Notas sa MGA KABIHASNAN, HEOGRAPIYA, AT TEORYA
Asya (Asia)
- Pinakamalaking kontinente; naglalaman ng maraming rehiyon:
- Kanlurang Asya, Timog Asya, Timog-Silanganang Asya, Silangang Asya, Hilagang Asya, Gitnang Asya
- Pisikal na anyo: Himalayas, Tibetan Plateau, Siberian Plain; mga ilog tulad ng Tigris-Euphrates, Indus, Ganges, Mekong, Yangtze, Yellow; malalaking disyerto gaya ng Gobi at Arabian
- Klima/biome: Polar (Siberia) at tropikal (SE Asia) – monsoon belt at track ng mga bagyo
- Likas na yaman: langis at gas (Kanlurang Asya); bigas at palay (SE/South Asia); high-tech at manufacturing (Silangang Asya)
- Kabihasnan/relhiyon: Hinduism, Buddhism, Confucianism, Islam, at iba pa
- Ugnayan/hamon: Silk Road at modernong supply chains; tensyon sa tubig/teritoryo; lindol, bagyo, baha, tagtuyot
Aprika (Africa)
- Ikalawang pinakamalaki ngunit malaki rin ang pagkakaiba-iba ng rehiyon
- Pisikal: Sahara at Sahel, Rift Valley, Nile/Congo/Niger, Atlas at Drakensberg; Madagascar
- Klima/biome: Tropikal at savanna; arid (dry) sa hilaga; rainforest sa Congo Basin
- Likas na yaman: diamante, ginto, langis; agricultural belts tulad ng kape, kakaw
- Kabihasnan: Sinaunang Nile, Carthage, Mali; mayaman sa wika at kultura
- Ugnayan/hamon: Kolonyal na pamana; trade corridors (AfCFTA); desertification, klima; pampolitikang tunggalian
Europa (Europe)
- Maliit sa lawak pero mataas ang GDP
- Pisikal: Alps, Pyrenees, Carpathians; North European Plain; Thames, Rhine, Danube, Volga
- Klima: Maritime sa kanluran, continental sa Silangan; Mediterranean sa timog
- Yaman/Ekonomiya: Industriyalisasyon, serbisyo, high-tech. Agrikultura sa Mediterranean at plains
- Kabihasnan: Greco-Roman, Renaissance, Rebolusyong Siyentipiko at Industriyal
- Ugnayan/hamon: Pagbabago sa enerhiya, pagtanda ng populasyon, migrasyon, seguridad
Hilagang Amerika (North America)
- NAFTA/USMCA: ugnayang-pangkalakalan ng US–Canada–Mexico
- Pisikal: Rocky Mountains, Appalachian Mountains; Great Plains; Great Lakes; Mississippi-Missouri; Arctic Archipelago
- Klima: Arctic hanggang tropikal (Caribbean/Mexico); hurricanes sa Atlantic/Gulf; wildfires/drought sa kanluran
- Yaman: Langis/gas, grains, timber, high-tech at creative industries
- Kabihasnan: Katutubong kabihasnan (Ancestral Puebloans, Mississippian, First Nations); kolonyal na pamana
- Ugnayan/hamon: Supply chains, border issues, climate resilience, inequality
Timog Amerika (South America)
- Andes spine; Amazon Basin lungs of the Earth
- Pisikal: Andes, Altiplano; Amazon/Orinoco/Paraná–Paraguay; pampas at cerrado; Patagonia
- Klima: Equatorial sa Amazon; Mediterranean sa Chile/Argentina; arid sa Atacama
- Yaman: Tanso, litium, bakal, agrikultura (soya, baka, kape), hydro
- Kabihasnan: Inca at iba pang Andean cultures; Latin/Indigenous syncretism
- Ugnayan/hamon: Mercosur, Pan-Amazon issues; deforestation, El Niño/La Niña impacts, urbanización
Australia/Oceania
- Mga rehiyon: Melanesia, Micronesia, Polynesia
- Pisikal: Great Dividing Range, Outback; Great Barrier Reef; Pacific “Ring of Fire”
- Klima: Arid/interior; temperate sa timog-silangan; tropical sa hilaga at mga isla sa Pacific
- Yaman: Mineral (iron ore, bauxite), agrikultura, fisheries, turismo; pagkalayo ay may pakinabang at hamon
Antartika (Antarctica)
- Pinakamalamig at pinakatuyo; Walang permanent residents; Antarctic Treaty System
- Pisikal/klima: Ice sheet/ice shelf; katabatic winds; aurora
- Yaman/ugnayan: Siyentipikong pananaliksik (climate, astronomy, biology); proteksiyong pangkapaligiran; hamon ng pagkatunaw ng yelo at sea-level rise
MGA SINAUNANG KABIHASNAN NA SUMIBOL SA LAMBAK-ILOG
Sinaunang Mesopotamia
- Katangiang Heograpikal
- Mesopotamia = “land between rivers” (Tigris at Euphrates)
- Bahagi ng Fertile Crescent – matabang lupa para sa pagsasaka
- Pangunahing yaman: tubig mula sa ilog para sa pananim, inumin, at hayop
- Epekto ng Pagsasaka at Paninirahan
- Irigasyon at mga levees para kontrolin ang ilog
- Sobrang ani (surplus) na sumuporta sa paglaki ng populasyon
- Permaneteng pamayanan at mga lungsod
- Mga Hamon ng Heograpiya
- Hindi inaasahang pagbaha na sumisira ng pananim
- Kakulangan ng natural barriers (hal. bundok) → madaling ma-invade
- Epekto sa Pag-usbong ng Kabihasnan
- Pangangailangan ng pagtutulungan na nagtulak sa organisadong pamahalaan
- Kontrol sa tubig at yaman → mga batas at pamumuno
- Heograpiya’y direktang nakaapekto sa kultura, ekonomiya, at paglago ng mga lungsod
- Synthesis
- Heograpiya ng Mesopotamia ay nagtugon sa matabang lupa at likas-yaman na nagsimula ng kabihasnan, ngunit nagdulot din ng hamon tulad ng pagbaha at pagsalakay na nagtulak sa pagbuo ng makabagong pamahalaan
Sinaunang Ehipto (Egypt)
- Katangiang Heograpikal
- Matatagpuan sa tabi ng Ilog Nile; kilala sa matabang lupa at mahalagang daloy ng tubig
- Klima ay disyerto: mainit at tuyong panahon; halos walang ulan
- Ilog Nile ang pangunahing pinagkukunan ng irigasyon, transportasyon, at sakahan
- Epekto ng Pagsasaka at Paninirahan
- Regular na baha ng Nile na nagdadala ng matabang buhangin at lupa para sa pagsasaka
- Paglikha ng mga kanal at sistema ng irigasyon para kontrolin ang daloy ng tubig at mapabilis ang ani
- Seguridad ng pagkain mula sa pag-unlad ng agrikultura → paglago ng pamayanan at lungsod
- Mga Hamon ng Heograpiya
- Disyerto na may kaunting tao; mahirap pamahalaan ang tubig
- Kailangan ng organisadong sistema para sa imbakan paghahati ng tubig sa pagitan ng tag-ulan at tag-araw
- Kakulangan ng ulan at malamig na klima sa disyerto ay nagpapahirap sa kalakalan at pagsakop
- Pag-usbong ng Kabihasnan dahil sa Heograpiya
- Nile ang nagtulak sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan para ipatupad ang irigasyon at proteksyon
- Kultura dito ay nakaugat sa relihiyon, agrikultura, at sining
- Memphis at iba pang lungsod ay lumaganap dahil sa lokasyon sa tabi ng ilog, nagsilbing daan ng komunikasyon at kalakalan
- Mga Paraon (Pharaohs)
- Tungkulin: Pinuno sa politika at relihiyon; namumuno, gumagawa ng batas, nakikidigma, tagapamagitan sa pagitan ng mga diyos at tao
- Buhay pagkatapos ng kamatayan: Inilibing kasama ng kayamanan; mga tuklas ng libingan (hal. Tutankhamun) ay nagbigay ng impormasyon tungkol sa lipunang Ehipto
- Halaga ng Nile sa Ehipto
- Nagbigay ng matabang lupa at mahalagang tubig para sa pagsasaka
- Nagtulak sa pag-usbong ng matatag at mayamang kabihasnan
Huang He (Yellow River)
- Pangunahing Katangian
- Ikalawang pinakamahabang ilog sa Tsina; nagbibigay ng matabang lupa mula sa banlik (loess)
- Likas na Hamon
- Tinatawag na “China’s Sorrow” dahil sa madalas at matinding pagbaha
- Malaking pinsala at pagkawala ng buhay
- Pagkontrol sa Ilog at Pag-usbong ng Kabihasnan
- Nagtayo ng levees, dambong irigasyon para kontrolin ang baha
- Dahil dito, lumago ang pagsasaka at nagkaroon ng mga pamayanan
- Kahalagahan sa Kasaysayan
- Sa lambak ng Huang He umusbong ang mga unang kabihasnan ng Tsina
- Naging pundasyon ito ng pamahalaan, kalakalan, at kultura ng mga dinastiya
Indus Valley
- Lokasyon at Kalikasan
- Kapatagan ng Ilog Indus; pinalilibutan ng Himalayas at Hindu Kush
- Bundok: proteksyon laban sa mananakop; pinagkukunan ng mineral tulad ng tanso
- Matabang lupa na angkop sa agrikultura
- Urbanong Disenyo at Teknolohiya
- Harappa at Mohenjo-daro: maayos na urbanong plano
- Tuwid na kalsada, standardized bricks, kanal, pribadong balon, sewer system
- Granaries at mahusay na imbakan ng pagkain
- Sistemang Pang-tubig at Hamon sa Kalikasan
- Irigasyon at water management para sa semi-arid na rehiyon
- Pagbabago ng monsoon, pagbaha, pagtuyot ng ilang ilog → paghina ng kabihagnan
- Kalakalan
- Nakipagkalakalan sa Mesopotamia at iba pang rehiyon via Indus at coastal routes
- Mga produkto: butil, cotton, lapis lazuli; ebidensiya ng komunikasyon at gamit ng timbangan at selyo
- Synthesis
- Heograpiya ng Indus Valley ay nagbigay ng matabang lupa at proteksyon na nagtulak sa maayos at organisadong lungsod; kalaunan, pagbabago ng klima at ilog ang nagdulot ng pagbagsak
MGA KABIHASNAN SA MEDITERRANEAN
Sinaunang Greece
- Demokrasya
- Ang demokrasya ay mula sa demos (mamamayan) at kratos (kapangyarihan) = “kapangyarihan ng mamamayan”
- Athens: direct democracy – direktang boto ng mamamayan sa batas/desisyon
- Limitadong karapatan: malalayang kalalakihan lamang; hindi kabilang ang kababaihan, bata, alipin
- Relihiyon
- Polytheistic: maraming diyos/diyosa
- Diyos may kapangyarihang supernatural; kumakatawan sa kalikasan, emosyon, at aspeto ng buhay
- May ritual, seremonya, templong inaalayan sa mga diyos; nagbibigay paliwanag sa kalikasan, kapalaran, pangyayari
- May impluwensya sa pamumuno, batas, at araw-araw na pamumuhay
- Katangiang Pisikal
- Bundok at kapatagan: limitado ang lupain para pagsasaka; pagkakahiwa-hiwalay ng mga polis (lungsod-estado)
- Pulo at dagat: pinalakas ang pangingisda, kalakalan, at komunikasyon
- Klima: Mediterranean – mainit at tuyong tagInit, maulan na tag-lamig
- Estrukturang Panlipunan
- Lungsod-estado (polis) – bawat isa may sariling pamahalaan at batas
- Hierarkiya: Mamamayang lalaki (may karapatang bumoto), dayuhan/residente (walang karapatang bumoto), alipin (walang karapatan)
- Kababaihan: karamihan ay nananatili sa bahay; limitadong karapatan sa politika at ekonomiya
Rome
- Republika patungong Imperyo
- Republika (509 BCE): pinalit ang huling Etruscan na hari; may representative democracy
- Bagong institusyon: Concilium Plebis at assemblies para boses ng plebeian
- Julius Caesar: lumakas ang kapangyarihan, naging diktador for life, nagdulot ng digmaang sibil
- Imperyo (27 BCE): pagkatapos ng digma, naging unang emperador si Octavian/Augustus
- Relihiyon
- Polytheistic: maraming diyos/diyosa (Jupiter, Juno, Mars, Venus, at iba pa)
- Epekto sa lipunan: ritwal, seremonya, paliwanag sa kalikasan at kapalaran
- Katangiang Pisikal
- Lokasyon: gitnang Italya; may bundok at ilog
- Klima: Mediterranean – mainit tuyo ang tag-init; maulan at mild ang tag-lamig
- Epekto sa Pamumuhay: ilog at lupang mataas ang ambag sa agrikultura, kalakalan, at transportasyon
- Estrukturang Panlipunan
- Hierarkiya: Patricians (mayayamang pamilya), Plebeians (mamamayan na lumalaban para karapatan), Alipin (walang karapatan)
- Kababaihan: limitadong karapatan; karamihan ay nasa bahay
- Epekto sa Lipunan: humubog sa politika, ekonomiya, pamumuhay
MGA KABIHASNAN SA MESOAMERICA, ANDES, AT PACIFIC REGION
Olmec
- Pisikal
- Gulf Coast ng Mexico – kabundukan at kapatagan, may ilog at maulang klima na angkop sa agrikultura at pangingisda
- Mayaman sa yamang-likas tulad ng jade at obsidian para sa kagamitan at sining
- Estrukturang Panlipunan
- Pinuno at aristokrasya ang namumuno; hierarchical society na may manggagawa at artisan
- Malaki ang papel ng elite sa relihiyon at politika, kabilang ang pagtatayo ng ceremonial centers
- Relihiyon
- Polytheistic; diyos ng kalikasan at espiritu ng hayop
- May ritwal, templo, at handog para sa seremonya at debosyon
Teotihuacan
- Katangiang Pisikal
- Basin ng Mexico; malalawak na kapatagan at bundok sa paligid, nagbibigay proteksyon at pinagkukunan ng mineral
- Estruktura Panlipunan
- Sentralisadong pamahalaan; pinuno, maharlika, artisan, at manggagawa
- Lungsod na planado: maayos na kalye at pyramid complexes
- Relihiyon
- Polytheistic: mga diyos ng araw, buwan, at ulan
- Ritwal at seremonya sa piramide at iba pang sagrado
Mayan
- Katangiang Pisikal
- Yucatan Peninsula; kabundukan, kagubatan, ilog, at karagatan
- Nag-ambag sa agrikultura, kalakalan, at lungsod-estado
- Estrukturang Panlipunan
- Ajaw (hari) bilang pinuno; maharlika, mangangalakal, at magsasaka
- City-states bilang pangunahing yunit na may sariling batas at templo
- Relihiyon
- Polytheistic; diyos ng araw, ulan, at mais
- Human sacrifice; astronomiya mahalaga sa relihiyon
Toltec
- Katangiang Pisikal
- Gitnang Mexico; bundok at kapatagan; maulang klima at natural na yaman
- Nakatulong sa agrikultura at pagtatayo ng lungsod at templo
- Estrukturang Panlipunan
- Militarized society; may ruler, warriors, at commoners
- Elite ang may kontrol sa pamahalaan, ritwal, at ekonomiya
- Relihiyon
- Polytheistic; diyos ng digmaan at agrikultura
- Templo at ritwal ang sentro ng pampublikong buhay
Aztec
- Katangiang Pisikal
- Highlands ng central Mexico; lawa at bundok; proteksyon at yamang-likas
- Kapaligiran ay nakatulong sa agrikultura at pagbuo ng lungsod gaya ng Tenochtitlan
- Estrukturang Panlipunan
- Emperor bilang pinakamataas; nobility, warriors, commoners
- Hierarchical at militarized; kalakalan at tributo ang pokus
- Relihiyon
- Polytheistic; diyos ng araw (Huitzilopochtli) at ulan (Tlaloc)
- Human sacrifice bilang bahagi ng ritwal at pagpapakita ng debosyon
THEORIES
- Conflict Theory: Pinapakita ang lipunan bilang laging may sigalot dahil sa kompetisyon para sa limitadong pinagkukunan.
- Environmental circumscription: pagdami ng populasyon sa limitadong lugar ng lupain; hindi basta makakahanap ng bagong lupa; nagdudulot ng tunggalian/paghahari ng digmaan.
- Hydraulic Theory: Sa arid na rehiyon, kailangang bumuo at pangalagaan ang irigasyon para suportahan ang agrikultura; ang mga sistemang ito ay nangangailangan ng organisadong paggawa kaya nagkaroon ng sentralisadong pamahalaan.
- Trade Theory: Pag-angat ng mga unang kabihasnan dahil sa pag-unlad ng pangmatagalang kalakalan at palitan ng ekonomiya; inahangad din nito ang pag-unlad ng sistema ng pagsusulat.