knowt logo

AP 4th quarter

Konsepto ng Gender, Sex at Gender Roles

Katangian ng Sex

Ang sex ay ang bayolohikal, pisyolohiko at natural na katangian ng isang tao mula kapanganakan. Ito ay tumutukoy kung lalaki o babae ang isang tao.

Malaki ang epekto ng mga salik na ito sa katangian ng gender katulad ng mga sumusunod:

  • Ito ay natutunan. Ang mga gender roles ay natutunan sa pamamagitan

ng iba’t-ibang social institutions kagaya ng pamilya, eskuelahan, mass

media, relihiyon, estado, at lugar ng trabaho.

  • Ito ay puedeng magbago sa pag-usad ng panahon.

  • Ito ay iba-iba sa bawat kultura at lipunan.

Gender Roles

Ang gender role sa salitang tagalog ay tungkulin o gampanin base sa kasarian.

Ang gender role ng isang tao ay ang pagtatakda ng komunidad kung paano ang pagiging babae at lalaki. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa na isinulat sa nasabing artikulo.

Paksa 1: Uri ng Gender at Sex

Ano ang pagkakaiba ng sexual orientation at gender identity (SOGIE)?

Ayon sa GALANG, isang organisasyon sa Pilipinas na naglalayong ipagtanggol ang karapatang ng mga nasa laylayan na miyembro ng LGBT at ayon din sa Yogyakarta Principles (2006), ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksiyonal, emosyonal, seksuwal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.

Samantalang ang pagkakakilanlan at pagpapahayag na pangkasarian (gender identity and expression) ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak.

Ang oryentasyong seksuwal ay maaaring maiuri bilang heteroseksuwal, homoseksuwal, at biseksuwal, atbp. Samantalang ang gender identity and expression ay nagsasaad ng identipikasyon o pagkakakilanlan o pagpapahayag sa sarili. Ito ay depende sa tao at karanasan nya sa lipunanag ginagalawan nya.

  • Heterosexual –tao na nagkakagusto o naaakit sa taong hindi kahalintulad ng kanyang kasarian.

  • Homosexual –tao na nagkakagusto o naaakit sa taong kahalintulad ng kanyang kasarian.

  • Bisexual–tao na naaakit sa parehong babae at lalaki. Ang ibang tawag sa kanya ay AC-DC, silahis, atbp.

  • Intersextao na ipinanganak na may reproductive o sexual anatomy na hindi akma sa lalaki o babae. Ang halimbawa ay ipinanganak na babae ngunit mayroon syang male reproductive organ. Ang ibang tawag sa kanya ay hermaphrodite.

  • Lesbianbabae na nagkakagusto o naakit sa kapwa babae. Ang ibang tawag sa kanya ay tibo, tomboy, lesbiyana, atbp.

  • Gaylalaki na nagkakagusto o naakit sa kapwa lalaki. Ang ibang tawag sa kanya ay bakla, beki, bayot, bading, paminta, sirena, atbp.

  • Transgendertao na kinikilala ang kanyang kasarian na maaaring taliwas sa ari nung ipinanganak siya o yung inatas sa kanya ng lipunan. Ang ibang tawag sa kanya ay transwoman, transman, atbp.

  • Queertao na may sexual orientation o sexual identity na hindi nakapirmi o nag-iiba o maaring hindi limitado sa dalawang kasarian lamang.

Gender Roles sa Iba’t Ibang Bahagi ng Daigdig

Paano natutunan ang Gender Role sa Pilipinas

Ang Gender Role ay ipinapasa ng mga magulang sa mga anak natutunan ito sa pamamagitan ng magkaibang trato ng mga magulang sa kanilang anak na babae at lalaki.

Habang nagbabago ang mundo, nagbabago rin ang mga papel batay sa gender role. Isang halimbawa nito ang pagbabago ng gender roles ng mga kababaihan at kalalakihan mula noong panahon ng Kastila, Hapones, Amerikano at hanggang sa kasalukuyan.

Gender Roles sa Ibang Bahagi ng Daigdig

Matagal ang panahong hinintay ng mga babae upang mabigyan sila ng pagkakataong makalahok sa proseso ng pagboto. Nito lamang Ikalawang bahagi ng ika-20 siglo nang payagan ng ilang bansa sa Africa at Kanlurang Asya ang mga babae na makaboto. Ngunit nananatili ang kaharian ng Saudi Arabia sa paghihigpit sa kababaihan hanggang dumating ang taong 2015 nang pormal na naibigay sa mga kababaihan ng Saudi Arabia ang karapatang bumoto ayon sa ulat ng BBC News, Disyembre 12, 2015. Ayon din sa datos ng World Health Organization (WHO), may 125 milyong kababaihan (bata at matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Napatunayan ng WHO na walang benepisyong-medikal ang FGM sa mga babae, ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri ng gawain dahil sa impluwensiya ng tradisyon ng lipunang kanilang ginagawalan.

Taon ng Pagbibigay Karapatang Bumoto sa Kababaihan sa Kanlurang Asya Africa

  • Lebanon (1952)

  • Tunisia (1959)

  • Iraq (1980)

  • Morocco (1963)

  • Sudan (1964)

  • Egypt (1956)
    Yemen (1967)

  • Algeria (1962)

  • Kuwait (1985, 2005)

  • Saudi Arabia (2015)

  • Syria (1949, 1953)

  • Mauritania (1961)

  • Oman (1994)

  • Libya (1964)

*Binawi ng Kuwait ang karapatang bumoto ng mga babae at muling naibalik noong 2005.

Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anomang benepisyong medikal. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal. Walang basehang panrelihiyon ang paniniwala at prosesong ito na nagdudulot ng impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at maging kamatayan. Ang ganitong gawain ay maituturing na paglabag sa karapatang pantao ng kababaihan.

Sa South Africa, may mga kaso ng gang-rape sa mga Lesbian (tomboy) sa paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila matapos silang gahasain. Bukod pa rito, ayon na rin sa ulat na inilabas ng United Nations Human Rights Council noong taong 2011, may mga kaso rin ng karahasang nagmumula sa pamilya mismo ng mga miyembro ng LGBT.

Pangkulturang Pangkat sa New Guinea

Taong 1931 nang ang Antropologong si Margaret Mead at ang kanyang asawa na si Reo Fortune ay nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua New Guinea upang pag-aralan ang mga pangkulturang pangkat sa lugar na ito. Sa kanilang pananatili roon nakatagpo nila ang 3 pangkulturang pangkat: Arapesh, Mundugamur, at Tchambuli. Sa pag-aaral sa gampanin ng mga lalaki at babae sa mga pangkat na ito, nadiskubre nila ang mga pagkakatulad at pagkakaiba nito sa bawat isa, at maging sa Estados Unidos. Nang marating nina Mead at Fortune ang Arapesh (tao), walang mga pangalan ang mga tao rito. Napansin nila na ang mga babae at mga lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak, matulungin, mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at pangkat. Samantala sa kanila namang pamamalagi sa pangkat ng Mundugumur (Biwat). Ang mga babae at lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat. At sa huling pangkat, ang Tchambuli (Chambri), ang mga babae at mga lalaki ay may magkaibang gampanin sa kanilang lipunan. Ang mga babae ay inilarawan nina Mead at Fortune bilang dominante kaysa sa mga lalaki, sila rin ang naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya, samantalang ang mga lalaki naman ay inilarawan bilang abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa mga kuwento.

MODYUL2

Paksa 1: Diskriminasyon sa mga kalalakihan, kababaihan, at LGBT

Sinasabi ng UN Declaration on the Elimination of Violence Against Women (DEVAW) na: “Ang karahasan laban sa kababaihan ay isang patunay na hindi pantay ang turing noon pa man sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan”, at “isa sa mga mapanganib na pamamaraan sa lipunan ang karahasan laban sa kababaihan kung saan sapilitang nalalagay sa mas mababang posisyon ang babae kaysa sa mga lalaki.”

Idineklara ni Kofi Annan, ang Kalihim-Panlahat ng Nagkakaisang Bansa sa isang ulat noong 2006 na matatagpuan sa websayt ng United Nations Development Fund for Women (UNIFEM). Isinasaad dito na: “Nangyayari sa buong daigdig ang karahasan laban sa kababaihan. Wala itong pinipiling lipunan o kultura. Ayon pa kay Annan isa sa bawat tatlong babae sa buong mundo ay masasabing biktima ng pambubugbog, sapilitang pakikipagtalik, at pagmamaltrato sa tanan ng kanyang buhay na ang umaabuso ay madalas kilala ng biktima.”

Ngunit hindi lamang ang kababaihan ang nahaharap sa diskriminasyon at karahasan, maging ang mga kalalakihan ay biktima nito. Sa katunayan, maraming kalalakihan din ang nakakaranas ng pang-aabuso sa salita (verbal abuse) ng kanilang maybahay.

Sa panayam ni Lilia Tolentino (2003) kay dating kalihim ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) na si Dinky Soliman, sinabi niya na, isa sa bawat 20 lalaki sa bansa ang biktima ng pagmumura at masasakit na pananalita ng kanyang mga misis. Tinawag ni Hillary Clinton (2011) na “invisible minority” ang mga LGBT, sapagkat ang kanilang mga kuwento ay itinago, inilihim at marami sa kanila ang nanahimik dahil sa takot.

Ayon sa pag-aaral na ginawa ng United Nations Office of the High Commissioner for Human Rights o UN-OHCHR noong 2011 may mga LGBT (bata at matanda) na nakaranas nang di-pantay na pagtingin at pagtrato ng kanilang kapwa, pamilya, komunidad at pamahalaan.

Mga kilalang personalidad sa iba’t ibang larangan

ELLEN DEGENERES (lesbian)

Isang artista, manunulat, stand-up comedian at host ng isa sa pinakamatagumpay na talk- show sa Amerika, ang “The Ellen Degeneres Show”. Binigyang pagkilala rin niya ang ilang Pilipinong mang-aawit gaya ni Charice Pempengco. Noong Nobyembre 2011, ang Kalihim ng Estado na si Hillary Clinton ay ginawaran siya ng isang importanteng sugo para sa Global AIDS Awareness.

TIM COOK (gay)

Ang CEO ng Apple Inc. na gumagawa ng iPhone, iPad, at iba pang Apple products. Siya ay pumasok sa kompanyang ito noong Marso 1998. Bago mapunta sa Apple Corporation nagtrabaho rin si Cook sa Compaq at IBM, at mga kompanyang may kinalaman sa computers.

DANTON REMOTO (gay)

Isang propesor sa kilalang pamantasan, kolumnista, manunulat, at mamamahayag. Siya ay tumanggap ng unang gantimpala sa ASEAN Letter-Writing Contest for Young People na naging dahilan kung bakit naging iskolar siya sa Ateneo de Manila University. Nakilala siya sa pagtatag ng Ang Ladlad, isang pamayanan na binubuo ng mga miyembro ng LGBT.

MARILLYN A. HEWSON (babae)

Chair, Presidente, at CEO ng Lockheed Martin Corporation, na kilala sa paggawa ng mga armas pandigma at panseguridad, at iba pang mga makabagong teknolohiya. Noong taong 2015, siya ay pinangalanang ika-20 pinakamalakas na babae sa mundo ni Forbes. Taong 2017 siya ay napabilang sa Manufacturing Jobs Initiative sa Amerika.

CHARICE PEMPENGCO (lesbian)

Isang Pilipinang mang-aawit na nakilala hindi lamang sa bansa maging sa ibang panig ng mundo. Tinawag ni Oprah Winfrey na “the talented girl in the world.” Isa sa sumikat na awit niya ay ang Pyramid. Noong 2010, inilabas ang kanyang unang internasyunal na studio album na Charice at pumasok ito sa ika-pitong pwesto sa Billboard 200 na naging dahilan upang si Charice ang kauna-unahang Asyanong solong mang-aawit na nakapasok sa kasaysayan ng Top 10 ng tsart ng Billboard 200.

ANDERSON COOPER (gay)

Isang mamamahayag at tinawag ng New York Time na “the most prominent open gay on American television.” Nakilala si Cooper sa Pilipinas sa kanyang coverage sa relief operations noong bagyong Yolanda noong 2013. Kilala siya bilang host at reporter ng Cable News Network o CNN.

PARKER GUNDERSEN (lalaki)

Siya ang Chief Executive Officer ng ZALORA, isang kilalang online fashion retailer na may sangay sa Singapore, Indonesia, Malaysia, Brunei, the Philippines, Hong Kong, at Taiwan.

GERALDINE ROMAN (transgender)

Kauna-unahang transgender na miyembro ng Kongreso. Siya ang kinatawan ng lalawigan ng Bataan. Siya ang pangunahing tagapagsulong ng Anti- Discrimination Bill sa Kongreso. Siya ay nakapagtapos ng kursong European Languages major in Spanish and French sa Unibersidad ng Pilipinas at kumuha ng Master’s Degree in Journalism sa Unibersidad del Pais Vasco sa Northern Spain.

Ang diskriminasyon ay ang anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan.

Si Malala Yousafzai at ang Laban sa Edukasyon ng Kababaihan sa Pakistan

Nakilala si Malala Yousafzai habang lulan ng bus patungong paaralan, nang siya ay barilin sa ulo ng isang miyembro ng Taliban noong ika-9 ng Oktubre 2012 dahil sa kanyang paglaban at adbokasiya para sa karapatan ng mga batang babae sa edukasyon sa Pakistan. Kinondena hindi lamang ng mga Muslim ang pagtatangka sa buhay ni Malala. Bumuhos ang tulong pinansyal upang agarang mabigyang lunas ang pagbaril sa kanyang ulo.

Ang Taliban ay isang kilusang politikal na nagmula sa Afghanistan. Ilan sa mga akusasyong ibinabato sa Taliban ay massacre, human trafficking, di-pantay na pagtrato sa kababaihan, at suicide bombings.

Sino nga ba si Malala? Ipinanganak siya noong ika-2 ng Hulyo 1997 sa Mingora, Swat Valley, sa hilagang bahagi ng Pakistan, malapit sa Afghanistan. Taong 2007 nang masakop ng mga Taliban ang Swat Valley sa Pakistan at mula noon ipinatupad nila ang mga patakarang nakabatay sa batas Sharia ng mga Muslim. Kabilang sa mga ito ay ang pagpapasara ng mga dormitoryo at paaralan para sa mga babae, nasa mahigit 100 paaralan ang kanilang sinunog sa Pakistan upang hindi na muli pang makabalik ang mga babae sa pag-aaral. Sa mga taong ito, isang batang babae pa lamang si Malala na nangangarap na makapag-aral. Nagsimula ang mga pagpapahayag ni Malala ng kanyang mga adbokasiya noong 2009. Lumawak ang impluwensiya ni Malala dahil sa kanyang pagsusulat at mga panayam sa mga pahayagan at telebisyon. Dahil dito, nakatanggap ng mga banta sa kanilang buhay ang pamilya ni Malala, ngunit hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy niya ang paglaban para sa edukasyon ng mga babae sa Pakistan.

Ang pagbaril kay Malala ang nagpakilala sa mundo ng tunay na kalagayan ng edukasyon ng mga babae sa Pakistan. Matapos siyang maoperahan, iba’t ibang mga pagkilala at parangal ang kanyang natanggap ngunit hindi niya kinalimutan ang mga kapwa niya babae hindi lamang sa Pakistan, maging sa iba pang bahagi ng daigdig. Itinatag niya noong 2013 ang Malala Fund, isang organisasyong naglalayon na makapagbigay ng libre, ligtas, at de-kalidad na edukasyon sa loob ng 12 taon. Naglaan din ang pamahalaan ng Pakistan ng malaking pondo para sa edukasyon ng mga babae. Iginawad din sa kanya ang Nobel Peace Prize kasama ang aktibistang si Kailash Satyarthai noong 2014. Nakapagpatayo na rin siya ng paaralan sa Lebanon para sa mga batang babae na biktima ng digmaang sibil sa Syria. Sa kasalukuyan, patuloy ang pagpapakilala ni Malala sa tunay na kalagayan edukasyon ng mga batang babae sa iba’t ibang bahagi ng daigdig sa pakikipagkita at pakikipag-usap sa mga pinuno ng iba’t ibang bansa at pinuno ng mga organisasyong sibil at non- government organizations o NGOs gaya ng United Nations at iba pa.

Ang “foot binding” ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng mga batang babae ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal.

Ang korte ng paa ay pasusunurin sa bakal sa pamamagitan ng pagbali sa mga buto ng paa nang paunti-unti gamit ang telang mahigpit na ibinalot sa buong paa.

Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o lily feet. Halos isang milenyong umiral ang tradisyong ito. Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal. Subalit dahil sa ang kababaihang ito ay may bound feet, nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang pakikisalamuha.

Tinanggal ang ganitong sistema sa China noong 1911 sa panahon ng panunungkulan ni Sun Yat Sen dahil sa di-mabuting dulot ng tradisyong ito

Lotus Feet or Lily Feet

page18image4063414896 page18image4063415200

Ano ba ang karahasan sa kababaihan?

Ayon sa United Nations, ang karahasan sa kababaihan (violence against women) ay anomang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, seksuwal o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan.

May ilang kaugalian din sa ibang lipunan na nagpapakita ng paglabag sa karapatan ng kababaihan. Subalit ang nakakalungkot dito, ang pagsasagawa nito ay nag-uugat sa maling paniniwala. Mababanggit na halimbawa ang breast ironing o breast flattening sa Africa.

page18image4063415792 page18image4063416096

Ang breast Ironing/ breast flattening sa Africa ay isang matandang kaugalian sa bansang Cameroon sa kontinente ng Africa. Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy. May pananaliksik ang Cameroonian women’s organization at Germany’s Association for International Cooperation noong 2006 na nagsasabing 24% ng mga batang babaeng may edad siyam ay apektado nito. Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang pagsagsagawa nito ay normal lamang upang maiwasan ang: (1) maagang pagbubuntis ng anak;

(2) paghinto sa pag-aaral; at (3) pagkagahasa.

Ang karahasan sa kababaihan ay hindi lamang problema sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong daigdig. Sa katunayan, itinakda ang Nobyembre 25 bilang International Day for the Elimination of Violence Against Women. Dito sa Pilipinas itinakda naman ang Nobyembre 25 hanggang December 12 na tinaguriang 18 Day Campaign to End VAW na ayon sa mandato ng proclamation 1172 s. 2006. Ang adbokasiyang ito ay may layuning ipaalam ang iba’t ibang uri ng karahasan sa mga kababaihan at kung paano ito mapipigilan. ISTATISKA NG KARAHASAN SA KABABAIHAN (Mula sa 2013 National Demographic Health Survey ng Philippine Statistics Authority)

  1. Isa sa bawat limang babae na nasa edad 15-49 ang nakaranas ng pananakit na pisikal simula edad 15, anim na porsyento ang nakaranas ng pananakit na pisikal.

  2. 6% ng mga babaeng 15-49 ang nakaranas ng pananakit na seksuwal

  3. Isa sa apat na mga babaeng kasal na may edad 15-49 ang nakaranas ng emosyonal, pisikal at/o pananakit na seksuwal mula sa kanilang mga asawa.

  4. Mula sa mga babaeng may asawa at kasal na nakaranas ng pisikal o sekswal na pang-aabuso sa loob ng 12 buwan, 65% ang nagsabing sila ay nakaranas ng pananakit. Ang GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action) ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang “Seven Deadly Sins Against Women”.

Ang mga ito ay ang:

  1. pambubugbog/pananakit,

  2. panggagahasa,

  3. incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso,

  4. sexual harassment,

  5. sexual discrimination at exploitation,

  6. limitadong access sa reproductive health,

  7. sex trafficking at prostitusyon. Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon o ang tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan at LGBT ay biktima rin. Ayon pa sa ulat, ang ganitong uri ng karahasan sa mga kalalakihan ay hindi madaling makita o makilala. Ang ganitong uri ng karahasan ay maaring emosyonal, seksuwal, pisikal, at ibang banta ng pang- aabuso. Tandaan din na ito ay maaaring maganap sa heterosexual at homosexual na relasyon. Maaari mong malamang inaabuso ka na kung napapansin mo ang mga ganitong pangyayari:

  8. tinatawag ka sa ibang pangalang may kaakibat na pang-iinsulto;

  9. pinipigilankasapagpasoksatrabahoopaaralan;

  10. pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan;

  11. sinusubukankangkontrolinsapaggastossapera,saankapupuntaatkungano ang iyong mga isusuot;

  12. nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko;

  13. madalas pinagagalitan ka ng walang dahilan;

  14. pinagbabantaankanasasaktan;

  15. sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ka;

  16. pinipilitkangmakipagtalikkahitlabagsaiyongkalooban;at

  17. sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang sa iyo ang ginagawa niya sa iyo. 11.pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pamilya, mga kaibigan at mga kakilala ang iyong oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.

MODYUL3

PAKSA 1: Tugon ng Pandaigdigang Samahan sa mga Isyu sa Karahasan at Diskriminasyon

“LGBT rights are Human Rights” Ito ang mga katagang winika ni dating UN Secretary Gen Ban Ki-moon upang hikayatin ang mga miyembro ng Nagkakaisang Bansa na mawakasan ang mga pang-aapi at pang-aabuso laban sa mga LGBT.

Ang patuloy na pakikilahok at pakikibaka ng mga LGBT sa usaping panlipunan ay nagpapalakas ng kanilang mga boses upang matugunan ang kanilang mga hinaing tungkol sa di-pantay na pagtingin at karapatan. Nasa 29 na eksperto sa oryentasyong seksuwal at pangkasariang pagkakakilanlan (sexual orientation at gender identity) na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang nagtipon-tipon sa Yogyakarta, Indonesia noong ika-6 hanggang ika-9 ng Nobyembre, 2006 upang pagtibayin ang mga Yogyakarta Principle na makatutulong sa pagkakapantay- pantay ng mga LGBT. Narito ang ilan sa mga mahahalagang Yogyakarta Principle. Mga Batayang Simulain ng Yogyakarta sa Oryentasyong Seksuwal, Pangkasariang Pagkakakilanlan at Pagpapahayag (SOGIE).

Principle 1

ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG PANTAO

Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman ang oryentasyong seksuwal at pangkasariang pagkakakilanlan ay nararapat na ganap na magtamasa ng lahat ng karapatang pantao

Principle 2

ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT KALAYAAN SA DISKRIMINASYON

Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang walang diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pangkasariang pagkakakilanlan. Dapat kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay sa batas at sa proteksiyon nito, nang walang anumang diskriminasyon, kahit may nasasangkot na iba pang karapatang pantao.

Principle 4
ANG KARAPATAN SA BUHAY

Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o pangkasariang pagkakakilanlan. Ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa “consensual sexual activity” (gawaing seksuwal na may pahintulot ng kapwa) ng mga taong nasa wastong gulang o batay

Principle 12
ANG KARAPATAN SA TRABAHO

Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho, sa makatarungan at paborableng mga kondisyon sa paggawa, at sa proteksiyon laban sa dis-empleyo at diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pangkasariang pagkakakilanlan.

Prinsipyo 16
ANG KARAPATAN SA EDUKASYON

Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasyong nag- uugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal at pangkasariang pagkakakilanlan.

Prinsipyo 25
ANG KARAPATANG LUMAHOK SA BUHAY-PAMPUBLIKO

Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko; kabilang ang karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga patakarang may kinalaman sa kanyang kapakanan; at upang mabigyan ng pantay na serbisyo- publiko at trabaho sa mga pampublikong ahensiya; kabilang ang pagseserbisyo sa pulisya at militar nang walang diskriminasyong sanhi ng oryentasyong seksuwal o pangkasariang pagkakakilanlan.

Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW) Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women. Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala rin ito bilang The Women’s Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspektong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya. Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong Disyembre 18,1979 sa panahong UN Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito noong Agosto 5, 1981. Kasunod sa Convention of the Rights of the Child, ang CEDAW ang pangalawang kasunduan na may pinakamaraming bansang nagratipika. Umaabot na sa 180 bansa mula sa 191 na lumagda o State parties noong Marso 2005. Ang Pilipinas ay isa sa mga lumagda o state parties. Unang ipinatupad ang kasunduan noong Setyembre 3, 1981 o 25 taon na ang nakakaraan noong 2006, pero kaunti pa lang ang nakakaalam nito. Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?

  1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan. Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong resulta sa buhay ng kababaihan.

  2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig sabihin, may mga responsibilidad ang estado sa kababaihan na kailanma’y hindi nito maaaring bawiin.

  3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa kababaihan, anomang layunin ng mga ito.

  4. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang paglabag sa karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at opisyal ng gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong indibidwal o grupo.

  5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng karapatan ng babae, at hinahamon nito ang State parties na baguhin ang mga stereotype, kostumbre at mga gawi na nagdidiskrimina sa babae. Epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW Bilang state party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may tungkulin ang estado na solusyonan ito.

PAKSA 2: Anti-Violence Against Women and Their Children Act ng 2004

Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. Ano ang Magna Carta of Women? Ang Republic Act 9710 o Magna Carta of Women ay isinabatas noong Agosto 14, 2009 na naglalayon na alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women o CEDAW. Ang MCW o ang Mgna Carta of Women ay isang komprehensibong batas ng karapatang pantao para sa kababaihan na naglalayong tanggalin ang diskriminasyon

Ang Magna Carta of Women ay tumutukoy sa mga marginalized na sektor bilang yaong kabilang sa pangunahing, mahirap, o mahina na grupo na karamihan ay nabubuhay sa kahirapan at may maliit o walang access sa lupa at iba pang mga mapagkukunan, pangunahing mga serbisyong panlipunan at pang-ekonomiya tulad ng pangangalagang pangkalusugan, edukasyon, tubig at kalinisan, oportunidad sa trabaho at pangkabuhayan, seguridad sa pabahay, pisikal na imprastraktura at ang sistema ng hustisya.

Ang tinatawag namang Women in Especially Difficult Circumstances ay ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o mahirap na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon, “illegal recruitment,” “human trafficking” at mga babaeng nakakulong.

robot