Konsepto ng pag-unlad

Makabagong Pananaw

• Sa makabagong pananaw ng pag-unlad, isinasaad na ang pag-unlad ay kumatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan. Dapat na ituon ang pansin sa iba't ibang pangangailangan at nagbabagong hangarin ng mga tao at grupo sa nasabing sistema upang masiguro rin ang paglayo mula sa di-kaaya-ayang kondisyon ng pamumuhay tungo sa kondisyon na mas kasiya-siy

KKK ng Pag-unlad ayon kay Amartya Sen

Kayamanan - mataas na kita

Kalayaan - malayang magpasya

Kaalaman - maayos na edukasyon

Mga Palatandaan ng Pag-unlad

• Makatwiran at dinamikong kaayusang panlipunan

- Kasaganaan at Kasarinlan

• Kalayaan sa kahirapan, hanapbuhay para sa lahat, umaangat na istandard ng pamumuhay at mainam na uri ng buhay para sa lahat.

• Sapat na mga lingkurang panlipunan

• Katarungang Panlipunan

Sukatan ng Kaunlaran ng Bansa ayon sa United Nations (UN)

•Maliban sa paggamit ng GDP at GNP, ginagamit ang Human Development Index (HDI) bilang isa sa mga panukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa.

•Ang HDI ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao (Full Human Potential). Kabilang dito ang kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay.

Human Development Index (HDI)

• Kalusugan - ginagamit na pananda ang haba ng buhay at kapanganakan. Ipinapahiwatig dito ang bilang ng taon na inaasahang itatagal ng isang sanggol kung ang mga umiiiral na dahilan o sanhi ng kamatayan sa panahon ng kaniyang kapanganakan ay mananatili habang siya ay nabubuhay.

Kahalagahan ng HDI

• Ang Human Development Index (HDI) ay nilikha upang bigyang-diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang dapat na pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa, hindi lang ang pagsulong ng ekonomiya nito.

Ang Human Development Report ay pinasimulan ni Mahbub ul Haq noong 1990. Ayon sa kaniya, ang pangunahing hangarin ng pag-unlad ay palawakin ang pamimilian (choices) ng mga tao sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan.

Kahalagahan ng HDI

•Ilan sa mga ito ang mas malawak na akses sa edukasyon, maayos na serbisyong pangkalusugan, mas matatag na kabuhayan, kawalan ng karahasan at krimen, kasiya-siyang mga libangan, kalayaang pampolitika at pangkultura, at pakikilahok sa mga gawaing panlipunan.

•Ang layunin ng pag-unlad ay makalikha ng kapaligirang nagbibigay ng pagkakataon sa mga tao na magtamasa ng matagal, malusog, at maayos na pamumuhay.