Filipino
MODYUL 1
FILIPINO BILANG WIKA AT LARANGAN
• WIKA
-Simbolo ng pagkakakilanlan
• Filipino
-wikang panturo at disiplina o larangan
• KWF
-Komisyon sa Wikang Filipino
• KODIPIKASYON
-pagpili ng wika o sistema ng pagsulat na gagamitin
• ISTANDARDISASYON
-maaaring tanggapin o gamitin ang isang tiyak na talasalitaan sa isang disiplina
• DISEMINASYON
-pagpapalaganap
• ELABORASYON
-pagpapayabong
FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA
• INTELEKTWALISASYON
-paraan ng pagpapayabong ng wika
MODYUL 2
LARANGAN NG AGHAM PANLIPUNAN
• REGISTER (REHISTRO)
• Isang barayti ng wika
• Wikang espesyalisadong ginagamit ng isnag partikular na domain o isang teknikal na lipon ng mga salita
• HUMANIDADES
-pinagbibigyang tuon ang kaisipan, kalagayan, at kultura
ANYO NG PAGSULAT SA LARANGAN NG HUMANIDADES
1. IMPORMASYONAL
a. Paktwal na impormasyon
b. Paglalarawan
c. Proseso
2. IMAHINATIBO
3. PANGUNGUMBINSI
• AGHAM PANLIPUNAN
-larangang akademiko na pumapaksa sa tao, kalikasan, mga gawain at pamumuhay nito. MGA DISIPLINA SA LARANGAN NG AGHAM PANLIPUNAN
1. SOSYOLOHIYA
-pakikipag ugnayan ng tao sa isa’t isa
2. SIKOLOHIYA
-proseso ng pagiisip at paguugali ng tao
3. LINGGUWISTIKA
-pagaaral ng wika
4. ANTROPOLOHIYA
-pagaaral ng mga tao sa ibat’ ibang panahon ng pag-iral
5. KASAYSAYAN
-pagaaral ng nakaraan o pinagdaanang pag-iral
6. HEOGRAPIYA
-pagaaral sa mga lipunang sakop ng mundo
7. AGHAM PAMPOLITIKA
-pagaaral sa bansa, gobyerno, politika, at mga patakaran
8. EKONOMIYA
-proseso ng produksyon, distribusyon at paggamit ng mga serbisyo at produkto
9. AREA STUDIES
-interdisiplinaryong pagaaral kaugnay ng isang bansa
10. ARKEOLOHIYA
-pagaaral ng mga relikya, labi, artifact
11. RELIHIYON
-koleksiyon ng mga paniniwala, sistemang kultural at mga pananaw sa mundo
MODYUL 3
MGA DISIPLINA SA LARANGAN NG AGHAM
• SIYENSIYA (AGHAM)
-mula sa salitang latin na scientia (karunungan)
-sistematikong pagaaral gamit ang sistematikong pamamaraan
1. BIYOLOHIYA
-buhay at mga nabubuhay na organismo
2. KEMISTRI
-komposisyon ng mga substance, properties at mga reaksyon at interaksyon
3. PISIKA
-property at interaksyon ng panahon, espasyo, enerhiya at matter.
-mula sa griyego ng Phusike (kaalaman sa kalikasan)
4. EARTH SCIENCE
-pagaaral ng mga planeta sa kalawakan ng mga bato
5.ASTRONOMIYA
-pagaaral ng kinapapalooban ng pagmamasid at pagpapaliwanag ng mga
nangyayari sa labas ng daigdig
6. MATEMATIKA
-ukol sa sistematikong pag-aaral sa lohika at ugnayan ng mga numero, pigura, anyo…..
DISIPLINA SA LARANGAN NG TEKNOLOHIYA
• TEKNOLOHIYA
-praktikal na aplikasyon ng mga impormasyon at teoryang pangsiyensiya
-TECHNE
sining, kakayahan, craft
-LOGOS
salita, pahayag, o binigkas na pahayag
• INFORMATION TECHNOLOGY
-tumutukoy sa pagaaral at gamit ng teknolohiya
-pag unawa, pagpaplano, pagdidisensyo, pagbuo, distribusyon, pagpoprograma
• INHINYERIYA
-salitang kastila na ingeniera
-nakatuon sa paglalapat ng agham
-aplikasyon ng mga prinsipyong siyentipiko
➢ PAGSASALING WIKA
-palitan ang wika tungo sa ibang wika; ilahad sa ibang pananalita
-ibigay ang diwa o kahulugan sa ibang wika
LAYUNIN NG PAGSASALIN
1. MAGDAGDAG
2. MAILAHOK
3. MAPAGYAMAN
URI NG PAGSASALIN
1. PAGSASALING PAMPANITIKAN
- pagsasalin ng mga malikhaing panulat
2. PAGSASALING TEKNIKAL
- pagsasaling may kinalaman sa mga siyensiya, pangkalikasan man panlipunan
PARAAN NG PAGSASALIN
1. LITERAL NA PAGSASALIN
-tinatawag na formal equivalence o direktang pagtutumbas ng mga sangkot na wika -isinasaalang alang ang sintaktikang pamamaraan o ang maayos na pagkakagamit ng mga salita 2. KONSEPTUWAL NA PAGSASALIN (DYNAMIC EQUIVALENCE)
-pagsasalin na isinusunod sa kabuluhan o kahulugan/ mensahe o diwa ng isinasalin -binibigyang pansin ang matatalinhagang pahayag
3. KULTURAL NA PAGSASALIN
-pagsasalin na maaaring may proseso ang pagsasalin ayon sa pagpapakahulugan ng kapwa SL at TL.
-nakabatay sa kultural na kahalagahan
SL- Source Language
TL-Target Language
MGA PAHINANG PRELIMINARYO
A. Fly Leaf I
-ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel
-walang nakasulat sa pahinang ito, sa madaling salita blangkong papel ito
B. Pamagating Pahina
-ito ay nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong papel
-nakasaad din dito kung kanino iniharap o ipinasa ang papel, kung saang asignatura ito pangangailangan, kung sino ang gumawa at komplesyon
-nagmukhang inverted pyramid ang pagkakaayos nito
C. Dahon ng Pagpapatibay
-ang tawag sa pahinang kumumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong-papel
D. Pasasalamat
-tinutukoy rito ang sinumang nakatulong ng mananaliksik sa pagsasagawa ng pananaliksik gayo’y nararapat na pasalamatan
E. Talaan ng Nilalaman
-nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng pamanahong papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa
F. Listahan ng mga Talahayan at Grap
-nakatala ang pamagat ng bawat talahayanan at/o grap na nasa loob ng pamanahong-papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan sa bawat isa
G. Fly Leaf 2
-isang blangkong papel o pahina bago ang katawan ng pamanahong papel
KABANATA I
Introduksyon
-ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik
Larunin ng Pag-aaral
-inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral
-tinutukoy rin dito ang ispesifik na suliranin na nasa anyong patanong
Kahalagahan ng Pag-aaral
-inilalahad ang signifikans ang pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral
-inilalahad dito kung sino ang makikinabang sa nasabing pag-aaral.
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
-tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik
Depinasyon ng mga Terminolohiya
-ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa’y binigyan ng kahulgan
KABANATA II
Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
-tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnau ng paksa ng pananaliksik
KABANATA III
Disenyo ng Pananaliksik
-nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukiyang pag-aaral
Mga Respondente
-tinutukoy kung ilan sila at paano at bakit sila napili sa sarbey
Intrumento ng Pananaliksik
-inilalarawan ang paraang ginagamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at impormasyon
Tritment ng Datos
-inilalarawang kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerikal na datos ay mailalarawan
KABANATA IV
Prisentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
-inilahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamagitan ng tekstwal at tabular o grapikal na presentasyon
KABANATA V
Lagom
-dito binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik na komprehensibong tinatalakay sa kabanata
Konklusyon
-ito ay mga inferenses, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon, pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at inpormasyong nakalap ng mananaliksik
Rekomendasyon
-ito ay ang mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan sa pananaliksik
MGA PANGHULING PAHINA
A. Listahan ng mga Sanggunian
B. Apendiks