CM

AP - 9 EKONOMIKS

EKONOMIKS - hango sa salitang Griyego na “Oikonomia” na nabuo mula sa dalawang salita na “Oikos” at “Namos.”

  • Oikos - “Bahay”

  • Namos - “Pamahalaan”

Ang literal na kahulugan ng Ekonomiks ay Pamamahala sa mga gastusin sa loob ng bahay.

Ang Ekonomiks ay isang Agham Panlipunan na pinag-aaralan kung paano tutugunan ng tao ang kaniyang walang hanggang kagustuhan sa kabila ng limitadong yaman.

Ang isa pang kahulugan ng Ekonomiks ay ang pag-aaral ukol sa produksyon, distribusyon, at pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo.

Ang pangunahing gawain sa Ekonomiks ay:

  1. Pagkonsumo

  2. Paglikha (Produksyon)

Lahat ng hilaw na materyales na kailangan sa paglikha at pagkonsump ay hindi matatagpuan sa isang lugar o bansa lamang.

KAKAPUSAN (SCARCITY) - Tumutukoy sa pagiging limitado ng mga pinagkukunang yaman.

Mga katanungan ng Ekonomiks:

  • Paano?

  • Ano?

  • Ilan?

  • Para kanino?

  • Paano ipapamahagi?

Trade-off - ang pagsakripisyo ng isang bagay kapalit ng isa pang bagay.

Opportunity cost - ang halaga ng iyong isinakripisyo kapalit ng isa pang bagay.

Pangangailangan (Needs) - bagay na mahalaga sa tao upang mabuhay.

Kagustuhan (Wants) - bagay na ninanais ng tao upang mapadali o maging maginhawa ang pamumuhay.

Iba’t-ibang salik na makakaapekto sa pangangailangan at kagustuhan:

  • Edad

  • Kasarian

  • Kita

  • Hanap-buhay

MASLOW’S HIERARCHY OF NEEDS