Fil. 10 1st Term Examination

1. Ang salin o kahulugan

sa Filipino ng El Filibusterismo ay "Ang Paghahari ng Kasakiman".

2. Inialay ni Jose Rizal ang El Filibusterismo sa mga paring GOMBURZA.

3. Si Simoun sa El Filibusterismo ay si Crisostomo Ibarra na nagbalik bilang mag-aalahas

4. Ang kapitan ng Bapor Tabo ay walang tiyak na ngalan. Iba ang karakter na Kapitan Heneral na nabanggit sa Kabanata 1 na sakay ng bapor. Hindi siya kapitan ng bapor. Si Kapitan Heneral na lulan ng Bapor Tabo ay sa pamahalaan at may impluwensiya kay Simoun bilang Tagapayo.

5. Ang kasintahan ni Basilio ay si Juli. Hindi Huli ang tamang baybay, kundi Juli.

6. Si Padre Florentino ay tiyuhin o amain ni Isagani.

7. Si Kapitan Tiyago ang kumupkop kay Basilio matapos mamatay ang kaniyang inang si Sisa.

8. Ang pangunahing layunin ni Simoun sa kaniyang plano ay maghiganti at pabagsakin ang pamahalaan.

9. Ang Bapor Tabo ay isang sasakyang pandagat

10. Sinasabing ang nagmamay-ari ng lupang sinasaka ni Kabesang Tales ay ang MGA PRAYLE.

11. Ang mga mag-aaral sa El Filibusterismo ay nagnanais na magpagawa o magpatayo ng Akademya ng Wikang Kastila.

12. Si MAKARAIG ang pinuno ng pangkat ng mga mag-aaral na nagsusulong ng akademya. HINDI SI ISAGANI.

13. Ang pahayagang akda ni Ben Zayb ay ang El Grito

14. Ang ginamit ni Jose Rizal sa kaniyang nobela bilang simbolo ng mabagal at hindi maayos na pamamahala ng mga Kastila ay ang Bapor Tabo.

15. Si Kapitan Tiyago ang nagmamay-ari ng bahay na pinuntahan ng mga panauhin sa isang handaan – ang kasal nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez.

16. Ang mga sakay ng Bapor Tabo sa ibabaw at ilalim ng kubyerta ay nangangahulugang: "may malinaw na pagkakahati sa uri ng lipunan."

17. Ang karanasan ni Kabesang Tales ay ipinakikita ni Jose Rizal na "nakaranas ng pang-aapi ang mga magsasaka sa usapin ng lupa." Noon pa man sa Panahon ng Kastila hanggang sa kasalukuyan.

18. Ang suliranin ng mga mag-aaral sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila ay "tinutulan sila ng mga makapangyarihang tao at institusyon."

19. Ang ipinapahiwatig ng pagtutol sa Akademya ng Wikang Kastila ay "may mga grupong takot sa edukasyong makapagpapalawak ng kamalayan."

20. Ang tunggaliang nais ipakita ni Jose Rizal sa mga suliraning kinakaharap ng mga Pilipino sa nobela ay: "tunggalian ng mamamayan laban sa mapaniil na sistema."

21. Ang madalas ginamit ni Jose Rizal sa paglalahad ng mga pangyayari sa nobela ay PAGBABALIK-TANAW. Ito ay dahil sa mga pangyayaring naganap bago ang kasalukuyang panahon ng kuwento.

22. FORESHADOWING ang tawag sa pahiwatig tungkol sa maaaring mangyari sa mga susunod na bahagi ng kuwento.

23. Ang mensaheng nais ipabatid ni Jose Rizal gamit ang mga karanasan ni Basilio ay: "ang pagnanais ng pagbabago ay maaaring maapektuhan ng takot at karanasan."

24. Magkaiba ang paraan ng pakikipaglaban nina Isagani at Simoun sa paraang: "gumamit si Isagani ng paninindigan at pagpapahalaga sa buhay, samantalang gumamit si Simoun ng dahas at paghihiganti."

25. Ang agnos at relikaryo sa nobela ay sumisimbolo sa "ugnayan sa nakaraan at mga lihim na kaugnayan nga mga tauhan."

26. Ang paggamit ni Jose Rizal ng LASON ay "maaaring maging mapanira ang lihim na paghihiganti at marahas na pamamaraan."

27. Ang El Filibusterismo ay isang nobelang panlipunan dahil inilalarawan nito ang mga suliranin ng lipunan at sinusuri ang mga sanhi ng kawalang-katatungan.

28. Ang mabagal na pag-andar ng Bapor Tabo kahit may mga taong nagmumungkahi ng mas maayos na daan ay nangangahulugang: "nananatiling mabagal ang pag-unlad dahil sa konserbatibo at pansariling interes ng mga namumuno."

29. Kung paghahambingin ang paghihiganti nina Simoun at Isagani; "ang kay Simoun ay nakatuon sa pagbagsak ng sistema sa pamamagitan ng dahas, samantalang kay Isagani ay kumakatawan sa idealismo at pagpapahalaga sa kapuwa."

30. Sa paggawa ng isang poster na gumamit ng malaking larawan ng lupang nakabusal ang bibig ng magsasaka ay nagpapahiwatig na: "nawalan ng boses at karapatan ang magsasaka dahil sa pag-aagaw at pang-aapi."

31. Ang pagbuo ng documentary film ay may etikal na pananagutan kung ito ay: "may paghingi ng pahintulot sa mga kalahok at pagkilala sa mga ginamit na sanggunian."

32. Ang pinakamabisang tesis para sa documentary film tungkol sa El Filibusterismo ay: "ipinakikita ng nobela na ang kawalang-katarungan at pagsasara ng mapayapang daan tungo sa pagbabago ay maaaring magbunga ng radikalisasyon, ngunit hindi nito ginagawang makatarungan ang paghihimagsik."

33. Kung nais ipakita ang ugnayan ng suliranin sa lupa noong panahon ni Kabesang Tales at ng kasalukuyang isyu sa karapatan sa lupa sa pamamagitan ng paggamit ng multimodal na paraan, ang tamang gawin ay: "gumamit ng voice-over, piling sipi o eksena, kasalukuyang panayam, esta