INTERKULTURAL NA KOMUNIKASYON (MAB KOM)

> Pagsasama ng grupo/tao na may iba’t ibang kultura.

> pagpapalitan ng mensahe sa pagitan ng mga taong mula sa magkaibang kaligirang kultural.

> tungkol sa pagkakaunawaan, pakikipagtalastasan, at pakikipagtulungan sa kabila ng mga pagkakaiba-iba sa kultura, wika, at paniniwala.

> wika, kultura, paniniwala at kaugalian

> makikita sa edukasyon, negosyo, turismo, at social media

Kahalagahan ng Interkultural na Komunikasyon

Pagpapalawak ng Pananaw - Ang pakikipag-ugnayan sa iba't ibang kultura ay nagbubukas ng mga bagong pananaw at nagpapalawak sa ating pag-unawa sa mundo.

Paggalang sa Pagkakaiba-iba - Sa pamamagitan ng interkultural na pakikipag-ugnayan, natututuhan natin ang pagpapahalaga at paggalang sa mga pagkakaiba-iba ng kultura.

Pagsusulong ng Ekonomiya - Ang interkultural na pakikipag-ugnayan ay maaaring magdulot ng mga oportunidad sa larangan ng negosyo at ekonomiya.

Elemento ng Interkultural na Komunikasyon

1. Persepsyon-

Paraan ng pag-unawa at pagbibigay-kahulugan sa impormasyon batay sa sariling karanasan, kultura, at paniniwala.

> Naiimpluwensyahan ng mga nakagawiang pag-iisip, personal na karanasan, kultural na background.

2. Berbal na Proseso

Paggamit ng wika at mga salitang ipinapahayag nang tuwiran.

• Kasama ang: bokabularyo, gramatika, paraan ng pagbigkas at tono.

• Nagkakaiba sa bawat kultura kaya’t nagdudulot minsan ng maling interpretasyon.

3. Di-Berbal na Proseso

• Paggamit ng kilos, galaw, ekspresyon ng mukha, at iba pang senyales na walang salita.

• Halimbawa: Kinesics, proxemics chronemics,paralanguage, iconics,atbp.

4. Kontekstwal na elemento

• Mga salik na nakakaapekto sa kahulugan ng mensahe batay sa sitwasyon at kapaligiran.

• Kabilang dito ang: Pisikal na konteksto (lugar, oras, kondisyon ng kapaligiran), sosyal na konteksto (relasyon ng mga kalahok, norms), kultural na konteksto (mga paniniwala at kaugalian ng kultura ng kalahok)

ESTILO NG KOMUNIKASYON

LOW CONTEXT COMMUNICATION

> malinaw at tuwiran ang pagpapahayag ng ideya.

> Umaasa sa salita mismo (spoken o written) para maiparating ang mensahe, hindi sa mga pahiwatig o di- berbal na cues.

> “straight to the point”

> USA, Canada, Germany, Sweden, Australia

HIGH CONTEXT COMMUNICATION

> mas mahalaga ang pahiwatig, konteksto, at relasyon kaysa sa mismong sinasabi.

> sa di-berbal na senyales (body language, tono, katahimikan) at sa “shared understanding” ng magkakausap.

> Hindi lahat kailangang sabihin nang direkta; maiintindihan na yan sa pamamagitan ng konteksto.

> Japan, China, South Korea, Middle East, Spain, African nations.

Hadlang sa Interkultural na Komunikasyon

> 1. Kakulangan ng kaalaman sa kultura

-Ang kakulangan sa kaalaman sa kultura ng iba ay isang sagabal sa interkultural na komunikasyon.

-2. Takot at walang tiwala

-Ang takot at walang tiwala sa ibang lahi o kultura ay isa ring sagabal sa ugnayan ng dalawang magkaibang lahi o sa multikultural na komunikasyon.

3. Rasismo

Ang diskriminasyon sa pagitan ng magkaibang kultura ay malaking balakid sa pagtatamo ng matagumpay na komunikasyon.

4. Etnosentrismo (Ethnocentrism)

Isang sagabal sa multikultural na komunikasyon ang paniniwalang mas mataas ang kaniyang kultura kaysa kultura ng Iba.

5. Stereotyping

Malaking sagabal ang de-kahong paglalarawan ng isang kultura o lahi na ikinakabit natin sa bawat taong kabilang dito.

6. Pagkakaiba-iba ng wika

Nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng nag-uusap kung ang wikang kanilang ginagamit sa pakikipagtalastasan ay magkaiba at hindi nauuwaan ng bawat isa.

Estratehiya sa Interkultural na Komunikasyon

Pagkilala at Paggalang sa Kultura – Alamin at igalang ang tradisyon, paniniwala, at values ng kausap.

Aktibong Pakikinig – Makinig nang mabuti at magtanong kung may hindi malinaw.

Pag-aangkop ng Komunikasyon – Baguhin ang tono at istilo ayon sa kultura (high-context o low-context).

Bukas sa Pagkatuto – Maging handang matuto mula sa iba’t ibang kultura.

Interkultural na Komunikasyon sa Konteksto ng Globalisasyon

Sa panahon ng globalisasyon, ang interaksyong interkultural ay naging mas madalas, mas mabilis, at mas kumplikado dahil sa pag-unlad ng teknolohiya, media, transportasyon, at internasyonal na kalakalan.

1. Pinabilis na Daloy ng Komunikasyon

>Sa tulong ng social media, instant messaging, video conferencing, at real-time translation tools, nagiging mas madali ang pakikipag-usap sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

2. Paglawak ng Cultural Exchange

> Pelikula, musika, fashion, at pagkain mula sa iba’t ibang bansa ay madaling napapasa at nakikilala sa buong mundo.

3. Bagong “Dynamics” sa Lugar ng Trabaho

Sa globalisadong negosyo, karaniwan na ang multicultural teams na binubuo ng mga taong may iba’t ibang wika, kaugalian, at pananaw. Kinakailangan ng cross-cultural communication skills upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at makamit ang produktibong kolaborasyon.

Pagpapalawak ng Kamalayan Sa Sariling Kultura (Cultural Self-Awareness)

Ang cultural self-awareness ay ang kakayahan na kilalanin at maunawaan kung paano hinuhubog ng sarili nating kultura ang ating pagkatao, pananaw, at pakikitungo sa iba. Kabilang dito ang ating wika, paniniwala, kaugalian, at halaga. Mahalaga rin ang pagkilala na hindi lahat ng tao ay pareho ng ating gawi at pananaw, at ang kultura ay nagbabago sa paglipas ng panahon.