Filipino

Kronolohiya ng mga Kaganapan sa Administrasyong Marcos Sr. tungo sa taong 1986.

  • 1965- Unang nanalo at naluklok bilang Pangulo ng Pilipinas. •

  • Nobyembre 11, 1962- Muling nanalo para sa kanyang ikalawang termino.

Setyembre 21, 1972 - Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ang Proclamation No. 1081 na nagpapasailalim sa buong Pilipinas sa Batas Militer.

Setyembre 23, 1972 - Opisyal na inihayag ni Marcos sa pambansang telebisyon at radyo ang pagdedeklara ng Martial Law. Sinundan ito ng pagpapasara sa mga pahayagan, iştasyon ng radyo at telebisyon, pati na rinang pag-aresto sa mga kritiko ng gobyerno, kabilang ang mga pulitiko, mamamahayag, at aktibista.

Enero 17, 1981 - Pormal na inalis ni Marcos ang . . . Martial Law sa pamamagitan ng Proclamation No.2045 bilang paghahanda sa pagbisita ni Pope John Paul IT at sa halalan, bagamat napanatili pa rin niya ang absolute power.

  • Agosto 21, 1983 - Binaril at napatay si dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr. sa Manila International Airport sa kanyang pagbabalik mula sa pagpapatapon sa US. Ang kaganapang ito ang naging mitsa ng malawakang protesta laban sa rehimen.

  • Pebrero 7, 1986 - Isinagawa ang Snap Presidential Election kung saan naglaban sina Marcos at Corazon
    "Cory" Aquino. Dumating ang malawakang alegasyon ng pandaraya at anomalya sa pagbibilang ng boto.

  • Pebrero 22-25, 1986 - Naganap ang makasaysayang EDSA People Power Revolution matapos tumiwalag sa gobyerno sina Defense Minister Juan Ponce Enrile at AFP Vice Chief of Staff Fidel V. Ramos. Milyun-milyong Pilipino ang nagtipon sa EDSA upang protektahan sila at humiling ng pagbabago.

  • Pebrero 25, 1986 - Nanumpa si Cory Aquino bilang bagong Pangulo ng Pilipinas. Sa parehong araw, napilitang lumikas ang pamilya Marcos patungong Hawaii, na nagmarka ng pagtatapos ng 20 taong pamumuno ni Marcos.

  • Kaligirang Pangkasaysayan ng mga Akdang Pampanitikan sa Panahong 1986

Bunga ng pagkakaisa ng mga Pilipino sa People Power Revolution na ginanap sa kahabaan ng EDSA, na mas kilala bilang EDSA Revolution, lumaya ang Pilipinas sa Batas Militar. Ang pagkakaalis ng bansa sa ilalim ng Batas Militar ay tila naging isang yugto ng pagbabago para sa mga naglilingkod sa pamahalaan kaya't tinawag nila itong Ikatlong Republika ng Pilipinas. Itinuring na Unang Republika ang panahon ni Emilio Aguinaldo at Ikalawang Republika naman ang paglaya ng Pilipinas sa kamay ng pamahalaang Amerikano. Samantala, tinawag din itong Bagong Republika ng dating pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

Sa mga pangyayaring ito, malaki ang bahaging ginampanan ng radyo at telebisyon o ng midya sa pag-antig sa kamalayan ng mga Pilipino upang magtipon-tipon sa EDSA at pababain sa kapangyarihan ang diktadurang halos dalawampung taong namayani sa Pilipinas. Nag-udyok din ito sa pagbibitiw sa katungkulan ng mga opisyal ng pamahalaan tulad nina Juan Ponce Enrile na noo'y ministro ng Tanggulang Pambansa at ni Heneral Fidel V. Ramos. Tumagal ng apat na araw ang mapayapang rebolusyon sa EDSA mula ika-22 hanggang ika-24 ng Pebrero, 1986. Matapos ito, tumakas patungong Hawaii ang pamilyang Marcos at nahalal bilang pangulo ng Pilipinas si Corazon Aquino.

Subalit nagpasalamat man ang sambayanan dahil hindi naging madugo ang rebolusyon, dama pa rin ng mga Pilipino ang mga suliraning panlipunan, pang-ekonomiya, at pampolitika, tulad ng pang-aapi sa mga uring manggagawa, biktima ng panggagahasa, mga alipin ng droga, hinaing ng mga magbubukid, korapsiyon, suliranin sa mga informal settlers, at iba pa. Nagpatuloy rin sa panahong ito ang mga patimpalak na may gantimpalang Palanca; patimpalak ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas; at patimpalak ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas.

Sa kabuuan, dahil sa mga nagpapatuloy na suliraning panlipunan, pang-ekonomiya, at pampolitikang kinahaharap ng bansa matapos ang paglaya sa Batas Militar, madalas pa ring paksain ng panitikan ang pakikisama, paggawa, pagdadalamhati, kahirapan, politika, kalagayan ng manggagawa, at imperyalismo.