KASAYSAYAN NG WIKA-KATUTUBO-ESPANYOL
“Malaking kahihiyan para sa bansa kapag mayroong ginagamit na wikang dayuhan subalit di nag-aangkin ng sariling wikang pambansa. Kailangan magkaroon ng wikang pambansa upang malinang ang pambansang paggalng at pagkilala sa sarili”. - Dr. Isidro Dyan (malaysian)
==PANAHON NG KATUTUBO==
- Nagmula sa pamilya ng wikang Malayo-polinesyo ang mga katutubong wika sa Pilipinas.
- Alibata ang unang itinawag sa katutubong paraan ng pagsulat ng mga unang tao sa pag-aakalang nagmula ang sistema ito sa alifbata (arabic)
- Kalaunan pinalitan ito at tinatawag na baybayin.
==PANAHON NG MGA KATUTUBO-RELIHIYON==
- Naniniwala ang mga katutubo sa mga __bathala__.
- Sumasamba sila sa mga __**anito**__.
- Ang __bul-ul__ ng ifugao ay isa sa mga pinakakilalang anito.
==PANAHON NG MGA KATUTUBO-EDUKASYON==
- Impormal.
- Praktikal.
- Mga lalaki- pangangaso, pangingisda, pagtatanim at iba pang may kinalaman sa paghahanap ng makakain.
- Mga babae- mga gawaing bahay.
==PANAHON NG MGA KATUTUBO==
Bago pa man masakop ang Pilipinas sa Imperyalismo ng Espanya, mayroon na tayong magagandang kultura at wika. Mayroon epiko, mga alamat, kaalamang bayan at sariling pananampalataya. Mayroon ding sariling paraan ng pagsulat gamit ang baybayin. Nakapagsulat ang mga sinaunang tao gamit ang mga dahon, kawayan o bato. Ayon sa mga manunulat, kung nahuli lamag ang mga Espanyol sa pagdating, maaaring nakapagbuo na ang mga ninuno ng sariling nasyon at wika.
==PANAHON NG ESPANYOL==
- Pinalitan ng mga mananakop ang baybayin ng alpabetong alpabetong Romano.
- Kastila ang kanilang wika.
- Gobernador Tello - nagmungkahing turuan ang mga Indio ng wikang Kastila.
- Carlos I at Felipe ll - sila ay naniwalang dapat na maging billinguwal ang mga Indio.
- Iminungkahi rin ni Carlos l na ituro ang Doctrina Cristiana gamit ang kastila.
- Ika-2 ng Marso, 1634 - Iniutos ni Haring Felipe ll na ituro sa mga katutubo ang wikang Kastila.
- Ika-29 ng Disyembre, 1672 - Iniutos ni Carlos IV na gamitin ang Kastila bilang wikang panturo sa mga paaralang itatayo sa pamayanan ng mga Indio.
==PANAHON NG ESPANYOL-RELIHIYON==
IGLESIA CATOLICA APOSTOLICA ROMANA - ang relihiyong dala ng mga misyunerong Espanyol na ipinangaral sa Pilipinas. Isang Sekta ng Kristiyanismo.
==PANAHON NG ESPANYOL-ARKITEKTURA==
PLAZA COMPLEX - binubuo ng simbahan, municipal hall, at pasyalan na sentro nito.
==PANAHON NG ESPANYOL-PANITIKAN==
- Napalitan ang mga awiting bayan, epiko, at iba pang katutubong panitikan ng mga panitikang pangsimbahan.
- Dalit, Oda, Pasyon, Barlaan at Josapat, Panunuluyan, Tibag, ay ilan lamang sa mga uri ng panitikang namayani sa loob ng 300 taon sa Pilipinas ng mga panahon ng mga Espanyol.
==PANAHON NG ESPANYOL-EDUKASYON==
- Sa panahong ito nagkaroon ng pormal na edukasyon sa Pilipinas.
- Mga prayle ang guro sa paaralan at nag-umpisa ang pag-aaral sa mga simbahan.
- Ilustrado and tawag sa mga nakapag-aral na mga pilipino.