Kabihasnang Gresya
^^Heograpiya ng Gresya^^
- matatagpuan sa timog tangway ng Balkan, Europe.
- Mababato kabundukan ang kapaligiran.
- mahusay mandaragat, mainam ang pagtatanim at pagsasaka.
- hindi umusbong ang mga kabihasnan sa lambak ilog subalit malapit pa rin sa katubigan
- mapayapa ang pamumuhay sapagkat walang sumasakop dito dahil sa mabundok at mabato na kapaligiran, sanhi nito ay naging hadla sa komunikasyon kaya mabagal pumasok ang iba’t-ibang kaisipan at teknolohiya sa Gresya.
- Ang klima ay katamtaman at maaliwalas, hindi nakararanas ng napakalamig o napakainit na panahon. Ito ang dahil kung bakit mas mahilig ang mga Griyego sa mga gawaing panlabas ng tahanan.
^^2 Kabihasnan^^
A. Minoan
- Nagsimula ang kabihasnan ng mga griyego sa isla ng crete sa dagat aegean.
- Pinamunuan ni Haring Minos ang isla kung kaa tinawag ang kabihasnang ito na Minoan
\ LUNGSOD: Knossos
natagpuan ni Arthur Evans (arkeologong ingles) ang mga guho (ruins) ng mga sinaunang palasyo sa Knossos (1990). Ang mga guho na ito ang nagpapatunay sa mataas na antas ng kalinangan ng mga Minoan sa arkitektura at inhenyeriya. Sa mga pader, nakapinta ang larawan ng mga babae at lalaking atleta, hayop gaya ng toro, at mga eksena sa pang-araw-araw nilang buhay na ipininta sa paraang fresco.
\
- Hindi nagtayo ng mga pader sa knossos at mapayapa silang namumuhay kaya’t walang nagtatangkang lubusin o sakupin ang lupain
- Karamihan sa mga Minoans ay mga magsasaka at mangingisda. Nangangalakal din sila ng iba’t-ibang produkto tulad ng pulot, oliba, alak, langis.
- Ayon kayla Michael Ventris at John Chadwick, Linear A ang sistema ng pagsusulat ng mga Minoans.
\ SANHI NG PAGBAGSAK:
Pagsabog ng bulkan sa isla ng therea (kasalukuyang santorini), nagdulot ito ng tsunami na umabot anggang 50 talampakan sa loob ng 30 minuto sa Crete. Sa takot ng ibang mamamayan, lumikas sila patungo sa ibang lugar. Sinikap ng mga Minoan na ibangong muli ang kanilang kabuhayan subalit nabigot sila. Ang kahinaan ng mga Minoan sa yugtong iyon ang naging dahilan kung bakit sila naging puntirya ng mga mananakop na Mycenaean. Nang lumipas ang panahon, nakubkob din ng mga mycenaean ang isla ng crete.
\ B. Mycenaean
- Nagtungo ang mga mandirigmang Aryan mula sa tribu ng Achaean sa hilagang bahagi ng Balkan. Tumungo isla sa timog ng Gresya at naninarahan sa Peloponneus.
- Naging Kapitolo ang Mycenae kaya tinawag ang kanilang kabihasnan na Mycenaean.
- Kinubkob ng mga Archaean ang Crete at sinunog ang Knossos noong 1450. Sa kanilang pamamayani, namuno ang mga[ ]()mandirigmang hari na siyang nagpatayo ng mga citadel, pinaderang lungsod, at mga palasyo.
- Ginamit ng mga mycenaean ang sistema ng pagsulat ng mga Minoan (Linear A) at bumuo ng panibagong sistema ng pagsulat na tawag Linear B. Ang Tabletang Pylos, dito nakasaad ang linear B system na nadiskubre ni Arthur Evans.
- Pinamunuan ni Agamemnon, siya ang pinakatanyag na pinuno ng Mycenaean na nakipaglaban sa troy.
\ SANHI NG PAGBAGSAK:
Hindi nagtagal ang pamamayani ng mga Mycenaean sapagkat sinalakay sila ng mga Dorian noong 1100 bce. Sa loob ng 3 siglo, lumaganap ang digmaan at natigil ang pagtaguyod sa sining. Nagsasalita ng wikang griyego ang mga dorian subalit wala silang pagpapahalaga sa edukasyon. Ang yugtong ito ay tinawag na Greek Dark Age.
\