( Aralin 4 )Ingklusibo at Interkultural na Komunikasyon sa Makabagong Panahon.
Konteksto
Dahil sa teknolohiya at social media, mas mabilis ang komunikasyon sa iba’t ibang kultura.
Tumataas ang pangangailangan sa ingklusibo at interkultural na komunikasyon gamit ang wikang Filipino.
Pangunahing Konsepto
Ingklusibong Komunikasyon
Paggamit ng wika na walang nilalait o minamaliit.
Layuning isama at igalang ang bawat tao anuman ang identidad.
Pag-iwas sa diskriminasyon o prejudice.
Nagpapakita ng respeto at sensitivity.
Interkultural na Komunikasyon
Kakayahang makipag-usap sa mga taong may iba’t ibang kultura at pinagmulan.
Pag-unawa na ang isang salita ay maaaring may ibang kahulugan sa ibang kultura.
Mahalaga ang empathy at paggalang.
Political Correctness
Ayon sa Roper ng Britannica.com
Tumutukoy sa paggamit ng wika na iiwas sa pang-aalipusta sa mga grupo batay sa kasarian, lahi, kultura, oryentasyon, at iba pa.
Kahit nagmula sa Kanluran, ang prinsipyo nito ay tugma sa paggalang at sensitivity sa kulturang Pilipino.
Mga Prinsipyong Katulad ng Political Correctness sa Wikang Filipino
Paggamit ng Magagalang na Pahayag
Pagkilala at paggalang sa kinakausap.
Tagalog: paggamit ng po at opo o ho at oho
Bisaya: walang po at opo ngunit ipinapakita ang paggalang sa tono at pagsama ng pangalan o titulo
Examples
Mali: Kumain ka na
Tama: Kumain na po kayo
Bisaya: Nikaon na ka, Ma
Inclusive na Salita
Filipino ay gender-neutral sa panghalip (“siya” = he/she), ngunit mas maiging maging inclusive sa paglalarawan ng tao o grupo.
Dating Katawagan → Inclusive na Katawagan
bakla, tomboy → miyembro ng LGBTQIA+ community
Pilipino → mamamayan ng Pilipinas
Miss or Mrs. or Mr. (pasulat) → Mx.
Pag-iwas sa Derogatoryong Katawagan
Ang layunin nito ay iwasan ang mapanlait na salita batay sa pinagmulan, anyo, o katayuan sa lipunan.
Kultural o Economic Status
Dating Katawagan → Inclusive na Katawagan
probinsiyano or probinsiyana → taong mula sa probinsya
katutubo or lumad → tukuyin ang tribo tulad ng Tboli, Ifugao, Mangyan
squatter → informal settlers
poor countries → developing countries
Pisikal na Kondisyon
Dating Katawagan → Inclusive na Katawagan
pipi or bingi → taong may speech o hearing impairment
baliw or buang → may mental health condition
lumpo → PWD, taong may kapansanan, persons with determination
matanda → senior citizen
Trabaho o Personalidad
Dating Katawagan → Inclusive na Katawagan
katulong → kasambahay
janitor → maintenance personnel
sabungero → cockfighting enthusiast
askal → aspin o asong Pinoy
Protestants or Born Again → non Catholic
Negatibong Slang sa Social Media
Marites
Pinagmulan: “Mare, ito ang latest”
Kahulugan: Tumutukoy sa taong mahilig sa tsismis at palaging nakikialam sa buhay ng iba.
Konotasyon: Negatibo, maaaring nakakasakit dahil inilalarawan ang isang tao bilang tsismosa at judgmental.
Kupal
Kahulugan: Isang matinding insulto sa taong bastos, walang pakundangan, o nakakainis ang ugali.
Konotasyon: Mas malala kaysa sa salitang “epal,” ginagamit upang siraan o insultuhin ang isang tao.
Dasurv
Pinagmulan: Galing sa salitang Ingles na “deserve”
Kahulugan: “Nararapat lang sa iyo iyan.”
Konotasyon: Maaaring positibo o negatibo, ngunit kadalasan negatibo kapag ginagamit upang siraan ang tao, halimbawa: “Dasurv mo 'yan!” kapag may masamang nangyari.
Dami mong alam
Kahulugan: Parirala na literal na “Maraming alam ka.”
Konotasyon: Madalas ginagamit bilang insulto para sabihing mayabang o ipinagmamalaki ang katalinuhan.
Bano
Pinagmulan: Gaming slang
Kahulugan: Tumutukoy sa isang player na walang kakayahan o “noob.”
Konotasyon: Negatibo, ginagamit upang hamakin ang kakayahan ng iba.
Delulu
Pinagmulan: Mula sa salitang “delusional”
Kahulugan: Tao na may maling paniniwala o naniniwala sa bagay na malabong mangyari.
Konotasyon: Negatibo, ginagamit upang tukuyin ang taong unrealistic o naiimpluwensiyahan ng sariling ilusyon.
Nepo babies
Pinagmulan: “Nepotism babies”
Kahulugan: Mga indibidwal na nagkamit ng tagumpay o yaman dahil sa yaman o impluwensya ng mga magulang.
Konotasyon: Negatibo, madalas may bahid ng pagseselos o pagbatikos sa hindi patas na pribilehiyo.