Malubhang kakulangan ng trabaho sa bansa.
Maraming mag-aaral ang nakatapos ngunit kulang ang kaalaman para sa mga trabahong maaaring pasukan.
Mga pagpapahalagang hindi naisabuhay na may kaugnayan sa paggawa.
Mahalaga ang kaalaman sa mga "in demand" na trabaho sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Pagpili ng kurso na nagbibigay ng agarang trabaho pagkatapos ng pag-aaral.
Hindi problema ang sa demand ng trabaho sa lokal o pandaigdigang antas.
Kakulangan ng kwalipikadong aplikante para sa mga posisyon.
Hindi lamang nakatuon sa mga kursong pang-akademiko, kundi pati na rin sa teknikal-bokasyonal na larangan, sining, palakasan, at negosyo.
Ang impormasyon ay makakatulong sa pagbuo ng plano tungkol sa napipiling kurso.
Pagkakaroon ng linaw sa mga mithiin para sa tagumpay sa napiling larangan.
Kaalaman ng isang indibidwal ay hindi magiging matagumpay kung ito ay walang kabuluhan.
Dapat ang trabaho ay tumutugon sa pangangailangan ng industriya at naaayon sa moral na batayan.
Maiugnay din sa hilig, talento, at kakayahan ng isang tao.
Ano ang pinapangarap mong buhay sa hinaharap?
Ang tagumpay ay nagsisimula sa pangarap.
Ang iba ay naghangad ng magandang trabaho o negosyo; ang iba naman ay masayang pamilya.
Karamihan ay nangangarap ng masayang buhay.
Nakakalungkot na ang ilan ay nakukuntento sa pangarap nang hindi kumikilos.
Maraming gustong umunlad ngunit ayaw magsikap.
Hindi tunay na kaligayahan ang nakasalalay sa kayamanan o katanyagan kung wala ang plano ng Diyos.
Dapat gamitin ang natutunan sa paggawa ng mga mabuting desisyon.
Magkalap ng Kaalaman
Mahalaga ang pagsasaliksik at pagkonsulta sa mga eksperto.
Magnilay sa Mismong Aksyon
Suriin ang uri ng aksiyon: Mabuti ba ito? Makakaunlad ba ito sa pamumuhay?
Tukuyin ang personal na hangarin sa isasagawang aksiyon.
Isaalang-alang ang epekto sa kapwa at ang mga kahihinatnan ng kilos.
Piliin ang Tamang Pasya
Pagkatapos makakalap ng kaalaman, handa ng pumili ng tamang pasya.
Hingin ang Gabay ng Diyos
Ang panalangin ay isang mahalagang hakbang sa pagdedesisyon.
Tayain ang mga Damdamin
Isaalang-alang ang sariling kasiyahan at damdamin sa pagpili.
Pag-aralang Muli ang Pasya
Kung may agam-agam, muling suriin ang pasya at maging bukas sa posibilidad na magbago.
Anuman ang mangyari sa hinaharap, alalahanin ang epekto ng mga pagpapasya na ginawa.
Pumili ng tamang daan at isaalang-alang ang kabutihan ng lahat sa pagpili ng kurso, trabaho, o negosyo.