Estadong Bayan sa Paglaganap ng Islam, 1280-1588

Tuan Masha’ika: Maagang Islam (h-k. 1280 – 1380)

  • Bago ang 1280 MK, hindi pa nakapasok ang Islam sa Pilipinas.
  • Sulu ay naging sentro ng komersyo.
  • Tuan Masha’ika, isang Malay na Muslim, ay dumating.
  • Ayon sa Henealohiya ng Sulu, siya ang unang nagdala ng Islam sa Pilipinas.
  • Ang "tuan" ay nangangahulugang “ginoo” at ang “masha’ika” ay “pinunong matanda”.
  • Tumira si Masha’ika sa Maimbung at pinakasalan ang anak ni Rajah Sipad.
  • Pinagsama niya ang tradisyong Muslim at sinaunang kaugalian.
  • Ang mga libingang Muslim sa Sulu ay may anyong bangka, tulad ng sa ibang lugar sa Pilipinas.

Karim-ul-Makhdum: Pag-uugat ng Islam (1380 – 1450)

  • Ang pagdating ng ibang mga Muslim ay nagpalakas sa impluwensya sa Sulu.
  • Karim-ul-Makhdum ay may galing sa mahika at tiningala bilang guro at propeta.
  • Nagpatayo siya ng moske sa Tubig Indangan sa Simunol, Tawi-Tawi.
  • Nakakalibing raw siya sa Tandau banak.
  • The Sheik Karimal Masoum Mosque ay matatagpuan sa Simunul, Tawi-E.
  • Ang Islam ay pinalakas sa Pilipinas ni Sheik Makhdum, isang misyonerong Arabe, na unang lumunsad sa Tubig-Indangan, Simunul sa Tawi-Tawi noong 1380.
  • Itinayo niya ang kauna-unahang simbahang Muslim sa Pilipinas.
  • Ang orihinal na haligi nito ay yari sa ipil at pinangangalagaan hanggang sa kasalukuyan.

Sultan Abubakr: Pag-aangkin ng Islam (1450 - 1515)

  • Dumating si Abubakr sa Pilipinas noong 1450 mula sa Palembang.
  • Nakakasama niya si Rajah Baginda.
  • Nakuha niya ang titulong “sultan” nang mapangasawa niya si Paramisuli, anak ni Baginda.
  • Sharif-ul- Hashim at Zein-ul-abidin ang ilan sa mga titulo ni Abubakr.
  • Siya ang tagapagtatag ng Sultanato ng Sulu.
  • Nagpatayo siya ng madrasa o paaralan ng Qur’ân.
  • Ginamit niya ang tradisyunal na pagtuturo ng mga propeta ng Qur’ân na kung tawagin ay Hadith.
  • Ang pinakamalaking impluwensya ni Abubakr ay sa pulitikal na aspeto ng Islam.
  • Marami siyang kontribusyon sa mga batas ng Sulu ukol sa Islam at sa pamamahala.

Sultan Kabungsuwan at Raha Sulayman: Kaibayuhan ng Islam (1515 - 1588)

  • Saklaw ng seksyong ito mula kay Sultan Kabungsuwan hanggang sa mga radya/raha ng Maynila.
  • Dumating si Kabungsuwan noong 1515 sa Maguindanao.
  • Ang kanyang pagkakasal sa mga anak ng mga pinuno ng mga karatig bayan ay ang naging batayan ng kanyang paghahari.
  • Malawak ang sakop ng kapangyarihan ni Kabungsuwan mula Maguindanao, Cotabato, hanggang Zamboanga.
  • Sa Maynila, sina Raha Sulayman at Raha Matanda ang malalakas na pinunong Muslim nang dumating si Legazpi.
  • May kaugnayan sina Matanda at Sulayman sa Sultan ng Brunei.
  • Si Raha Matanda ay prinsipe ng Brunei at tiyo ni Raha Sulayman.
  • Nasa ganitong antas ng kaayusan ang Maynila nang dumating ang ekspedisyong Kastila sa Pilipinas noong 1570.
  • Si De Goiti ang namuno ng unang ekspedisyon, at sinundan ni Legaspi.
  • Hindi tinanggap ni Kabungsuwan ang mga ekspedisyon, ngunit napilit nila si Sulayman na tanggapin ang mga dayuhan.

Ukol sa Kahalagahan ng 1521 sa Kasaysayang Pilipino

  • Ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ay balak ipagdiwang ang “500th Anniversary of Christianity in the Philippines.”
  • Ang estado ay ipagdiriwang din ang 1521 sa “Filipino Way” na may Filipino-centric point of view ng first circumnavigation of the world.
  • Hindi pangkasaysayan ni makasaysayan ang tatlong dahilan na hinango bilang resulta ng “unang nakumpletong pag-ikot ng daigdig”.
  • Ang unang dahilan ay kaugnay ng “Unang Misa sa Pilipinas” na may agawan sa pagitan ng Limasawa at Butuan.
  • Walang kahalagahan sa kasaysayan ng ating kapuluan, kahit na sa paglaganap dito ng Kristiyanismo.
  • Isang ugaling kolonyal na maging una matapos ang iba.
  • No lasting Christian community was set up hanggang 1565 nang dumating sina Legazpi .
  • Ang “Santo Niño” na ibinigay sa asawa ni Humabon ay naging isang ladawang pangritwal ng babaylan.
  • Para iwasan ang “pagkatuklas” ng Pilipinas ni Magallanes kinailangang ipagdiwang ang okasyon sa “Filipino way."
  • Tinanggap nang may pakikipagkapwa-tao ang mga namamatay sa gutom na mga manlalakbaydagat.
  • Katangian ng Kabisayaan ang “pangangayaw”.
  • Pagkatapos tangkain ni Magallanes pasundin si Lapulapu, napagtanto ni Humabon ang kahinaan nina Magallanes.
  • Inimbita niya ang mga tripulante sa piging, kung saan minasakre ang mga dumalo.
  • Pangatlong rason ng estado ay ang tapang at kagitingan ng mga mandirigma ng Mactan, kasama si Lapulapu.
  • Ang ipinagtatanggol niya ay ang pagiging primus inter pares (pagiging pinuno).
  • Walang batayan sa kasaysayan ang mga dahilan ng Simbahan at ng Estado upang mapanatiling ipagdiwang ang 1521.
  • Samakatuwid, nagsimula ang historia ng “misión civilizadora de la Nación Española y de la Iglesia Católica” sa kapuluan.
  • Higit na mas importante pa kaysa sa taóng 1521 MK ang taóng 900 MK sa kasaysayan ng Bansa.
  • Petsa ito ng Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna (Laguna Copperplate Inscription).
  • Kung mayroon mang halaga ang 1521 para sa sariling kasaysayan, ito ay ang mga tala na naisulat ni Antonio Pigafetta ukol sa mga Pilipino.

Kabihasnang Pilipino sa Ika-16 na Dantaon

  • Nakaugnay ang mga kultura ng mga pilipino sa mga gawain sa mga nakaraang slides.
  • May malaking kaugnayan ang mga ito sa mga nadatnan ng mga Espanyol dahil ito rin ang naisulat sa mga tala at mga kronikang espanyol.

Ang Relihiyon ng Dating Panahon

  • Kailangang kilalanin ang kapangyarihan ni Bathala na kinakatawan ng araw.
  • Igagalang ang mga diwata at anito.
  • Iwasan ang masasamang espiritu sa pamamagitan ng ritwal.
  • May ritwal kung may lindol o bagyo, ikakasal, nagbubuntis, manganganak, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, bago pumunta o matapos ang digmaan.

Paglilinaw sa Maling Konsepto ng Kastila ukol sa Babaylan

  • Bruja mula sa Brujeria o witchcraft.
  • Aswang
  • Baliw

Pagtutuwid sa Konsepto ng Katayuan ng Babae at Lalaki

  • Matriyarkal (hindi patriyarkal) ang umiinog na kalinangan bago dumating ang mga kastila
  • Maaaring makisali sa usaping ekonomiko (pangangalakal) ang mga kababaihan
  • Mas superyor ang kababaihan kahit sa pakikipagtalik
  • Ang Babaylan ang isa sa pinakamataas na antas ng katayuan na niluluklukan ng mga kababaihan

Larangang Semantiko ng Babaylan

  • Babaylan – Kabisayaan
  • Ketorunan – Malayo
  • Katalonan – Tagalog
  • Bayok – Sambal
  • Baglan – Pangasinense
  • Baki (ritwal), mumbaki (tagapagsagawa ng ritwal) - Kordilyera

Babaylan

  • Dalubhasa sa Mundong Ispiritwal at lahat na may kinalaman dito
  • Paniniwala sa mga Anito
  • Kaalaman sa Kalikasan
  • Medisina at Kagamutan (Mangagamot)
  • Kaginhawaan ng Bayan
  • Epiko (Awit) at Mitolohiya (Epic Chanter)
  • Ritwal; Sayaw; Panitikan; Dula; Kasaysayan

Dalawang Uri ng Pangangayaw

  • Sa Lupa: Ifugao at Kalinga
  • Sa Dagat

Kaayusan ng Tirahan

  • Ilawud/Sa-ilud – nakahilera ang mga kabahayan malapit sa wawa ng ilog
  • Ilaya/Sa-raya - pulutong na mga pamayanan kadalasang nasa interyor/kabundukan

Sistema ng Pagsulat

  • Baybayin – May tatlong Patinig at labing apat na Katinig
  • Ibat ibang bersyon sa mga kabayanan.

Katayuan sa Lipunan

  • Uring Maginoo (Datu, Raja…)
  • Maharlika/Timaguas (Timawa)
  • Alipin
    • Namamahayes (Namamahay)
    • Saguiguileres [Saguiguilir (d)]

Tungo sa Pagkaalipin

  1. Pagkabihag sa Digma
  2. Nahatulang Kriminal
  3. Pagkakautan

Para sa mga Alipin Pagkamit ng dating Katayuan - PAGTITIMAWA

  1. Katubusan mula sa pagkakabihag
  2. Pagbayad ng Utang
  3. Gantimpalang pagpapalaya mula sa Datu o pinagkakautangan

Pulitika ng Barangay

  • KADATUAN
  • RAJAH
  • KUMPEDERASYON NG KADATUAN
  • Simula ng integrasyong Pulitikal

Kabihasnang Pilipino noong ika-16 na Dantaon

  • Kaayusan at Ugnayang Pampayanan
    • Mayroong tatlong larangan ang pamayanan sa Kabisayaan —ILAYA, ILAWOD AT IBAYO (ibayong pulo).
    • Pinag-uugnay sila ng mga ilog at karagatan dahil sa mahusay silang manlalayag.
  • Kaayusan at Ugnayang Pangkabuhayan
    • Pluralistiko ang tipo ng batayang kabuhayan ng mga Bisaya sa Pilipinas noong ika-16 na siglo.
    • Nakasalig ang kanilang sistemang pang-ekonomiya sa pangingisda, pagsasaka, pangangalakal, at pangangaso.
  • Kaayusan at Ugnayang Panglipunan
    • Nahahati sa 3 saray ang lipunan ng mga Bisaya noong ika-16 siglo — MAGINOO, TIMAWA at URIPON.
  • Kaayusan at Ugnayang Pangkapangyarihan
    • Nahahati sa apat na larangan ang kapangyarihan sa Kabisayaan — datu/binukot, babaylan, panday at bagani.

Ang Tundo nina Lakandula, Matanda, at Sulayman

  • Namumuno sa Tundo si Bunaw Lakandula, at sina Raha Matanda at Raha Soliman naman sa Maynila.
  • Hindi nagpasakop si Raha Soliman kay Miguel Lopez de Legazpi, kaya nagkaroon ng labanan noong Hunyo 4, 1570.
  • Nagtagumpay ang mga Espanyol dahil sa pagkanyon, kung kaya't itatag nila ang Maynila.
  • Napasakamay na Legazpi ang Maynila at Tundo noong Mayo 18, 1571.

Ang Labanan sa Bangkusay

  • Hindi nagustuhan ng mga datu ang pagsailalim ng Maynila at Tundo sa mga Espanyol, kung kaya't magkakaroon ng labanan sa Bangkusay noong Hunyo 3, 1571.

  • Pagsapit ng 1521 hanggang 1565, panahon kung kailan naging puspusan ang conquistas ng mga Espanyol .

  • Sinadya ng ilang karadyaan sa kapuluan ang pakikipag-alyansa sa mga Espanyol.

  • Para sa Buhay, Ginhawa at Dangal ang ginawang Sanduguang Bol-anon-Espanyol at Panayanhon-Espanyol.

  • Sa Mindanao--Rajah Pagbuaya, at Rajah Muda Manooc (Dapitan).

  • Sa Kabisayaan--Rajah Sikatuna at Rajah Tupas (Bohol at Sugbu), Rajah Madidong at Rajah Maricabug (Panay); at Datu Bankaw sa Samar

  • Sa Luzon--Rajah Laya at Rajah Muda Soliman.

  • Sa panahong 1588 ay natuklasan ang isang pagsasabwatan ng mga radya sa Brunei at sa ilang taga-Maynila.

Ang Sabwatan sa Tundo

  • Habang nasa kulungan sina Martin Panga, Agustin de Legazpi, Gabriel Tuambasan, Francisco Acta, at Pitong Gatang.
  • Nakulong si Martin Panga dahil sa akusasyon ng pangangalunya, at si Agustin de Legazpi habang gobernador ng Tondo ay inakusahang hindi pagbabayad ng bayarin.

Pangunahing Angkan sa Pagpaplano ng Pagpapatalsik sa mga Kastila (Sabwatan sa Tundo)

  • Agustin de Legazpi (pamangkin/inampong anak ni Raha Soliman; manugang ng Sultan ng Borneo)
  • Gabriel Tuambasan (datu sa Tundo; inampong anak ni Raha Soliman; kapatid ni Legazpi)
  • Geronimo Basi (inampong anak ni Raha Soliman; kapatid ni Legazpi)
  • Francisco Acta (datu sa Tundo; anak ni Tuambasan)
  • Dioniso Capulong (anak ni Lakandula; datu sa Candaba, Pampanga)
  • Magat Salamat (anak ni Lakandula; datu sa Tundo)
  • Phelipe Salonga (anak ni Lakandula; datu sa Polo, Bulacan)
  • Martin Panga (datu sa Tundo; gobernador ng Tundo sa dokumentong Espanyol; pinsang buo ni Agustin de Legazpi)
  • Juan Banal (datu sa Tundo; maaaring ama ni Don Miguel Banal; asawa ng apo ni Soliman)
  • Pitong Gatang (datu sa Tundo)
  • Calao (datu sa Tundo); at
  • Luis Amanicalao (ama ni Calao, Tundo)

Nilahukan din ng mga Datu sa mga Karatig Probinsya

  • Phelipe Amarlangagui (Baybay, dating bahagi ng Tundo at ngayon ay kilala bilang San Nicolas, Binondo na/Catangalan (Polo Bulacan))
  • Omaghicon (Tambobo, dating Navotas)
  • Phelipe Salalila (Maysilo, dating Malabon)
  • Agustin Manuguit (anak ni Phelipe Salalila)
  • Pedro Balingit (Pandacan)
  • Esteban Taes (Bulacan)
  • Luis Balaya (Bangos)
  • Sumaelob (Cuyo,Palawan)
  • Daulat (Castille-Maynila?)
  • Juan Basi (Taguig)
  • Alonso Lea (walang identipikasyon)

Ang Sabwatan sa Tundo

  • Agosto 1587 – Oktubre 21, 1588.
  • Nabisto ng isinuplong ni Antonio Surabao (Datu ng Calamianes) kay Pedro Sarmiento (Isang Espanyol) ang plano ng Sabwatang ito.
  • Nang mapatunayan ang sabwatan, kinaladkad, binitay at pinugutan ng ulo sina Agustin de Legazpi at Martin Panga, kinuha ang mga pag-aari nito at sinabuyan ng asin ang kanilang lupain.
  • Kasama ring binitay sina Magat Salamat, Omaghicon, Geronimo Basi, Phelipe Salalila, Esteban Taes, at Dionisio Fernandez.
  • Ang iba nama’y ipinatapon sa mga karatig na lugar o sa mas malayong lugar gaya ng Mexico.

Resulta

  • Mabubuwag ang kaayusang mayroon sa TSA at mawawala ang mga dating ruta ng kalakalan.

Implikasyon sa Kasaysayang Pilipino

  • Naging isang mahalagang ikutang pangyayari ang Sabwatan ng Tundo.
  • Hinati sa tatlong panahon ang Kasaysayang Pilipino, Ang Pamayanan, Bayan, at Bansa.
  • Matapos mawalan ng banta sa kolonyalismo ang mga Espanyol tuluyan nang maisasagawa ang ninanais ng mga ito.
  • Malaking dagok para sa mga Pilipino ang mga ekonomikong polisiyang ipinatupad ng mga Espanyol gaya ng Tributo, polo y servicios, at ilang mga bagay na nagpahirap sa mga Pilipino gaya ng malupit na parusa kahit maliit na kasalanan, pagsasagwan ng galyon, paglahok sa mga kampanyang military.

Ang Pamayanan: Isang Paglalagom

  • Mailalarawan ang buong bahaging Pamayanan sa pagtalakay sa mga kabuuang sosyopulitikal ng mga Pilipino sa panahong iyon.

Kabuuan: Balangay, Bayan at Pamayanan

  • Ang balangay ay madalas na napagkamalang isang uri ng kabuuang pulitikal, ngunit sa katunayan ito ay isang pagbubuklod ng isang kamag-anakan na ang pangunahing pakay ay ang pagpapataas ng produksyong agrikultural.
  • Ang salitang balangay ay nangangahulugang bangka.
  • Komunidad ito ng mga kamag-anak na pinamumunuan ng isang datu.
  • Mailalarawan ang kaayusan sa mga balangay na ito sa tatlong uri ng mamamayan.
    • Maginoo
    • Timawa/maharlika
    • Alipin
  • Bayan naman ang tawag sa isang grupo ng mga baranggay na nagsasanib puwersa dahilan sa panahong digmaan, kalakal o dahil sa kasal.
  • Ang pinakamalakas na datu sa isang bayan ang siyang tinatawag na hari.

Batayan: Datu, Babaylan, Bayani, Manghahabi/Mamamalayok, Panday

  • Ang pamumuno sa balangay ay nakasalalay sa datu.
  • Magkaugnay ang batayang datu at ang bayani dahil sa ang bayani ay ang naituturing na tagapagtanggol sa balangay laban sa karahasan.
  • Katumbas na salita ng bayani ang “berani” ng Malayo.
  • Pagdating sa paggawa na mga kagamitan, ang panday ang batayan.
  • Sa astronomiya, relihiyon at medisina, ang babaylan ang batayan.
  • Tungkulin nila ang siguraduhing ang kaginhawaan ng buong baranggay.

Kapangyarihan: Hari, Radya, Sultan

  • Hindi ang datu ang pinuno ng pinakapayak na kaayusang pulitikal sa pamayanang Pilipino.
  • Pinuno lamang siya ng balanghay bilang isang grupo ng kamag-anakan at mga kaugnay na tao.
  • Ang hari ang siyang namumuno sa bayan bilang pagbubuklud-buklod ng mga balangay.
  • Pinakamalakas na datu siya na nakuhang pagsama-samahin ang ilang mga datu.
  • Ang hari ay magiging radya/raha sa mga lugar na nagkaroon ng ugnayan sa Indomalaysia.
  • Pagkatapos, pagsapit ng Islam, ang ilang radya’y magiging sultan sa paglawak ng kanilang teritoryo.

Ugnayan: Ilog, Dagat at Ibayong-dagat

  • Mahalaga ang papel ng mga ilog sa pagkabuo ng pamayanang Pilipino.
  • Naging paraan ng komunikasyon ang mga ilog.
  • Naging ruta rin ng komersyo ang ilog.
  • Ang dagat ay isa ring puwersang nag-uugnay sa mga estadong bayan.
  • Ang ugnayan naman sa ibayong dagat ay nagdala ng kalinangang dayuhan sa Pilipinas.

Pagbubuod: Kalinangan, Pamayanan at Estado

  • Pinakatema ng unang yugtong ito ng Kasaysayan ng Kapilipinuhan ang pagkatamo ng isang may kasarinlang uri at lebel ng kalinangan dulot ng pagkabuo ng mga pamayanan bilang pagkakaugnay-ugnay ng mga bayan at kabayanan.
  • Tumutungo ang mga pamayanan sa pagsasambayanan o pagbubuklud-buklod sa larangang sosyo-pulitikal at pang-ekonomiya, mula sa orihinal na kaharian hanggang sa mga anyo nitong karadyahan/karahaan at sultanato.
  • Ang mga kabuuang ito ang siyang magiging batayan ng pagkabuo ng estado o sambayanan ng buong kapuluan na siyang paksain at direksyon ng susunod na yugto ng BAYAN.