filipino

Tekstong Transaksyonal 

  • Uri ng teksto na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon upang maiparating ang tiyak na mensahe mula sa isang tao patungo sa iba 

  • Ginagamit ito sa pakikipag-ugnayan, pag-utos, pag-anyaya, pagbibigay-panuto, pagbibigay-paalala, pagpapahayag ng damdamin, paghahatid ng impormasyon 



4 na Layunin 
  1. MANGHIKAYAT - ito’y ginagamit sa patalastas, promosyon, o review ng product o serbisyo. Naglalayong manghikayat sa mambabasa na bumili, sumuporta, o maniwala 

  2. MANGATWIRAN - ito’y ginagamit sa talumpati o political flyer. Layunin niyong maipakita ang tamang pahayag na may kalakip na sumusportang ebidensya o datos 

  3. MAGBIGAY-IMPORMASYON - ito’y ginagamit sa artikulo, liham, email, imbitasyon, text, o SMS. Layunin nitong magpabatid ng impormasyon, katotohanan, o mag-update. Naglalaman ito ng mahahalagang detalye. 

  4. MAGBIGAY NG PAYO - ito’y ginagamit sa mga sulating nagbibigay ng opsiyon at mga tips. Layunin nitong magbigay ng gabay o mungkahi para makatulong sa pagbuo ng desisyon ng iba. 



Mga Katangian 
  1. Malinaw ang Layunin 

  2. Tiyak ang Tagatanggap 

  3. May Inaasahang Aksiyon o Tugon 

  4. Maikli at Direktang Pahayag 

  5. Maaring Pormal o Di-Pormal 

  6. Nakasulat o Berbal 

  7. Gumagamit ng Estruktura ng Liham o Anunsyo 



Liham-Pantanggapan 

  • Paghatid ng mensahe sa mga institusyon o katauhan 



  1. MALINAW (madaling maunawaan) 

  2. MAGALANG (naaayon sa patunguhan) 

  3. PORMAL (ang paggamit ng lingwahe at tamang tono) 



Tatlong Uri ng Liham-Pantanggapan 
  1. PAKIUSAP - mayroong malinaw na pakiusap, habang humihingi ng pabor at tulong 

  2. PAGTATANONG - layuning makakuha ng tiyak na impormasyon 

  3. APLIKASYON - para magpahayag ng interest at kakayahan 



BAHAGI NG LIHAM-PANTANGGAPAN 

  1. Petsa 

  2. Patunguhan 

  3. Bating Panimula 

  4. Katawan 

  5. Bating Pangwakas 

  6. Lagda/Pangalan 



Madaling Maging Tao, Mahirap Magpakatao 

  • Ito ay isang tula na gawa ni Teo T. Antonio 



  • Ito ay isang malalim na pilosopiyang Pilipino na naghihiwalay sa ating pisikal na kalikasan at sa ating moral na tungkulin. Madaling maging tao dahil ito ay isang biyolohikal na katotohanan. Lahat tayo ay ipinanganak na may pisikal na anyo, talino, kalayaan, at konsensya na likas sa ating pagkatao. Hindi natin kailangang magsumikap upang kilalanin bilang tao dahil ito ay ibinigay na sa atin mula pagsilang. Subalit, ang tunay na hamon ay nasa ikalawang bahagi, ang magpakatao. Ito ay isang panghabambuhay na proseso ng paghubog sa ating karakter, kung saan kinakailangan nating gamitin ang ating talino at kalayaan upang pumili ng tama, magpakita ng tunay na pagmamahal, at rumespeto sa dignidad ng ating kapwa