Filipino AT

PANUKALANG PROYEKTO

  • **%%-Panukalang proyekto %%**ay isang paghiling o ==paghingi ng tulong na pinansiyal para maisagawa ang isang proyekto.== Ang panukalang proyekto ay ==dapat magbigay ng dahilan kung bakit kinakailangan ang bawat bagay sa listahan para madesisyonan ng donor kung gusto nitong ibigay ang ilan o lahat ng nakalista.==

MGA BAHAGI NG PANUKALANG PROYEKTO

  1. Pamagat ng Proyekto (Project Title) -Dapat ==malinaw at maikli== ang pamagat ng Proyekto.

Halimbawa:

"Panukala para sa TULAAN 2022 sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika"

  1. Nagpadala (Project Proponent) -Tumutukoy sa tao o organisasyong nagmumungkahi sa Proyekto. Isusulat dito ang adres, e-mail, cell phone o telepono at lagda ng tao o organisayon.

  2. Pagpapahayag ng Suliranin -Ilalahad dito kung anong uri ng Proyekto ang nais, (pananaliksik, pagsasalin, pagpapalimbag, patimpalak, seminar/kumperensya, pangaraling-aklat at/o malikhaing pagsulat)

  3. Kabuuang Pondong Kailangan -Itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa pagkompleto ng proyekto. Huwag magkamali sa pagtutus ng badyet. Magdudulot ito ng impresyon na hindi mapagkakatiwalaan.

  4. Rasyunale ng Proyekto -Ilahahad rito ang mga pangangailangan sa pagkakasakatuparan ng proyekto at kung ano ang kahalagahan nito.

  5. Deskripsyon ng Proyekto -Isusulat dito ang panlahat at tiyak na layunin ng proyekto.

Nakadetalye dito ang pinaplanong paraan upang maisagawa ang proyekto at ang inaasahang haba ng panahon.

  1. Mga Benepisyong dulot ng Proyekto -Isaad dito ang mga kapakinabangang dulot ng proyekto, sinu-sino ang makikinabang.

  2. Planong Dapat Gawin (Plan of Action) -Inilalagay dito ang mga magkasunod-sunod na hakbang sa pagsasagawa ng panukalang proyekto.

KAHULUGAN NG KATITIKAN NG PULONG

  • Ang katitikan ng pulong ay tinatawao na minutes of ==meeting sa wikang== Ingles Ito ay mga mang dokumento o sulatin na kung saan nakabaĐ·d ang mga mahahalagang piang-usapan pinagkasunduan maging ang inga diskusyon al desisyon na nangyan sa isang pagpupulong n pag uusap to ay kadalasang ginagamit sa mga pagpupulong na maaring isang pormal o opisyal Ito rin ay magiging gabay ng hangtan o sanggunian sa mga susunod na puiong al batayan ng mga miyembro ng pulong Nabubuo ito kapag sinusulat ng kaltum sexretarya typist o reporter a sino mang naalasan ang mga naganap sa isang pulong o pag-uusap.
  • to ay isang mahalagang dokumento sa isang pagpupulong ng organisasyon Isinusulel dito ang tinatalakay sa pagpupulon na bahagi ng adveida Pormal ang wang gamit sa pagsulat ng katkan May konsistensi sa eshlong gagamit sa portalidad ng paksa.

KAHALAGAHAN NG PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG

1 to my opisyales ulat ng mga pagtalakay.

  1. Ito ay nagiging basehan para sa susunod na akayan.

NAKASAAD SA KATITIKAN NG PULONG:

  • Paksa
  • Petsa
  • Lugar o pook kung saan ginawa at idinaos ang pulung
  • Oras ng pagsisimula
  • Oras ng pagtatapos Mga napag usapan
  • Mga dumain at mga hindi dumalo sa pulong

MGA DAPAT TANDAAN O GAWIN SA PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG

  1. Habang namamahagi ng ideya ang mga dumalo sa pulong mililista ang mga adyendang napagusapan isa isa.
  2. Lahat ng kalahok ay dapat ipahayag ang kanilang mga kaalaman punto at/o opinyon mungkahi.
  3. Dapat pag-usapan nang maayos ang mga mabubuti at masamang naidudulot ng mga naibigay na mungkahi.
  4. Magkroon ng opisyal na uist o talaan.
  5. Dapat ang mga salita na sinabi sa pagtalakay ay nakasulat sa utal, hindi dapat ibahin ang mganagamit na salita.
  6. Dapat malinaw ang pagkakasulat ng mga napag-usapan sa pulong.

Paliin lamang ang mga importanteng bahagi ng pagtalakay sa pulong.

PAGSULAT NG AGENDA

  • ^^Agenda^^ ay isang mahalagang elemento sa pagpupuplong. Ito ay ang listahan ng mga bagay na tatalakayin o tinatalakay sa isang pormal na pagpupulong. Ito ay ang mga plano o gustong gawin sa isang bagay. Maaring gamitin bilang checklist upang matiyak kung lahat ng impormasyon ay sakop ng talakayan.

MGA BAHAGI NG AGENDA:

  1. Pamagat - May dalawang bagay na kailangang maipahayag ng pamagat sa mambabasa: una, siya ay nagbabasa ng agenda at pangalawa, sakop nito ang paksa ng pulong. Hindi dapat mabulaklak ang pamagat, mainam kung ito ay payak at maikli ang pagkakasulat, kung maaari gumamit ng font style na Times Roman o Calibri. Tandaan na ang layunin ng pamagat ay para makita ang kabuuang pananaw sa agenda.
  2. **Petsa, Lokasyon at mga Dadalo -**Kailangan isulat ito sa agenda para malaman ng mga hindi dumalo ng pulong kung sinu-sino ang mga dumalo saan nangyari ang pulong at kailan ito nangyari.
  3. Layunin ng Agenda- Sa anumang gawain na kailangan laging may layunin. Sapagkat ang ng. layunin ang magsasabi kung ano ang pag gay uusapan o awtput sa pulong. Kailangan ahat mabasa ito ng mga magsisidalo para makapaghanda sa pulong.
  4. **Iskedyul -**Ang bahaging ito makikita kung paano tatakbo ang pagpupulong ito ay gang nagdudulot ng kaayusan ng pulong.
  • Magiaan ng sobrang oras para sa bahaging "Tanong-sagot". Dapat ilagay ito sa balangkas ng iskedyul sapagkat may mga kasapi ng pulong na maaaring may nais linawin o tanungin bago matapos ang pulong.
  • Maglaan ng oras para sa pagbabalangkas o pagbubuod ng mga diskusyon. Laging ginagawa ito bago matapos ang pulong. Ito ay nagsisilbing huling paalala sa mga nagsidalo ng pulong.
  1. Tungkulin - Nakasulat sa bahaging ito ang papel na gagampanan ng mga dadalo sa pulong. Ito ay para malinaw sa kanila at mapaghandaan ang sasabihin.

Bagahi ng Agenda

  1. Pamagat - Maikli ang pagkakasulat. Dapat sakop nito ang paksa ng pulong.
  2. Petsa, Lokasyon at mga Dadalo - para malaman ng mga hindi dumalo ng pulong kung sino-sino ang mga dumalo, saan nangyari ang pulong at kailan ito nangyari.
  3. Layunin ng Agenda - ano ang pag-uusapan o awtput sa pulong.
  4. Iskedyul -Paano tatakbo ang pagpupulong. Ito ay nagdudulot ng kaayusan ng pulong.
  5. Tungkulin - Gagampanan ng mga dadalo sa pulong. Ito ay para malinaw sa kanila at mapaghandaan ang sasabihin.

POSISYONG PAPEL

  • Ang POSISYONG PAPEL ay isang paglalahad ng kuro kuro o sariling paninindigan hinggil sa isang paksa o isyu sa lipunan. Nilalathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba. Kagaya ng isang debate, ay naglalayong maipakita ang katotohonan at katibayan ng isang tiyak na isyung kadalasan ay napapanahon at nagdudulot ng magkakaibang pananaw sa marami depende sa persepsiyon ng mga tao.
  • POSISYONG PAPEL - Isang paraan upang ipahayag ang paninindigan anuman ang posisyon, kailangan magbigay ng malinaw at matatag na argumento at mga makatuwirang ebidensiyang suporta sa mga ito sa kabuuan ng papel.
  • May layunin itong kumbinsihin ang mga mambabasa na may saysay at bisa ang mga argumento.
  • Ginagamit nag argumento upang manghikayat at mang-impluwensiya ng iba o upang ipaliwang ang mga dahilan sa pagkiling sa isang posisyon.
  • Hindi gumagamit ng mga personal na atake upang siraan ang kabilang panig.
  • Ang pagsulat ng posisyong posisyong papel ay pagsasanay sa mapanuring pag iisip.
  • POSISYONG PAPEL - Lamang akademikong sulatin ito

ay ang opinion, saloobin at pananaw na pinagyaman upang maging matibay na paninindigan.

Bahagi ng Posisyong Papel

  1. Introduksyon
  2. Sariling Katwiran
  3. Katwiran ng Kabilang Panig
  4. Konklusyon

Gabay sa Pagsulat ng Posisyong Papel

  1. Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa inihanay na mga katwiran.
  2. Gumawa ng panimulang saliksik.
  3. Tiyakin ang paksa.
  4. Gumawa ng malalim na saliksik.
  5. Bumuo ng balangkas.
  6. Sumulat ng posisyong papel.
  7. Ibahagi ang posisyong papel.

TALUMPATI

  • ^^Talumpati-^^ pagpapahayag ng mga kaisian.pananaw at saloobin ng isang tao sa harap ng madia.

Bahagi ng Talumpati

  1. Panimula
  2. Katapusan
  3. Katawan o kaalaman

Gabay sa Pagsulat ng Talumpati

  1. Pumili ng paksa
  2. Itipon ang kinakailangang materyales
  3. Balangkasin ang mga ideya

Linangin ang kaisipan

Sa pagsulat ng talumpati nararapat na:

  1. Iwasang maging maligoy at mabulaklak sa pananalita.
  2. Malinaw at matipid ang paraan ng pagpapahayag.
  3. Maging mapanghikayat sa pamamagitan ng hakbang-hakbang na paglalahad ng mahahalagang arugmento.
  4. Gumamit ng mga datos at estadistika upang mapatalas ang mga argument ng talumpati.

Mga katangian ng Isang Manunulumpati

  1. May magandang personalidad.
  2. Malinaw magsalita.
  3. Malawak ang kaalaman sa paksang tinalakay.
  4. Mahusay gumamit ng kumpas.