Filipino
MGA TAYUTAY (Figures of Speech)
Pagtutulad (Simile): Paghahambing na gumagamit ng mga salitang tulad ng, parang, tila, anaki'y. (Halimbawa: Siya ay tila bituin sa kalangitan.)
Pagwawangis (Metaphor): Direktang paghahambing nang walang ginagamit na salitang pantulong. (Halimbawa: Ang kanyang puso ay bato.)
Pagsasatao (Personification): Pagbibigay ng katangiang tao sa mga bagay na walang buhay. (Halimbawa: Sumasayaw ang mga dahon sa hangin.)
Pagmamalabis (Hyperbole): Sobra-sobrang paglalarawan na malayo sa katotohanan. (Halimbawa: Lumuha siya ng isang palangganang luha.)
Pag-uyyam (Irony): Paggamit ng pananalitang tila papuri ngunit may nakagagaling na pangkukutya.
Pag-uulit (Repetition): Paggamit ng paulit-ulit na tunog, salita, o parirala upang magbigay ng diin at ritmo.
Aliterasyon: Pag-uulit ng mga katinig sa simula ng salita (hal. Lumayo, lumalim, lumabo).
Anapora: Pag-uulit sa simula ng linya (hal. Ikaw ang ligaya. Ikaw ang pag-asa).
Epipora: Pag-uulit sa dulo ng linya (hal. Para sa bayan, ialay ang buhay sa bayan).
Paghihimig (Onomatopoeia): Paggamit ng mga salitang naglalarawan batay sa tunog ng bagay. (Halimbawa: Ang kaskas ng mga dahon sa bakuran.)
Pagtawag (Apostrophe): Direktang pakikipag-usap sa tao o bagay na wala sa kinaroroonan o walang buhay. (Halimbawa: O, Pag-ibig, ako'y turuan mong magmahal.)
Pagpapalit-saklaw (Synecdoche): Pagbanggit sa isang bahagi ng bagay upang kumatawan sa kabuuan, o ng kabuuan para sa isang bahagi. (Halimbawa: Ayaw kong makakita ng step-ins sa loob ng bahay.)
HULING PAALAM (Mi Último Adiós)
May-akda: Dr. Jose Rizal (isinulat bago ang kanyang eksekusyon noong Disyembre 30, 1896).
Paksa: Pag-ibig sa bayan, pagtanggap sa kamatayan para sa kalayaan, at pabilin sa mga maiiwan.
Kaisipan: Ang tunay na pagmamahal sa bayan ay walang hinihinging kapalit, maging ang sariling buhay.
TALUMPATI BILANG TEKSTONG PERSUWEYSIB
Kahulugan: Isa ring uri ng akdang persuweysib; isang kapaki-pakinabang at masining na pagtalakay ng paksang naglalayong makahikayat sa paniniwala at sa paninindigan ng mananalumpati.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati:
Alamin ang mambabasa o tagapakinig: Alamin kung anong klase sila (hal. grupo ng kabataan, mga magtatapos ng elementarya, magulang) upang maiakma ang paksa at paraan ng pagsasalita.
Alaming mabuti ang paksa: Sundan ang tema kung ikaw ay naimbitahan sa isang pagtitipon.
Gumawa ng balangkas: Mahalaga ito upang matukoy ang mga kailangang saliksikin at mas madaling maisulat ang talumpati.
Isulat ang talumpati: Iwasan ang napakahabang talumpati at tiyaking hindi lalampas sa itinakdang oras ng nag-imbita.
Mga Hakbang sa Pagbabalangkas:
A. Pambungad ng Talumpati (Panimula): Umisip ng nakapupukaw o nakagugulat na panimula upang makatawag-pansin at mai-kondisyon ang tagapakinig sa paksa.
B. Katawan ng Talumpati (Paglalahad): Sistematiko at malinaw na paglalahad ng mga kabatiran, masusing pagpapaliwanag, at mahusay na panghihikayat.
C. Pagwawakas ng Talumpati (Impresyon): Pagbabahagi ng impresyong ang kaisipang inilahad o paninindigan ay pawang katotohanan lamang.
Dapat Bigyang-Pansin ng Mananalumpati:
Dahil ito ay isang sining ng pakikipagtalastasan, kailangan ang:
Malaking tiwala sa sarili
Ganap na kaalaman at pagka-unawa sa paksang sasabihin
Postura (anyo, tindig, at kilos)
Mga Uri ng Talumpati Batay sa Paghahanda:
Daglian o Biglaan (Impromptu): Walang panahon na ibinibigay para makapaghanda; ibinibigay ang paksa sa mismong oras ng pagtatalumpati.
Maluwag (Extemporaneous): May nakahandang sasabihin ngunit hindi isinasaulo.
Handa: Nakahanda at nakasulat na upang basahin o sauluhin ng mananalumpati.
NINGNING AT LIWANAG (Emilio Jacinto)
Ningning
Denotasyon: Silaw o nakasisilaw na liwanag
Konotasyon: Maling pananaw, mamahaling bagay na nakalilinlang, at panlabas na kagandahan.
Liwanag
Denotasyon: Tanglaw na nag-aalis ng dilim
Konotasyon: Katotohanan, kabutihan, at kalinisan ng kalooban.
SANAYSAY: URI AT ELEMENTO
Kahulugan: Isang komposisyong nagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon ng may-akda tungkol sa isang paksa.
Dalawang Uri:
Pormal: Seryoso ang tono, maingat ang pagpili ng salita, at nakabatay sa pananaliksik.
Di-Pormal: Magaan ang tono, personal, at parang pakikipag-usap lamang.
Mga Elemento: Tema, Kaisipan, Tono, Wika at Estilo.
EDITORYAL O PANGULONG-TUDLING
Kahulugan: Isang pitak sa pahayagan na naglalaman ng opisyal na pananaw o opinyon ng editoryal board tungkol sa isang napapanahong isyu.
Mga Bahagi:
Panimula: Paglalahad ng isyu at paninindigan (stand) ng pahayagan.
Katawan: Pagbibigay ng mga patunay, argumento, at datos.
Wakas: Pagbubuod, mungkahi, o hamon sa mambabasa.
English Version
FIGURES OF SPEECH
Simile: A comparison using words like, like, as if, as though. (Example: She is like a star in the sky.)
Metaphor: A direct comparison without using any connecting words. (Example: Her heart is stone.)
Personification: Giving human characteristics to inanimate objects. (Example: The leaves dance in the wind.)
Hyperbole: Exaggerated description that is far from reality. (Example: She cried a basinful of tears.)
Irony: The use of words that seem like praise but carry a hidden mockery.
Repetition: The use of repeated sounds, words, or phrases to provide emphasis and rhythm.
Alliteration: The repetition of consonant sounds at the beginning of words (e.g., Far, deep, blurred).
Anaphora: Repetition at the beginning of lines (e.g., You are joy. You are hope).
Epiphora: Repetition at the end of lines (e.g., For the country, offer life to the country).
Onomatopoeia: The use of words that describe sounds. (Example: The rustle of leaves in the yard.)
Apostrophe: Directly addressing a person or thing that is not present or is inanimate. (Example: O, Love, teach me to love.)
Synecdoche: Mentioning a part of something to represent the whole, or the whole for a part. (Example: I don't want to see any step-ins inside the house.)
LAST FAREWELL (Mi Último Adiós)
Author: Dr. Jose Rizal (written before his execution on December 30, 1896).
Topic: Love for country, acceptance of death for freedom, and farewell to those left behind.
Message: True love for country demands no reward, not even one's own life.
SPEECH AS PERSUASIVE TEXT
Definition: Also a type of persuasive writing; a useful and artistic discussion of a topic that aims to persuade the audience to believe and stand by the speaker.
Steps in Writing a Speech:
Know the reader or listener: Understand who they are (e.g., a group of young people, elementary graduates, parents) to tailor the topic and speaking style.
Know the topic well: Follow the theme if you are invited to a gathering.
Create an outline: This is important to determine what needs to be researched and to write the speech more easily.
Write the speech: Avoid excessively long speeches and ensure you do not exceed the time limit set by the host.
Steps in Outlining:
A. Speech Opening (Introduction): Come up with a captivating or surprising opening to grab attention and condition the audience to the topic.
B. Speech Body (Presentation): Systematic and clear presentation of information, thorough explanation, and effective persuasion.
C. Speech Conclusion (Impression): Sharing an impression that the presented idea or stance is solely the truth.
What the Speaker Should Pay Attention To:
As this is an art of communication, it requires:
Great self-confidence
Complete knowledge and understanding of the topic to be discussed
Posture (form, stance, and movements)
Types of Speeches Based on Preparation:
Impromptu: No time is given for preparation; the topic is given at the exact time of delivery.
Extemporaneous: There is something prepared to say but not memorized.
Manuscript: Prepared and written to be read or memorized by the speaker.
RADIANCE AND LIGHT (Emilio Jacinto)
Radiance
Denotation: Glare or dazzling light
Connotation: False perception, deceptive expensive things, and external beauty.
Light
Denotation: A glow that dispels darkness
Connotation: Truth, goodness, and purity of heart.
ESSAY: TYPES AND ELEMENTS
Definition: A composition that expresses the author's thoughts or opinions on a subject.
Two Types:
Formal: Serious tone, careful word choice, and based on research.
Informal: Light tone, personal, and conversational.
Elements: Theme, Message, Tone, Language, and Style.
EDITORIAL OR OPINION PIECE
Definition: A section in a newspaper that contains the official view or opinion of the editorial board on a current issue.
Parts:
Introduction: Presentation of the issue and the newspaper's stance.
Body: Providing evidence, arguments, and data.
Conclusion: Summary, suggestion, or challenge to the reader.