terorismo

Sa Human Security Act of 2007 o R.A. No. 9372, isang napakahalagang batas ng Pilipinas para labanan ang terorismo, nakalahad in ang isang pagpapakahulugan. Ayon sa dokumento, ang terorismo ay isang uri ng krimeng nagdudulot ng pambihirang takot sa mga tao. Dahil dito, pinahihintulutan ng naturang batas ang mga awtoridad na arestuhin ang mga pinaghihinalaang terorista kahit wala pang utos na dakipin o hulihin (warrant of arrest) para masiguro ang pampublikong seguridad. Samantala, ang R.A. No. 9372 ay pinalitan o pinawalang bisa na ng bagong batas na R.A. No. 11479 o kilala sa tawag na "The Anti- Terrorism Act of 2020" na naipasa sa ilalim ng Administrasyong Duterte. Sa nasabing batas, nakasaad na ang terorismo ay isang uri ng krimeng labag hindi lamang sa mga Pilipino kung hindi sa sangkatauhan o pandaigdigang komunidad.

UN General Assembly - isa sa anim na pangunahing grupo o kinatawan ng United Nations. Ito ay nagsisilbing pangunahing tagabuo ng mga polisiya, tagadinig, at kinatawan ng UN sa mga usaping pangkapayapaan at panseguridad.Ang kapangyarihan, komposisyon, responsibilidad, at pamamaraan nito ay nakalatag sa Chapter IV ng United Nations Charter.

Global Terrorism Database -isang open- source database na sistematikong lumilikom (gather) at Bnaglalathala (publish) ng mahahalagang impormasyon tungkol sa terorismo sa buong mundo simula pa noong 1970 hanggang sa kasalukuyan.

Mga Uri ng milianteng grupo

Islamic State of Iraq and Syria (ISIS)

Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL) sa Iraq at Syria

Al Qaeda ( Afghanistan, Pakistan, Saudi Arabia)

Al-Dawa (Lebanon at Iraq)

Islamic Jihad (Lebanon, Syria, at Palestine)

Jemaah Islamiyah (Southeast Asia)

Aum Shinrikyo (Japan)

Abu Sayyaf (Philippines).