1st Preliminary

PANITIKANG MEDITERRANEAN

Panitikan

-           ay kahit anong nasusulat na gawa ng tao.

-           ay ginagamit ng mga tao upang magpahayag ng kanilang mga nararamdaman , mga naiisip, mga karanasan, at mga hangarin sa pamamagitan ng pagsulat.

-           ay tinatawag ding literatura., ito ay nagmula sa salitang Latin na “Litera” na nangangahulugang “titik”

-           ay nanggaling sa salitang ugat na “Titik” na dinagdagan ng panlaping “pang- at an” Samakatuwid,ito ay pinaikling salita na PANG+TITIK+AN”

Mitolohiya

-           Mula sa kabatirang pampanitikan, ito ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga mito (Myth) at alamat.

-           Naglalahad ng kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa isang partikular na lugar.

-           Tinutukoy nito ang kasaysayan ng mga diyos at Diyosa na sinasamba noong unang panahon.

KAHALAGAHAN NG MITOLOHIYA

Sining:

-           Ang mitolohiya ay nakakatulong sa mga pintor, manlililok at arkitekto para sa ikagaganda at ikauunlad ng kultura na kinapapalooban ng mga tradisyon, kaugalian at paniniwala.

Lipunan:

-           Sa kuwentong mitolohiya ay nagiging mapanaliksik ang mga tao para sa ikauunlad ng mga gawaing panlipunan.

Pananampalataya:

-           Sa pamamagitan ng kuwentong mitolohiya ay nabibigyang buhay at lalong umuunlad ang paniniwalang panrelihiyon at nagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos.

Kabuhayan:

-           Dahil sa kaalaman ng tao tungkol sa mitolohiya ay nagkakaroon tayo ng sapat na kakayahan at pagtitiwala sa sarili dahil sa magandang halimbawa na ipinakita ng mga diyos at diyosa kaya’t ang tao ay nagkakaroon ng lakas ng loob sa pakikibaka sa hamon ng buhay.

 

Mito/Myth

-           ay nagmula sa salitang latin na mythos, at muthos naman mula sa gresya, na ang kahulugan ay kuwento.

-           Ang mga kuwentong ito ay representasyon ng marubrob na pangarap at takot sa mga sinaunang tao.

1. Zeus (Gresya) Jupiter (Romano)

-           ang hari ng mga diyos, diyos ng kalawakan at ng panahon, tagapagpasura ng mga sinungaling at hindi marunong tumupad sa pangako.

-           Kulog at kidlat ang kaniyang mga sandata.

2. Hera (Gresya) Juno (Romano)

-           ang asawa ni zeus/Jupiter, at kinikilalang reyna ng mga diyos.

-           ang tagapangalaga ng pagsasama ng mag-asawa.

3. Poseidon (Gresya) Neptune (Romano)

-           ang kapatid ni Zeus/Jupiter.

-           Sa kaniya ibinigay ang karangalang maging hari ng karagatan.

-           simbolo niya ay ang trident na sagisag ng kaniyang kapangyarihan, lindol at kabayo ang kaniyang simbolo.

4. Hades (Gresya) Pluto (Romano)

-           ang isa pang kapatid ni zeus/Jupiter.

-           Sa kaniya ipinagkatiwala ang mundo ng kadiliman o ang mundong hindi makikita rito sa ibabaw.

-           ang pinatutungkulang hari ng impyerno

5. Ares (Gresya) Mars (Romano)

-           ang kinikilalang diyos ng digmaan.

-           Iniuugnay siya sa ibong buwitre na handing pumatay at kumain ng kaaway.

6. Apollo (Gresya) Apollo (Romano)

-           ang diyos ng propesiya, ang diyos ng liwanag at ng araw, ang diyos ng musika at panulaan, diyos din siya ng salot at paggaling.

-           simbolo niya ay dolphin at uwak.

7. Athena (Gresya) Minerva (Romano)

-           ang diyosa ng karunungan at digmaan, ngunit siya rin ang diyosa ng katusuhan

-           ang simbolo niya ay ibong kuwago.

8. Artemis (Gresya) Diana (Romano)

-           ang diyosa ng buwan; gayundin, siya ang diyosa ng pangangaso at mga hayop na naliligaw

9. Hephaestus (Gresya) Vulcan (Romano)

-           ang diyos ng apoy, bantay ng mga diyos.

10. Hermes (Gresya) Mercury (Romano)

-           ang diyos na mensahero sapagkat tilay may pakpak ang kaniyang mga paa.

-           ang diyos ng paglalakbay at ng siyensiya.

11. Aphrodite (Gresya) Venus (Romano)

-           ang diyosa ng kagandahan at pag-ibig.

-           kalampati ang ibong iniuugnay sa kanya

12. Hestia (Gresya) Vesta (Romano)

-           ang kapatid na babae ni Zeus/Jupiter.

-           ang tinatawag na diyosa ng apoy.

 

PANDIWA

-           ay tumutukoy sa salitang naglalarawan sa kilos o galaw ng isang tao, hayop, bagay, o pangyayari.

Simuno

-           (subject) ay tumutukoy sa tao, hayop, bagay, o konsepto na gumagawa ng aksyon o nagtataglay ng katangian na inilalarawan ng panag-uri sa pangungusap.

Panaguri

-            ay nagsasaad ng aksyon, katayuan, o katangian ng simuno. Ito ay maaaring maging isang pandiwa (verb) na nagsasaad ng aksyon, o isang pang-uri (adjective) o pang-abay (adverb) na nagsasaad ng katangian o katayuan ng simuno.

A.        Bilang kilos, aksyon, o galaw

-           Ang pandiwa ay maaring gamitin bilang aksyon, kilos, o galaw kapag may actor o tagaganap ng gagawa ng aksyon. Maaring ang tagaganap na ito ay tao o bagay.

*Nabubuo ang nasabing uri ng pandiwa sa pamamagitan ng mga panlaping makadiwa

-um-/um, mma-, mag-, maki- mag-an/-han, o ipa

B.        Bilang pangyayari o proseso

-            Ang pandiwa ay maihahanay sa mga pangyayari o isang proseso kapag nagpapahiwatig ng naapektuhan na naturang proseso o pangyayari ang tatanggap ng kilos. Maaring ang pandiwa o salitang kilos ay sadya, likas, o di-likas. Tatawaging “tagatanggap” ng proseso (o pangyayari) ang bagay na naapektuhan.

-             

C.        Bilang karanasan o damdamin

-           Nagpapahayag ng Karanasan ang pandiwa kapag may damdamin o saloobing ipinakikita. Kaakibat nito ang  “tagaranas” ng damdamin o saloobing inihuhudyat ng pandiwa

 

PARABULA

-           ay isang uri ng salaysay na sumusunod sa mga elemento ng maikling kuwento

-           ay kuwentong hango sa bibliya

-           naglalaman ito ng mga talinghaga at nagtuturo ng aral

-           uri ng kuwentong ginagamit ng ating Panginoong Hesukristo sa kaniyang pangangaral

Paggamit ng Berbal at Di Berbal na Pakikipagtalastasan

Komunikasyon - ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo.

*Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan ang komunikasyon. Ito rin ay ang interaksiyon ng mga tao sa isa't isa.

Komunikasyong Berbal - ay komunikasyong gumagamit ng wika maaring pasulat o pasalita. Pasulat ang uri ng komunikasyong nababasa, at pasalita naman yaong nagbibigkas at naririnig.

Komunikasyong Di Berbal - ay komunikasyon hindi gumagamit ng wika. Kilos at galaw ng katawan o bahagi ng katawan ang ginagamit sa pakikipagtalastasan, tulad ng ekspresyon ng mukha , galaw ng mata,paa at kumpas ng kamay, at iba pa.

 

Antas ng Komunikasyon

Komunikasyon Intrapersonal

-           isang tao ay nasa proseso ng pagdedesisyon sa kaniyang sarili tungkol sa isang bagay na dapat niyang gawin o lutasin.

Komunikasyon Interpersonal

-           ito ang  antas ng komunikasyong namamagitan sa dalawang tao o mahigit pa

-           halimbawa nito ay ang interbyu at pakikipag-usap sa telepono

Komunikasyong Pampubliko

-           Ang pagbigkas ng talumpati o anumang pasalitang pagpapahayag sa maraming tao tulad ng seminar, kumpresya at kauri nito ay nasa antas pampubliko.

Komunikasyon Pangmasa

-           ang nagsasalita ay gumagamit ng kasangkapan pangmasa upang maipaabot ang mensahe sa napakaraming tagapakinig.

Komunikasyon Pang-organisasyon

-           ay may layuning mapabuti o magpaunlad ng isang organisasyon.

Komunikasyon Pangkaunlaran

-           ay may layuning makatulong sa mabilis na pag-unlad ng bansa

Komunikasyong Pangkultura

-           ang layunin ay maghatid ng mensahe tungkol sakultura

 

PAGSASALAYSAY

-           o narrative, ay isang paraan ng pagpapahayag kung saan ang mga karanasan, pangyayari, o kwento ay inilalahad sa isang maayos at organisadong pamamaraan.

-           Isa sa pinakakilalang anyo ng pagpapahayag dahil sa likas na hilig ng tao na magbahagi ng mga kwento at karanasan sa iba.

Pagkilala sa mga Elemento ng Mainam na Pagsasalaysay

-           PANAHON

-           KAHULUGAN

-           KAAYUSAN

-           PANANAW

-           DIYALOGO

Paggamit ng mga Pang-ugnay sa Pagsasalaysay

·          Una sa lahat, Pagkatapos, Panghuli, Sumunod, Tapos, Sa Pangkalahatan

Pang-angkop - ginagamit na pang-ugnay ng salitang nagtuturing o sa tinuturingan.

Pangatnig - nag-uugnay ng mga salita, parirala o pangungusap upang mabuo ang pagpapahayag

Pang-ukol - ang tawag sa kataga o salitang nag-uugnay ng pangngalan sa iba pang mga salita sa loob ng pangungusap

 

ANG SINAUNANG GRESYA

- ay matatagpuan sa dulo ng tangway ng Balkan sa timog-silangang Europa. Pinaliligiran ito ng tatlong dagat na nagsisilbing hangganan ng mga lupain. matatagpuan ang dagat Egeo sa silangan, ang Dagat Honiko sa kanluran, at ang Dagat Mediteraneo sa timog. Ang golpo ng Corinth ang nagdurugtong sa halos magkahiwalay na relihiyon ng Peloponnesus at Attica. Ang malaking bahagi ng sinaunang Gresya ay bulubundukin. Naging hadlang ito sa pakikipagtalastasan sa mga sumibol na lungsod estado. Naging mabagal ang pagpasok ng iba't ibang kaisipan at teknolohiya rito. Gayunpaman, nakabuti rin ang pisikal na katangiang ito dahil napanatili nito ang natatangi nitong kultura. May mga kapatagan din dito na matatagpuan sa Thessaly (sa Attica), Bocotia (sa gitnang Gresya), at Messenra (sa Peloponnesus) na nasa timog ng tangway ng Gresya.

Sanaysay

- ay isang anyo ng panitikan na naglalahad ng kuro-kuro o opinion ng may-akda sa isang paksa. Hango sa salitang Pranses na essayer na ang ibig sabihin ay “subukan” o “Tangkain,” nagsimula makilala ang mga sanaysay sa mga sulatin ni Michael De Montaign.

- Sa Asya

   - ito ay nakilala sa mga sulatin ni Confucius na “Analects” at sa mga sulatin ni Lao-Tsu na “Tao Te Ching” Sa hapon nakilala ang mga sanaysay mula sa katha ni kenko sa “Mga Sanaysay sa Katamaran.”

Alejandro Abadilla

- inilarawan niya ang sanaysay bilang “nakasulat na karansan na isang sanay sa pagsasalaysay.”

- ang kahulugan ng sanaysay para sa kanya ay maituturing na sanaysay ang mga pormal na sulatin tulad ng panunuring pampanitikan. Ayon din sa kanya maraming uri o kategorya ang sanaysay. Ang halimbawa ng pormal na sulatin ay ang thesis, ito ay ginagawa ng mga mag-aaral na kailangan sa kanilang akademya, isa pa rito ay ang exam o eksam ginagawang pagsusulit ng mga estudyante.

Genoveva Edroza-Matute

- ay isang kilaláng kuwentista, mananaysay, at guro sa Filipino.

- isinilang siya sa Maynila noong 3 Enero 1915 kina Anastacio Edroza at Maria Magdalena Dizon. Naging asa- wa si Epifanio Gar. Matute, ang lumikha ng sikat na programa sa radyo at serye sa telebisyon na Kuwentong Kutsero noong dekada 50. Nag-aral siyá sa Manila North High School (ngayon ay Arellano High School), Philippine Normal School (PNS), Philippine Normal College (PNC na Philippine Normal University ngayon), at University of Santo Tomas.

- Ang ilan sa mga kinatha niyang maikling kuwento ay “Leave-taking” at “Land of the Bitter” na nailathala sa Manila Post Sunday Magazine at sa Manila Post Monthly. Ngunit higit siyáng kinagiliwan sa kaniyang mga kuwen- tong nagsusuri sa sikolohiya ng batà at hinggil sa karanasan ng guro, gaya ng “Walong Taong Gulang,” “Noche Buena,” “Kuwento ni Mabuti,” at “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata.” Nailathala ang kaniyang antolohiya ng maiikling kuwento at sanaysay sa Ako’y Isang Tinig noong 1952; ang ilan pang sumunod na koleksiyon ay nasa Piling Mga Maiikling Kuwento 1939–1992, Sa Anino ng EDSA at Iba Pang Mga Kuwento, at Tinig ng Damdamin. Nakapaglathala din siyá kasama ng kaniyang asawa sa Mga Pagpapahalagang Pilipino sa Mga Akda: Mga Kuwento, Mga Sanaysay, Mga Dula noong 1992.

Pormal na sanaysay

- ay naglalahad ng paksa sa paraang maayos at bunga ng maingat na pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at kaisipan.

- Madalas nating mabasa o mapakinggan ang mga pormal na sanaysay sa isang intelektwal na kaligiran tulad sa mga klase sa pagsusulat, simposya, lektyur, sermon at mga talumpati. 

Impormal na sanaysay

- ay ginagamit ng estilong sumasalamin sa personalidad ng may katha.

- Samantala sa personal o impormal na sanaysay, binibigyan ng kalayaan ang mananaysay sa kaniyang pagkatha batay sa kaniyang karanasan at kung paano niya isinasabuhay ang karanasang ito.

Mga layunin na nais iparating ng may akda

-           Pasalaysay

-           Naglalarawan

-           Kritikal o mapanuri, gaya ng editorial

-           Nagbibigay ng payo o nagpapaalala

-           Makasyensya

-           Sosyopolitikal

-           Pangkalikasan

Pagsulat ng Sanaysay

Makabuluhang paksa- Pumili ng paksang makapupukaw sa inters ng mga mambabasa, tulad ng mga paksang nauukol sa panlipunan, kaugalian, makabagong kagamitan at iba pang paksang makahihikayat sa madla.

May Kaisahan- kailangang may pokus ang pagtalakay at maayos ang pagkakahanay ng mga salita.

Tamang pananalita- Gumagamit ng mga piling salita sa paglalahad ng paksa na naayon sa layunin ng sanaysay

Makatawag-pansin ang pamamaraan- Ilahad ito sa masining na pamamaraan mula sa panimula,gitna at wakas na malinaw na naghahabi ng kabubuan ng sanaysay.

Paggamit ng Internet Bilang Batis ng Impormasyon

* Ang Internet (kilala bilang "ang Net o "Web") ay isang interactive medium ng mass media, isang network ng mga network. Ang buong mundo ay nakakakonekta sa network ng mga interconnected network computer na nagpapadala ng data sa pamamagitan ng packet switching, gamit ang karaniwang Internet Protocol (IP). Binubuo ito ng milyon- milyong maliliit na domestiko, akademiko, negosyo, at pamahalaan sa mga network, na Sama-samang isinasakatuparan ang iba't ibang impormasyon at mga serbisyong tulad ng e-mail, online chat, paglipat ng file, at ang interlinked na mga web page at iba pang mga dokumento ng World Wide Web.

* Ang pagkakatuklas ng Internet ay nagbigay-daan din upang paghiwa-hiwalayin aig mga kuwento ng balita upang maipaabot sa buong mundo sa loob ng ilang minuto lamang. Ito ang mabilis na paghahatid nang madalian, desentralisadong komunikasyon ng mga bagay-bagay na dapat malaman ng madla at anumang pagbabago sa lipunan at sa buong mundo. Ang Internet ay mabilis na nagiging sentro ngayon ng mass media. Ang lahat ng nais malaman o mabatid at nais mapuntahan ay nagagawa sa pamamagitan ng Internet. Ang mga mag-aaral na nangangailangan ng mga impormasyon sa kanilang mga takdang-aralin o anumang report o paksa sa paaralan ay madaling nakapananaliksik sa pamamagitan ng Internet at pag-link sa iba't ibang web site. Ang mga mamamayang nais makaalam ng mga nagaganap sa paligid ay maaaring mag-log sa Internet upang makakuha ng mga balitang gusto nila.