Notes on Filipino Workers in Economics
EKONOMIKS: Aralin 20 - Sulyapan ang Mga Mangagawang Pilipino
Sektor ng Paglilingkod
Tumutukoy sa sektor na nag-uugnay sa lahat ng yugto ng produksyon, distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo ng mga produkto, lokal man o internasyonal.
Sa pangkalahatan, ang mga serbisyong ibinibigay ay hindi nagmumula sa produkto kundi sa isang aktibidad na nagbibigay ng halaga.
Sub-Sektor ng Paglilingkod
Transportasyon: Paglipat ng mga tao at produkto.
Komunikasyon: Pagpapadala ng impormasyon.
Mga Imbakan: Pagtatago at pamamahala ng mga produkto.
Kalakalan: Pagbibili at pagbebenta ng mga produkto at serbisyo.
Pananalapi: Serbisyong may kinalaman sa pera at pagpopondo.
Paupahang Bahay at Real Estate: Serbisyo sa mga ari-arian at pabahay.
Business Process Outsourcing (BPO)
Ang pagsasagawa ng isang kumpanya na kumukuha ng serbisyo mula sa labas gamit ang ibang kumpanya para sa mga bahagi ng kanilang operasyon.
Uri ng Paggawa
Blue Collar Jobs: Kabilang dito ang mga job na hindi masyadong nangangailangan ng espesyal na kasanayan; nahahati pa sa unskilled, semi-skilled, at skilled workers.
White Collar Jobs: Mga propesyonal na may mataas na antas ng edukasyon at kasanayan.
Kahalagahan ng Paglilingkod
Tulad ng:
Pagbuo ng mga hilaw na materyales upang maging produkto.
Pagproseso ng agrikulturang materyales.
Pagpapaunlad ng likas na yaman.
Pagsasaayos at paggamit ng makinarya at teknolohiya.
Paglikha ng mga produktong kinakailangan ng bansa.
Kabayaran ng mga Manggagawa
Ang sahod at suweldo ay mga pondo na nakalaan para sa mga manggagawa bilang salik ng produksyon.
Nominal Wage: Halaga ng sahod na natanggap ng manggagawa.
Real Wage: Sahod batay sa pagbili ng mga produkto.
Mga Teorya ukol sa Sahod
Wage Fund Theory: Dapat may nakalaang pondo para sa sahod ng mga manggagawa mula sa kapital ng prodyuser.
Subsistence Theory: Dapat tumugma ang sahod sa pangangailangan ng manggagawa.
Marginal Productivity Theory: Ang sahod ng manggagawa ay katumbas ng halaga ng kanyang kontribusyon.
Kalagayan ng mga Manggagawang Pilipino
Kahalagahan ng mga unyon ng manggagawa sa pamayanan at industriyal na sektor sa Pilipinas.
Ang unyon ay isang organisasyon na nagbibigay proteksyon at tumutulong sa mga manggagawa. Halimbawa: TUCP at KMU.
Isabelo Delos Reyes: Tinaguriang "Ama ng mga Unyong Pangkalakalan sa Pilipinas."
Mga Batas na Nangangalaga at Nagproprotekta sa Karapatan ng mga Manggagawa
R.A. No. 679 – Maternity Leave
R.A. No. 772 – Workmen's Compensation Act
R.A. No. 1131 at 7619 – Pagbabawal sa pag-eempleyo at pang-aabuso sa mga babae at bata (wala pang 18)
R.A. No. 1052 – Termination Pay Leave
R.A. No. 8187 – Paternity Leave
R.A. No. 1933 (C.A. No. 444) – Walong Oras na Paggawa
Collective Bargaining
Ang proseso ng sama-samang pakikipagkasundo upang ayusin ang mga isyu sa paggawa.
Tatlong uri ng collective bargaining:
Conciliation: Pagpapamagitan upang magkasundo.
Mediation: Tulungan para sa positibong resulta.
Arbitration: Pagsusuri ng ikalawang partido sa settlement.
Impormal na Sektor ng Ekonomiya
Tumutukoy sa mga aktibidad na walang permiso mula sa gobyerno.
Kabilang dito ang black market, hidden economy, illegal underground economy, at under the table transactions.
Dahilan sa Pagkakaroon ng Impormal na Sektor
Kakulangan ng kapital: Hindi sapat na pondo para maging pormal.
Kahirapan: Dala ng kawalang trabaho o mababang kita.
Kawalan ng Edukasyon: Kawalan ng kaalaman sa mga pormal na proseso.
Pandaigdigang Kalakalan
Tumutukoy sa pagkakaroon ng borderless economy.
Nagpapakita ng patuloy na paglawak ng ugnayan ng mga bansa.
Kalakalang Panloob at Panlabas ng Bansa
Kalakalang Panloob: Pamamahagi ng produkto at serbisyo sa loob ng bansa.
Kalakalang Panlabas: Pagpapalitan ng produkto at serbisyo sa ibang bansa.
Prinsipyo ng Absolute Advantage
Ang bansa ay nagiging dalubhasa sa mga produktong mura ang produksyon kumpara sa iba.
Prinsipyo ng Comparative Advantage
Kinakailangan ng bansa na gumawa ng produkto kung saan mataas ang benepisyo at umutang na lamang ng produkto mula sa ibang bansa na mas mura ang halaga.
Globalisasyon
Ang globalisasyon ay ang integrasyon ng ekonomiya, politika, kultura, at iba pang sistema na umaabot sa buong mundo.
Umiimpluwensya ito sa lokal na presyo, produkto, sahod, at interes.