FIL

Filipino Reviewer 🫡

 

PANITIKANG ASYANO  

 

Panitikan - tumutukoy sa mga akda na nakasulat o naisulat ng manunulat at kadalasang naglalarawan ng karanasan, emosyon, kaisipan, at iba pang mga konsepto na nais ipahayag ng may akda.

 

        ang salitang panitikan ay mula sa salitang pang-itik-an.    ito ay binubuo ng unlaping “pang”, hulaping “an” at;        Ang salitang “titik”.

 

PANGKALAHATANG ANYO NG PANITIKAN

 

1.                Tuluyan : maluwag na pagsama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng pangungusap.

2.                Patula : pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan ng salitang binibilang sa pantig at pinapagtugma-tugma sa mga dulo ng mga talutod sa loob ng isang estropa.

 

ANG MGA AKDANG TULUYAN  

 

1.                  Anekdota 

2.                  Alamat

3.                  Sanaysay

4.                  Talambuhay

5.                  Maikling Kuwnto

6.                  Nobela

 

ANG MGA AKDANG PATULA 

 

1.                  Oda - nagpapahalaga/ nagpupuri sa isang karaniwang bagay.

2.                  Soneto - isang tulang binubuo ng 14 na talutod.

3.                  Awiting-bayan - pagpapahayag ng damdamin ng mga katutubo. Binibigkas na may kasamang himig.

 

        Soliranin/talindaw : rowing or boat  

        Uyayi : lullaby  

        Dalit : himno (8 pantig, 4 taludtod)

        Diona : awit pangkasal/panliligaw (7 pantig, 3 taludtod)

        Kumintang/Tagumpay/Tikam : awiting pandigma  

        Kundiman : awit ng pag-ibig  

        Sambotan : awit ng tagumpay  

 

4.                  Elehiya - Tulang para sa patay.

5.                  Bulong - tulang ginagamit sa panggagamot at pang eengkanto.

6.                  Tanaga - tulang may 7 pantig ang bawat isa sa apat na taludtod na magkakatugma.

7.                  Epiko : tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan ng tao, at kadalasang may kasamang kababalghan.

 

        Biag ni Lam-ang (Ilocano)

        Ibalon (Bicolano)

        Labaw Donggon (Hiligaynon)

        Hudhud (Ifugao)

        Alim (Ifugao)

        Tuwaang (Bagobo)

        Darangan (Maranao)

        Agyu (Ilianon sa Mindan  

 

MGA IMPLUWENSIYA NG PANITIKAN  

 

1.                  Banal na Kasulatan : mula sa palestina at gresya at naging batayan ng sangkakristiyanuhan.

 

2.                  Koran : pinaka-bibliya ng mga muslim at galing sa arabia.

 

3.                  Iliad at Odyssey : sinulat ni Homer at kinatutuhan ng kaligiran ng mitolohiya ng gresya.

 

4.                  Mahabharata : ang pinakamahabang epiko ng india at natutungkol sa kasaysayan ng mga dating indo at ang kanilang pananampalataya.

 

5.                  Divina Commedia : sinulat ni Dante ng italya, at nagtataglay ng ulat hinggil sa pananampalataya, moralidad, at pag-uugali ng panahong kinauukulan.

 

6.                  El Cid Campeandor : mula sa espanya na nagpapahayag ng katangiang panlahi ng mga kastila at ng kanilang mga lamat at kasaysayang pambansa noong unang panahon.

 

7.                  Awit ni Rolando : kinapapalooban ng roncesvalles at doce pares ng pransya at nagsasalaysay ng gintong panahon ng kakristiyanuhan at ng dating makulay na kasaysayan ng mga pranses.

 

8.                  Aklat ng mga Araw : sinulat ni Confucio at naging batayan ng pananampalataya, kailangan, at karunungan ng mga instik.

 

9.                  Sanlibo’t Isang Gabi : mula sa arabia at persia, at nagsasaad mga ugaling pampamahalaan, panlipunan, pangkabuhayan, at panrelihyon ng mga silanganin.

 

10.             Canterbury Tales : sinulat ni Chaucer ng inglatera, at naglalarawan ng pananampalataya at pag-uugali ng mga ingles noong unang panahon.

 

11.             Uncle Tom’s Cabin : inakda ni Harriet Beecher Stowe ng estados unidos, at nagkakatawag ng pansin sa kiarumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at nagging batayan ng simulain ng demokrasya.

 

12.             Aklat ng mga Patay : mula sa ehipto at kinapapalamnan ng kulto ni osiris at ng mitolohiya at teolohiyang ehipso

 

PANGATNIG  

Pangatnig - nag-uugnay sa isang salita o kaisipan sa isa pang salita o kaisipan sa isa pang pangungusap.

 

URI NG PANGATNIG 

 

Pamukod- upang itangi ang isa sa isa pang bagay  Hal. o, ni, maging, at man.

 

Paninsay o pasalungat - ginagamit kung ito’y sumasalungat  Hal. Subalit, ngunit.

 

Panubali – nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng:  Hal.  kung, kapag, pag, sakali, di-sana.

 

Pananhi – nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng kilos. Ang mga ito ay: dahil sa, sanhi sa, sapagkat.

 

Panapos – nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita, gaya ng: upang, sa lahat ng ito, at sa wakas.  

 

Panlinaw – ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang banggit gaya ng:  kung gayon, kaya

 

Panimbang – ginagamit sa paghahayag ng karagdagang  impormasyon at kaisipan, gayang: at – saka, pati.

 

Pamanggit – gumagaya o nagsasabi lamang ng iba, tulad ng: daw, raw, di umano.

 

ANO ANG TULA  

 

              Ang tula ay paggamit ng mga salitang may sukat, tugma, talinghaga, at kaisipan.  

 

                 Ang makata ay nagbibigay buhay sa mga damdamin at imahinasyon. 

 

        Ang tula ay dapat magising ang damdamin at kamalayan ng mga mambabasa, kahit iba-iba ang kanilang interpretasyon.

 

Ang tula ay nasa anyong tradisyonal at malayang taludturan.

 

1.        Tradisyunal

 

a.   Tugma,

 

b.  Sukat,

 

c.   Talinghaga

 

d.  Kaisipan.

 

2.        Malayang Taluturan  

 

 

 

 

1.        Tulang Liriko.

 

A.   Dalit - Nagbibigay-pugay sa Maykapal.

 

B.   Soneto - May 14 na taludtod, may aral sa buhay.

 

C.   Elehiya - Nagninilay at nagpaparangal sa namatay.

 

D.  Oda -Pumupuri sa dakilang gawain ng isa.

 

E.   Awit - Awit ng damdamin, karanasan, at iba pa.

 

2.        Tulang Pasalaysay 

A.  Kababalaghang inaawit o binibigkas ukol sa kabayanihan.

 

B.   Awit at Korido - Salaysay ng kagitingan ng prinsesa at kabalyerong mandirigma para sa Kristiyanismo.  

 

Awit: 12 pantig/taludtod.

 

Korido: 8 pantig/taludtod.

 

3. Tulang Patnigan  

 

Nangangatwiran, nagpapaliwanag, at nagpapahayag tungkol sa isang paksa. Ito ay kilala sa Ilokano bilang Bukanegan (Pedro Bukaneg) at sa Kapampangan bilang Crisotan (Jose Crisostomo Soto).

 

MGA SANGKAP NG TULA 

 

1.  Tugma - Ito ang pagkakasintunog ng huling pantig sa taludtod. Sukat sa bilang ng saknong, taludtod, at pantig ng tula, maaaring walo, sampu, labindalawa, o labingapat.

 

2.  Sukat - Sukat sa tula ay bilang ng pantig bawat taludtod.  

 

3.Paksa o kaisipang taglay ng tula - Ito'y mga kaalaman, mensahe, at pananaw.

 

4.  Talinghaga - Ang tula ay nagpapalaganap ng pagtataka at pagtatanong sa isipan ng bumabasa.

 

5.  Imahen o Larawang diwa - Ang tula ay bumubuo ng guniguni ukol sa tao, pook, sitwasyon, o pangyayari.

 

6.  Aliw-iw - Ang tula ay may diin sa pagbigkas, lalo na sa tradisyonal na anyo, dahil sa tugma ng huling pantig.

 

7.  Tono -  Damdamin sa tula : kalungkutan, kasiyahan, galit, pag-aalala, at iba pa. Ang tula ay maaaring mangaral, manghikayat, magaliw, o magturo.

 

8.  Persona - siya ang nagsasalita sa tula.

 

ANO ANG SANAYSAY  

 

Ang sanaysay o essay sa wikang Ingles ay isang komposisyon na kadalasan ay naglalaman ng pananaw o kuro-kuro ng may akda.

 

URI NG SANAYSAY  

 

PORMAL - Gumagamit ng mga salitang matatalino, pakinggan at matatalinhagang salita at tayutay.  

 

DI- PORMAL - Ang katangian nito ay mapang-aliw, at mapagbiro sa pamamagitan  ng pagtatalakay ng karaniwan at personal na paksa. 

 

BAHAGI NG SANAYSAY  

 

SIMULA - Ang bahaging ito ang pinakamahalaga dahil dito nakasalalay kung ipagpapatuloy ng mambabasa ang kanyang binabasa.

 

KATAWAN - Dito naman mababasa ang mahahalagang puntos tungkol sa paksang isinulat ng may-akda.

 

WAKAS - Ito ang bahaging nagsasara sa talakayang nagaganap sa gitna o katawan ng sanaysay.