh Lapih at Sarong, habang ang mga kababaihan naman ay may tradisyunal na Habol

-Mayayamang Awitin: Mayroon silang mga tiyak na kanta para sa bawat okasyon tulad ng Dionli

(awit ng pag-ibig), Buwa (hele sa bata), Genadong (balada o kuwento), at Geloy (awit sa patay).

Ginagamitan ito ng mga instrumentong tulad ng Agong, Durugan (binalatbak na kahoy), at Kolintang

•Pamamahala at Pag-aasawa

-Estruktura ng Liderato: Pinamumunuan sila ng mga nakatatanda sa komunidad (Elders) sa pangunguna ng isang Datu, Sultan, o Timuay na nagsisilbing hukom at tagapagtanggol ng kanilang batas-kaugalian (customary laws)

-Ritwal sa Kasal: Ang pag-aasawa ay karaniwang idinadaan sa kasunduan ng mga magulang (parental arrangement). Bago ganapin ang kasal sa harap ng isang Imam, nagpupulong muna ang mga lider at pamilya upang pag-usapan ang unsuran (dowry o bigay-kaya) at kawing (gastos sa kasal)

5. Kalagan

-kilala rin bilang Kagan o Kaagan ay isang katutubong pangkat-etniko sa Mindanao na ang pangalan ay nagmula sa salitang kaag na nangangahulugang magbigay-babala o mag-ulat, o kaya ay sa salitang kalag na nangangahulugang espiritu o kaluluwa

-Kaag: Tumutukoy sa kakayahan nilang magbigay-alam o magbabala sa mga kalapit na komunidad laban sa mga paparating na panganib o pag-atake noon

-Kalag: Nagmula sa salitang espiritu o kaluluwa dahil sa kanilang sinaunang paniniwala o

animism, kung saan tinawag din sila ng mga Kastila noon na gente animosa o matatapang at may malakas na espiritu Locations:

-Davao Gulf at ilang bahagi ng Caraga Region

-Davao City: Sirawan at Bangkal (Toril), Maa, pati na rin sa mga distrito ng Poblacion, Talomo, Buhangin, Bunawan, at Paquibato

-Davao del Norte: Panabo City (Kaganguwan); Tagum City (mga barangay ng Hijo, Bingcongan, at Madaum); at Samal Island.

-Davao Oriental: Mati City (mga lugar ng Piso, Macangao, Sumlog, Kaligaran, at Lukatan) pati na rin sa munisipalidad ng Caraga

-Davao de Oro (Compostela Valley): Mga bayan ng Pantukan, Mabini (Cadunan, Cuambog, Del

Pilar, San Antonio, Pindasan, Tagnanan), at Maco

-Iba pang lugar: Ilang komunidad din sa mga lalawigan ng Davao del Sur at Cotabato Cultural Practices:

•Paniniwala at Relihiyon (Beliefs & Rituals)

-Tagallang: Ang tawag ng mga sinaunang Kalagan sa nag-iisang Poong Maykapal o

"tagapaglikha" bago pa dumating ang Islam

-Maguya: Ang paniniwala na ang bawat bahagi ng kalikasan—tulad ng mga puno, bato, bundok, at ilog ay may sariling espiritu

-Balyan: Sila ang mga katutubong pari, manggagamot, o shaman na nagsisilbing tagapamagitan sa mundo ng mga tao at espiritu para sa kaligtasan ng tribo

-Impluwensya ng Islam: Marami sa mga Kalagan ang yumakap sa Islam sa tulong ng mga mangangaral (mga imam at pandita), kung saan isinasabuhay na rin nila ang mga turo ng Koran at mga ritwal tulad ng pagdasal