Pop culture midterms reviewer
Unit 1: Introduksyon ng Kulturang Popular
A. Pag-aaral sa Kultura at Kahulugan ng Popular
1.1 Pag-aaral sa Kultura
Ang kultura ay isang mahalagang bahagi ng buhay ng tao na nakikita sa:
Wika
Pananamit
Pagkain
Relihiyon
Sining
Iba pang aspeto ng pamumuhay
1.2 Kahulugan ng Popular
Isang pang-uri na nangangahulugang:
Kinagigiliwan o nagugustuhan ng nakararami.
Ayon kay Br. Andrew Gonzalez:
Ang pagiging popular ay sumasalamin sa kasalukuyan o sa "ngayon."
B. Kahulugan ng mga Termino
Kultura: Binubuo ng katutubo at natatanging kaugalian, paniniwala, at batas ng isang bansa.
Popular: Kinagigiliwan, hinahangaan, o minamahal ng karamihan ng tao.
Identidad: Kalagayan ng pagiging magkatulad sa kalikasan o kalidad.
C. Konseptong Kontekstwal ng Kulturang Popular
1.3 Kahulugan ng Kultura
Tumutukoy sa:
Aktibidad ng sangkatauhan.
"Kaparaanan ng mga tao sa buhay" o paraan ng paggawa ng mga bagay.
Opinyon ng lipunan na makikita sa:
Wika
Aklat
Relihiyon
Musika
Pananamit
Pagluluto
Mataas na antas ng sining at araling pantao (kalinangan).
Binuong huwaran ng kaalaman, paniniwala, at ugali ng tao.
Pinagsasaluhang ugali, pagpapahalaga, at gawain sa isang institusyon, organisasyon, o pangkat.
Dalawang Gamit ng Kultura
Pang-uri (Adjective): sikat, uso
Sikat: kilala
Uso: tinatangkilik
1.4 Kahulugan ng Kulturang Popular
Malawak ang sakop nito sa buhay ng Pilipino, nagmula sa:
Pagsasanay ng banyagang kultura sa pananakop.
Ang elitista ang nagtatakda ng kulturang popular; ang gitnang uri at mahihirap ang nagpapauso.
Ayon sa UP Diksyunaryong Filipino:
“Kabuuang kaisipan, kaugalian, o tradisyon ng bayan at paraan ng pamumuhay.”
Halimbawa:
Ang pagbibigay ng regalo sa Valentine's Day
Dating hindi uso ngunit naging kaugalian dahil sa kulturang popular.
Kahalagahan ng Kulturang Popular
Nagpapadama ng pagtanggap ng nakararami.
Nagpapakita ng modernismo sa pamamagitan ng:
Produkto
Kultura mula sa malalakas na kumpanya at bansa.
Nagbibigay-depinisyon sa:
Kagandahan
Katanggap-tanggap sa lipunan.
Makikita sa:
Teknolohiya
Pagkain
Kasuotan
Musika
Paraan ng pagpapahayag ng identidad at pagsang-ayon sa isang kultura.
Katangian ng Kultura
Natutunan: Hindi likas, kundi natutunan mula sa lipunan.
Ibinabahagi: Naipapasa sa pamamagitan ng interaksyon.
Naangkop (Adaptable): Kayang mag-adjust ayon sa pangangailangan.
Dinamiko (Nagbabago): Patuloy na nagbabago ayon sa panahon at teknolohiya.
D. Wika at Kultura
Kahulugan ng Wika
Archibald Hill: "Ang wika ay pinaka-elaborate na anyong simbolikong pantao."
Webster: "Ang wika ay sistema ng komunikasyon sa pagitan ng tao."
Unit 2: Sinaunang Panahon at Generation Z: Ang Ugnayan ng Kolonyalismo at Kulturang Popular
Kulturang Popular
Ayon sa isang Persyanong kawikaan:
“History is a mirror of the past and a lesson for the present.”
Kolonyalismo ng nakaraan ay salamin ng kulturang popular sa kasalukuyan.
Popularisasyon ay aparatong kolonyalismo at komersyalismo (Nuncio, 2009).
Maraming pagkakapareho ang kolonyalismo at kulturang popular sa tuntunin ng:
Interes
Katangian
Layunin.
Kolonyalismo sa Sinaunang Panahon
Anyong dominasyon na may:
Direktang pananakop
Pagkontrol ng makapangyarihang bansa.
Salitang "kolonya":
Nagmula sa Latin "colonus" na nangangahulugang "magsasaka."
Karaniwang kasama ang:
Paglipat ng populasyon sa bagong teritoryo.
Ugnayan ng mga mandarayuhan at bansang pinagmulan.
Layunin ng kolonyalismo:
Kaganapan mula sa tao at likas na yaman.
Kolonyalismo sa Pilipinas
Tatlong beses nasakop:
Panahon ng Kastila (1521-1898)
Panahon ng Amerikano (1898-1946)
Panahon ng Hapon (1942-1945)
Panahon ng Kastila
1521: Dumating si Ferdinand Magellan.
Mula 1568-1898: Nasakop ang Pilipinas.
Layunin:
Ipalaganap ang Kristiyanismo.
Payamanin ang Espanya.
Palawakin ang kapangyarihan ng Espanya (Sauco, Papa, & Sta. Ana, 1997).
Mga Impluwensiya ng Kastila
Lenggwahe: Maraming salitang Kastila ang bahagi ng Filipino.
Numerasyon at Pera: Sistema ng pera batay sa piso.
Katolisismo: Pangalawang relihiyon.
Apelyido: Ipinag-utos ang paggamit ng apelyidong Kastila.
Edukasyon: Itinatag ang mga paaralang Katoliko; itinuro ang Matematik, Espanyol.
Pagkain: Ipinakilala ang trigo, mais, ham, kape.
Panahon ng Amerikano
Dumaong ang mga Amerikano noong 1898.
Mas pinairal ang edukasyon at demokrasya.
Instrumento ng kolonisasyon ay edukasyon.
Mga Impluwensiya ng Amerikano
Kalayaan sa Relihiyon: Binigyan ng kalayaan ang pagpili ng relihiyon.
Libreng Edukasyon: Nagpadala ng mga guro (Thomasites).
Ingles: Opisyal na wika sa edukasyon at negosyo.
Damit: Ipinakilala ang polo shirts at sapatos na pang-tennis.
Pagkain: Dinala ang hamburger, sandwich, at iba pang fast food.
Panahon ng Hapon
Inatake ang Pearl Harbor noong 1941; sumakop sa Pilipinas noong 1942.
Ito ay tumagal lamang ng tatlong taon.
Mga Impluwensiya ng Hapon
Wikang Filipino: Pinatigil ang paggamit ng Ingles sa mga paaralan.
Edukasyon: Itinuro ang diwa ng pagiging Asyano.
Disiplina at Pagtitipid: Kahulugan ng pagtitipid sa pagkain.
Generations
Silent Generation – Hindi tech-savvy.
Baby Boomers (1946-1964) – Auditory at visual learners.
Generation X (1965-1979) – Martial Law babies.
Generation Y (1980-1997) – Kabataan ngayon.
Generation Z (1998-present) – Prefers fast and instant results.
Characteristics of Generation Z
Focused
Entrepreneurial
Competitive
Independent
Unique
Pragmatic
Pandemic Culture (COVID-19 Era): face masks, social distancing, Zoom meetings, remote learning and work.
Unit 3: Mga Katangian ng Kulturang Popular at Mass Culture
Ang Kulturang Popular ay Ginagawa para sa Kita
Ginagamit sa negosyo dahil sa kakayahang kumita.
Produkto na may ekonomiyang halaga, nilikha upang bumenta.
Halimbawa: Paggamit ng ads para makaakit ng konsumer.
Key Figures
Socorro Ramos – National Book Store
Tony Tan Caktiong – Jollibee
Edgar Sia – Mang Inasal
Cresida Tueres – Greenwich Pizza
Milagros, Clarita, at Doris Leelin – Goldilocks
Joe Magsaysay – Potato Corner
Asiang Reyes – The Aristocrat
Araceli at Jun Manas – Hen Lin
Ang Kulturang Popular ay Transgresibo sa mga Kategorya
Iba’t ibang pananaw batay sa antas ng pamumuhay.
Pagkain: Mahihirap – street food; Mayayaman – mamahaling restaurant.
Damit: Mahihirap – ukay-ukay; Mayayaman – branded tulad ng Chanel.
Ang Kulturang Popular ay Ipinapalaganap sa Pamamagitan ng Teknolohiya
Teknolohiya at inobasyon para ipakalat ang kultura.
Media: print, broadcast, film.
Ang Kulturang Popular ay Pumapailanlang sa Nosyon ng Sado-Masokismo
Tumataas ang pamantayan ng mamamayan kasabay ng panahon.
Halimbawa: Nais ng kabataan ang pinakabagong smartphone.
Quantity vs. Quality in Popular Culture
Maraming mamimili ang hindi kayang bumili ng mahal.
Nagsisilbing simbolo di lamang ng kakayahan kundi ng imaheng ipinapakita ng produkto (Tolentino, 2019).
Ang Kulturang Popular ay Nanggagaling, Pangunahin, sa Sentro
Karaniwang nagmumula sa urban o sentro at inaangkop ng mga taga-rural.
Negosyo mula sa passion; potensyal para sa malaking kita.
Unit 4: Kapitalismo at pagkapit sa patalim
A. Pagpasok ng Multinasyunal na mga Kompanya sa Pilipinas
Malalaking kumpanya simula industriya at lumakas sa modernisasyon.
Ano ang Multinational Corporations (MNCs)?
May punong himpilan sa isang bansa ngunit operasyon sa iba.
Uri ng MNCs
Horizontally Integrated MNC – Magkapareho ang produkto sa bawat lokasyon.
Vertically Integrated MNC – Output ng isang pasilidad ay input ng ibang pasilidad.
Internationally Diversified MNC – Iba-ibang produkto ang output.
Transnasyonal Corporation (TNC)
Decentralized na istruktura ng pamamahala; may iba't ibang produkto.
Katangian:
Decentralized
Global operation
Autonomy sa lokal na unit
Pagpapalakas ng global na ekonomiya
Positibo at Negatibong Epekto ng MNCs
Positibo:
Nagdadala ng trabaho, pamumuhunan, at teknolohiya.
Nakakatulong sa paglago ng ekonomiya.
Negatibo:
Maaring samantalahin ang mga manggagawa.
Nagdudulot ng polusyon; umiwas sa pagbabayad ng buwis.
Halimbawa ng Mga Kumpanyang Pilipino sa Global Market
SM
Prime Holding
Emperador Inc.
Jollibee Foods Corp.
Universal Robina Corp.
San Miguel Food and Beverage
Petron Corp.
Ayala Land
Aboitiz Equity Ventures
B. Kontraktuwalisasyon at Subcontracting
Ano ito?
Kontraktuwalisasyon: Pansamantalang pagtatrabaho na walang benepisyo.
Subcontracting: Paglilipat ng gawain sa mas maliliit na kumpanya.
Batas na Nauugnay:
Labor Code of the Philippines (Presidential Decree 443, May 1, 1974): Nagbibigay proteksyon sa mga manggagawa.
Epekto:
Nagpapahina sa seguridad sa trabaho.
Pumipigil sa pagbuo ng unyon.
Labor-only Contracting
Walang sariling investment.
Gawain na nauugnay sa pangunahing industriya.
Endo (End of Contract)
5-5-5 Scheme: Pagpapalit ng kontrata kada 5 buwan para maiwasan ang regularisasyon ng empleyado.
C. Media at Industriya ng Pelikula bilang Consumer Items
Manipulasyon ng Media
Ginagamit upang impluwensyahan ang opinyon.
Komersyalisasyon ng Kultura
Korporasyon gamit ang media upang i-promote ang produkto.
Pagpapatawa at Kontra-Gahum
Satirical content bilang paraan upang punahin ang kapangyarihan.
D. Kritikal na Pagsusuri sa Industriya ng Pelikula
Mga Mahahalagang Yugto:
1919: Unang Pelikulang Pilipino: Dalagang Bukid ni Jose Nepomuceno.
1970s: Golden Age ng Pelikulang Pilipino.
Kasalukuyan: Paghihingalo ng Industriya; problema sa piracy.
E. Pornograpiya, Katawan, at Social Media
Mga Yugto ng Sensura sa Pelikula:
Bomba Films: Ginamit upang pabagsakin ang kabilang partido.
Sex Trip: May mataas na pamantayan; bawal sa kabataan.
Titillating Films: Pinayagan ang mas maraming hubad na katawan.
Mga Isyu:
Objectification: Ang katawan ay tinitingnan lamang bilang bagay.
Sekswal na Harassment: Hindi angkop na kilos na nagdudulot ng pang-aabuso.
Social Media at Cyberbullying: Ginagamit upang manakot, negatibong epekto sa online community.
Dalawang Pwersa na Nagtatakda ng Moralidad:
Industriya ng Pelikula: Komersyal sa lahat ng sining.
Sensura at Classification Board: Sinisigurong ang mga pelikula ay morally safe.
F. Kontra-Gahum
Buwanang publikasyon na tumatalakay sa mahahalagang usapin sa lipunan.
Gahum (Cebuano) = paghahari o hegemony.
Layunin: labanan ang mapaniil at mapang-abusong sistema.
G. Konklusyon: Pagkapit sa Patalim?
Paglago ng ekonomiya ay hindi nangangahulugang tunay na nakikinabang sa mga multinasyunal na korporasyon.
Mahalaga ang kolektibong pagkilos laban sa hindi makatarungang sistemang pang-ekonomiya.
Unit 5: Kulturang Popular at ang Beauty Products
Abstrak
Tinalakay ang konsepto ng pagkonsumo sa:
Tao sa produkto.
Tao sa kanyang sarili.
Produkto sa tao.
Negosyante sa kanilang mamimili.
Ginamit ang tuyo bilang simbolo ng taong natutuyo sa kulturang popular.
Panimula
Binibigyang-diin ang pagsasaprodukto sa tao; nagiging bagay sa kapitalistang lipunan.
Pananaw ng Sikolohiyang Pilipino sa kaluluwa at ginhawa.
Ang Pagkatuyo ng Labas, Loob, at Lalim ng Tao
Batay kay Covar (1998): ang pagkatao ng Pilipino ay may labas, loob, at lalim:
Labas: Mukha, Dibdib, Tiyan, Sikmura
Loob: Isipan, Puso, Bituka, Atay
Lalim: Kaluluwa, Budhi
Ang Mukha ng Tao Bilang Materyal na Kumokonsumo
Ang mukha ay unang tinitingnan; nakatuon sa mga produktong pampaganda.
Limang mukha sa kulturang popular:
Likas na Mukha – Orihinal na mukha, tinuturing na "tuyo."
Mukhang Pinaunlad – Pinaganda sa pamamagitan ng produkto.
Mukha ng Kaisipan – Nagpapasya kung anong produkto ang bibilhin.
Mukha ng Kalooban – Sensitibong bahagi ng mukha, naglalaman ng damdamin.
Mukha ng Pera – Nagpapagana sa lahat ng mukha.
Ang Katawan ng Tao Bilang Materyal na Kumokonsumo
Ang katawan ay hindi buo kung wala ang mga produktong nagpapaganda.
Fighting third are more important than Appearance:
Pampapayat at iba pang cosmetic surgery.
Eskima ng Filterismo: Paano Natutuyo ang Tao?
Eskima 3.0: Process from "tuyo" to "buhay" through products.
Limitasyon ng produkto; bumabalik sa pagiging tuyo.
Ang Pagkatuyo sa Kulturang Popular
Isdang tuyo: metapora ng tao.
Tinataguyod ang pagkakaalis ng natural na sarili sa kulturang popular.
Konklusyon
Sa kulturang popular, ang tao ay produkto at ang produkto ay tao.
Patuloy na bumibili para buhayin ang katauhan ngunit patuloy na natutuyo.
Unit 6: Shopping Mall
Buod ng Shopping Mall
Ang shopping mall ay mahalagang parte ng buhay; nagbibigay ng pahinga at pamimili.
Ano ang Shopping Mall?
Pakikihalubilo sa pamamagitan ng pamimili at paglilibang.
Mga Uri ng Shopping Mall (Korgaonkar, 2007)
Average Shopping Mall – Mas mababa sa 400,000 sq. ft.
Regional Shopping Mall – 400,000-800,000 sq. ft.
Super-Regional Shopping Mall – Higit sa 800,000 sq. ft.
Strip Mall – Matatagpuan sa suburban area.
Mga Implikasyon ng Shopping Mall
Promo at Discounts
Nakakaaliw na Karanasan
Lokasyon at Transportasyon
Disenyo ng Mall
Kalinisan at Seguridad
Impormasyon ng Produkto
Libangan o Entertainment
Mga Layunin ng Pamimili sa Shopping Mall
Makabuluhang Pamimili (Utilitarian Shopping)
Paglilibang at Kasiyahan (Hedonic Shopping)
Sirkulasyon at Disenyo ng Shopping Mall
Transition Zone: Lugar para bumagal ang kilos ng mamimili.
Epekto ng Butt-Brush: Masisikip na espasyo ay di komportable.
Chevroning: Pag-display sa tamang anggulo.
Karagdagang Mahahalagang Bahagi ng Shopping Mall
Upuan sa looban ng mall: para pahingahan.
Fitting Room: Dapat maayos ang lokasyon.
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Bawat Shopping Mall
Kasiyahan ng Kostumer
Kalidad ng Serbisyo
Kaginhawaan
Kapaligiran ng Mall
Quality ng serbisyo ng mga retailer
Mga Reward
Tatlong Kategorya ng Entertainment Activities sa Mall
Pagkonsumo
Pakikilahok sa Aktibidad
Sosyal na Aktibidad
Mga Preperensya sa Shopping Mall
Tenant Preference
Lokasyon
Iba’t Ibang Klase ng Tenant
Pitong Pangunahing Faktor sa Pagpili ng Shopping Mall
Karanasan sa Serbisyo
Panloob na Kapaligiran
Kaginhawaan
Utilitarian Factors
Acoustic Factors
Kalapitan
Demonstrasyon
Konklusyon
Ang kaakit-akit ng shopping mall ay nakadepende sa maayos na pamamahala, kalidad ng serbisyo, disenyo, at kaginhawaan.
Dapat tutukan ang customer satisfaction, tenant management, at entertainment activities.