Quarter 3 Pre-lim Exam Filipino Reviewer
Grade 7 Filipino Reviewer: Kasaysayan ng Panitikan sa Panahon ng Pananakop ng Espanya
Mahahalagang Tanong
Ano ang kalagayan ng Pilipinas sa panahon ng Espanyol?
Ano ang katangian ng mga panitikan sa panahon ng Espanyol?
Bakit mahalagang malaman ang kaugnayan ng akda sa panahon ng pagkakasulat nito?
Mahalagang Petsa
1521: Pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas
1565: Unang Pamayanang Kristiyano (Miguel Lopez de Legaspi - Gobernador-Heneral)
1872: Pagbitay sa Tatlong Paring Martir (Mariano Gómes, José Burgos, at Jacinto Zamora)
Dahilan ng Pagdayo ng mga Espanyol sa Pilipinas
Katolisismo: Pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristiano.
Kayamanan: Paghahanap ng mga kayamanan at likas na yaman.
Karangalan: Paglawak ng empires at karapatan ng Espanya.
Sistema ng Pamahalaan
Gobernador Heneral: Namumuno sa mga Espanyol sa Pilipinas.
Pag-uuri ng Lipunan:
Peninsulares
Insulares at Creoles
Mestizo, Principalia, Ilustrados
Indio
Polo y Servicios
Panitikan: Ang mga akda sa anyong patula at tuluyan ay naging salamin ng kasaysayan at kultura ng Pilipinas. Paksa: panrelihiyon, kagandang asal, at mga akdang may kinalaman sa gawi bilang bahagi ng simbahang Katoliko.
Anyo: nakasulat sa anyong patula at tuluyan
Mga Tulang Romansa: Ginamit upang tumuligsa sa mga mananakop; karaniwang tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan.
Halimbawa ng Tulang Romansa: Ibong Adarna.
Aralin 2: Impluwensiya ng Kastila sa Panitikang Filipino
Mga Pagbabago sa Panitikan
Ang Baybayin, ang kauna-unahang abakadang Filipino, ay napalitan ng Alpabetong Romano.
Itinuro ang Doctrina Cristiana na nagsilbing batayan ng mga gawang makarelihiyon.
Ang wikang Kastila ay naging pangunahing wika ng Panitikan.
Nagsama ng mga alamat at tradisyon ng Europa, tulad ng awit, korido, at moro-moro.
Ang panitikang makaluma ay isinalin sa Tagalog at ibang wikain.
Naglathala ng iba’t ibang aklat na pambalarila sa wikang Filipino.
Ang mga akdang pampanitikan ay nagkaroon ng makarelihiyong himig.
Mga Unang Aklat sa Panahon ng Kastila
Doctrina Cristiana: Kauna-unahang aklat na nalimbag noong 1593; naglalaman ng mga dasal at katesismo.
Nuestra Señora del Rosario: Ikalawang aklat na nalimbag noong 1602; naglalaman ng mga talambuhay ng mga santo at nobena.
Barlaan at Josaphat: Ikatlong aklat na nalimbag; itinuturing na kauna-unahang nobelang nalimbag sa Pilipinas.
Pasyon: Aklat ukol sa buhay ni Kristo; may iba't ibang bersyon sa Tagalog.
Urbana at Felisa: Akda ni Modesto Castro; nauukol sa kabutihang-asal.
Page 3: Panitikang Pansimbahan
Mga Halimbawa
Dalit: Pag-aalay ng bulaklak sa Birheng Maria tuwing Mayo.
Nobena: Panalangin na sinasagawa sa loob ng siyam na araw.
Buhay ng mga Santo’t Santa: Mga akdang naglalarawan sa buhay ng mga santo bilang halimbawa ng pagpapakasakit.
Akdang Pangkagandahang-Asal: Pagtuturo ng kagandahang-asal.
Senakulo: Dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ni Hesus Kristo.
Tibag: Pagtatanghal tungkol kay Santa Elena.
Parabula: Kuwento na nagtuturo ng makatuwid na landas.
Mga Uri ng Panitikan
Awit: Tulang pasalaysay na may labindalawang pantig.
Korido: Tulang pasalaysay na may walong pantig na pumapaksa sa katapangan.
Komedya/Moro-Moro: Dulang Kastila na naglalarawan ng laban ng Espanya at mga Muslim.
Dung-aw: Binibigkas na paawit ng naulila.
Page 4: Mga Karagdagang Uri ng Panitikan
Karagatan: Larong may paligsahan ukol sa singsing na nahulog sa dagat.
Duplo: Larong paligsahan sa pagbigkas ng tula sa paglalamay.
Karilyo: Pagtatanghal ng mga anino gamit ang mga karton.
Sarsuwela: Komedya o melodrama na may awit at tugtog.
Aralin 3: Balita
Teksto ng Pampahayagan
Mga Tanong na Sasagutin ng Balita
Ano ang balita?
Ano ang mahalagang bahagi ng balita?
Ano ang layunin ng balita?
Katangian ng Balita
Balita: Anumang pangyayari na kagaganap lamang, makatotohanan, at walang kinikilingan.
Mga Bahagi ng Balita:
Pamuhatan (Headline): Pangunahing paksa.
Byline: Pangalan ng sumulat.
Lead: Simula na naglalaman ng pinakamahalagang impormasyon.
Katawan (Body): Detalye ng balita.
Wakas (Ending): Panghuling bahagi na nag-iiwan ng buod.
Page 5: Mga Uri ng Balita
Balitang Panlokal: Mahahalagang pangyayari sa lokal na bahagi ng bansa.
Balitang Pambansa: Mahahalagang pangyayari sa buong bansa.
Balitang Pandaigdig: Mahahalagang pangyayari sa ibang bansa.
Balitang Pampalakasan: Balita ukol sa sports.
Balitang Pampaaralan: Balita ukol sa aktibidad sa paaralan.
Balitang Pang-edukasyon: Mahahalagang pangyayari sa edukasyon.
Karagdagang Kaalaman
Layunin ng Balita: Magbigay ng mahalagang impormasyon na nakakaapekto sa pamumuhay.
Pagsusuri ng Balita: Tukuyin ang sino, ano, saan, kailan, bakit, at paano.
Katangian ng Balita
Napapanahon
Totoo
Makabuluhan
Malinaw ang pagkakalahad
May balanse at walang kinikilingan
"Commit your work to the Lord, and your plans will be established." – Proverbs 16:3