KPWKP Finals Reviewer

Lesson 1: Iba’t Ibang Sitwasyong pangwika

Ang wikang TAGALOG

  • Ang wikang ito ay wikang ginagamit sa Bulacan, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, Cavite, Mindoro, Marinduque at ilang parte ng Nueva Ecija, Puerto Princesa, at Metro Manila.

  • Tinagurian itong wikang natural dahil sa ito ay may sariling mga katutubong tagapagsalita, gayundin ito ay partikular na wikang ginagamit sa etnolingguwistikong pangkat.

  • Ito ay may malaking gampanin sa edukasyon at pagkakaroon ng Wikang Pambansa noong Disyembre 30, 1937, Alinsunod sa Executive Order No. 134 bilang batayang wika.

Wikang Pilipino

  • Pilipino ang tawag sa pambansang wika noong 1943 na nakabatay sa Tagalog.

  • Nang ipasa ang Department Order No. 7 ng Kagawaran ng Edukasyon, ito rin ang tinatawag na wikang opisyal, at wikang pampagtuturo at asignatura o sabjek sa Wikang Pambansa.

  • Nahinto lamang ito nang pagtibayin ang Filipino bilang wikang pambansa ayon sa Konstitusyon 1987.

Wikang Filipino

  • Ito ay naging wikang pambansa alinsunod sa isinasaad ng Konstitusyon 1987. Gayundin ito ay batay sa maraming wika sa Pilipinas, kasama ang Ingles at Espanyol.

Suliraning Kinakaharap ng Wikang Filipino

TAGALOG IMPERIALISM - Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes, isang ILOKANO at iskolar ng wika, umiiral sa atin ang tinatawag na “Tagalog Imperialism”, kung saan kahit nabago na ito mula sa dating pag-iral ng Tagalog at Wikang Pilipino, mas pinipili nating gamitin gayundin ang mga dayuhan ang salitang “Tagalog” sa pagtawag sa ating wika.

Ang Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino

  • Ang intelektuwalisasyon ay ay proseso upang ang isang wikang di pa intelektuwalisado ay maitaas at mailagay sa antas na intelektuwalisado nang sa gayo’y mabisang magamit sa mga sopistikadong lawak ng karunungan.
  • Sa kalahatan, Ayon kay Magdalena Jocso, mabisa ang wikang intelektuwalisado hindi lamang bilang wika ng tahanan, wika ng lansangan, wika ng malikhaing panitikan, kundi bilang wika rin ng agham, teknolohiya at ng iba pang teknikal at mataas na antas ng karunungan.

Suliranin ng Intelektuwalisadong Filipino

  • Wika mismo ang suliranin sapagkat, may malaking kahulugan sa mga katawagang teknikal at iba pang salitang kailangan sa mga paksang intelektuwal tulad ng edukasyon, abogasiya, at marami pang iba.
  • Pagkakaniya-kaniya at pagkakawatak-watak ng kaisipan at paniniwala ng masusugid na tagapagtaguyod ng wika.

Ilang wika/wikain mayroon ang Pilipinas?

  • Humigit kumulang 150 wika/wikain.
  • Dahil dito, sinabi sa isang pag-aaral na 76%-84% ang tsansang lumaki sa magkaibang wika ang mga Pilipino.
  • Ayon naman sa social weather survey (2000), 79%-85% na Pilipino ang nakakapagbasa, nakakapagsulat, nakakaintindi at nakapagsasalita ng wikang Filipino.

EDUKASYON

  • Deped Order No. 74 of 2009- Unang wika (mother tongue) ang gagamitin sa bilang wikang panturo sa Kinder hanggang Grade 3.
  • Sa mataas na antas ay Filipino at Ingles.

KALAKALAN

  • Ano ang pangunahing ginagamit na wika sa pakikipagtalastasan at mga dokumentong kanilang ginagamit?

TELEBISYON

  • Ang telebisyon ay itinuturing na makapangyarihang midya sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang naabot nito.

TEXT

  • Short Message System (SMS)- kumusta ang wika rito?

INTERNET o SOCIAL MEDIA

  • NETIZEN (internet + citizen)

KULTURANG POPULAR

  • Ang kulturang popular ay maaaring teknolohiya, pagkain, kasuotan, musika at iba pa. Ito ay ang mga pinagsasama-samang kultura na itinatakda ng makakapangyarihang tao, kumpanya at bansa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong tao para maipahayag ang kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, at maipakilala ang kanilang sarili.

  • Kulturang nakabatay sa pagkagusto, pagtangkilik ng mga tao.

  • Fliptop (modern balagtasan)- ano ang antas ng wika rito?

  • Pick-up lines (makabagong bugtong)- nagmula sa mga boladas ng mga lalaking manliligaw na nagnanais magpapansin at mapaibig ang dalagang nililigawan.

  • Hugot lines- linya ng pag-ibig na kadalasang nagmula sa ilang tauhan sa pelikula.

Lesson 2: Ang Mundo ng Komunikasyon

Ang kalikasan at kahulugan ng komunikasyon

  • Ang bawat nagaganap sa atin araw-araw ay isang komunikasyon.

  • Ang komunikasyon ay nagmula sa Latin na communicare, na ang ibig sabihin ay “maging komon o magbahagi”

  • Isang proseso ng pagbuo at paggamit ng mensahe upang makabuo ng kahulugan batay sa impluwensiya ng mga partikular na mga ugnayan o relasyon na umiiral sa pagitan ng dalawang nag- uusap.

Komunikasyon

  • Ayon sa pag-aaral ng grupo nina Josefina Mangahas, tagpangulo ng De La Salle University, ang komunikasyon ay proseso ng pagpapahiwatig at pagpapahayag ng mensahe tungo sa pagkaunawa at pakikipagdiskurso ng isa o higit pang kalahok na gamit ang makrong kasanayan tulad ng pakikinig, pagsasalita, pagsulat, pagbasa at panonood.

MGA PRINSIPYO NG KOMUNIKASYON

  1. Ang komunikasyon ay nagsisimula sa sarili. Bawat isa sa atin ay bahagi ng komunikasyon dahil ang mundo ay nangangailangan ng pakikibahagi sa isa’t isa. Kung paano tinitingnan ang iyong sarili ay malaking bagay kung paano ka makikipagtalastasan o makikipagkomunikasyon. Bawat indibidwal ay nabubuhay sa ptuloy na nagbabagong mundo ng karanasan na ikaw ang sentro.
  2. Ang komunikasyon ay nangangailangan ng ibang tao. “ No man is an island”
  3. Ang komunikasyon ay binubuo ng dimensiyon. Sa komunikasyon, mahalagang matutuhan na ang mensahe ay binubuo ng pangnilalaman (content) at relasyonal (relational) na dimensiyon.
  • Content- nilalaman
  • Relasyonal- kaugnayan ng mensahe sa lipunan at personal
  1. Ang komunikasyon ay komplikado.
  • -berbal

  • -di-berbal

  • -pag-uugali

  • -pagpili ng lugar at tsanel

  • -relasyon sa pagitan ng tagapagdala at ng tagapakinig

  1. Ang komunikasyon ay gumagamit ng simbolo.
  • hugis puso

  • -logo

  • marka

  • thumbs up/down   -Kasama rin sa simbolo ang kilos, tunog, marka.   -Ang simbolo at tanda ay magkaiba

  1. Ang komunikasyon ay nangangailangan ng kahulugan. Lahat ng komunikasyon ay may kalakip na kahulugan.

  2. Ang komunikasyon ay isang proseso.

Komponent ng Komunikasyon

1. Mga tao

2.Mensahe

3.Midyum/Tsanel

4.Ingay

5.Koda ( Kodang berbal at di-berbal)

Uri ng Komunikasyon ayon sa Konteksto

  1. Komunikasyong intrapersonal
  2. Komunikasyong interpersonal
  3. Komunikasyong pampubliko
  4. Komunikasyong Pangmasa (ang mensahe ay nalilimbag sa pahayagan, napapanood sa telebisyon o napapakinggan sa radyo)
  5. Komunikasyong Computer Mediated.

Komunikasyon ayon sa Intensiyon

  1. Tagumpay na komunikasyon.
  2. Miskomunikasyon
  3. Aksidental na komunikasyon (walang intensiyong ipadala ang mensahe ng tagapagdala subalit nabigyang interprestasyon ayon sa nararamdaman nito. Halimbawa: paghikab sa klase)
  4. Tinangkang komunikasyon ( Intensiyonal na ipinadala ang mensahe subalit hindi ito nabigyang-kahulugan ng tagatanggap)

Ang Kakayahang Komunikatibo

  • Ang kakayahang komunikatibo ayon sa sosyolingguwista na si Dell Hymes(1976- 1972), ay isang aspekto na nagbibigay sa atin ng abilidad upang ihatid at bigyang-kahulugan ang mga mensahe at maunawaan ang kahulugang interpersonal sa loob ng ispesipikong konteksto.

  • Hinati ng manunulat na si James Cummin ang kakayahang komunikatibo bilang CALP (Cognitive Academic Language Proficiency) at BICS ( Basic Interpersonal Communicative Skills)

  • CALP- isang dimensiyon ng kakayahan na kung saan ang mag-aaral ay kayang imanipula at magbigay-repleksiyon sa mababaw na mukha/antas ng wika sa labas ng madaliang kontekstong interpersonal tulad ng mga nagaganap sa klase.

  • BICS- isang kakayahang natatamo mula pa lamang sa pagkabata upang maisagawa ang pagpapalitang interpersonal.

Antas ng Pormalidad sa Pakikipagtalastasan o Komunikasyon

  1. Oratorical o Frozen Style- Kinakailangan ang mahusay na pagpaplano kaugnay sa mga salitang gagamitin, intonasyon at paraan ng pagsasalita.
  2. Deliberative Style- Kadalasang ginagawa sa loob ng klasrum, hindi gaanong kinakailangan ng mataas na pormalidad ng salita.
  3. Consultative Style- Kadalasan itong masasaksihan sa opisina at mga miting. Kaialangan ang pormalidad sa pananalita.
  4. Casual Style-
  5. Intimate Style- (malapit na kaibigan,kapamilya, karelasyon) inihahayag ang sarili sa iba.

Lesson 3: Kakayahang Lingguwistika ng mga Pilipino

Kakayahang gramatikal o lingguwistik- Tumutukoy sa kaalamang leksikal at pagkaalam sa tuntunin ng ponolohiya, morpolohiya, sintaks at semantics ( Michael Merill Canale at Swains)

Pinag-aaralan sa gramatika ang morpolohiya o pagsusuri sa pakakabalangkas ng mga salita; sintaks o pagsasaayos upang ang mga salita ay maging makabuluhang mga pangungusap; ponolohiya o wastong pagbigkas; semantika o kahulugan ng mga salita at parirala; at ang etimolohiya o ugat o palaugatan ng mga salita.

  1. PONOLOHIYA
  • Makaagham na pag-aaral sa mga tunog.
  • Dito rin pinag-aaralan ang wastong pagbigkas ng mga tunog na tinatawag na ponema.

1.A. Diptonggo. Ito ang mga salitang nagtatapos sa malapatinig na /w/ at /y/ na magkasama sa isang pantig.

1.B. KLASTER Ito ay tinatawag ding kambal katinig dahil sa binubuo ito ng dalawang magkaibang katinig sa isang pantig.

1.C. PARES-MINIMAL Ito ay mga salitang halos magkatunog subalit magkaiba ng kahulugan. Pares-minimal din ang isang salita kung may iisang kaligiran maliban sa iisang ponema.

1.D. DIGRAPO Ito ay may tunog na /ŋ/ na binubuo ng dalawang katinig ng NG [en-ji]. Ito ang dahilan kung bakit sa alpabetong Filipino ay may ganitong letra dahil sa katangian ng wikang may ganitong tunog sa unahan ng ating mga salita.

PONEMANG SUPRASEGMENTAL

  • Yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip, kinakatawan ito ng mga notasyon ponemik upang matukoy ang paraan ng pagbigkas. Kabilang ditto ang tono, punto, intonasyon, at hinto at diin.
  1. MORPOLOHIYA

Ang morpolohiya ay ang makaagham na pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng pinakamaliit na yunit ng isang salita o morpema.

2.1. Mga Pagbabagong Morpoponemiko

1.Asimilasyon- Ang mga pagbabagong nagaganap sa /ŋ/ sa pusisyong pinal dahil sa impluwensiya ng ponemang kasunod nito ay sakop ang asimilasyon. Isa sa tatlong ponemang pailong, /m, n, ŋ/ ang ginagamit batay sa kung ano ang punto ng artikulasyon ng kasunod na ponema upang maging magaan at madulas ang pagbigkas ng salita.

Dalawang Uri ng Asimilasyon

  1. Asimilasyong Parsyal o di ganap. Ang karaniwang pagbabagong nagaganap sa pailong na / ŋ/ sa pusisyong pinal ng isang morpema dahil sa impluwensiya ng kasunod na tunog.

ASIMILASYONG PARSYAL o Di-GANAP.

  • Ang /ŋ/ ay nagiging /n/ o /m/ o nananatiling /ŋ/ dahil sa kasunod na tunog. Kung ang isang panlapi o salita ay nagtatapos sa /ŋ/ at ito’y ikinakabit sa isang salitang-ugat na nagsisimula sa /p/ o /b/, nagiging /m/ ang /ŋ/.

[pang-] + palakasan= pampalakasan

[pang-] + bata= pambata

ASIMILASYONG GANAP.

  • Bukod sa pagbabagong nagaganap sa ponemang /ŋ/ ayon sa puntong artikulasyon na tunog, nawawala pa rin ang unang ponema ng nilalapiang salita dahil sa ito ay inaasimila o napapalooban na sa sinundang ponema.

[pang-] + pasok= pampasok= pamasok

[pang-] + tukod= pantukod= panukod

  • Ang ponemang /d/ sa pusisyong inisyal ng salitang nilalapian ay karaniwang napapalitan ng ponemang /r/ kapag patinig ang huling ponema ng panlapi.

ma- + damot = maramot

ma- + dumi = marumi

  1. Metatesis
  • Kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ ay ginitlapian ng [-in], ang /l/ o /y/ ng salitang ugat at ang /n/ ng gitlapi ay nagkakapalit ng pusisyon.

-in- + lipad = nilipad

-in- + yaya = niyaya

  • May mga salitang nagkakaroon ng pagkaltas ng ponema bukod sa pagkakapalit ng pusisyon ng dalawang ponema.

atip + -an = atipan ( aptan)

tanim + -an = taniman (tamnan)

  1. Pagkakaltas ng Ponema
  • Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawawala sa paghuhulapi rito.

takip + -an = takipan (takpan)

sara + -an = sarahan (sarhan)

  1. Kayarian ng mga Salita
  • Payak

  • Maylapi

  • Tambalan

  • Inuulit

  • Pag-uulit na ganap

  • Pag-uulit na di-ganap

  1. Sintaks
  • Ito ay tumutukoy sa estruktura ng mga pangungusap at ang mga tuntuning nagsisilbing patunay sa pagsasabi ng kawastuhan ng isang pangungusap.

Bahagi ng Pangungusap

  1. Paksa
  2. Panaguri

Kayarian ng Pangungusap

  1. Karaniwan (panaguri + paksa)

  2. D-karaniwan ( paksa + ay + panaguri)

  3. Semantiks

  • Ito ay pag-aaral ng lingguwistikang kahulugan ng mga morpema, salita, parirala, at pangungusap.

Lesson 4: Introduksiyon sa Pananaliksik

Pananaliksik

  • Isang sistematiko, pormal, mahigpit at eksaktong prosesong ginagamit upang humanap ng mga lunas sa suliranin o makahanap at makapagbigay-kahulugan sa mga bagong kaalaman at kaugnayan.

  • Sa kabuoan, ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa katotohanan at kadahilanan ng mga likas na kaganapan sa pamamagitan ng siyentipikong pamamaraan.

Sa pagtahak sa katotohanan, kinakailangan ang sumusunod:

  • DATOS. Batayang yunit ng impormasyon.
  • IMPORMASYON. Mga pinag-uugnay na datos.
  • DETALYE. Mga naberipika na impormasyon
  • PALAGAY. Mga posibleng kaugnayan o pinagmulan ng mga detalye.
  • TEORYA. Mga nasubok na palagay.
  • PRINSIPYO, BATAS, O KATOTOHANAN. Mga napatunayang teorya.

Katangian na dapat taglayin ng isang pananaliksik

  1. Kontrolado. Ang mga baryabol o datos na pinag-aaralan ay hindi dapat manipulahin sapagkat magdudulot ito ng kawalang katiyakan at pagka-imbalido ng resulta ng pananaliksik.
  2. Balido. Masasabi na ang pananaliksik ay balido kung ito ay nakabatay sa katotohanan ng katibayan ng ebidensiya sa pamamagitan ng kakayahang idepensa o ipaliwanag ang mga ito.
  3. Sistematiko. Magkakasunod na hakbang sa pangongolekta at pag-aanalisa ng impormasyon o datos sa iisang layunin ang katangiang ito.
  • Prosesesong sinusunod- (1.) pagtukoy sa suliranin, (2.) pagrebyu ng mga impormasyon, (3.) pangongolekta ng datos, (4.) pag-aanalisa ng datos, (5.) pagbuo ng konklusyon at rekomendasyon.
  1. Obhektibo, Lohikal, at Walang Kinikilingan. Hindi dapat mabago o mabahiran ng personal na saloobin ang pagbibigay ng interpretasyon
  2. Empirikal. Matatag ang pananaliksik kung gagamitan ito ng mga empirikal na mga katibayan o kaalaman sa pamamagitan ng matamang pagmamasid o eksperimentasyon sa pagkuha o pagbuo ng mga impormayson.
  3. Mapanuri. Dumaraan sa masusing interpretasyon na walang bahaging pagkakamali ayon sa paggamit ng tamang estatistika at analitikal na pagbibigay interpretasyon mula rito.
  4. Pinagtitiyagaan o hindi minamadali. Pinaglalaanan ng sapat na panahon at paulit-ulit na pagrerebyu sa mga datos at resulta ng pananaliksik na may pag-iingat.
  5. Mapanghinala. Ang isang mananaliksik ay katulad ng isang magaling na imbestigador, lahat ay pinaghihinalaan hanggat hindi natatanggal ang pagdududa.
  6. Matanong. May mga datos na hindi makukuha sa iisang pinanggagalingan lamang, dapat ay tuntunin lahat ng piraso ng datos upang makabuo ng isang kahatulan.

Katangian ng mahusay na mananaliksik at mga balakid na maaaring kaharapin nito.

  1. Matiyaga. Ang datos ay hindi kusang lumalapit at lalong hindi kagyat na nakukuha.
  2. May paggalang sa kapuwa.
  3. Maingat. Pagkilala sa pinagmulan ng datos.

Mga uri ng pananaliksik batay sa panahon na pagkukunan ng datos

  • Deskriptib. Ginagamit kung ang datos na hinahanap ay maglalarawan sa kasalukuyang kalagayan ng isyu o paksang sinasaliksik.
  • Eksperimental. Ginagamit kung ang datos na hinahanap ay tutukoy sa epekto ng paksa o isyu na pinag-aaralan at karaniwang nangangailangan ng grupong lalapatan ng interbensiyon at tatayain ang pagbabagong naganap kontra sa grupong hindi nilapatan ng interbensiyon.
  • Historikal. Ginagamit kung ang datos na hinahanap ay maglalarawan sa kalagayan o kaganapan sa nakalipas na panahon.
  • Kwantiteytib
  • Kwaliteytib (grounded theory, etnograpiya, pinominograpiya, pinominolohiya)
  • Magkahalong pamamaraan

2 Uri ng pangangalap ng datos batay sa pinagmulan nito

  1. Hanguang Sekondarya. Makukuha sa mga aklat, dyornal, magasin, blog, tesis, disertasyon at iba pa.
  2. Hanguang primarya. Pagmamasid, pakikisalamuha, pakikipanayam, pakikipagtalakayan, paggamit ng sarbey.