Araling Panlipunan 10 Notes
Mga Sanggunian Tungkol sa Kontemporaryong Isyu
- Pahayagan
- Magasin
- Radyo
- Telebisyon
- Internet
- Impormal na Talakayan (sa bahay o sa Komunidad)
- Pormal na Talakayan (sa Paaralan o sa pamayanan)
Mga Uri ng Dokumento
- Dokumento: Mga bagay o usaping nakasulat sa papel.
- Pampublikong dokumento.
- Personal/pribadong dokumento.
- Halimbawa: Ulat pampamahalaan, Batas/Ordinansa, Talaarawan, Talambuhay, Autobiograpiya.
- Pahayagan o Ulat ng Gobyerno: Publikasyon na naglalaman ng balita, tampok na kwento, komentaryo, anunsyo at iba pa na inilalathala araw-araw.
- Halimbawa: Broadsheet, Tabloid, Magasin, Editorial Cartoon, Editorial, News Report.
- Larawan: Larawang Likha sa pamamagitan ng Potograpiya.
- Kasaysayang Pasalita o Pasulat: Pagtatala ng pagkakaalala, salaysay at interpretasyon ng isang tao na nabuhay sa nakaraan o nakasaksi sa isang pangyayari gamit ang pagrerecord o pagsusulat.
- Digital: Mga tala sa internet o mga kagamitang digital
- Halimbawa: Facebook Account, Twitter, E-mail, Text Messages, Online site, Online page.
- Quantitative Data/Statistics: Mga pananaliksik na nagpapakita ng mga quantitative na mga datos; madalas na nakatable o nakagrapiko.
- Halimbawa: Census, Surveys, Statistical Reports, Pictographs.
Primarya at Sekundarya
- Primarya: Pinagkukunan ng orihinal na tala ng mga pangyayari ang isinulat o ginawa ng taong nakaranas sa mga ito.
- Sekondarya: Mga impormasyon o interpretasyon batay sa primaryang pinagkunan o ibang sekondaryang sanggunian na inihanda o isinulat ng taong walang kinalaman sa mga pangyayaring tinala.
Kontemporaryong Isyu
- Maraming suliraning kinakaharap ang ating bansa ngayon. Ang ilan sa mga suliraning nararanasan ng bansa ay maituturing na kontemporaryong isyu.
Konsepto ng Kontemporaryong Isyu
- Ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa anumang pangyayari, ideya, opinyon, o paksa sa kahit anong larangang may kaugnayan sa kasalukuyang panahon.
- Ito ay sumasaklaw sa kahit anong interes ng mga tao.
- Mga kontemporaryong isyung panlipunan: halalan, terorismo, at rasismo
- Mga kontemporaryong isyung pangkalusugan: sobrang katabaan, kanser
- Mga kontemporaryong isyung pangkapaligiran: mga polusyon (tubig, hangin, ingay, at iba pa)
- Mga kontemporaryong isyung pangkalakalan: globalisasyon, mga online na babasahin
Isyu
- Ang salitang isyu ay nangangahulugan ng mga paksa, tema o suliraning nakakaapekto sa lipunan. Ito ay napag-uusapan, nagiging batayan ng debate, at may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan. Hindi lahat ng negatibo at nagiging suliranin may ilang isyu rin na may positibong epekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan.
- Kontemporaryong isyu ang tawag sa pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan bansa o mundo sa kasalukuyang panahon. Ang mga isyung ito ay maaaring may kaugnayan sa mga temang tulad ng lipunan, karapatang pantao, relihiyon, ekonomiya politika, kapaligiran, edukasyon o pananagutang pansibiko at pagkamamamayan.
- Para maituturing ang isang pangyayari o suliranin ng kontemporaryong isyu ito ay:
- Mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan
- May malinaw na epekto o impluwesiya sa lipunan o sa mga mamamayan
- Nagaganap sa kasalukuyang panahon o May matinding epekto o impluwesiya sa takbo ng kasalukuyang panahon
- Mga temang napag-uusapan at maaring may maganda o positibong impluwensiya o epekto sa lipunan
Mga Kasanayan
- Katotohanan: Totoong pahayag o pangyayari na pinatutunayan ng mga aktuwal na datos Totoong pahayag o pangyayari na pinatutunayan ng mga aktuwal na datos
- Opinyon: Kuro-kuro, palagay o haka-haka na nagpapahiwatig ng saloobin at kaisipan ng tao tungkol sa inilahad na katotohanan.
- Bias: Mga pahayag na may kinikilingan o kinakampihan. Ang paglalahad ay dapat balanse. Kailangang ilahad ang kabutihan at ang hindi kabutihan ng isang bagay.
- Hinuha: Isang pinag-isipang hula o educated guess tungkol sa isang bagay.
- Paglalahat: Hakbang kung saan binubuo ang mga ugnayan ng mga hindi magkakaugnay na impormasyon bago makagawa ng kongklusyon.
Kahalagahan Para sa Mag-aaral ng Kamalayan
- Nalilinang ang kritikal na pag-iisip
- Naiuugnay ang sarili sa isyu
- Napahahalagahan ang mga tauhan, pangyayari, at isyu
- Nahahasa ang iba't ibang kasanayan at pagpapahalaga
- Isa sa mga batis ng mga kontemporaryong isyu ay ang print media.
- Inirerekomenda ng mga eksperto ang paggamit nito sapagkat nahuhubog nito ang kasanayan sa pagbabasa at pag-unawa.
- Sa pagbabasa, nahuhubog din ang kasanayang pangwika at panggramatika.
- Idagdag pa, nagiging bihasa sa pakikipagtalastasan at pakikinig.
- Sa dulo nito, makabubuo ng lipunang mulat, mapanuri, at matalinong tumutugon sa mga hamon ng kontemporaryong isyu.
Kahalagahan ng Kamalayan sa Kontemporaryong Isyu
- Ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig ay nakatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan.
- Bukod sa kaisipan, lalawak din ang koneksiyon ng "sarili" sa lipunan sapagkat mas maiintindihan ang mundong ginagalawan gamit ang kasalukuyang konteksto.
- Makatutulong din ito upang mapalawak ang pundasyon ng kaalaman. Mapabibilis at mapabubuti ang pagbuo ng mga desisyon sapagkat naaangkop ang kaalaman sa kasalukuyan.
- Bukod dito, mas madaling nakaaangkop sa kapaligiran sapagkat batid na ang mga kaganapan sa lipunan.