FIL reviewer
Mitolohiya - magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyunal na mga kuwento o mito
Si Pele ang Diyosa ng Apoy at Bulkan
Haumea - diyosa ng makalumang kalupaan, nanay
Kane Milohai - diyos ng kalangitan, tatay
Sila ay mayroong anim na anak na babae at pitong anak na lalaki
Pele - diyosa ng apoy
Namaka - diyosa ng tubig
Nag-ugat ang matinging awayan ni Namaka at Pele sa paniniwala ni Namaka na inagawan ng kapatid na si Pele ang kaniyang kabiyak
Aksidenteng nasunog ang kanilang tirahan ni Pele dahil sa apoy, ang buong isla ng Tahiti, galit na galit si Namaka at nagbantang paaahunin ang tubug sa buong isla upang lumubog ito sa baha, natakot ang si Haumea at Kane Milohai at isinakay ang pamilya sa bangka. Si Pele ang naatasang gumaod at magdala sa kanila sa isang isla upang makatakas.
Si Pele ay iningatan ang bunsong kapatid na nasa itlog pa lamang habang gumagaod sa bangka
Hi’iaka - ang itlog na napisa at lumaking isang napakagandang dalagita na may likas na hilig sa pag-awit at pag-sayaw, diyosa ng hula at mananayaw
Mayroong apat na diyosa na hindi natuwa na naninirahan din sa isla na nainggit sa magkakapatid, sila ay bumubuga ng niyebe sa tahanan ng pamilya. Dahil dito sila ay lumipat muli ng tirahan, ngunit sila din ay hindi naligtas sa alon ni Namaka.
Mauna Loa - pinakamataas na bundok na sinilungan ng pamilya upang makaligtas kay Namaka
Natalo ni Pele si Namaka sa pamamaraan ng pagliyab ng apoy sa pusod ng bundok mula sa kalaliman, ngunit siya rin ay namatay dahil nanghina, subalit ang kaniyang espiritu ay nanatili at nagagawa nitong baguhin ang kaniyang anyo, minsan ay nakikita siya bilang isang magandang sumusubok sa kabutihan ng mamamayan, isa naman bilang isang asong maputi
Naging kalupaan ang natuyong lava at tinawag na ngayong isla ng Hawaii o the Big Islandqa,
Inakit ni Pele si Ohi’a na isang makisig na lalaki, subalit buong galang siya nitong tinanggihan sapagkat siya ay mayroong asawa na si Lehua. Dala ng matinding galit, kumawala kay Pele ang matinding apoy na tumama kay Ohi’a at siya ay naging sunog na puno. Si Lehua ay niyakap at nagmakaawa kay Pele, at siya ay ginawang isang halamang may pino at magagandang pulang bulaklak na ikinapit sa puno ni Ohi’a.
Naging espesyal sa kaniya ang puno ng ohi’a lehua kaya ang mga ito ay sumisibol sa nabubuong lupa sa bulkan.Habang magkadikit ang ohi’a at lehua ay maganda ang panahon, subalit kapag umulan nang malakas ay may pumitas sa bulaklak ng lehua. Ito daw ay ang luha ni Lehua nang mawalay sa kanyang minamahal.
Hopoe - kaibigan ni Hi’iaka
Lohi’au - inatasang sunduin ni Hi’iaka na kasintahan ni Pele, ang hardin ay inatasang bantayan kay Pele habang siya ay sumusundo kay Lohi’au.
Maraming mga halimaw ang nasa paglalakbay ni Hi’iaka na halos patay na si Lohi’au, habang tumatagal ang kanilang paglalakbay ay mas nagkakalapit ang loob ni Lohi’au at ni Hi’iaka
Subalit hindi makapakali si Pele, umabot ng apatnapung araw na hindi pa bumabalik ang busong kapatid. Nagselos si Pele at napasabog ang bulkan, dito namatay si Hopoe at ang hardin ni Hi’iaka.
Upang makaganti si Hi’iaka ay hinagkan niya si Lohi’au at nagalit dito si Pele at sumabog nanaman ang bulkan kung saan namatay si Lohi’au. Noong namatay si Lohi’au, napagtanto ni Hi’iaka ang kaniyang pagmamahal kay Lohi’au.
Si Hi’iaka ay naghingi ng tulong kay Kane-milo upang makuha ulit si Lohi’au, na kanyang kinuha mulit at ibinalik ang kaluluwa na ito sa kaniyang katawang lupa. Nagpasiya silang lumayo sa isla ng Hawaii at lumipat sa Kaua’I at doon na maninirahan upang maiwasan si Pele.
Pinagsisihan ni Pele ang kanyang ginawa sa kanyang kapatid, hinayaan na silang mamuhay ng tahimik at payapa. Hindi alam ni Hi;iaka na ang masaganang pagsibol ng anumang tanmin sa kanilang lupain ay gawa ni Pele upang maipahayag ang kaniyang pagsisisi.
Mahigit na 200 na gusali ang nasira sa pagsabog ng bulkan noong 1983, at nakapagdagdag ng mahigit na tatlumpong hektaryang lupain sa timog silangang bahagi ng isla ng Hawaii
William Shakespeare - tinaguriang pambansang makata ng Inglatera at Bardo ng Avon at itunuturing na pinakamahusay na manunulat ng wikang Ingles. Bilang prominenteng dramaturgo, siya ay nakalikha ng 38 na dula, 154 na soneta, 2 mahabang tulang salaysay, at iba pa. Dahil sa kaniyang husay, kinilala ang kaniyang mga akda at naisalin na sa lahat ng nangungunang buhay na wika ang kaniyang mga dula. Isinulat at lumaki siya sa Stratford-upon-Avon, Warwichshire, Inglatera. Nagpakasal sa murang edad na 18 at nagkaroon ng tatlong anak na si Susanna at ang kambal na sina Hamlet at Judith. Naging maunlad ang kaniyang karera bilang aktor, manunulat, at kahating-may ari ng isanh playing company na tinawag na Lord Chamberlain’s men, na naging King’s Men. Nagretiro sa Stratford sa edad na 49, at noong 1616, tatlong taon pagkatapos magretiro, siya ay namatay.
Buod ng Macbeth
ni William Shakespeare
Macbeth - pangunahing tauhan (idk what else description to give him)
Banquo - kaibigan ni Macbeth
- Sila ay ang magigiting na mga pinuno ng hukbong sandatan ng kaharian ng Scotland
Haring Duncan - pinuno ng hukbong sandatan ng kaharian ng Scotland. Hari na pinaslang ni Macbeth
Tatlong manghuhula - mga nakasalubong ng dalawang heneral sa kanilang pag-uwi na may nakakasindak na itsurang tila hindi mawari ang pisikal na kaanyuan.
- Binati nila si Macbeth bilang “Thane ng Glamis” at “Thame ng Cawdor:
- Sinabi rin nila na si Macbeth ay magiging hari balang araw.
Malcolm - anak ni Haring Duncan na gusto niyang maging tagapagmana ng trono. Naging bagong hari pagkatapos mapatay si Macbeth.
Lady Macbeth - asawa ni Macbeth na nagkaroon ng interes sa pagiging hari ni Macbeth
Macduff - isang pinagkakatiwalaan ng hari. Ang pumatay kay Macbeth
Donalbain - kapatid na prinsipe ni Malcolm
Fleance - anak ni Malcolm
- Si Macduff ang pumatay kay Macbeth at si Malcolm ang naging bagong hari sa pagkamatay ni Macbeth.
Bahagi ng Dula:
Yugto - kabanata (act)
Eksena - scene - bumubuo ng isang yugto
Tagpo - frame - paglabas at pagpasok ng kung saang tauhang gumanap
Sangkap ng Dula
Simula: Tauhan, Sulyap sa Suliranin, Tagpuan
Gitna: Saglit na kasiglahan, Tunggalian, Kasukdulan
Wakas: Kakalasan, kalutasan
Elemento ng Dula:
Iskrip o banghay
Gumaganap o aktor/karakter
Dialogo
Tanghalan
Direktor
Manonood
Tema
Pandiwa - ito ay bahagi ng pananalita o wika na nagsasaad ng kilos, aksiyon o galaw ng isang tao, bagay, o hayop.
Pokus ng Pandiwa
- Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.
Pokus sa Layon o Goal
- Kapag ang gumawa ng kilos ng pandiwa ay ang tuwirang layon ng pangungusap ito ay sumasagot sa tanong na “ano?”. Sa Ingles, ito ay ang direct object. Gumagamit ng mga panlaping tulad ng: -in, -i-, ipa-, ma-, at -an.
Mga halimbawa:
1, Kinain mo ba ang dala kong pasalubong?
2. Ibalita mo sa akin kung ano ang mangyayari mamaya.
Pokus sa Tagaganap o Aktor
- Nasa pokus sa tagaganap ang pandiwa kung ang paksa ng pangungusap ang siyang gumagawa o gumaganap sa kilos na isinasaad ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na “sino?”. Gumagamit ng mga panlaping tulad ng: mag-/nag-, -um, mang, maka-, makapag, magpa-, at maki.
Mga halimbawa:
1. Ang nanay ay nagluto ng hapunan
2. Kumuha ng kursong medisina si Ria.
Pokus sa Kaganapan
- Ang paksa o simuno ng lugar na ginagampanan ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na “saan?”
Mga halimbawa:
1. Pinagdausan ng kasal ang lumang simbahan.
2. Pinagtaniman ni Jerry ang bukid ng kanyang tatay.
Mga karagdagang halimbawa:
Layon 1. Pinitas ni Gemma ang mga pulang rosas sa hardin.
Tagaganap 2. Bumili ako ng bagong bag sa bagong bukas na mall.
Layon 3. Ang mga prutas ay binili sa pamilihan.
Tagaganap 4. Si Tonying ay umawit nang buong husay.
Layon 5. Ang mga platong ito ay pagkakainan ng mga bisita.
- Si Robert Lee Frost ay isang amerikanong makata. Lubos siyang kinikilala para sa kaniyang makatotohanang paglalarawan ng mga buhay-buhay ukol sa kanayunan. Siya ang sumulat ng tulang “Ang Daang Hindi Natahak”.
Pokus ng Pandiwa: Pinaglalaanan at Kagamitan
- Pokus ang tawag sa pansematikang kaugnayan ng pandiwa bilang bahagi ng pangungusap sa simuno o paksa ng pangugusap. Makikita ang pokus ng pandiwa sa mga panlaping ginagamit na nagpapahiwatig ng kaganapan ng pandiwa sa pangungusap.
Pokus sa Gamit o Instrumental
- Ang mga pandiwa ay nagsasaad na ang kasangkapan o bagay na ginamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa ang siyang paksa o simuno ng pangungusap. Gumagamit ng mga panlaping tulad ng: ipang-, ipinang-, maipang-, ipinam-
Mga halimbawa:
1. Ipinampunas ni Marco ang basahan sa mesa.
2. Ipinambili ni Andeng ng sapatos na pumasok ang perang pinag-ipunan
Pokus sa Pinaglaanan o Tagatanggap
- Ang pandiwa ay pinaglalaanan ng kilos ang siyang simuno ng pangungusap. Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap. Gumagamit ng mga salitang tulad ng: i-, -in, ipang-, at ipag-.
Mga halimbawa:
1. Kami ay ipinagluto ni Ate ng Adobo
2. Ibinili ni Drake ng pasalubong si Lolo.
Mga karagdagang halimbawa:
- Underlined ay pandiwa at bold ay paksa o simuno
Tagatanggap 1. Ipinagpatahi ni Ryan ng isang magandang damit ang kaniyang kakambal.
Instrumental 2. Ang mamahaling bolpen ang ipinampirma niya sa mga papeles.
Tagatanggap 3. Ipinanghuli ng malaking isda si Josh ng kaniyang mga kamag-aral.
Instrumental 4. Ipinanghiwa ng kusinero ang matatalas niyang kutsilyo sa kanyang pagluluto.
Tagatanggap 5. Binigyan ni Nina ng mga regalo ang mga batang lansangan.
Mga Elemento ng Tula:
Sukat - tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
Saknong - isang grupo sa loob ng isang tula na may dawala o maraming linya (taludtod)
Tugma - isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ay huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog.
Kariktan - kailangang magtaglay ang tula ng marikit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.
Talinhaga - ito’y isang sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula. Magandang basahin ang tulang di tiyakang tumutukoy sa bagay na binabanggit.
Simuno/Paksa - ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap.
Pokus sa sanhi - ang pandiwa ay nakapokus sa sanhi, kung ang paksa ay nagpapahayag ng sanhi ng kilos. Gumagamit ng mga panlaping i-, ika-, at ikina-. Sinasagot ang tanong na “bakit”
Hal.
Bold = Pandiwa(Kilos/Galaw), Underline = Paksa/Simuno
Ikinatuwa niya dahil siya ay nagkaroon ng kendi
Ikinagalit ng pangulo ang kapabayaan ng kaniyang mga tauhan
Isinalin ni Claire ang suka sa panibagong lalagyan dahil nabagsak ang dati nitong lalagyan
Ikinalungkot ng lahat ang naganap na pagsabog sa Davao
Pokus sa Direksiyon - nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa. Gumagamit ng panlaping -han, -in, -hin. Sumasagot sa tanong na “saan”.
Hal.
Inawitan ng kaniyang ina si Josh sa pagtulog.
Pinasyalan ng pangulo ang bahay-ampunan.
Magaganap ang isang sayawan sa pagdiriwang.
Iba Pang Halimbawa (i know we need it):
Ang mga Pilipino ay sinuportahan ang kandidatong si Rodrigo Duterte tungo sa pagbabago - Direksiyonal
Ikinatuwa ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng isang pulitikong handang ialay ang sarili para sa bayan - Sanhi
Dinalhan ng tulong na gamot ang mga nasalanta ng bagyo sa Tacloban. - Direksiyonal
Inawit ng mga mag-aaral ang Pambansang Awit tanda ng pagmamahal sa bayan - Sanhi
Hindi matatawaran ang labis na kasiyahan ng mga nagwagi sa ginanap na timpalak sa Sabayang Pagbigkas - Direksiyonal
Maikling Kuwento - anyo ng panitikan na nagsasalaysay ng pangyayari
Bahagi:
Simula, Gitna, Wakas
Mga Elemento ng Maikling Kuwento:
Tauhan, Protagonista, Antagonista
Tagpuan - dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba’t ibang lugar sa iba’t ibang panahon
Saglit na kasiyahan - pagsubok na darating sa buhay
Suliranin o Tunggalian - paglalabanan ng pangunahin tauhan at sumasalungat sa kanya.
Uri: Tao laban sa kalikasan, laban sa sarili, laban sa tao/lipunan
Kasukdulan - pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito pinahihiwatig ng mambabasa ang mangyayari.
Kakalasan - kinalabasan ng paglalaban
Wakas - trahedya, melodrama
Trahedya - pagkabigo
Melodrama - nasolusyonan
Paksang Diwa - mensaheng inihatid/aral/tema
Huseng Batute - Jose Corazon De Jesus
Ang Aginaldo ng mga Mago
Mga Karakter:
Della Dillingham Young - asawa ni Jim
Jim - asawa ni Della
Madame Sofronie - bumili ng buhok ni Della for 20 dollars
$1.87 ang salapi ni Della noong nagbukas ang kuwento. Ito lamang ang kaniyang pambili ng regalo para kay Jim, kaya siya ay naluha. Nakatira ang dalawa sa isang simpleng apartment, sila ay maralita lamang ngunit labis ang pagmamahal sa isa’t isa. Sa tuwing tatahan si Della sa pag-iyak, muli siyang haharap sa salamin at tinignan ang kaniyang tsokolateng buhok, ito ay isa sa mga yaman ng mag-asawa. Ang isa naman ang orasang ginto na laging suot ni Jim. Si Della ay nagtungo kay Madame Sofronie na may-ari ng tindahan ng mga palamuti sa buhok. Ipinagbili niya roon ang kaniyang buhok sa halagang 20 dolyar, kaya nakalikom na siya ng 21.87 dolyar. Si Della ay bumili ng bagong orasan para sa kaniyang asawa gamit ng pera na ito. Sabik na sabik siyang umuwi, may butil ng kasiyahan siyang nadama, ngunit baka hindi magsangayon ang asawa sa ginawa sa buhok. Dumating na si Jim at hindi makapaniwala sa ginawa ni Della, hindi matiyak ni Della ang reaksiton ng asawa ngunit ibinigay na ni Jim ang kaniyang regalo kay Della, kung saan ito ang naging dahilan kung bakit si Jim ay mayroong reaksiyon. Ang regalo na ito ay isang mamahaling suklay ngunit wala nang halaga dahil naglaho na ang kaniyang mahabang buhok. Ipinaliwanag ni Jim na ang kanyang orasan ay ipinagbili upang makakuha ng suklay si Della. Isinantabi nila ang regalo at sa wakas ay sila’y kumain.
Matalinhagang Pagpapahayag - nagbibigay ng makulay at mabisang pagpapakahulugan
Uri ng Matalinhagang Pagpapahayag:
A. Salawikain - bukambibig na hango sa karanasan ng tao at nagsisilbing gabay/patnubay
Hal.
Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
Kahulugan: Sa tinatagal-tagal ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay humahantong din ito sa kasalan
B. Idyoma - isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyonal, ang ibig sabihin, hindi ito makukuha sa pinagsama-samang kahulugan ng bawat salita
Hal.
Butas ang bulsa
Kahulugan: Walang pera
Ilaw ng tahanan
Kahulugan: Ina
C. Tayutay - di-karaniwang salita o isang matalinhagang pahayag na ginagamit upang bigyang-diin ang kaisipan, damdamin, o saloobin.
Mga Uri ng Tayutay:
1. Pagtutulad - di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng salita na: paris ng, kawangis ng, tulad/katulad ng, tila at mga panlaping: sing-, sim-, magsing-/magkasim-, at iba pa.
Hal.
Siya ay katulad ng kandilang unti-unting nauupos.
2. Pagwawangis - tiyak na paghahambing, ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig. Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing.
Hal.
Si Jona ay isang ibong humahanap ng kalayaan.
3. Pagsasatao - pagbibigay-buhay o paglalapat ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos - sa mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.
Hal.
Ang araw ay nahiya at nagtago sa ulap.
4. Pagtawag - isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
Hal.
Ama, huwag po Ninyo kaming pabayaan.
5. Pagmamalabis - lagpas-lagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin, at iba pang katangian, kalagayan, o katayuan.
Hal.
Nabiyak ang kanyang dibdib sa tindi ng dalamhati.
6. Pag-uyam - mapanuyang pahayag na may hayagang intensiyon na makapanakit ng damdamin.
Hal.
Talaga palang masipag ka, wala kang ginawa kundi matulog maghapon.
7. Balintuna - pangungutya na gumagamit ng kapuri-puring salita, ngunit kabaligtaran ang kahulugan. Mukhang hindi nakasasakit sa una, subalit sa kalaunan, matapos malimi, ay nakakasakit din ng damdamin.
Hal.
Umuunlad ang bayan sa dami ng utang.
8. Pagpapalit-saklaw - pagbanggit ng isang bahagi ng kabuuan upang bigyang-kahulugan ang isang bagay, konsepto o kaisipan.
Hal.
Hiningi ni Charles ang kamay ng dalaga.
9. Pasukdol - pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.
Hal.
Biglang nawala ang liwanag na sikat ng araw, dumilim ang kapaligiran, na nagsisimbolong paparating na ang bagyo.
10. Pagtanggi - paggamit ng katagang “hindi” na nagbabadya ng pagkasalungat.
Hal.
Hindi ko sinasabing tsismosa si Martha, ngunit ipinamalita niya na ang pagtatapat sa kaniyang lihim ng matalik na kaibigan. pero like she kinda stupid perchance
11. Paghimig - paggamit ng salitang kung ano ang tunog ay siyang kahulugan
Hal.
Dumagundong ang malakas na kulog (tae) na sinundan ng pagguhit ng matalim na kidlat (thundercrap)
12. Pag-uulit - paggamit ng iba-ibang istilo ng pag-uulit.
Aliterasyon - pag-uult ng unang titik o unang pantig sa isang linya ng pahayag o sa isang taludtod ng tula.
Hal.
Makikita sa mga mata ni Maria ang mga masasayang nangyari sa kanya kasama si Marco.
Anapora - pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay
Hal.
Kinausap ko si Manoling, sinabi ko sa kaniya na ang kaniyang ginawa ay pangit.
Anadiplosis - paggamit ng salita sa unahan at hulihan ng pahayag
Hal.
Bulag at pipi ang langit. Langit, na sa bulag at pipi, paningin at tinig ay nagkait.
Epipora - pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunod-sunod na taludtod.
Hal.
Ang konstitusyon sa Saligang-Batas ay para sa mamamayan, gawa ng mamamayan at mula sa mamamayan.
Empanodos - pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag.
Hal.
Ang langit ay lupa’t ang lupa ay langit. Bro is not cookin
Katapora - paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan
Hal.
Ito ay napakalaking parke. Ang Luneta Park ay isang makasaysayan na parke.
Bahagi ng sanaysay
Panimula - pinakamahalagang bahagi
Katawan - nagtatalakay ng mahalagang puntos
Wakas- nagwawakas..
Plato - pinakamahusay na pilosopong nabuhay
Thales -> socrates -> plato -> aristotle