FILIPINO REVIEWER
● Batas Militar sa Pilipinas - Ipinatupad ni Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. ang Batas Militar noong 1972 at tumagal ito hanggang 1981, habang nagpatuloy ang kanyang pamamahala hanggang 1986.
● Pag-usbong ng Aktibismo - Lumakas ang aktibismo dahil sa kahirapan, katiwalian, kawalan ng kalayaan, at iba pang suliranin sa lipunan.
Kabilang sa mahahalagang pangyayari ang First Quarter Storm (1970) at pagbomba sa Plaza Miranda (1971).
Noong Setyembre 21, 1972, idineklara ang Batas Militar sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1081.
● First Quarter Storm (FQS) - Ang First Quarter Storm (FQS) ay isang serye ng malalaking protesta at demonstrasyon ng mga kabataan at estudyante sa Pilipinas na naganap noong Enero hanggang Marso 1970, sa unang bahagi ng termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
MAHAHALAGANG KONSEPTONG LEGAL AT POLITIKAL
● Batas Militar - Isang kalagayan kung saan binibigyan ng pambihirang kapangyarihan ang pamahalaan at maaaring magkaroon ng mga limitasyon sa ilang karapatan at kalayaan.
● Proklamasyon Blg. 1081 - Dokumentong ginamit sa pagpapailalim ng Pilipinas sa Batas Militar.
● Habeas Corpus - Legal na proteksiyong tumutukoy sa karapatan ng isang taong nakakulong na maiharap sa hukuman upang masuri ang legalidad ng pagkakakulong.
● Autogolpe / Self-coup - Sitwasyon kung saan ginagamit ng isang pinuno ang kapangyarihan ng estado upang palawakin o panatilihin ang sariling kapangyarihan.
MGA KALAGAYAN SA PANAHON NG BATAS MILITAR (1972-1981)
Kalagayang Politikal
Idineklara ni Ferdinand Marcos ang Batas Militar noong Setyembre 21, 1972.
Nilimitahan ang ilang karapatang sibil.
Nagkaroon ng pag-aresto at pagkulong sa ilang kritiko at kalaban ng pamahalaan.
Mahigpit ang kontrol ng pamahalaan sa media.
Kalagayang Pang-ekonomiya
Nagkaroon ng mga proyektong pang-imprastraktura.
Lumaki ang utang ng bansa.
Tumaas ang presyo ng mga bilihin at nagkaroon ng kahirapan.
Nagkaroon ng malaking agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap.
Wikang Ginamit
Ginamit ang Filipino bilang mahalagang wika sa komunikasyon.
Patuloy na ginamit ang Ingles sa edukasyon at pamahalaan.
Sistemang Pang-edukasyon
Ipinatupad ang mga pagbabago sa kurikulum.
Ipinatupad ang mga programang may kaugnayan sa National Service at paghahanda ng kabataan.
Moda o Fashion
Nagpapakita ng personal na estilo at panlasa sa pananamit.
Naimpluwensyahan ng kultura, media, at mga makabagong trend.
Nagbabago sa paglipas ng panahon at maaaring makaapekto sa pagkakakilanlan ng isang tao.
Sumikat ang mga bell-bottom pants, makukulay na damit, miniskirt at platform shoes.-
Naging uso rin ang mga istilong disco noong dekada 1970.
● Larawang-Diwa - gumagamit ng salita para sa imahinasyon.
● Estilo - Gumagamit ng matalinghagang pananalita, paglalarawan, at mga imaheng kaugnay ng dagat upang maging mas mabisa ang paglalahad.
ANTAS NG PANG-URI
Lantay - Paglalarawan ito ng isang tao, bagay, hayop, pook o pangyayari.
Pahambing - Ito ang antas ng pang-uri na ginagamit upang maglarawan ng dalawang tao, bagay, hayop, pook o pangyayari.
Pasukdol - Ito ang pinakamasidhing pang-uring maipakita sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang tulad ng napaka, pinaka, lubha, masyado, totoo, tunay at iba pa.
MGA ANTAS NG WIKA
Balbal - Tinatawag ding mga salitang kalye. Pinakamababang uri ng wika na ginagamit ng tao. (Halimbawa: petmalu )
Kolokyal - Salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. (Halimbawa: lika )
Salitang Banyaga: Mga salitang tuwirang hinihiram natin mula sa mga banyaga. (Halimbawa: kompyuter )
Lalawiganin - Salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan.
Pampanitikan - Ginagamit ang mga salita sa iba pang kahulugan. (Halimbawa: ina , kapatid )
MAIKLING KWENTO
Ano ang Banghay?
- Ang banghay ay ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento.
PIRAMIDE NI FREYTAG
Eksposisyon - Panimulang pangyayari na naghuhudyat at nagpapakilala rin sa mga tauhan.
Inciting Incident - Panimulang suliranin na nagbubunsod ng tunggalian.
Papataas na Aksiyon - Naglalantad sa kwento ng suliranin o conflict ng naratibo.
Kasukdulan - Pinakakapanapanabik na pangyayari sa isang akda.
Pababang Aksiyon - Naglalatag ng paglutas ng problema sa kuwento.
Wakas / Resolusyon - Naglalahad ng pagtatagumpay o hindi ng pangunahing tauhan.
● Punto de Bista - Tawag sa pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa maikling kwento, nahihinuha at nalalaman ng mambabasa ang nilikha ng nagsasalaysay.
APAT NA PARAAN NG PAGSASALAYSAY
Unang Panauhan - Gumagamit ang mga kwento sa panauhan na "Ako" at "Tayo".
Ikatlong Panauhan - Ang tagapagsalaysay ay “tagamasid” sa labas ng kwento. Taglay nito ang kakayahang isiwalat ang isipan at damdamin ng bawat tauhan.
Obhetibo - Ang isang tagapagsalaysay ay maihahalintulad sa isang kamera sa pananaw na ito, tumatayong tagapanood lamang ang mga mambabasa sa mga pangyayari sa kwento.
Itinakdang Obhetibo - Ito ay isa pang paraan ng pagsasalaysay sa ikatlong panauhan subalit tinatakdaan ang pananaw ng tagapagsalita.
IBA’T IBANG PARAAN NG PAGSASALAYSAY BATAY SA BANGHAY
Sekwensiyal - Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na binubuo ng panimula, saglit na kasiglahan, kasukdulan, kakalasan at wakas.
Foreshadowing - Pagyuyugto ng mga pangyayari na nagbibigay ng pahiwatig o babala tungkol sa maaaring mangyari.
Parallelism - Tumutukoy sa pagsasabay ng dalawang pangyayari sa iisang yugto na nagpapalawak sa perspektiba ng kwento.
In Medias Res - Pagsisimula ng kuwento sa gitna ng mga pangyayari na kalaunan ay pinupunan sa pamamagitan ng diyalogo, flashback, o paglalarawan ng mga nakaraang kaganapan.
MAHAHALAGANG KONSEPTO:
Mensahe - Aral na dala ng akda.
Kaisipan - Paksang pinatutunguhan ng salaysay.
Inferring (Paghihinuha) - Naisasagawa lamang kung tunay na nauunawaan ang akdang binabasa.
● Larawang Sanaysay - Tinatawag sa Ingles na pictorial essay o photo essay. Ayon kay Garcia (2007), ito ay mga tinipong larawan na isinaayos nang may wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang maglahad ng konsepto.
● DULA - Isang akdang pampanitikan na nahahati sa mga yugto at sadyang isinulat para itanghal sa madla. Nahango sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang gawin o ikilos. Isang pampanitikang panggagaya sa buhay upang maipamalas sa tanghalan.
ANG DULA AYON KINA:
Aristotle: "Ito ay isang imitasyon o panggagagad ng buhay."
Rubel: "Ito ay isa sa maraming paraan ng pagkukwento."
Sauco: “Uri ng sining na may layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa manonood sa pamamagitan ng kilos ng katawan at iba pa.”
Schiller at Madame De Stael: “Uri ng akdang may malaking bisa sa diwa at ugali ng isang bayan.”
MGA SANGKAP NG DULA:
Simula: Tauhan, Tagpuan, Sulyap sa Suliranin
Gitna: Saglit na Kasiglahan, Tunggalian, Kasukdulan
Wakas: Kakalasan, Kalutasan
BAHAGI NG DULA:
Yugto (Act) - Kung baga sa nobela ay mga kabanata. Ito ang pinakakabanatang paghahati sa dula.
Tanghal-eksena - Bumubuo sa isang yugto. Ito ay maaaring magbadya ng pagbabago ng tagpuan ayon kung saan gaganapin ang susunod na pangyayari.
Tagpo - Ito ay ang paglabas at pagpasok ng kung sinong tauhang gumanap o gaganap sa eksena.
MGA URI NG DULA:
Komedya
Trahedya
Melodrama o Soap Opera
Parsa
Parodya
ELEMENTO NG DULA (NI RENE VILLANUEVA):
Manuskrito: Tinatawag din itong iskrip na naglalaman ng mga diyalogo ng bawat karakter. Itinuturing itong kaluluwa ng dula.
Magsisiganap: Sila ang nagbibigay-buhay sa iskrip ng dula. Kung walang magsisiganap, wala ring dula.
Tanghalan: Dito itinatanghal ang dula. Ito ang magtatakda ng pisikal na produksiyon ng kwento katulad ng costumes, props, ilaw at iba pa.
Direktor: Siya ang nagsisilbing tagakumpas ng mga maaaring mangyari sa dula.
Manonood: Hindi kumpleto ang isang dula kung walang manonood. Sila ang magiging tagasaksi sa pagtatanghal ng dula.