Notes on Early Information Gathering and Types of Data
Aralin 2.4: Pangangalap ng Paunang Impormasyon at Mga Uri ng Datos
Pangkalahatang Impormasyon
- Paunang Impormasyon: Mahalaga para sa
- Pagbuo ng magandang pahayag ng tesis.
- Nagbibigay ng ideya sa mananaliksik kung bakit kinakailangan ang pag-aaral ng paksa.
- Tumutulong sa pagpili ng pananaw na susuporta sa tesis.
Mapagkukunan ng Paunang Impormasyon
Internet:
- Maraming impormasyon ngunit kinakailangang maging maingat sa pagpili.
- Mapagkakatiwalaang mga domain:
- .edu (institusyong pang-edukasyon)
- .gov (pamahalaan)
- .org (mga nonprofit)
- Maging mapanuri sa mga .com domain, maaaring hindi ito beripikado.
Aklatan:
- Mahalaga at maraming mapagkukunan tulad ng:
- Aklat
- Almanac
- Atlas
- Encyclopedia
- Balita (pahayagan, magasin, journal)
- Naglalaman ng mahahalagang datos para sa panukalang pahayag.
Pagpili at Pagsusuri ng Impormasyon
- Magsuri ng mga nakalap na impormasyon upang tukuyin ang mga nakatutulong sa mga:
- Research aim
- Layunin
- Tanong ng pananaliksik
- Pagsusuri at pagpapaunlad ng tesis.
- Mapanuri at masusing pagsusuri sa bawat impormasyon na nakukuha.
Mga Uri ng Datos
- Kahalagahan ng Tamang Datos:
- Kailangan ang naaangkop na datos para makamit ang layunin ng pananaliksik.
1. Datos ng Kalidad (Qualitative Data)
- Ginagamit sa qualitative research.
- Halimbawa ng qualitative variables:
- Kulay
- Texture
- Lasa
- Damdamin
- Mungkahing tanong:
- "Ano ang ginagawa mo noong kasagsagan ng Bagyong Odette?"
- "Sino si Jose Rizal para sa iyo?"
- "Kailan mo masasabing handa ka nang pumasok sa isang seryosong relasyon?"
- "Anong pagpapakahulugan ang maibibigay mo sa salitang pabebe?"
2. Datos ng Kailanan (Quantitative Data)
- Numerikal na datos at ginagamitan ng mga operasyong matematikal.
- Tumutukoy sa dami o bilang ng:
- Mga bagay o sagot ng mga sinarbey
- Mga katangiang nabibilang o nasusukat
- Halimbawa ng quantitative data:
- Taas, bigat, edad ng mga mag-aaral
- Average na kita ng mga part-time students
- Dami ng mga babae at lalaki sa isang baitang.
3. Pagsasama ng Dalawang Uri ng Datos
- Sa ilang pagkakataon, mahalaga ang pagsasama ng qualitative at quantitative data
- Upang mapagtibay ang argumento
- Upang maging mas maaasahan at kapani-paniwala ang resulta.