MGA URI NG TEKSTO

TEKSTONG IMPORMATIBO 

  • Ang uri ng tekstong na di-pikisyon

  • Isinulat ito sa layining makapaghatid ng impormasyon sa mambasbasa

  • Maaari itong mabasa sa magasin, mga batayang aklat, mga sangguinang aklat, atbp. 

  • Ang wika ay maaaring madaling maunawaan ng karaniwang mambabasa o wikang teknikal para sa dalubhasa o iskolar.

  • Ang iba ay mayroon ng biswal representasyon



MGA HALIMBAWA NA MAY TEKSTONG IMPORMATIBO

  • sangguiniang aklat tulad ng mga ensayklopediya

  • almanak

  • batayang aklat

  • Dyornal

  • Ulat

  • Pananaliksiksik

  • Artikulo

  • Komentaryo 

  • Polyeto 

  • Suring-papel

  • Sanaysay

  • Mangkahing proyekto

  • Balita


MGA ELEMENTO NG TEKSTONG IMPORMATIBO

  • Malaki ang naitutulong sa pag-unawa ng binabasang teksto o materyales kung nalalaman ang kayarian ng katha o ang hulwaran ng organisasasyon sa:

    • Kahulugan 

    • Pag-iisa-isa

    • Pagsusuri

    • Paghahambing 

    • Sanhi at bunga

    • Sularanin at solusyon 


MAHALAGANG TALASALITAAN 

Hulwarang organisasyon - pattern of organization

Katha - fiction

Karagdagang - to add

Tumatak - to impress


TEKSTONG DESKRIPTIBO

  • Ito ay isang uri ng teksto na may layuning ilarawang ang mga katangian ng isang paksa. 

  • Ginagamit ang paglalarawan sa halos lahat ng iuri ng teksto upang magbigay ng karadagang detalye at nang tumatak sa usuoab bg mambabasa ang isang karanasan o imahe ng paksang tinatalakay. 

  • Ginagamit ito sa pagdagdag i suporta sa mga impormasyong inilahad ng teksting impormatibo at sa mga pangyayari o kaganapang isinalaysay sa takstong natatibo


MGA HALIMBAWA NA MAY TEKSTONG DESKRIPTIBO

  • Mga akdang pampanitikan 

  • Talaarawan 

  • Talambuhay 

  • Polyetong panturismo

  • Suring-basa (rebyu)

  • Obserbasyon 

  • Sanaysay

  • Rebyu ng pelikula o palabas


MGA ELEMENTO NG TEKSTONG DESKRIPTIBO


KARANIWANG PANGLALARAWAN

  • Ito ang elemento sa tekstong deskriptibo na may tahasang inilarawan ang paksa sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga katangian nito gamit sa mga pang-uri at pang-abay

  • Mayroon ang ito sa mga balita, polyeto, at iba pa. 


MASINING NA PANGLALARAWAN

  • Sa itong elemento sa tekstong deskriptibo, malikhain ang paggamit ng wika upang makabuo ng kongkretong imahe tungkol sa ilarawan. 

  • Tinatangka nitong ipakita, iparinig, ipaamoy, ipalasa, at ipadama sa isang bagay, karanasan, o pangyayari

  • Halimbawa na mayroon ito ay ang tula, dula, nobela, kuwento, at sanaysay









MAHALAGANG TALASALITAAN 

Pampanitikan - literature

Palabas - (in this context) show

Tahasang - outright

Pamamagitan - mediator

Pagbanggit - mention

Malikhain - creative

Hambing - compare



MGA PAALALA SA PAGSULAT NG TEKSTONG DESKRIPTIBO


MGA TAYUTAY

PAGPATULAD

  • Ito ang tayutay na tumutokay sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, o pangyayari sa pamamagitan sa mga salitang tulad ng, parang, kagaya, kasing, kawangis, kapara, at katulad

  • “Kasingning ng mga bituin ang iyong mata.”


PAGWAWANGIS 

  • Itong tayutay ay tumutukoy sa tuwirang paghahambing kaya’t hindi ng kailangan gamitan ng mga salitang naghahayag ng pagkakatulad

  • Ang tawa ng bunsong anak ay musika sa tahanan”


PAGSASATAO

  • Itong tayutoy ay tumutukoy sa pagpalalapat ng mga katangiang pantao sa mga bagay na walang buhay. 

  • “Nahahabulan ang malakas na bugso ng hangin.”


PAGMAMALABIS

  • Ito ang tayutay na tumutokoy sa eksaherado o sobrang paglalarawan kung kaya hindi literal ang pagpapakahulugan. 

  • “Pasan ko ang daigdig sa dami ng problemang aking kinakaharapan.”


PAHIHIMIG

  • Ay tumutukoy sa paggamit ng salitang may pagkakatulad sa tunog ng bagay na inilalarawan nito 

  • “Dinig na dinig ko ang tik-tak na orasan”


MAHALAGANG TALASALITAAN 

Tayutay - figure of speech

Kasing - as 

Kawangis - like

Kapara - like

Pagwawangis - metaphor

Tahanan - home

Paglalapat - to apply

Habulan - chase

Bugso - gust (of wind)

Pagmamalabis - hayperboli

Pasan - burden 

Daigdig - world


TEKSTONG NAGHIHIKAYAT

  • Ito ay isang uri ng teksto na umapela o mapukaw ang damdamin ng mambabasa upang makuha ang simpatya nito at mahikayat na umayon sa ideyang inilalaad .

  • Sa araw-araw nating pamumuhay, palagi tayong nakatanggap ng mga mensahe sa iba’t ibang paraan na humihikayat sa ating maniwala sa isang kaisipan, gumamit ng mga produkto, atbp..

  • Nakaapekto ito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay at pag-iisip


MGA HALIMBAWA NA MAY TEKSTONG DESKRIPTIBO

  • Talumpati

  • Mga patalastas


MGA ELEMENTO NG TEKSTONG NAGHIHIKAYAT

  • Isa si Aristotle sa mga pilosipong naniniwala sa kahalagahan ng paghihikayat. 


ETHOS 

  • Ito ay tungkol sa karakter, imahe, o repyutasyon ng manunulat sa tapagsalita


LOGOS

  • Ito ay tungkol sa lohikal na pagmamatuwid ng manunulat/tapagsalita


PATHOS

  • Ito ay tungkol sa emosyon ng mambabasa/tapapakinig




MAHALAGANG TALASALITAAN 

Maghimok - urge

Talumpati - speech

Patalastas - advertisement


TEKSTONG NARATIBO

  • Ito ay isang teksto na may layuning na magsalaysay ng dugtong-dugtong at makaugnay na pangyayari

  • Ang mga pangyayari nito ay pagkakasunod-sunod

  • Ang pagsalaysay ay maaaring magamit para sa iba-ibang paksa o layunin ng teksto. Ilan ng mga uri ng teksto naratibo ang sumusunod:

    • Salaysay ng:

      • Nagpapalinawag

      • Pangyayari 

      • Pangkasaysayan

      • Pantalambuhay

      • Nakaraan

      • Pakikipagsapalaran 

    • Likhang-katha batay sa kasaysayan 


MGA ELEMENTO NG TEKSTONG NARATIBO


BANGHAY 

  • Binubuo ang banghay ng mga kawil-kawil na pangyayari

  • Inaayos ang mga pangyayaring ito upang makabuo ng isang estraktura o porma. Ang isang kuwento na walang ito ay sinasabing isa lamang pagsasalysay sa mga pangyayari.

  • Ang mahusay na paghahanda ng estraktura ng mga pangyayari ang mahihikayat sa mambabasa na basahin ito. 


FREYTAG’S PYRAMID

EKSPOSISYON

  • Ito ang pangunahing antas sa Freytag’s Pyramid 


KOMPLIKASYON

  • Ito ang ikalawang antas sa Freytag’s Pyramid

  • Ito ang problema sa kwento


KASUKDULAN 

  • Ito ang ikatlong antas sa Freytag’s Pyramid 

  • Ito ang pinakadrama ng bahagi sa kwento


KAKALASAN

  • Ito ang ikaapat ng antas sa Freytag’s Pyramid

  • Medyo nawawala ang problema dito


WAKAS

  • Ito ang wakas sa Freytag’s pyramid


IN MEDIA RES

  • Ang kahulugan ito ay ang pagsimula sa kwento sa kagitnaan


TAGPUAN 

  • Ito ang lugar at oras sa na naganap ang kwento 


SULARANIN O TUNGGALIAN 

  • Ito ang problema sa isang kwento 


DIYALOGO

  • Ito ang kapag-nagsalita na ang tauhan sa isang kuwento.


MAHALAGANG TALASALITAAN 

Dugtong-dugtong - piece by piece

Pakikipagsapalaran - adventure

Kawil-kawil - hook

Kasukdulan - climax

Kakalasan - falling action


TEKSTONG ARGUMENTATIBO

  • Itong uri ng teksto ay nakatuon sa layining manghihikayat sa pamamagitanng pangangatwiran batay sa katotohan o lohika, hindi sa emosyon at simpatya

  • Nakabatay sa ebidensya 

  • May-pgsaalang-alang sa kasalungat na pananaw

  • Nakabatay sa katwiran at mga patunay na inilatag amg panghihikayat

  • Nakabatay sa lohika


MGA HALIMBAWA NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO

  • Tesis

  • Posisyong papel

  • Papel pananaliksik

  • Editoryal 

  • Petisyon




MGA LIHIS NG PANGANGATWIRAN


AD HOMINEM 

  • Ito ang lihis ng pangangatwiran naglaban sa sinumang nagpresenta sa isyu o argumento


AD BACULUM

  • Ito ang lihis ng pangangatwiran na naggamit ng puwersa o panakot sa sinumang pagpresenta sa isyu o argumento.


AD MISERICORDIAM

  • Ito ang lihis ng pangangatwiran na pangihi ng awa o simpatya. 


AD NUMERAM 

  • Ito ang lihis ng pangangatwiran na nagbigay ng katwiran na base sa anong sikat o popular. 


AD IGNARANTIAM

  • Ito ang lihis ng pangangatwiran na batay sa kawalan ng sapat ng ebidensya 


CUM HOC ERGO PROPTER HOC

  • Ito ay batay sa pakakaugnay ng dalawang pangyayari 

  • Ang dahilan sa isang karanasan ay dahil sa ibang karanasan na walang ebidensya

  • “Manamit ako ng pula, kase sa tuwing nakapula ako ay laging mataas ang benta ko. 


POST HOC ERGO PROPTER

  • Ito ang lihis ng pangangatwirang pagmamatuwid ay batay sa magkakasunod-sunod ng pattern  ng mga pangyayari

  • “Tumilok ang manok, ibig-sabihin ay umaga na”


NON SEQUITUR

  • Ito ang konklusyon na may walang lohikal kaugnayan sa naunang pahayag


PAG-IKOT SA PANGANGATWIRANG

  • Paulit-ulit ang pahayag walang malinaw na punto


PAGDALOS-DALOS NA PAGLAHAT

  • Paggawa ng panlahatang konklusyon batay sa isang katangian sa isang paksa 

  • “Ang pinakamatalino sa klase ko ay Chinese. Ibig-sabihin, lahat ng chinese ay matalino.”


MAHALAGANG TALASALITAAN 

Puwersa - threat

Sapat - enough


TEKSTONG PROSIDYURAL

  • Ito ang uri ng teksto na nagbigay ng mga panuto o hakbang para ginagawa ng isang bagay. 

  • Layunin sa itong teksto ay kadalasang tumutokoy sa lalalabasan o bunga na dapat matamo pagkatapos magawa nan wasto ang lahat ng hakbang


MGA HALIMBAWA NG TEKSTONG PROSIDYURAL

  • Resipi

  • Manwal

  • Gabay sa paggawa ng proyekto 

  • Eksperimentong siyentipiko

  • Makaniks ng laro

  • Mga altintuntunin sa kalsada


MAHALAGANG TALASALITAAN 

Matamo - to attain

Kadalasang - usually