Mga tauhan ng Florante at Laura
Laura - ang anak ng Haring Linceo ng Albanya, na hinahangaan at hinahangad ng maraming kalalakihan subalit ang kanyang pag-ibig ay nanatiling laan lamang para kay Florante.
Flerida - ang kasintahan ni Alading inagaw mula sa kanya ni Sultan AliAdab. At sa pagpapangakong pagpapakasal sa Sultan, napagpabago niya ang isip nito sa pagbitay kay Aladin. Ngunit sa katotohanan, hindi niya tinupad ang pag-aako, at tumakas sa araw ng kasal nila. Nailigtas niya si Laura sa kamay ng buhong si Adolfo.
Konde Adolfo - Kaaway ni Florante. Ang kanyang inggit at paninibugho sa binata ang naging sanhi ng pananakop niya sa Albanya, pagpatay sa hari at mga tauhan, pagpapahirap kay Florante at tangkang pag-agaw kay Laura.
Aladin - ay isang Morong Persyanong tumulong kay Florante, at nagligtas ng kanyang buhay. Ang kanyang ama ay si Sultan Ali-Adab na siya ring umagaw sa kanyang kasintahang si Flerida. Nailigtas niya si Florante mula sa pangil ng leon na magdadala sana sa binata sa tiyak na kamatayan.
Menandro - ang matalik na kaibigan ni Florante sa Atenas na nagligtas din ng buhay ni Florante mula sa mga tagang nakakamatay ni Adolfong kanyang tinaga nang kanyang tangkaing patayin si Florante sa isang dula-dulaan nila sa kanilang paaralan sa Atenas. Bukod pa sa pagliligtas ng buhay niya, marami pa siyang ginawa para kay Florante, at noong sinakop ang Albanya nang makailang ulit, kasama siya ni Florante sa pakikibaka.
Duke Briseo at Prinsesa Floresca - ang maarugaing ama ni Florante, at naglilingkod bilang sariling tanungan ng Haring Linceo ng Albanya. Siya ay pinatay at ipinaghagisan ang bangkay nito ng mga alagad ng Konde Adolfo nang kanyang agawin ang trono ng Haring Linceo.
Prinsesa Floresca - ang ina ni Florante. Siya ay mula sa bayan ng Krotona, at maagang namatay, na nagdulot sa pag-uwi ni Florante mula sa Atenas pabalik ng Albanya.
Haring Linceo - ang hari ng Kaharian ng Albanya, at ama ni Laura. Ang kanyang pamumuno ay nagtapos nang mayroong kumalat na usap-usapan tungkol sa paguutos daw niyang harangin ang imbakan ng trigo upang gutumin ang mga tao ng Albanya. Ang usap-usapang itong pinasimulan ni Konde Adolfo ang nagpaalab ng mga damdamin ng mga tao sa Albanyang nagdulot sa pag-aaklas nila. Ang pag-aaklas namang ito ang ginamit ni Konde Adolfo upang maiupo ang sarili sa trono.
Sultan Ali-Adab - ang sultan ng Persyang umagaw sa kasintahan ni Alading si Flerida. Siya ay isang malupit na ama. Pinatawan niya ng kamatayan si Aladin, ang kanyang anak, dahil daw sa pagkatalo niya sa Persya, ngunit ang totoong dahilan dito ay upang makuha niya si Flerida mula sa kanyang anak. Ngunit hindi natuloy ang pagbitay kay Aladin, nang nangako si Flerida na kanyang pakakasalan ang Sultan, isang pangako na hindi rin natuloy nang tumakas si Flerida sa mismong araw ng kasal; ang naging hatol na lamang kay Aladin ay pagpapatalsik mula sa Persyang kailanman ay hindi niya mababalikan.
Menalipo - ay isang pinsan ni Florante. Iniligtas niya si Florante mula sa isang buwitreng dadagitin siya sana nang siyaāy isang sanggol pa lamang gamit ang kanyang pana at busog. Ipinapakita nito na si Menalipo ay higit na mas matanda kaysa kay Florante.
Heneral Osmalik - ang magiting na heneral ng hukbong Persyanong sumakop sa Krotona sa ilalim ng utos ni Aladin, natalo at napatay ni Florante.
Heneral Miramolin - ang pinuno ng mga mananakop ng Albanya mula sa Turkiya na sumalakay sa Albanya subalit nalupig nina Florante at kanyang hukbo.
Konde Sileno - ang ama ni Konde Adolfong ayon kay Florante ay marangal.
Antenor - Ang mabuting guro nina Florante , Adolfo at Menandro habang silaāy nag-aaral sa Atenas Siya ang gurong gumabay at nagturo ng maraming bagay kay Florante.
Emir - Gobernador ng mga Moro na nagtangka kay Laura subalit tinanggahian at sinampal sa mukha ng dalaga. Humatol na pugutan ng ulo si Laura subalit nakaligtas dahil sa maagap na pagdating Florante.