FPL
Pagsulat para sa Pagtatrabaho
Ang pagsulat para sa trabaho ay isang uri ng propesyonal na komunikasyon.
Mahalagang paraan upang ipahayag ang mensahe sa mga tao sa loob ng organisasyon o sa mga kliyente at iba pang indibidwal.
Karaniwang nakasulat sa salitang Ingles.
Kaugnay ng Executive Order No. 335, S. 1988, na naglalayong palaganapin ang paggamit ng wikang Filipino sa mga official na transaksyon at korrespondensiya.
Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay aktibong ipinatutupad sa pamamagitan ng mga seminar.
Ginagamit sa mga empleyado, namamahala, may-ari ng kompanya, sa akademikong institusyon at iba pang organisasyon.
Halimbawa ng Dokumentong Pantrabaho
Liham-aplikasyon
Proposal
Sulat-kamay na liham-resignasyon
Katitikan ng pulong
Dokumento
Liham-pasasalamat
Agenda
Resume
E-mail
Press release
Memorandum
Chat sa social report
Panukalang proyekto
Media
Mga Layunin ng Pagsulat
Ipaliwanag o ipagtanggol ang mga aksyon: Halimbawa: Pagpapaliwanag ng isang empleyado kung bakit siya dapat gantimpalaan ng promosyon.
Magbahagi ng impormasyon: Halimbawa: Memorandum na naglalahad ng hindi mabuting dulot ng labis na paggamit ng social media sa opisina.
Pag-impluwensya sa pagkilos: Halimbawa: Umaasa ang unyon na isaalang-alang ang papel ng mga manggagawa sa pag-unlad ng kumpanya.
Mahahalagang Prinsipyo ng Pagsulat
Alamin ang layunin at inaasahang resulta.
Sino ang tatanggap ng mensahe?
Siguraduhing malinaw sa kanila ang nais mangyari.
Malinaw na pagpapahayag ng mensahe.
Kung hindi maayos na naipahayag, maaaring magdulot ng hindi pagkakaintindihan.
Gumamit ng simpleng wika.
Iwasan ang jargon at teknikal na salita na hindi kinakailangan.
Gumamit ng maikling, deklaratibong pahayag.
Layunin na manghingi ng impormasyon o mag-impluwensya, iwasan ang paliguy-ligoy.