Kabihasnang Roma: Batayan, Republika, Imperyo, at Mga Pamana
Batayang Geograpiko at Sinaunang Simula ng Roma
Heograpiya: Matatagpuan sa Peninsula ng Italy (hugis-bota) na napalilibutan ng 5 dagat. Ang malalawak na kapatagan nito ay angkop sa pagsasaka at pampolitikang pagkakaisa.
Ilog at Burol: Itinatag sa pampang ng Ilog Tiber at sa Pitong Burol ng Roma (Palatine ang pinakamaagang panahanan).
Sinaunang Tao:
Etruscan: Hilagang Italy; nagturo ng paggamit ng arko (arch), alpabeto, at paniniwala.
Latin: Nanirahan sa Latium (Ilog Tiber); tunay na ninuno ng mga Romano at pinagmulan ng wikang Latin.
Griyego: Nagtatag ng kolonya sa Timog Italy at Sicily; nag-iwan ng impluwensya sa mitolohiya at kultura.
Mitolohikong Pinagmulan: Itinatag noong 753 BCE ng magkambal na sina Romulus at Remus (pinalaki ng lobo). Pinaslang ni Romulus si Remus at ipinangalan sa sarili ang lungsod. Ang epikong The Aeneid ni Virgil ay tumutukoy rin kay Aeneas bilang ninuno.
Ang Republikang Romano (509 BCE – 27 BCE)
Pagtatag: Noong 509 BCE, pinatalsik ang huling haring Etruscan na si Tarquin the Proud at itinatag ang Republika.
Mga Pangkat sa Lipunan:
Patrician: Mayayamang maharlika at may-ari ng lupa.
Plebeian: Karaniwang mamamayan (magsasaka, mangangalakal, kawal).
Alipin: Walang karapatang sibil.
Estruktura ng Pamahalaan:
Konsul: Dalawang pinunong patrician na inihahalal taun-taon; may veto power.
Senado: 300 patrician na may pambuhay na termino; nagpapasya sa pananalapi at foreign policy.
Diktador: Pinipili sa panahon ng krisis na may ganap na kapangyarihan sa loob ng 6 na buwan.
Asamblea: Kapulungan ng mamamayan na naghahalal ng opisyal.
Mga Karapatan ng Plebeian:
Tribune: Kinatawan ng mga Plebeian na may karapatang mag-veto ng mga batas.
Twelve Tables (451 BCE): Unang nakatala na batas ng Roma na itinanghal sa Forum.
Pagtataguyod at Pagpapalawak ng Kapangyarihan
Pagsakop sa Italy: Nasakop ang buong peninsula ng Italy bago nagpalawak sa labas.
Tatlong Digmaang Punic (264 BCE – 146 BCE) laban sa Carthage:
Unang Digmaan: Natalo ang Carthage sa karagatan; nakuha ng Roma ang Sicily, Sardinia, at Corsica.
Ikalawang Digmaan: Pagsalakay ni Hannibal Barca mula sa Alps; tinalo ni Scipio Africanus sa Labanan sa Zama (202;’pppppppppppppppppppppppppppppppp[mnnnnnnnnnnnnnBCE).
Ikatlong Digmaan: Tuluyang winasak ni Scipio Aemilianus ang Carthage sa panggaganyak ni Cato the Elder ("Carthago delenda est").
Krisis at Pagbagsak ng Republikang Romano
Suliranin: Pagkawala ng lupa ng mga magsasaka, pagdami ng alipin sa mga Latifundia, at kawalan ng trabaho.
Reporma nina Gracchus: Pinaslang sina Tiberius at Gaius Gracchus dahil sa panukalang reporma sa lupa.
Spartacus Rebellion (73–71 BCE): Pag-aalsa ng 90,000 alipin na sinupil ni Crassus.
Unang Triumvirate (60 BCE):
Alyansa nina Julius Caesar, Marcus Licinius Crassus, at Pompey.
Tinawid ni Caesar ang Ilog Rubicon, tinalo si Pompey, at naging Diktador Pambuhay.
Pinaslang si Caesar noong Ides of March (Marso 15, 44 BCE) nina Brutus at Cassius.
Ikalawang Triumvirate (43 BCE):
Alyansa nina Octavian, Mark Antony, at Lepidus.
Tinalo ni Octavian sina Antony at Cleopatra sa Labanan sa Actium (31 BCE) at naging solong pinuno.
Ang Imperyong Romano at ang Pax Romana
Pagsisimula ng Imperyo: Ibinigay kay Octavian ang titulong Augustus noong 27 BCE, na nagmarka ng simula ng Imperyo.
Pax Romana (27 BCE – 180 CE): 200 taon ng kapayapaan, kasaganaan, at pag-unlad.
Mga Kilalang Emperador:
Julio-Claudian: Tiberius (panahon ni Kristo), Caligula, Claudius (pagsakop sa Britain), Nero (pag-uusig sa Kristiyano).
Flavian: Vespasian (nagpatayo ng Colosseum), Titus (pumutok ang Vesuvius noong 79 CE).
Limang Mabubuting Emperador: Nerva, Trajan (pinakamalawak na teritoryo), Hadrian (Hadrian's Wall, Pantheon), Antoninus Pius, Marcus Aurelius (Stoicism, nagwakas ang Pax Romana sa kaniyang pagkamatay noong 180 CE).
Paglaganap ng Kristiyanismo at Pagbagsak ng Imperyo
Krisis sa Ikatlong Siglo: Inflation, gulo sa politika, at pagsalakay ng mga barbaro.
Mga Reporma:
Diocletian: Hinati ang imperyo sa dalawa (Tetrarchy).
Constantine: Inilipat ang kabisera sa Constantinople; inilabas ang Edict of Milan (313 CE) na nagbigay ng kalayaan sa relihiyon.
Theodosius I: Ginawang opisyal na relihiyon ang Kristiyanismo noong 380 CE.
Pagbagsak (476 CE): Pinatalsik ng Germanic warlord na si Odoacer ang huling emperador na si Romulus Augustulus, na nagpasimula ng Gitnang Panahon (Middle Ages).
Mga Pamana at Kontribusyon ng Kabihasnang Roma
Batas at Pamahalaan: Sistema ng Republika (checks and balances, veto) at Sistemang Legal (Twelve Tables, Juris Civilis, "innocent until proven guilty").
Arkitektura at Inhenyeriya: Semento (concrete), Arko (arch), Aqueduct, Colosseum, Pantheon, at Roman Roads (Via Appia).
Wika at Panitikan: Wikang Latin (pinagmulan ng Romance languages) at mga akda nina Virgil (The Aeneid), Cicero, Livy, Tacitus, at Ovid.