Pag-aaral ng Kasaysayan at Lipunang Pilipino

Pag-aaral ng Lipunang Pilipino

  • Siyentipiko at kritikal na pagsusuri sa kasaysayan, kultura, politika, ekonomiya, at pag-uugali ng mga Pilipino.

  • Kilala rin bilang Pilipinolohiya o Philippine Studies.

  • Layunin: Maunawaan ang sariling identidad at mga isyung kinakaharap ng bansa gamit ang sariling pananaw ng mga Pilipino.

Kamalayan (Consciousness)

  • Katuturan: Pagkaalam, pagkapukaw ng isip, at malalim na pagkaunawa ng tao sa kanyang sarili at sa mga nangyayari sa kanyang paligid.

  • Katangian: Gising ang isip, nakakaramdam, at may pakialam sa kapaligiran.

  • Halimbawa: Pag-unawa sa problema ng basura sa komunidad at ang epekto nito sa kalusugan.

Kasaysayan (History)

  • Katuturan: Sistematikong pag-aaral at pagsusuri sa mga totoong pangyayari na naganap sa nakaraan.

  • Salitang-ugat: Nagmula sa salitang "SAYSAY" na may dalawang mahahalagang aspekto:

    • Salaysay: Ang pag-uulat o pagkukuwento ng mga detalye.

    • Kabuluhan / Halaga: Ang dahilan kung bakit mahalaga o may epekto ang isang bagay hanggang ngayon.

Mga Tanong sa Pagsusuri

  • 1. Ano ang nasa larawan? (Halimbawa: plantsa de-uling)

  • 2. Kailan kaya ito kinuha o ginamit?

  • 3. Saan kayang lugar o para saan kayang gamit ito?

  • 4. Noong unang tingin ninyo sa larawan at hindi pa ninyo alam kung ano ito, ano ang naramdaman o naisip ninyo?