Introduksyon sa Pagsulat: Paanyaya sa Akademikong Sulatin
Layunin ng Pag-aaral sa Akademikong Pagsulat
Ang pag-aaral sa larangang ito ay nakatuon sa tatlong pangunahing tunguhin:
Nauunawaan ang depinisyon ng pagsulat pati na ang kalikasan, layunin, at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan. Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat. Napahahalagahan ang pagkatuto sa paksa sa pamamagitan ng pagbuo ng isang talata na magsasaad sa kahalagahan ng akademikong sulatin sa buhay bilang isang estudyante; at nailalahad ang kaibahan ng akademikong pagsulat at malikhaing pagsulat gamit ang T-tsart.
Depinisyon ng Pagsulat mula sa Iba't Ibang Pananaw
Ang pagsulat ay ang pagtala ng mga ideya o kaisipang nabuo ng utak sa papel o anumang kagamitang maaaring mapagsalinan upang makapagpahayag.
Narito ang mga perspektiba mula sa mga eksperto:
Badayos (): Ang pagsulat ay isang kontinuwum ng mga gawain sa pagitan ng mekanikal o pormal na aspektong pagsusulat sa isang banda at ng mas kompleks na gawain ng paglikha.
Hugney, et.al (): Nakatutulong ang pagsulat sa paglinang ng kakayahan ng mga estudyante sa lohikal na pag-iisip at paglutas ng suliranin.
Rivers (): Ito ay isang gawaing nag-uugat mula sa pagtamo ng kasanayan (skill-getting) hanggang ang kasanayang ito ay aktwal na magagamit (skill-using).
Belvez (): Ang pagsulat ay ang pagsasatitik ng ating mga ideya at kaisipan upang mabasa at pakinabangan ng iba.
Rogers (): Ang pagsulat ay masistemang paggamit ng mga grapikong marka na kumakatawan sa espesipikong lingguwistikong pahayag.
Goody (): Ang pagsulat ay itinuturing na pundasyon ng sibilisasyon.
Kalikasan ng Pagsulat
Ang pagsulat ay sumasailalim sa mga sumusunod na katangian:
Pisikal at mental na aktibiti: Kinapapalooban ito ng koordinasyon ng katawan at isipan. Ekstensyon ng wika: Ayon kina Peck at Buckingham, ang pagsulat ay nagsisilbing pagpapalawig sa kakayahang pangwika. Biyaya, pangangailangan, at kaligayahan: Ayon kay Keller, ang pagsusulat ay isang mahalagang bahagi ng pagkatao at damdamin. Komprehensib na kasanayan: Ayon kina Xing at Jin, ito ay paggamit ng mga kaalamang panlingguwistika sa isang malawak na antas. Proseso: Ang pagsulat ay hindi agarang natatapos kundi dumadaan sa iba't ibang yugto.
Ang Sistematikong Proseso ng Pagsulat
Ang matagumpay na pagsulat ay dumadaan sa apat na pangunahing hakbang:
Bago Sumulat (Pre-writing)
Pagpili ng paksa.
Pag-alam sa tiyak na layunin sa pagsulat at pagkilala sa target na mambabasa.
Pangongolekta ng mga kinakailangang datos.
Aktwal na Pagsulat (Drafting)
Pagsulat ng burador o draft.
Agad na isinusulat ang mga ideya sa anyo ng mga pangungusap at talata.
Muling Pagsulat (Rewriting)
Pagrebisa: Pinapalinaw ang ideya at nilalaman. Iniwawasto ang mga kamalian sa pamamagitan ng pagbabago, pagpapalit, pagdaragdag, o pagkakaltas ng mga salita, parirala, o pangungusap.
Pag-eedit: Iniwawasto ang teknikal na aspekto gaya ng gramatika, ispeling, estruktura ng pangungusap, wastong gamit ng salita, at mekaniks sa pagsulat.
Huling Pagsulat o Pinal na Pagsulat
Pagsasagawa ng proofreading.
Pagtatama sa mga maling gramatika, gamit ng mga salita, paggamit ng malaking titik sa mga pangngalang tangi, mga bantas, at baybay.
Pagkakaiba ng Personal at Akademikong Pagsulat
Mayroong dalawang pangunahing kategorya ang pagsulat:
Personal at Malikhaing Pagsulat
Layuning makalikha ng tula, nobela, kwento, at iba pang anyo ng panitikan o literatura.
Malaya ang paggamit ng wika.
Akademikong Pagsulat
Paggawa ng mga pormal na sulatin.
May tonong pormal.
Sumasailalim sa istriktong kumbensiyon ng pagbabantas, pagbabaybay, at gramatika.
Tinatawag ding intelektwal na pagsulat dahil nangangailangan ito ng mataas na antas ng pag-iisip.
Ang manunulat ay dapat may mapanuring pag-iisip.
Ayon kay Edwin Mabilin (), lahat ng uri ng pagsulat ay bunga ng akademikong pagsulat.
Katangian ng Akademikong Sulatin
Upang maituring na akademiko ang isang sulatin, dapat itong maging:
Obhetibo: Ang tono ay impersonal at iniiwasan ang paglalagay ng personal na opinyon.
Pormal: Pormal ang tono at ang wikang ginagamit.
Maliwanag at Organisado: Malinaw ang mga ideyang inilahad pati na ang estruktura nito.
May Paninindigan: Naglalahad ng mga impormasyong may kredibilidad.
May Pananagutan: Kinikilala ang mga sanggunian na pinagmulan ng impormasyon.
Klasipikasyon ng mga Sulatin
Malikhaing Sulatin: Layuning magbigay ng aliw, makapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon. Bunga ito ng malikot na isipan. * Mga Halimbawa: Maikling kwento, dula, tula, malikhaing sanaysay, komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula. Teknikal na Sulatin: Layuning pag-aralan ang isang proyekto o bumuo ng pag-aaral para malutas ang isang suliranin. * Mga Halimbawa: Feasibility Study. Propesyonal na Sulatin: Ginagawa ng isang partikular na propesyon. * Mga Halimbawa: Lesson plan, assessment, diagnosis, blue print, medical report. Dyornalistik na Sulatin: May kinalaman sa pamamahayag o dyornalismo. * Mga Halimbawa: Balita, editoryal, lathalain, artikulo. Reperensyal na Sulatin: Pagkilala sa pinagkunan ng impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon. * Mga Halimbawa: Kaugnay na Literatura at Kaugnay na Pag-aaral, Citations. Akademikong Sulatin: Layuning linangin ang kakayahan ng mga mag-aaral. * Mga Halimbawa: Bionote, lakbay-sanaysay, photo essay, replektibong sanaysay.
Mga Layunin at Hulwaran sa Pagsulat
Layunin ng Pagsulat:
Magbigay impormasyon / Magpabatid
Manghikayat
Mang-aliw
Personal na aspeto
Transaksiyonal / Panlipunan / Sosyal
Komunikasyon
Mga Gamit/Hulwaran sa Pagsulat:
Depinisyon: Pagbibigay ng katuturan o kahulugan sa konsepto o termino.
Denotasyon: Literal o lantaran na kahulugan. Halimbawa: "Gusto ko ang kanyang bilugang mata." (Bahagi ng katawan).
Konotasyon: Nakatago ang kahulugan. Halimbawa: "Siya ang mata ng ahensya sa kuta ng mga sindikato." (Nangangahulugang ispiya).
Enumerasyon: Pag-uuri o pagpapangkat ng mga halimbawang nabibilang sa isang uri o klasipikasyon.
Order: Nagsasaad ng pagkakasunod-sunod:
Sekwensyal (pangyayari)
Prosidyural (proseso)
Kronolohikal (petsa)
Paghahambing o Pagtatambis: Pagpapakita ng pagkakatulad at pagkakaiba. Halimbawa: Mas madali ang pag-aaral noong wala pang kaysa ngayon na may pandemya, ngunit parehong natututo ang mag-aaral.
Sanhi at Bunga: Pagpapakita ng kadahilanan at resulta. Halimbawa: Ang mga mag-aaral ay pumipili ng online at offline class dahil ipinagbawal ang face-to-face classes bunsod ng .
Problema at Solusyon: Paglalahad ng suliranin at lunas. Halimbawa: Dahil sa , nagpalabas ng kautusan ang Pangulo hinggil sa upang maiwasan ang pagdami ng kaso.
Kalakasan at Kahinaan: Paglalahad ng positibo at negatibong anggulo ng isang usapin.