FILIPINO 3RD QUARTER
Mga Uri ng Pagsasalaysay
Maikling Kuwento
Nagdudulot ng kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Nagsasalaysay ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan.
Tulang Pasalaysay
Naglalahad ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga saknong.
Dulang Pandulaan
Binibigyang diin ang bawat kilos ng tauhan.
Isinasalaysay para itanghal, kasama ang panlabas na kaanyuan, pananamit at ayos ng buhok.
Nobela
Nahahati sa mga kabanata.
Punong-puno ng masalimuot na pangyayari.
Anekdota
Pagsasalaysay batay sa tunay na mga pangyayari.
Alamat
Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o sa paligid.
Kasaysayan
Pagsasalaysay ng mahahalagang pangyayaring naganap sa isang tao, pook, o bansa.
Talambuhay
"Tala ng buhay" hanggang sa wakas ng isang tao.
Tala ng Paglalakbay (Travelogue)
Pagsasalaysay ng pakikipagsapalaran at paglalakbay.
Karakter at Estilo ng Tula
Kahalagahan ng Tayutay
Ang mga pantig ng taludtod o mga salita ay piling-pili.
May kasamang tayutay, simbolismo, at masining na pananalita.
Sukat
Tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
Tugma
Ang tunog ng mga hulihan ng mga pantig sa bawat taludtod.
Kariktan
Ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula.
Talinghaga
Ang kahulugan o ang ipinahihiwatig ng tula mula sa may-akda.
Katangian ng Tula
Matalinghagang Pahayag
May malalim o hindi lantad na kahulugan.
Halimbawa:
butas ang bulsa - walang pera
balat-sibuyas - maramdamin
kapus-palad - mahirap
Simbolismo
Naglalahad ng mga bagay at kaisipan sa pamamagitan ng mga sagisag.
Ang mga ordinaryong bagay ay may nakakabit na natatanging kahulugan.
Pagsasalaysay - isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay.
Gramatikal - ito ang tamang paggamit ng balarila sa pangungusap katulad ng wastong pagbigkas at pagbaybay ng mga salita.
Diskorsal - ito ang paggamit ng wikang binibigkas at sinusulat upang makalikha ng makabuluhan at maayos na pagpapahayag
Strategic - dito ginagamit ng nagsasalita ang mga uri ng komunikasyon ng berbal at hindi berbal upang maihatid nang mas malinaw at mas maayos ang mensaheng nais ipahayag