filipino
SOSYEDAD/LIPUNAN - Tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas, relihiyon, tradisyon, kultura, paniniwala, at pagpapahalaga.
INDIBIDWAL - Mga tao na bahagi o naninirahan sa isang lipunan.
PAMILYA - Isang pangunahing grupo ng lipunan, kung saan natututo ang mga indibidwal ng mga pagpapahalaga at paniniwala.
KOMUNIDAD - Isang pangkat ng mga tao na nagbabahagi ng parehong kultura o interes.
TERITORYO - Ang lawak ng nasasakupan ng lipunan at tinitirhan ng mga tao.
MGA INSTITUSYON - Mga organisadong sistema tulad ng edukasyon, relihiyon, politika, at ekonomiya.
BATAS AT PATAKARAN - Mga regulasyon at tuntunin na nagpapatakbo sa samahan ng lipunan.
PAMILYA - Nagbibigay ng pangunahing edukasyon at halaga.
EDUKASYON - Nagbibigay ng kaalaman at mga kasanayan sa mga mamamayan.
EKONOMIYA - Sistema ng produksiyon at distribusyon ng mga yaman at serbisyo.
RELIHIYON - Nagbibigay ng espiritwal na bagay at pagpapahalaga.
PAMAHALAAN - Nagpapatupad ng mga batas para sa kaayusan ng lipunan.
TRADISYONAL NA LIPUNAN - Karaniwan ay may agraryo (may kinalaman sa pagtatanim) at may limitadong teknolohiya.
MODERNONG LIPUNAN - Mas teknolohikal at may mas malawak na sistema ng pamumuhay.
PAGKAKAPANTAY-PANTAY NG LAHI - Pagpapahalaga sa lahat ng lahi, anuman ang kanilang pinagmulan.
PAGKAKAPANTAY-PANTAY NG KASARIAN - Pagkakaroon ng pantay na oportunidad para sa kalalakihan at kababaihan.
PAGKAKAPANTAY-PANTAY NG KALAGAYANG PANLIPUNAN - Laban sa diskriminasyon batay sa kalagayang panlipunan o ekonomiko.
BAYANIHAN - Isang tradisyunal na Pilipino na konsepto ng pagtutulungan.
PAGKAKAISA NG KOMUNIDAD - Mahalaga ang kooperasyon sa pagtaguyod ng mas matibay na lipunan.
PAGPAPAHALAGA - Mga ideya at prinsipyo na pinahahalagahan ng mga miyembro ng lipunan.
KULTURA - Ang kabuuang pamumuhay ng isang lipunan - mga wika, sining, relihiyon, at iba pa.
MATERYAL - Binubuo ng mga gasulina, likhang sining, kagamitan at iba pang bagay na nakikita at nahahawakan na likha ng tao.