El Filibusterismo Study Notes

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUTERISMO

  • El Filibusterismo ay ikalawang nobela na sinulat ni Jose Rizal.

  • Ang katagang filibustero ay nangangahulugang "rebelde" o isang tao na may layuning pabagsakin ang gobyerno.

PAGSUSULAT NG EL FILIBUTERISMO

  • Sinimulan ni Jose Rizal ang pagsusulat ng El Filibusterismo noong Oktubre 1887 sa Calamba, Laguna.

  • Ipinagpatuloy niya ang pagsulat sa iba't-ibang bansa gaya ng London, Paris, at Brussels.

  • Natapos ang manuskrito noong Marso 29, 1891 sa Biarritz, France at nailathala noong Setyembre 18, 1891 sa Gante, Belgium.

MGA TAUHAN AT KATANGIAN NG EL FILIBUTERISMO

Protagonista at Antagonista
  • Protagonista: Siya ang bida sa kwento, nakasentro dito ang daloy ng kwento.

  • Antagonista: Ang kontrabida na nagdadala ng panganib at kapahamakan sa bida.

Uri ng Karakter
  • LAPAD: Hindi nagbabago ang karakter.

  • BILOG: Nagbabago ang pananaw o pag-uugali ng karakter.

Mga Mahahalagang Tauhan
  • Simoun: Ang mayamang mag-aalahas at kaibigan ng Kapitan Heneral.

  • Basilio: Batang anak ni Sisa na nag-aral ng medisina.

  • Isagani: Makata at manunugma, mahusay sa pakikipagtalo.

  • Juliana (Juli): Anak ni Kabesang Tales at kasintahan ni Basilio.

  • Kabesang Tales: Magsasaka at naging lider ng barangay.

  • Kapitan Tiago: Inilalarawan bilang sunud-sunuran sa mga prayle.

  • Maria Clara: Tanging babaeng inibig ni Simoun.

KASUNDUAN SA FILIPINO: PAGBUBUOD AT PAGSASALAYSAY

Kategorya ng Pagbuo ng Ulat
  • Napakahusay (10 pts): Lubos na komprehensibo at maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga impormasyon.

  • Mahusay (8 pts): Malinaw ang paglalahad ngunit may ilang kulang na detalye.

  • Katamtaman (6 pts): May mga hindi gaanong mahalagang impormasyon.

  • Dapat Pang Pagbutihin (4 pts): Maraming nawawalang mahahalagang impormasyon at magulo ang estruktura.