4TH PRELIMINARY 7

Mga Tauhan:

 Don Juan – ang bunso at ikatlong anak nina Don Fernando at Donya Valeriana ng Kahariang

Berbanya. Siya ay likas na mabuti kaya’t paborito siya ng hari.

 Donya Maria/ Donya Maria Blanca – ang magandang dalagang iniibig ni Don Juan. Anak siya

ni Haring Salermo ng Reino de los Cristal

 Don Pedro – ang panganay na anak nina Don Fernando at Donya Valeriana

 Prinsesa Leonora – ang dalagang nakatira sa kahariang matatagpuan sa ilalim ng

mahiwagang balon

 Don Diego –ang pangalawang anak nina Don Fernando at Donya Valeriana

 Donya Juana – ang nakatatandang kapatid ni Prinsesa Leonora

 Don Fernando – ang makatarungang hari ng Kahariang Berbanya. Siya ay ama nina Don

Pedro, Don Diego at Don Juan.

 Donya Valeriana – ang butihing asawa ni Don Fernando at reyna ng Kahariang Berbanya. Siya

ay mapagmahal na ina nina Don Pedro, Don Diego at Don Juan.

 Haring Salermo – ang ama ni Donya Maria at ang hari ng Reino de los Cristal

 Mediko – ang tanging nakatalos sa sakit ni Don Fernando. Ipinayo niyang hanapin ang ibong

Adarna sapagkat ang awit nito ang tanging lunas sa sakit ni Don Fernando.

 Unang Ermitanyo (Matandang Ketongin) - ang nilimusan ni Don Juan ng pagkain. Siya ang

tumulong kay Don Juan upang mahuli ang ibong Adarna.

 Ikalawang Ermitanyo (Matandang Uugod-ugod) – ang nagturo kay Don Juan kung paano

hulihin ang ibong Adarna sa Bundok Tabor

 Ikatlong Ermitanyo – ang nagpagaling kay Don Juan noong siya ay sugatan sa pambubugbog

ng kaniyang dalawang kapatid

 Ikaapat na Ermitanyo – ang naawa at nagbigay kay Don Juan ng pagkain habang naglalakbay

siya patungo ng Reino de los Cristal

 Ikalimang Ermitanyo – ang nakilala ni Don Juan sa kaniyang paglalakbay sa Reino de los

Cristal. Siya ay may alagang olikorniyong sinakyan ni Don Juan upang makilala ang ikaanim na

ermitanyo

 Ikaanim na Ermitanyo – ang may alagang Agilang naghatid kay Don Juan sa Reino de los

Cristal

 Arsobispo – ang nagkasal sa magsing-irog na sina Don Juan at Donya Maria, at Don Pedro at

Prinsesa Leonora

 Negrito at Negrita – ang maliliit na taong nasa loob ng prasko. Inutusan silang magtanghal ni

Donya Maria upang mapanumbalik sa alaala ni Don Juan ang pag-ibig nito sa donya

 Ibong Adarna – ang mahiwangang ibong makapagpapagaling sa hindi maipalawanag na sakit

ni Don Fernando

 Lobo – ang makapangyarihang hayop na nagpagaling kay Don Juan noong siya ay sugatan sa

ilalim ng balon

 Higante – ang mabagsik na tagapagbantay ni Donya Juana

 Serpiyente – ang makapangyarihang serpiyente na nagtataglay ng pitong ulo. Ito ang

tagapangalaga ni Prinsesa Leonora.

 Olikorniyo – ang naghatid kay Don Juan sa ikaanim na ermitanyo na magiging daan upang

matagpuan niya ang Reino de los Cristal

 Agila – ang higanteng ibong nagturo at nagdala kay Don Juan sa Reino de los Cristal