(Q1) AP Week 1.docx
Araling Panlipunan 8
Quarter 1 Week 1
ANG MGA TEORYANG PINAGMULAN AT PAGKAKABUO NG MGA KONTINENTE SA DAIGDIG
A. Continental Drift Theory (Alfred Wegener)
- Ipinanukala noong 1912
- Ayon kay Wegener, dati ay iisa lamang ang lupa sa mundo na tinatawag na Pangaea.
- Nahati ito sa dalawang malalaking masa: Laurasia (Hilaga) at Gondwana (Timog), na unti-unting naghiwa-hiwalay at naging mga kontinente ngayon.
- Ebidensya:
- Magkakatulad na fossil sa magkabilang panig ng Atlantiko
- Hugis ng mga kontinente na parang puzzle
- Pagkakapareho ng mga batong-buhay (rock formations)
B. Plate Tectonics Theory
- Modernong pagpapaliwanag sa Continental Drift
- Ang crust ng daigdig ay binubuo ng malalaking bahagi na tinatawag na tectonic plates na lumulutang sa mantle.
- Ang mga plate na ito ay gumagalaw kaya nagkakaroon ng:
- Lindol
- Bulkan
- Pagbuo ng kabundukan
- Pagkakabuo ng mga kontinente at karagatan
ANG MGA PITONG KONTINENTE SA DAIGDIG
Ang kontinente ay malalaking masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig na magkakahiwalay ayon sa lokasyon at katangiang pisikal. May pitong kontinente sa mundo: Asya (pinakamalaki), Africa, North America, South America, Antarctica, Europe, at Australia (pinakamaliit). Mahalaga ang pag-unawa sa hangganan ng mga kontinente at karagatan upang matukoy ang lokasyon, paggalaw, at ugnayan ng mga bansa sa daigdig. Ang pag-unawa sa mga kontinente ay pagtuklas sa koneksyon ng mundo — bawat lupain ay may kuwento, bawat hangganan ay may aral.
Ang Asia ang pinakamalaki, habang ang Australia naman ang pinakamaliit. Ang mga kontinente ay may kanya-kanyang katangian, ngunit lahat sila ay napapalibutan ng iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan at dagat.
- Asia – Napapalibutan ng Arctic Ocean sa hilaga, Pacific Ocean sa silangan, at Indian Ocean sa timog; Ang kontinenteng may pinakamalaking sukat at populasyon sa mundo.
- Africa – Napapalibutan ng Mediterranean Sea sa hilaga, Atlantic Ocean sa kanluran, at Indian Ocean sa Silangan; Ang pangalawang pinakamalaking kontinente sa mundo sa sukat at populasyon. Nagtataglay ng pinakamaraming bansa, at pinagmumulan ng malaking suplay ng ginto at diyamante.
- North America – May Pacific Ocean sa kanluran, Atlantic Ocean sa silangan, at Arctic Ocean sa hilaga; Ang ikatlo sa pinakamalaking kontinente sa daigdig. May hugis na malaking tatsulok subalit mistulang pinilasan sa dalawang bahagi ng Hudson Bay at Gulf of Mexico.
- South America – May Atlantic Ocean sa silangan at Pacific Ocean sa kanluran; Ang ikaapat sa pinakamalaking kontinente sa daigdig. May hugis tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula sa bahaging ekwador hanggang sa Cape Horn sa katimugan.
- Antarctica – Napapalibutan ng Southern Ocean; Ang ikalimang pinakamalaking kontinente sa mundo. Ang tanging kontinenteng natatakpan ng yelo. Dahil dito, walang taong naninirahan sa Antarctica maliban sa mga siyentistang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol dito. Gayunpaman, sagana sa mga isda at mammal ang karagatang nakapalibot dito.
- Europe – Napapalibutan ng Atlantic Ocean, Mediterranean Sea, at Arctic Ocean; Ang ikalawa sa pinakamaliit na kontinente at ikatlo sa pinakamataong kontinente sa daigdig.
- Australia – Napapaligiran ng Pacific Ocean sa silangan at Indian Ocean sa kanluran; Ang pinakamaliit na kontinente sa mundo.
Ang kaalaman sa mga kontinente at karagatan ay mahalaga sapagkat nagbibigay ito ng malinaw na gabay sa lokasyon ng mga bansa at rehiyon. Sa pamamagitan nito, mas madaling matutukoy ang mga mahahalagang lugar o landmark sa daigdig at masusuri ang kanilang papel sa kasaysayan.
MGA LIMANG TEMA NG HEOGRAPIYA
- Lokasyon – tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig na may dalawang pamamaraan sa pagtukoy: ang lokasyong absolute na gamit ang mga imahinasyong guhit tulad ng latitude line at longitude line na bumubuo sa grid at ang relatibong lokasyon na ang batayan ay mga lugar at bagay na nasa paligid nito. Sinasagot nito ang katanungang Saan ito?
- Lugar – tumutukoy sa mga katangiang natatangi sa isang pook na may dalawang pamamaraan sa pagtukoy: katangian ng kinaroroonan (pisikal na katangian gaya ng likas na yaman, vegetation, landforms at katubigan) at katangian ng mga taong naninirahan (kaugalian, kabuhayan, paniniwala). Sinasagot ang tanong na Ano ang mayroon dito?
- Rehiyon – bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o kultural, ekonomiko at politikal
- Interaksiyon ng tao at kapaligiran – ang kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang taglay ng kaniyang kinaroroonan.
- Paggalaw – ang paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar; kabilang din dito ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari tulad ng hangin at ulan. May tatlong uri ng distansiya ang isang lugar: Linear kung gaano kalayo ang isang lugar; Time kung gaano katagal ang paglalakbay at Psychological kung paano tiningnan ang layo ng lugar.
MGA ANYONG LUPA AT ANYONG TUBIG
A. Anyong Lupa
- Kabundukan – Himalayas (pinakamataas), Andes, Rockies
- Bundok – Mt. Everest (pinakamataas sa mundo), Mt. Fuji
- Bulkan – Mayon Volcano
- Talampas – Tibetan Plateau
- Kapatagan – Indo-Gangetic Plain, Great Plains
- Burol – Chocolate Hills (Pilipinas)
- Lambak – Nile Valley
- Disyerto – Sahara (pinakamalaki sa mundo)
- Isla – Hundred Islands
B. Anyong Tubig
- Karagatan – Pacific (pinakamalaki), Atlantic, Indian, Arctic
- Dagat – South China Sea, Mediterranean Sea
- Ilog – Nile (pinakamahaba), Amazon, Yangtze, Huang Ho
- Talon – Kuang Si Waterfalls (Laos)
- Lawa – Caspian Sea (pinakamalaking lawa), Lake Baikal (pinakamalalim)
- Look, Golpo, Kipot – Gulf of Mexico, Strait of Gibraltar
C. Klima at Panahon
- Tropikal, Disyerto, Polar, Temperate, Continental
- Naaapektuhan ng latitud, altitud, hangin, at anyong lupa