DENIMS

nandarayuhang Aleman, si Levi Strauss, ang nagtungo sa minahan dala-dala ang makapal na telang kambas upang ipagbiling tent o bubong ng bagon. Ngunit hindi tent ni bubong ang kailangan ng minero kundi pantalong may matibay na tela, tahi at di-rimatseng bulsa para tumagal sa harabas na trabaho. Hindi masasayang ang kambas, naisip ni Strauss, at ito'y ginawa niyang pantalong matibay. Naging mabili ang produkto sa mga minero. Nag-empleo si Strauss ng maraming sastre at ang malauna'y denims na ang Nanatiling damit na pantrabaho ang denims o maong. Sa Pilipinas noong on bago magkagiyera, ang maong ay suot ng nagtatrabaho sa bukid, talyer, at pabrika. Sa mga probinsiya, kasama ng telang gris na tulad ng maong at makapal at maruming tingnan, naging panlaban ito sa putik, ulan, alikabok, at pawis. Sa isang lumang aklat na ginamit para sa kursong sosyolohiya, ang nagsusuot ng maong ay itinuturing na mamamayang maliit ang kita at

mababa ang pinag-aralan

Noong Pasko 1963, sa halip na magbigay ng salaping bonus, ang ipinamasko ng Lirag Textile Mills sa mga manggagawa ay yarda-yardang maong. Maraming nagalit na empleyado. Isang ama ang nagpatahi ng pantalon para sa anak na nag-aaral sa haiskul. Nanggigil ang ama dahilan suot ng bata. pinauwi ng principal ang estudyante-hindi raw damit pang-eskuwela ang Sampung taon lamang ang nakaraan, nakabaligtad na ang pagpapahalaga ng mga tao sa denims. Anumang pagtuturo ng titser sa haiskul na hindi disenteng tingnan ang maong, patuloy pa rin itong isinusuot ng kabataang higit na nahihiyang magsuot ng double knit kaysa parusahan ng expulsion. Isang paring Hesuwita na nakatalaga sa Marikina ang naging tampulan ng paghagikgik at pagkagulat ng komunidad pagkat sa pagbabasbas ng bahay, kotse, o patay ay nakasuot ng pantalong denims. Bakit nga naman, nasa ganitong pagdadamit ang identipikasyon sa taong-bayan.

20 Hindi lamang karaniwang mamamayan ang nagsusuot ng maong. May ilang opisyal ng gobyerno, teknokrata, at executive sa malalaking opisina ang nakamaong na ring malimit lalo na kung Sabado at Linggo. Si Prinsesa Anne ng Inglatera at Susan Ford ng Estados Unidos ay nakunan na rin ng larawan nang nakadenims. Tuloy, ang denims ay tila moda at kulturang tagapag- em weilebem,sinsybules pnsai 62 noyA onugnay sa buong planeta.ssle

on bonueue se quo Jinp

REBELYON SA TIPONG DISENTE posted on noviral on slip Komplikado ang dahilan sa pagtanggap ng mayayaman at ng kabataan sa kasuotang dati'y itinuring na pangmahirap lamang. Sa pagpasok ng dekada sesenta, naging simbolo ito ng rebelyon para sa mga kabataang taga- Kanluran dahil sa alyenasyong dulot ng mabilis na industriyalisasyon matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaidig. Maruming tingnan, gusot, at kupas na maong ang suot ni James Dean at ng beatnik na naging idolo ng kilusang walang direksyon ng mga kabataan noon. Pinag-aalsahan nila ang istriktong moralidad at mahigpit na pamantayan ng middle class. emineb poilsisnig,se Suot naman noon ng establisimiyento ang mukhang laging plantsadong wash and wear, tetoron at double knit, na tineternuhan ng kurbata.

Valerio L. Nofuente

indi mapasubaliang ang may tangan ng korona sa larangan ng moda sa damit ay maong o denims. Tila uniporme ng Pinoy ang pantalong maong lalo na sa mga siyudad at matatagpuang namamayani sa mga kampus, pabrika, opisina, subdibisyon, at pook-iskwater. Ito'y isinusuot ng traysikel boy at executive, disc jockey at kanto boy, naka-Mercedes Benz at naka-dyip, babae, bakla, matron, at mukhang tatay, estudyante, at drop-out.

Tila lagareng Hapong kumakagat pasulong man o paurong, ang makapal na telang ito'y pwedeng pambahay, pang-ekskursiyon, pantrabaho, pamparty, at pamporma. Walang pinipiling edad o uri ng tao. Ito ay unisex, pangmahirap o pangmayaman, pangtinedyer at pangmatanda. Babagay kina Jean at Johnny, Juan at Juana, Juanito at Juanita.

Sa malilikot na guniguni at malikhaing kamay ng Pinoy, iba-iba ang anyo na nagagawang palitawin sa kapirasong tela o bawat putol na papantalunin. Maaaring makakita ng straight cut, bell-bottoms, de-baston, de-rimatse, at burdado. Isang tinedyer na taga-San Mateo ang may pantalong kung taguri'y pang-Ermita dahil parang album ng patches buhat sa insignia ng ROTC, Marist Kindergarten, College of Law, Lions Club, RCPI, Village Homeowner's Association, U.S. Navy, PLDT, Philippine Army, Green Revolution, CIA Palestinian Liberation Organization, Prisoner of War, at Boy Scout. Sa huling araw ng klase noong nakaraang summer, isang estudyante ang may dala ng pentel pen at lahat ng kaklase ay pinapirma sa pantalong maong para may maiwang souvenir sa kanya. ost se noves diginebi pris fimsbabosq gnotinsp Isang sastre ang narinig na napapalatak, puro maong daw ang dinaanan ng kanyang gunting sa buwan ng pasukan ngayong Hunyo. Sa mga department store, tila pila ng libreng bigas na laging puno ng tao ang mod shoppe o mga seksiyong may nakadispley na Levi's, Amco, Hustler, Wrangler, Jag, at iba pa. sqepet pnsulux is abom slit emineb pns yolu minebelen gosh

Ayon sa isang estudyante, madali raw mahalata ang galing sa probinsiyang freshman. Kalimita'y naka-double knit. Ngunit sa susunod na semester, kasapi na rin sila ng lehiyon ng kabataang nakasuot ng tila unipormeng denims. Katunayan, may tatak ng etsa-puwera ang hindi nakamaong sa paaralan.

Ang denims (maong sa Pinoy) ay isang uri ng matibay at makapal na telang buhat sa sinulid na bulak. Dahil sa orihinal na kulay ay naging angkop ito sa gawaing pampabrika. Ang ngalan ng tela ay buhat sa serge de nimes, o telang buhat sa Nimes, na isang pook sa Pransiya. Kalaunan, mas kilala ito sa pinaikling denims.

Ang angkop na gamit para sa pantalong denims ay natuklasan nang di sinasadya noong 1850 sa California. Panahon yaon ng Gold Rush at isang

establisimiyento ay larawan ng lipunang sakal ng kurbata ng moralidad at balot ng batas na ayaw magsuot tulad ng wash and wear.

Ang maong ay rebelyon laban sa establisimiyentong may baliw halos na paghahangad na magmukhang disente upang maitago ang kahinaan at katiwalian ng sistema. Naghanap ang kabataan ng kataliwasan ng damit ng middle class, yaong hindi maporma, mukhang marumi at hindi nagtatago ng kahirapan. Kung mukhang luma at gusgusin, higit na mas magaling. May estudyanteng taga-Lyceum na bumili ng bagong pantalon. Binuhusan niya ito ng chlorox at presto, biglang kupas, mukhang luma.

Tatak din ng pantalong maong ang pag-aalsa ng kababaihang itinali sa kumbensiyon ng palda at saya. Lalo na noong panahon ng mini skirt, ang anak ni Eba'y kailangang bumaba nang de-numero sa kotse o magtakip ng kwaderno samantalang nakaupo sa dyipni upang huwag mabunyag ang takaw-matang tanawin. Kapag nakapalda'y mahirap makipaghabulan sa pagbitin sa estribo ng bus o sumalagmak sa lupa at nakatatakot malilisan ng malakas na ihip ng hangin.

Nasuhayan ng espiritu ng 1970 ang pagyakap ng mga kabataan sa maong. Yaon ang panahon ng demonstrasyon. Noon, itinakwil mula sa kampus hanggang sa Plaza Miranda ang "tamad na burgis." Ang idolo noon ay ang naging tatak ng panahon. masa at ang maong na damit pangmahirap ay naging in. Ang maong ang

Bukod sa dahilang sosyolohiyo, may mga personal na dahilan ang ilang Pilipino na mahilig magsuot ng maong. Maraming nakikisunod sa moda upang masabing sila'y modern at hindi napag-iiwanan ng panahon. Para sa ilang matanda, D.O.M. man o hindi, ang kulay asul at pangharabas nito'y nagbibigay ng damdaming macho. Sa karaniwang estudyanteng tatlo lamang ang pantalon, hindi ito kapitin ng dumi. Kaunting pagpag pagkagamit, maaari na uling isabit sa hanger. Isang dalagita ang pigil ang ngiting nagkuwento: "Ang hilig kong umupo sa damuhan, at kiliting-kiliti ako 'pag hindi nakamaong."

Sa lipunang namamayani ang may puhunan, ang hilig sa pananamit ng tao ay nagagawang sakyan ng may salapi upang pakinabangan. Batid ng may capital na nakahanda na ang Pinoy at maging ang ibang panig ng daigidig sa pagsusuot ng denims. Itinatag ang Levi Strauss Philippines sa Makati noong 1972, at ang dalawampung libong pirasong sinubok ay multinasyonal, sinamantala ang ating bansa'y naging dambuhalang makinang nagluluwal ng milyun-milyong pantalon para ibenta sa Asya at sa buong daigdig.

Hindi biro ang kinikita at salaping nalilikom ng mga kumpanya. Noong 1977, ang kabuuang benta ng anim na pinakamalalaking kumpanya sa Pilipinas na gumawa ng mga ready-to-wear pants (kabilang dito ang Levi's, Wrangler, Amco, Jag, Bax, at di-matiyak ang tatak) ay umabot sa kulang-kulang na 100 milyong piso. Tinatayang sa kasalukuyang taon, aabot ng 670 milyong piso ang malilikom na salapi. Kung idaragdag pa rito ang salaping pumapasok sa mga sastreng tumatahi nang solo bawat parukyano, ang negosyo ng pantalong denims ay magkakahalaga ng humigit-kumulang na isang bilyon.

UNIPORME NG DAIGDIG

Mahigit nang isang dekadang nauuso ang pantalong maong sa daigdig ng modang publikong kay daling manghinawa. Ang matagal na pamamalagi ng usong ito ay isa nang kasaysayan.

Tinangkang patalsikin sa luklukan ng hari ang maong noong 1976 nang ilunsad ng Shoe Mart ang "khaki craze." Lumubog ang hindi halos nakalitaw na khaki ngunit ang denims ay nakakapit pa rin sa baywang at binti ni Juan at Johnny.

Dumaan ang mini skirt, pumasok ang modi, ngunit sina Juanita at Juan ay nanatiling tapat sa natagpuang angkop na kasuotang pang-unisex. De-baston ito noong 1960, hanging bell bottoms pagpasok ng 1970 at ngayo'y muli na namang nagiging de-baston. Ito'y mayabang na nakabitin sa sampayan ng mga naghihikahos na distrito ng Tundo at malinis na nakahanger sa cabinet ng taga-Forbes Park; buwan-buwan ay may bagong etiketang sumisipot sa mga department store upang makipagpaligsahan sa paghigop ng salapi ng publiko.

May humuhulang aabutin pa ng paglipat ng siglo ang denims at may naghahaka ring baka ito maideklarang opisyal na kasuotan ng lahat ng nilalang sa lupa. Kung magkakagayon, maging santo o pandaigdig na bayani kaya si Levi Strauss?