Ang Pag-aaral ng Kasaysayan ng Lipunang Filipino
Kahulugan at Pinagmulan ng Kasaysayan
Ang salitang kasaysayan ay ang salinwika ng salitang Ingles na "history."
Ang salitang "history" ay nagmula sa salitang Griyego na "historia" na ang ibig sabihin ay pag-uusisa at pagsisiyasat.
Ayon sa pag-aaral, ang kasaysayan ay isang sangay ng kaalaman kung saan pinag-aaralan ang mga pangyayaring naganap sa buhay ng tao, mga bansa, at daigdig noong mga nakalipas na panahon.
Kamalayang Pangkasaysayan
Ito ay isang natatanging katangian na nagpapakita ng kakayahan ng tao na:
Maunawaan at kilalanin ang mga mahahalagang pangyayari sa kanilang nakaraan.
Malaman ang epekto ng mga pangyayaring ito sa kanilang kasalukuyan at hinaharap.
Kilalanin ang mga simbolo, tradisyon, at kwento na bumubuo sa pagkakakilanlan ng isang partikular na komunidad.
Mga Palatandaan ng Kamalayang Pangkasaysayan
Simbolo: Ang mga simbolo ay naglalarawan ng mga mahahalagang kaganapan at ideya sa kasaysayan ng isang komunidad. Ang mga halimbawa nito ay ang mga watawat hanggang sa mga rebulto.
Tradisyon: Ang mga tradisyon ay tumutukoy sa mga kaugalian na ipinamamana mula sa nakaraan. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan at pag-unawa sa kasaysayan ng isang komunidad.
Kwento: Kabilang dito ang mga kwento o mga Alamat na nagbibigay-buhay sa mga nakaraang karanasan. Pinag-uugnay nito ang nakaraan sa kasalukuyan sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng mga kaganapan.
Kahalagahan ng Kamalayang Pangkasaysayan
Sa Nakaraan: Ang mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ay nagbibigay-diin sa mga tradisyon at kultura na bumubuo sa pagkakakilanlan ng isang grupo.
Sa Kasalukuyan: Ito ay nagsisilbing batayan ng mga desisyon at pananaw ng tao. Nagsusulong ito ng pagkakaisa at pag-unawa sa pagitan ng iba't ibang henerasyon. Nagbibigay ito ng konteksto sa mga isyu sa kasalukuyan, gaya ng mga suliraning panlipunan at pulitikal.
Sa Hinaharap: Ang kamalayang pangkasaysayan ay mahalaga sa pagbuo ng mga patakaran at desisyon na nakakaapekto sa hinaharap ng mga susunod na henerasyon.
Pagbuo ng Kultura: Nagbibigay ito ng malalim na pag-unawa sa ating kultura at pinapanatili ang mga tradisyon at gawi ng nakaraan.
Heograpiya, Kultura, at Kabuhayan
Heograpiya: Ang heograpiya ay ang pag-aaral ng mga katangian ng isang lugar at kung paano ito nakaaapekto sa pamumuhay ng tao. Ang lokasyon ng isang pamayanan ay direktang nakakaapekto sa kabuhayan (halmbawa: pangingisda sa baybayin, pagsasaka sa lambak, at pangangaso sa kabundukan).
Kultura: Ang kultura ay ang kabuuan ng paraan ng pamumuhay ng isang grupo ng tao. Kasama rito ang wika, paniniwala, tradisyon, pagkain, kasuotan, sining, relihiyon, at mga kaugalian na namamana at isinasabuhay ng bawat henerasyon.
Kabuhayan: Ang kabuhayan ay ang kalipunan ng mga gawain ng tao, pamayanan, at institusyon na may kaugnayan sa paglikha, pamamahagi, palitan, at pagkonsumo ng mga produkto.
Relasyon ng Kalikasan at Tao: Ang klima at likas na yaman ay humuhubog sa pagkain, kasuotan, tirahan, at paniniwala ng isang grupo. Karaniwan nang inaasa ng mga Pilipino ang kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan sa kanilang kapaligiran.
Ang Konseptong "Ilawod at Ilaya"
Ilawod (Coastal/Lowland Dwellers)
Ang salitang "Ilawod" ay salitang katutubo na nangangahulugang "Ibaba" o "mababang lugar."
Karaniwang tumutukoy ito sa mga lugar na nasa tabing-ilog, tabing-dagat, o kapatagan.
Pangunahing Hanapbuhay ng mga Taga-Ilawod:
Pangingisda: Dahil sa lapit sa ilog o dagat.
Pagsasaka sa kapatagan: Pagkakaroon ng mga taniman ng palay, mais, gulay, niyog, at tubo dahil mataba ang lupa.
Pag-aasin at paggawa ng produkto mula sa dagat: Halimbawa ay tuyo, bagoong, at asin.
Pakikipagkalakalan: Aktibo sa pagbebenta sa palengke gamit ang sistema ng barter o bentahan.
Paglalako o Pagtitinda: Pagtitinda ng mga paninda gaya ng gulay, isda, o lutong pagkain.
Pagiging manggagawa o artesano: Paggawa ng bangka, kasangkapan, o tela tulad ng hablon at sinamay.
Ilaya (Highland Dwellers)
Ang "Ilaya" ay tumutukoy sa mataas na bahagi ng lupa gaya ng kabundukan, burol, o malalayong lugar mula sa tabing-ilog o dagat.
Ito ang kabaligtaran ng Ilawod.
Ang mga pamayanang ito ay nabuo bilang mga komunidad ng mga katutubong grupo (halimbawa: Ifugao, Kalinga, Mangyan, Lumad, Aeta) upang makaiwas sa mga dayuhang mananakop at mapangalagaan ang kanilang sariling kultura.
Pangunahing Hanapbuhay ng mga Taga-Ilaya:
Kaingin Farming: Tradisyonal na pagsasaka sa pamamagitan ng pagsunog ng gubat upang tamnan ng palay, kamote, mais, at gabi.
Pangangaso at Pangingilap: Paghuli ng hayop at pagkuha ng prutas, halamang gamot, at pulot mula sa gubat.
Pag-uukit at Gawang-Kamay: Paggawa ng iba't ibang handicrafts.
Pag-aalaga ng Hayop: Kambing, manok, at baboy bilang dagdag kabuhayan.
Pangangalakal sa Ilawod: Ang mga produkto gaya ng banig, prutas, uling, at kahoy ay ibinababa sa Ilawod kapalit ng asin, asukal, damit, o bigas.
Ang Pangkat ng mga Badjao
Ang salitang "Badjao" ay pinaniniwalaang nagmula sa salitang Malay na "Bajau" na tumutukoy sa mga taong naninirahan sa dagat.
Tinagurian silang "sea gypsies" o "manlalakbay sa dagat."
Pamumuhay:
Sila ay nomadiko at ang buhay ay malapit sa dagat; dito sila nangingisda, naliligo, at minsan ay dito rin ipinapanganak.
Nakatira sa bangkang-bahay (na may sukat o kapasidad na ) o sa mga bahay sa ibabaw ng tubig.
Kultura:
Ginagamit nila ang Wikang Samal.
Isang ritwal ng pagtanggap sa bagong panganak ay ang pagtapon sa sanggol sa dagat na iaahon naman ng mga nakatatandang ninuno.
May makukulay na sayaw na ginagaya ang galaw ng dagat at isda (kulintangan-babae).
Mahilig sa makukulay na tela, disenyo, burda, at beadwork sa kanilang mga bangka at kasuotan.
Kabuhayan:
Pangingisda at panghuhuli ng perlas ang pangunahing hanapbuhay.
Kilala bilang mahusay na maninisid o "taong dagat."
Paggawa ng vinta, lambat, at bitag.
Ang mga Moro sa Mindanao
Ang mga Moro ay pangkat etniko at relihiyoso na pangunahing naninirahan sa Bangsamoro (Maguindanao, Lanao del Sur, Tawi-Tawi, at Basilan).
Nagmula ang pangalan sa salitang "Moors."
Pangunahing Grupong Moro:
Maguindanaoan (Maguindanao, Cotabato)
Maranao (Lake Lanao, Lanao del Sur, Lanao del Norte)
Tausug (Sulu)
Yakan (Basilan)
Samal-Badjao (Sibutu, Sulu, Tawi-Tawi Islands)
Sangil (Sarangani Province)
Kasaysayan at Gobyerno:
Aktibo sa pakikibaka laban sa mga Espanyol, Amerikano, at Hapones.
Ang Bangsamoro Organic Law (BOL) ay naaprubahan noong at naipatupad noong upang likhain ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Kultura at Kabuhayan:
Pagtatayo ng mga mosque (halimbawa: Mosque at Lake Lanao ca. ).
Pagdiriwang ng Eid al-Fitr at Eid al-Adha.
Pagsasaka, paghahayupan, pangingisda, at paggawa ng handicrafts (paghahabi at pananahi).
Paglalakbay-pangangalakal (trading by boat) sa Malaysia (Sabah) at Indonesia.
Ang mga Igorot sa Hilagang Luzon
Mula sa salitang Kastila na hango sa "i-" (tao) at "golot" (bundok), na nangangahulugang "tao ng bundok."
Matatagpuan sa Benguet, Ifugao, Mountain Province, Kalinga, Apayao, at Abra.
Kasaysayan:
Hindi sila nasakop nang buo ng mga Kastila dahil sa matatag na depensa.
Tanyag sa pagmamanupaktura ng Hagdang-Hagdang Palayan ng Banaue na itinuturing na Wonder of the World.
Kultura at Tradisyon:
May tribal na organisasyon na pinamumunuan ng mga "elders."
Kasuotan: Bahag para sa kalalakihan at tapis para sa kababaihan.
Musika: Paggamit ng gangsa (gong), tambol, at plawta.
Sayaw: Tayaw (sayaw ng pasasalamat).
Paniniwala sa mga anito at paggawa ng mga ukit sa kahoy (woodcarving), maskara, at estatwa.
Kabuhayan:
Pagsasaka (kape, palay, mais, gulay).
Paghahayupan at paghahabi.
Paggawa ng wooden crafts at tradisyonal na mga armas.
Questions & Discussion
Pagnilayan (Reflection): Paano ang kamalayang pangkasaysayan ay nakakatulong sa pagkilala sa ating sarili at sa ating lipunan?
Tanong: Sino-sino ang mga Pangunahing Grupong Moro sa Mindanao?
Gawain (Panuto): Gumawa ng isang SLOGAN na nagpapakita ng pagpapahalaga sa Kultura ng Pilipinas batay sa sumusunod na pamantayan:
Nilalaman: Mabisang naipakita ang mensahe.
Pagkamalikhain: Sobrang ganda at linaw ng pagkakasulat ng mga titik.
Kasangkapan: May malaking kaugnayan sa paksa ang islogan.
Kalinisan: Malinis na malinis ang pagkakabuo.