Pagsulat ng ibat ibang uri ng uri ng palalagom-1-1
Lagom
ay ang pinasimple at pinaikling bersiyon ng isang salutin o akda.
Nahuhubog ang kasanayang maunawaan at makuha ang pinakanilalaman ng isang teksto
Pagsasagawa ng Paglalagom
Natutuhan ang pagtitimbang- timbang ng mga kaisipang nakapaloob sa binabasa.
Natutuhan niyang magsuri ng nilalaman ng kanyang binabasa
Nahuhubog ang kasanayan ng mag- aaral sa pagsulat partikular ang tamang paghabi ng mga pangungusap sa talata .
Nakatutulong sa pagpapaunlad o pagpapayaman ng bokabularyo
Uri ng Lagom o Buod
Abstrak
Sintesis o buod
Bionote
Abstrak
Isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel siyentipiko at teknikal , lektyur at mga report.
ay nangangahulugang buod ng isang sulatin.
maaaring ito ay abstrak ng isang tesis, disertasyon , o anomang uri ng pananaliksik.
Kahalagahan ng Abstrak
Mahalaga ang abstrak dahil natutulungan nito ang sinumang mananaliksik o manunulat na higit pang mapaunlad ang isang paksa
Matutulungan din nito ang mananaliksik na makita kung ang isang akda ay makatulong sa pagpapaunlad ng kaniyang isinusulat.
Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak
Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuuan ng papel.
Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak.
Gumamit ng mga simple, malinaw , at direktang mga pangungusap.
Maging obhetibo sa pagsulat.
Gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo .
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin o gagawan ng abstrak.
Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa introduksyon, kaugnay sa literatura, metodolohiya resulta, at kongklusyon.
Buuin , gamit ang mga talata.
Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, graph, table , at iba pa maliban lamang kung sadyang kinakailangan.
Basahing muli ang ginawang abstrak.
Isulat ang pinal na sipi nito.
Sinopsis/ Buod
Isang uri ng lagom sa kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kuwento, salaysay, nobela ,dula parabula, talumpati , at iba pang anyo ng panitikan.
Nangangahulugang pinagsasama-sama ang iba’t ibang ideya na may magkakatulad at magkakaibang punto-de bista mula sa iba- ibang sanggunian.
Sa madaling salita ito ay hitik at pinaiklingbersiyon ng mga nabasa upang makabuo pa ng panibagong ideya.
Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano? . Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na ito, maging madali ang pagsulat ng buod.
Bakit Mahalaga ang Sintesis oat Buod
. Upang higit maunawaan ang kahulugan ng binasa o pinakinggang panayam o sulatin.
Higit na nagiging organisado ang pagkakaunawa ng isang sulatin.
Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis o buod
Gumamit ng ikatlong panauhan sa pagsulat nito.
Isulat ito batay sa tono ng pagkakasulat ng orihinal na isip nito.
Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang kanilang mga gampanin at mga suliraning kanilang kinaharap.
Gumamit ng mga angkop na pang- ugnay sa paghabi ng mga pangyayari sa kuwentong binubuod lalo na kung ang sinopsis na ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata.
Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay, at mga bantas sa ginamit sa pagsulat.
Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha sa sipi ng akda.
Hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis/ Buod
Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong kaisipan o paksa ng diwa nito.
Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
Habang nagbabasa , magtala at kung maaari ay magbalangkas.
Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro ang isinusulat.
Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal.
Basahin ang unang ginawa, suriin, at kung mapaikli pa ito nang hindi mababawasan ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinulat na buod.
Bionote
Maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
Ito’y pinaikling buod ng mga tagumapay, kakayahan, edukasyong natamo, publikasyon, at mga pagsasanay na taglay ng isang may- akda.
Halimbawa: PAGPAPAKILALA SA SARILI NG MGA GUMAGAWA NG BLOG.
Duenas at Sanz
Tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, ng mga sulating papel.
Ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o anumang kagaya ng mga ito upang ipakilala ang sarili para sa isang propesyonal na layunin.
Ito rin ang madalas na mababasa sa bahaging “ Tungkol sa Iyong sarili” na makikita sa mga social network o digital communication sites.
Kadalasan itong hinihiling sa sumusunod na mga pagkakataon
Pagpapasa ng artikulo o pananaliksik sa dyornal o antolohiya.
Pagpapasa ng aplikasyon sa palihan o workshop
Pagpapakilala ng sarili sa website o blog
Panimulang pagpapakilala sa aplikante sa isang posisyon o scholarship
Tala ng emcee upang ipakilala ang isang tagapagsalita o panauhing pandangal.
Pagpapakikila ng may-akda , editor, o iskolar na ilalathala sa huling bahagi ng kaniyang akda o anomang publikasyon.
Bilang maikling impormasyon upang magsilbing gabay sa mga mananaliksik.
Tandaan sa Pagsulat ng Bionote
Sikaping maisulat lamang ito nang maikli.
Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa iyong buhay.
Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat nito.
Gawing simple ang pagkakasulat nito.
Basahin muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote.
Dalawang uri ng Tala sa may-akada
Maikling Tala para sa dyornal at antolohiya- tandaan dapat ay maikli ito ngunit siksik sa impormasyon
Tala sa may-akda ay mahabang uri nito. kadalasan , ito ay isinusulat bilang prosang bersiyon ng isang curriculum vitae.