batas militar

Batas Militar ay espesyal na kapangyarihan ng estado nakaraniwang ipinatutupad ng isang pamahalaan kapag hindi na nito maayosna magampanan ang pamamahala gamit ang sibilyan nitongkapangyarihan. Maaari ring magdeklara ng batas militar kapag may matinding sakuna o hidwaan gaya ng pananakop. Malimit na may kaakibatna pagpapatupad ng curfew (takdang oras ng pagbabawal sa mga taongsibilyan na lumabas ng kanilang mga bahay), pagsuspinde ng batas sibil, karapatang sibil, habeas corpus at pagsasailalim ng hukumang-militar samga sibilyan.

 

​Sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1081 na nilagdaan niPangulong Marcos noong Setyembre 21, 1972, ang Pilipinas ay napasailalim sa Batas Militar. Layunin nito na mailigtas ang Republika at bumuo ng Bagong Lipunan.

 

Naging basehan sa pagdeklara nito ang Artikulo VIII, Seksyon 10, Talata 2 ng Saligang Batas ng 1935. Ayon dito, angPangulo ng Pilipinas ay may karapatan at kapangyarihang magdeklara ng batas militar kung may nagbabantang panganib tulad ng rebelyon, paghihimagsik, paglusob, at karahasan.

 

Narito ang mga pangyayari na nagbigay-daan sapagdeklara ng Batas Militar ng Pilipinas noong 1972:

 

1. Noong Enero 30, 1970, naganap ang madugong rally ng mga mag-aaralat

manggagawa sa Mendiola malapit sa Malacañang. Hiling ng mgakabataang aktibista ang mga sumusunod:

• isang mabuting pamahalaan na walang katiwalian at kasamaan;

• pagtataguyod ng katarungan;

• pagpapaunlad ng sistema ng edukasyon;

• pagpapababa sa presyo ng mga bilihin;

• hanapbuhay para sa mga walang trabaho; at

• pagbabago ng Saligang Batas ng 1935 upang malunasan ang mgaproblema ng bansa.

​Sa paningin ng pamahalaan, ang mga mag-aaral na nagpapahayag ay walang disiplina at hindi makuhang kontrolin ng kanilang mga lider. Angmga namatay na mag-aaral ay iniyakan ng kanilang mga kasama at nagbunga ng masamang pagkakilala sa mga alagad ng batas.

 

2. Noong Agosto 21, 1971 ay hinagisan ng granada ang isangmalaking pagpupulong

ng Partido Liberal sa Plaza Miranda sa Quiapo. Ito ay nagiwan ng maraming sugatang kandidato ng Partido Liberal at iba pang nagsidalosa nasabing pagpupulong. Makalipas ang ilang oras ay sinuspinde ng Pangulong Marcos ang writ of habeas corpus (Ito ay proteksyon ng mamamayan laban sa ilegal na pagkadakip o detensyon).

 


3. Ang mga serye ng pambobomba sa Metro Manila mula March 15 hanggang September

11, 1972 na pinaghihinalang gawa ng CPP- NPA na ikinasawi ng maraming tao

 

4. Ang pananambang sa kumboy ni Juan Ponce Enrile, Kalihim ng Tanggulang Pambansa

noong Setyembre 22, 1972 bandang alas 9:00 ng gabi

 

Mga Epekto ng Batas Militar sa Politika, Pangkabuhayan, at Pamumuhay ng mga Pilipino

​Bagong Lipunan. Ito ang tawag sa lipunan ng rehimeng Marcos. Naisnitong magbigay-disiplina sa mga mamamayan para sa ikauunlad ng bayan.

 

May mabuti at hindi mabuting epekto ang Batas Militar. Ilan sa mga ito mabuting epekto ay ang mga sumusunod:

 

➢ Umiwas ang mga tao na magkalat sa daan.

➢ Bumaba ang kriminalidad.

➢ Umuuwi nang maaga ang mga kabataan dahil sa ipinatupad nacurfew.

➢ Naging malinis ang mga daan at naging disiplinado ang mamamayan.

➢ Umunlad ng bahagya ang bansa sa larangan ng imprastraktura tuladng pagkatayo ng San Juanico Bridge, Cultural Center of the Philippines, Lung Center at Heart Center, North Luzon at South Luzon Expressway.

➢ Nagkaroon rin ng programang Green Revolution at reporma sa lupa.

 

Marami ring hindi mabuting dulot ang deklarasyon ng Batas Militar. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

➢ Pagpapaaresto ni Marcos sa mga kalaban niya sa pamahalaan.

➢ Pagpapadampot ni Pangulong Marcos sa mga pinaghinalaang kasaping rebeldeng CPP-NPA.

➢ Pagkatigil sa mga gawain ng pamahalaang pambansa at lokal. Angmga sektor ng kabuhayang pambansa na produktibo ay huminto rin.

➢ Pagkatigil sa mga gawain ng maraming negosyante.

➢ Pang-aabuso ng militar sa kanilang kapangyarihan.

➢ Nasiil ang karapatang-pantao ng ilang mamamayan. Wala na ring karapatang magpahayag ang mga mamamayan dahil sila ay huhulihinkapag laban sa pamahalaan ang isusulat o ilalathala.

➢ Maraming dinampot na mga inosente.

➢ Maraming mga nawalang indibidwal na hanggang ngayon ay hindiman lang nasilayan ng kanilang mga pamilya.

 

Mga Karanasan ng mga Piling Taumbayan sa Panahon ng Batas Militar

 

Benigno Simeon (Ninoy) Aquino Jr. - Isang senador at mahigpit na kalaban ni Marcos. Siya ay pinatay habang pababa satarmac ng eroplano sa Manila International Airport noong Agosto 21, 1983.

 

Jovito R. Salonga - Siya ay dinakip at ikinulong sa Fort Bonifcaionoong Oktubre 1980 dahil siya daw ay kasabwat sa planong pagpataykay Marcos.

 

Jose W. Diokno - Siya ay ikinulong sa Fort Bonifacio kasama niNinoy Aquino.

 

Catalino O. Brocka - Siya ay pinaratangang pasimuno ng ilegalna demonstrasyon, hinuli at ikinulong ngunit pinakawalan makalipasang 16 na araw.

 

Eugenio M. Lopez Jr. - Siya ay inakusahang kasabwat sapagpatay kay Marcos kasama ni Serge Osmeña ngunit nakatakas sapiitan noong 1977.

 

Behn Cervantes - Ikinulong kasama ni Lino Brocka dahil saparatang na nagpasimuno ng ilegal na protesta.

 

Ang mga pangyayaring ito ay naging indikasyon ng paglabag sakarapatang pantao sa ating bansa.